Haru:
Babe hehehehe nagmotocross kami babe
Tapos sumeplang ako sakit HAHAHHAHAHA
Sorry naaaaa
I just don't want you to worry kaya wala akong sinabi
Napairap na lang ako sa kawalan. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Hestia yung nangyari, wala pa s'yang balak sabihin? Ano raw? Masama pakiramdam tapos yun pala naaksidente na? Gosh this guy
Jae:
So, how are you hmm?
Haru:
Okay lang naman babe, it's just a scratch
Tignan mo 'tong lalaki na 'to. Scratch?? Eh sabi ni Hestia halos matuklap daw balat n'ya tapos sasabihin lang n'ya na scratch? Hindi pa nga raw n'ya matignan nang maayos at nasusuka s'ya.
Jae:
Yung totoo
Haru:
You're scary ah
Malaking wound nga babe hehehehe so baka tatagal pa ako dito ng mga ilang days or weeks I guess?
Jae:
Ano ba kasing naisip mo at nagmotocross ka when you're a speed car racer?
Haru:
I just want to tryyyyy saka may pustahan eh don't worry na po
Nasa hospital din kasi si Hestia kung nasaan mismo si Haru for her check up tapos nakasalubong n'ya kaya n'ya nakita kung ano kalagayan. At ang ang magaling na lalaki, tinakbuhan ang nurse?? Ano ba 'to bata?
Jae:
Ah talaga ba? Ba't mo tinakbuhan yung nurse?? Ano ka si Cooper?
Tukoy ko sa isang fictional character sa isang sikat na libro kung saan parehong may sakit ang dalawang bida, na di kalaunan ay nagkagusto sa isa't isa.
Haru:
COOPER? AGATHA? WHY? ARE YOU SICK BA OR SOMETHING?
BABEEEEE
Jae:
OA mo sa part na yan ah HAHAHAHAH
Haru:
Joke lang babe HAHHAHAHA wait! I need to rest naaaa let's talk tomorrow na lang
Jae:
Sorry I forgot, sige na rest ka na d'yan! Good night ulit!
Paniguradong hindi na s'ya magrereply kaya pinatay ko na lang ang phone at hinanda na ang sarili para matulog. Napabangon ako nang maalala ko na kailangan ko na pa lang gumawa ng script para sa monologue. Pwede ko namang ipagpabukas pero baka mawala sa isip ko kaya ngayon pa lang ay gagawin ko na para i-practice practice ko na lang sa mga natitirang araw. Umupo ako at naglagay ng unan sa likod upang maiwasan ang pagsakit nito.
Kinuha ko ang phone sa tabi at binuksang muli. I turn the do not disturb button on the notification bar so that I can't receive any messages or any notification from my accounts in social media. Alam ko kasi na if hindi ko i-oopen yun, malamang sa malamang madisdistract lang ako and baka wala pa akong matapos.
Search: Donya Consolacion Monologue
Samu't sari ang lumabas pagka-enter ko. Mayroon pang fan fiction na gawa ng isang author gamit ang malawak n'yang imahinasyon. Nagtingin tingin ako hanggang sa mapadpad ako sa isang video ng estudyante na nagportray din kay Consolacion.
"Mas mabuting manood na lang muna ako so that I can have any idea kung paano ko i-eexecute ang gagawing monologue." Sinaksak ko muna ang earphone sa phone bagonko pinindot ang play button at hinintay itong magload na medyo natagalan pa dahil sa mahinang signal.
Sa una ay parang inaayos pa ang camera na nakatutok sa may pintuan ng silid dahil magulo pa ang kuha, hanggang sa biglang sinipa pabukas ang pinto na s'yang kinagising ng diwa ko pati na rin ata sa may hawak ng camera dahil makikita mo ang pagshake nito.
"Ikaw! Ikaw! Marunong ka ba sumayaw!? Hindi? Gayahin mo ako!"
Bumungad ang isang babae na nakasuot na parang labandera, taliwas sa kasuotan ni Donta Victorina na nagsusumigaw ang pagiging elegante. Inobserbahan ko ang kilos n'ya at mapapansin ang pagiging magaslaw n'ya, plus ang paninigaw, kuhang kuha ang personalidad ni Donya Consolacion.
Habang pinapanood ay tinatype ko rin ang mga keywords at mga bagay na alam kong makakakuha sa interes ng mga manonood.
"Jae, anong oras na at gising ka pa rin?" Agad kong binaba ang cellphone nang bumungad si mama na nakapameywang sa harapan ko.
"Porket walang pasok nagpupuyat ka d'yan? Maglilinis pa tayo bukas, matulog ka na sinasabi ko sayo." Wala naman akong ibang nagawa kung hindi sumang-ayon kaya nang makaalis si mama ay sinave ko na ang tinatype. Ang video naman na pinapanood ko kani-kanina lang ay dinowload ko na lang para hindi ko na kailangan pang magconnect sa internet kapag papanuorin na.
Minutes later, I already found myself in a different place which means I'm on some kind of dream again.
"Siguro nagtataka ka na sa mga naging panaginip mo 'no? Lalo na yung sa gubat," pagsasalita ng nasa gilid ko. Lilingunin ko na sana s'ya pero hindi ko magawa. Triny ko ring pagalawin ang ibang bahagi ng katawan ko pero walang nangyari, hindi ko sila maramdaman. It seems like my whole body is paralyzed which is I think is intentionally.
"Ano ba ang mga yun?" Nanlaki ang mata ko nang may lumabas na mga salita sa bibig ko. Hindi ko naman sinadyang sabihin yun, basta na lang nangyari.
"They are all connected." Napasinghal naman ako sa sinabi n'ya. Of course connected dahil sa lahat ng mga naging panaginip ko, yun ang naging mas malinaw sa isip ko.
"And?"
"I just want you to think carefully about your decisions. Hindi mo alam na lahat ng desisyon mo ay magkaka-ugnay at s'yang hinaharap mo." Gustong gusto ko na s'yang lingunin at kurotin siguro ng kaunti. Andami dami n'yang pasikot sikot, hindi na lang diretsuhin kung ano ba ang pinupunto n'ya.
Malamang Jae, kaya nga panaginip 'di ba?
"Who are you really?" Narinig ko ang mahina n'yang pagtawa sa tanong ko pero hindi n'ya ito sinagot.
"Anong pangalan mo— ay asan na yun?" Hindi ko namalayang na-ilingon ko na pala ang ulo ko at nakitang wala na s'ya sa tabi ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa malawak na karagatang nasa harapan ko. Oo, isla ang bagong lugar na kinalagyan ko ngayon. Paglingon ko sa gilid ay nakakita ako sa kalayuan ng dalawang taong naglalakad.
Isang babae at isang lalaki. Pamilyar sa akin ang mukha ng babae kahit na malayo sila sa kinaroroonan ko, samantalang hindi ko naman mamukhaan ang lalaki.
Mukhang mga bakasyonista sila pero ang nakakapagtaka, anong ginagawa nila sa panaginip ko? Tatatlo lang kaming nandito: silang dalawa, at ako, kung kasama yung lalaking kausap ko kanina edi apat lang.
"Thanks for bringing me here." Sabi ng babae sa lalaki. Malayo sila sa akin pero rinig na rinig ko ang mga boses nila.
"No problem, kailangan muna nating magbakasyon para panandaliang mawala ang maiinit na mata sa atin ng mga tao." Hinarap ng babae ang lalaki at hinawakan sa pisngi. Ang likod ng lalaki ang nakatalikod sa akin habang ang babae naman ay nakaharap.
"I love you."
"I love you too." Yumakap ang babae at halos mapaatras ako nang napunta sa akin ang mata n'ya at nakangiting tinitigan ako nang mabuti.
"Make you own future Jae, decide wisely."
Binuksan ko ang mata ko at kagaya sa nangyari mga naging panaginip ko paggising, nakatulala na naman ako sa ceiling. Tinignan ko ang oras sa phone at nakitang ala-sais pa lamang ng umaga. At dahil maaga pa, nagpasya akong tapusin na lang ang script ko para mawala sa isip ko ang naging panaginip kanina at dahil hindi na rin naman ako makakatulog pa.
"Gayahin n'yo sabi ako! Isa! Dalawa! Tatlo! Baile baile baile!"
Natawa ako sa ginawa ng babae dahil hindi simpleng sayaw ang ginawa n'ya. Tumungtong s'ya sa isang upuan at dun nagsasayaw sayaw na parang baliw.
"Kaya ko ba 'to?"
Haru:
Babe why are you still onlineeee
U forgot to turn off your internet?
It says delivered so you're not asleep or something
Babeeeee
Tapos na pala ang oras na nilagay ko sa do not disturb kaya sunod sunod ang pagpasok ng mga mensahe, sa gc, kay Haru, at sa iba ko pang mga kaibigan. Pinause ko muna saglit ang video upang magreply.
Jae:
Good morning!
Haru:
Ikaw ah ba't online ka kanina anong oras na yun
Jae:
Ginawa ko lang yung script ko para sa monologue, alam mo na need ko na maghandaaa
Haru:
That's bad for your health, don't do it again okay? Wait i-cclean lang sugat ko, eat ka na breakfast okaaaay
Napangiti naman ako sa concern n'ya. Nireplyan ko rin s'ya na kumain na huwag magulo sa mga nurse para hindi magkaroon ng kung anong kumplikasyon pa ang sugat n'ya. Bumalik naman agad ako sa pinanonood at sinigurong napanood ko na nang maayos bago ako nagfocus sa paggawa ng script.
8 am na nang natapos ako sa paggawa. Ang mga nakapaloob si script ko ay halo halo galing sa napanood at sa mga nabasa ko.
"Jae gising ka na ba?" Agad kong tinabi ang phone at pumikit upang hindi ako maabutang gising. Ayoko pang tumulong sa paglilinis dahil masyado pa akong naaagahan sa oras.
"Wag ka nang pumikit, alam kong gising ka na. Uutoin mo pa ako ah." I just groaned in frustration when she caught me. Tinatamad na tumayo ako at naghilamos na at pagkatapos ay wala na rin akong nagawa kung hindi magsimula maglinis ng bahay.
Gabi ko na nabuksan ang phone at nagtaka sa nag-iisang message na natanggap ko galing kay Haru.
Haru:
Babeeee I'm really sorryyyy dahil sa accident natambakan ako sa school pati na rin sa work kaya baka hindi ako masyadong makapagmessageeeee nasabi ko na rin naman yun righttt? Mas nadagdagan nga lang huhuhuhu
Oh.