"Hala wala na! May nanalo na!"
"Sigurado maraming pasabog 'to!"
"Ang ganda mo po!"
Nahinto ang mga kaklase namin sa kanilang ginagawa at natulala na lang nang makapasok kami. I looked at Hestia and she's smiling from ear to ear kaya ngumiti na rin ako. Medyo inalalayan ko s'yang umupo dahil sa suot n'ya at hindi rin nagtagal ay pumasok na ang iba pang magtatanghal ngayong araw.
"Galingan mo ah? Lampasuhin mo sila lahat HAHAHAHHA set the standards," natatawang bulong ko sa kanya.
"Of course! Hindi ko 'to pinaghandaan nang matagal para lang magkamali. Ikaw din ah?" Awkward na lang akong tumango dahil hindi naman aki sure kung magagawa ko yun nang maayos. And the attention, as much as I want, I also don't. Kapag nasa sayo ang atensyon ng lahat, it's either madadagdagan ang confidence mo or mawawala ito, no in between.
Labinglimang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin umaakyat si Ma'am kaya may nagvolunteer na para bumaba at puntahan si Ma'am.
"Hay naku Ma'am, hindi pwedeng hindi 'to matuloy ngayon. Mawawalan na ako ng gana sa lunes." Tinawanan ko lang si Hes at kinuha ang phone. Tinignan ko muna kung walang makakakita dahil class hours na at bawal na maglabas ng phone. Nang masiguro kong wala ay binuksan ko na ito.
Haru:
Brayson said na ngayon yung araw ng monologue ni Hes? Tell her good luck hmm?
Jae:
How did he know? May contact pa rin ba silang dalawa aside doon sa pagsundo n'yo sa kanya?
Haru:
Babe, before pa sila ulit nagkasira alam mo namang aware si Brayson za sched ni Hestia kaya hanggang ngayon alam n'ya
"Oh I see."
"See what?" Nakalimutan kong nasa tabi ko lang pala si Hestia at hindi ko na napigilan ang pagsalita.
"Wala wala! Oh! Nandyan na si Ma'am." Agad kong tinago ang phone nang pumasok na ang guro namin at mukhang hindi s'ya nag-iisa dahil may kasunod s'yang dalawa pang guro at iilang mga estudyante sa ibang section.
"Pasensya na kung natagalan ako at kinausap ko pa ang dalawang guro na kasama ngayon para panuorin kayo, at gaya ng sinabi ko noon, may mga ilang estudyante ang nandito rin." Huminto s'ya sa pagsasalita at tinuro ang kalat sa gilid na agad namang kinuha ng kaklase ko.
"Magsimula na tayo, sino ang una?" Lahat kami lumingon kay Hestia, isang hudyat para tumayo s'ya at pumunta sa harapan.
"Kapag narinig mo ang tunog ng alarm at hindi ka pa tapos, ituloy mo lang okay? Kacey ikaw na bahalang magvideo, at ikaw Chris sa timer." Pag-utos n'ya sa dalawa naming kaklase. Hinintay n'yang maset-up na ng dalawa ang time at ang camera bago s'ya nagsalita ulit.
"Start"
Sinimulan n'ya ang pagtatanghal sa isang kanta na s'yang hindi inaasahan ng lahat. Dahil doon ay nakuha n'ya ang interes ng mga taong nasa loob ng silid.
"Tiburcio! Napapansin ko na sa paglalakad lakad natin ay ni wala man lamang nagbibigay pugay sa mga indiyong ito!"
Tinignan n'ya ang mga kaklase namin na para bang sila ang mga indiyong tinutukoy nito.
"Ikaw! Kayo! Hindi n'yo ba ako nakikilala? Akong may dugo ng kastilang nananalaytay sa aking mga ugat? Akong biniyayaan ng kagandahan, kayamanan, at kapangyarihan ay hindi ninyo nakikilala?! Ako si Donya Victorina Delos Reyes de Espanada mga hampalupa!"
Halos mapatayo sa gulat mga kaklase naming pinuntirya n'ya.
"Ang galing n'ya! Paano pa kaya tayo nito?" bulong sa akin ni Sza na s'yang narinig ata ni Ma'am kaya sinaway s'ya.
Nagpatuloy si Hestia sa pagmomonologue. Bagay na bagay talaga sa kanya ang character dahil hindi gaanong nalalayo ang personalidad n'ya kay Donya Victorina. Ang ibig ko lang naman sabihin ay parang s'ya ang version ni Victorina na mabait.
Nilibot ko ang paningin at lahat talaga ay tutok sa kanya ang mga mata. Nakita ko rin kung paanong magtanguhan ang aming guro kasama ng mg gurong kasama n'ya. At doon mo makukumpirma na sigurado na ang mataas na gradong makukuha ni Hestia.
"Ano? Ano sige gawin mo! Hindi mo kaya? Pwe! Mga walang kwenta!"
Tumunog na ang alarm kanina pa pero hindi pa s'ya tapos, at wala ka namang makikita sa mga kaklase namin na nagrereklamo sila na matagal.
Nagsimula ulit s'yang kumanta, kinanta n'ya kung ano yung una n'yang inawit. Mukhang patapos na s'ya at ito ang panghuli n'ya. Nang matapos s'ya ay naging kaliwa't kanan ang palakpakan ng aming mga kaklase.
"Hello po! Kahit panuorin ka namin nang paulit ulit hindi kami magsasawa!"
"Idol pa-authograph!"
"Masyado mo namang tinaasan ang standards! Paano na kami n'yan!"
"Ate mahal na ata kita!"
Natawa kaming lahat sa huling narinig. Syempre kanino nga ba naman ito manggagaling, kung hindi sa class clown naming si Lucas.
"Dela Vega, hindi ko inaasahan talaga ang naging performance mo ngayon. Siguro naman alam mo na kung ano ang magiging grades mo, asahan mong mataas ito. Magaling!" Nagpalakpakan kami ulit dahil sa narinig. Ngumiti s'ya at bahagyang yumuko.
"Oh tama na, yung susunod pumunta na sa gitna."
Dahil mahaba ang nakuhang oras ni Hestia at late din pumasok si ma'am, tatatlo lang ang sumunod sa kanya, hindi pa nga natapos yung isa. Maganda rin naman ang mga sumunod but you can tell that wala pang nakarating sa level n'ya.
"Wala na tayong oras, sa lunes na natin maitutuloy at mas marami na ang makakapagtanghal dahil aagahan ko na kaya maghanda yung mga malalapit ang numero. Sige yun lang, kumain na kayo."
Pagkaalis n'ya ay hindi na namin binalik pa ang mga upuan sa dating ayos nito at hinayaan na lang na nasa gilid. Sana nga lang ay hindi na ipabalik pa sa amin at hayaan na lang na ganito ang ayos.
"Pst tara tulungan mo ako sa damit ko." Kinuha ko ang mga gamit n'ya at sinamahan s'ya sa CR.
"Ang hirap hirap tanggaling ng damit na 'to alam mo ba, pero maganda kaya sige HAHAHAHAH tiis ganda na lang ako." Tama s'ya, mahirap talaga tanggalin dahil nagtagal na kami dito at nagugutom na ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos na nahuhubad sa kanya ang damit.
"Usapan na pipili pa naman si Ma'am ng mga magtatanghal sa ibang section, siguradong mapipili ka na, mahihirapan ka ulit dito." She just groaned in frustration. After several minutes ay sa wakas natapos na din kami, but we just only have 10 minutes na lang for para kumain kata bumili na lang kami at kinain while walking back on our class.
"Bye Jae! See you on Monday! Maghanda ka na rin ah baka abutan ka!" I just waved at Cheyenne goodbye nang bumaba s'ya. Siguradong hindi pa ako maaabutan dahil 15 pa ang number ko, sana lang talaga.
"Kamusta school? Ngayon na start ng monologue n'yo 'di 'ba?" bungad na tanong ni mama pagkapasok ko sa bahay. Tumango tango naman ako at nagbihis.
"Ikaw kailan ka ba naka-assign?"
"Hindi ko pa alam pero baka mga martes pa or kung mamalasin at lunes na." Umupo ako at nagsimulang magsandok ng makakain.
"Nakahanda na ba ang gagawin mo? Performance task n'yo yan diba kaya galingan mo."
"Probably not as good as her...." bulong ko.
"May sinasabi ka ba?" Umiling iling naman ako at nagpatuloy lang sa pagkain.
Mabilis lang din ang naging takbo ng oras dahil nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa kama habang ang cellphone ay nasa kamay, kausap si Haru.
Haru:
I just want you to know na my sched is so busy ngayong week kaya baka hindi ako gaanong makapagchats sayo hmm? But I'll make sure that I'll update you.
Jae:
That's okay, monologue week din naman namin so busy rin me
Look at the gap we have, he's busy because of work and probably studies, slight. While me, ito ang focus ay nasa pag-aaral. He's doing business proposals while I'm doing my assignments, isn't that funny?
Pinilig ko na lang ang mga iniisip at tinuloy ang pakikipag-usap.
Haru:
I'm really sorry, babawi ako babe promise! Btw mauuna na ako matulog hmm? I'm feeling sick today eh I'm sorry huhuhuhuhu love chu! Good night!
Jae:
Dapat lang! HAHAHAHAHAH
Goodnight too! Please drink your meds before sleeping okaaaay? Lovelots! Pagaling ka.
Biglang may pumasok na message galing sa gc namin nina Hestia at Szaniah.
GC:
Szaniah:
@Raelyn Jae Hernandez
Alam mo na ba nangyari sa bebe mo?
Hestia:
Mukhang hindi pa n'ya alam, edi sana nagchat na s'ya dito.
Huh? May nangyari? Hindi ko alam pero bigla na lang ako kinabahan sa nabasa sa kanila.
Jae:
What do you mean? Kachat ko s'ya ngayon and he's feeling sick sabi n'ya. Anong nangyari ang sinasabi n'yo?
Hestia:
Told you hindi n'ya pa alam
Jae:
Ano nga yun?
Pareho silang nag-appear as typing at medyo matagal kaya mas lumala lang ang kaba sa dibdib ko. Bakit ang sama ng kutob ko sa kung ano man ang sasabihin nila?
Hestia:
Kanina kasi, nagkaroon sila ng katuwaan kanina. Aware ka naman na racer ang bebe mo right?
Jae:
Yes, nabanggit n'ya and?
Hestia:
Uhm he's a speed car racer, pero kanina they tried motocross. Dahil hindi yun ang forte ng bebe mo, he got into an accident. He's in the hospital right now according to Brayson.
Napakurap kurap ako sa nabasa at napatakip sa bibig sa gulat.
What the hell Hayes?