Haru is not lying when he said na hindi s'ya gaanong makapagmessage dahil dumaan ang linggo na bilang lang sa daliri ang naging chat n'ya. But I can't be mad or feel tampo sa kanya naman kung ganito ang set of words n'ya.
Haru:
Just like I told you yesterday today's sched is full and maybe sa mga susunod na araw pa, but hey i wanted to say please start your day with a very bright smileeee luv u my Rei
Right? Imbes na gustong nakasimangot ako, hindi na matuloy dahil kusa nang umangat ang labi ko para sa isang ngiti.
Haru:
Are you mad at me?
Jae:
Noooooo, I understand namaaaan
Haru:
Thank youuuu, I'm so lucky to have you
My heart is really melting to his words. How can someone on screen, someone na hindi ko pa namemeet can make my heart skips a beat with just words? Or baka dahil uto uto lang ako? I don't knooow but it feels so good. I've never felt this happiness before sa mga lalaking nagustuhan ko. Maybe it's a plus factor that he's already on age? Pwede ring madali na lang sa kanya ang magsabi ng mga ganito.
Oh gosh Raelyn Jae, don't you dare ruin the moment.
Jae:
Sige naaaa do your work na hmm don't forget to eat okie?
Haru:
You're so sweet nakakainis ayaw ko na tuloy gumawa! I want to talk to you all day na lang
Jae:
Shut up HAHHAHAHA gawin mo na yan then talk to me if you're free na. Hindi naman ako mawawala 'no, I'm still here pagbalik mo
Haru:
No, remember that I'll always make time for you. Always.
Nilagay ko sa may dibdib ang phone at huminga nang malalim. What's this? Bakit n'ya ba ginagawa sa akin 'to? Baka hindi ko kayanin kapag sunod sunod na ganito. Baka mamatay ako.
Okay ang O.A mo super.
Jae:
Just go pleaseeee bahala ka mamaya n'yan hindi na kita tigilan, hindi ka na magawa char HAHAHAHAH
Haru:
Kung pwede lang eh HAHAHAH okay okay u cute sige talk to u later
I just reacted heart to his message since alam kong mapapahaba pa kung magrereply pa ako, wala na talaga s'yang matatapos kahit ako.
"Jae halika nga dito at isukat mo 'to." Pumunta ako sa kinaroroonan ni mama at nakitang hawak n'ya ang susuotin ko sa monologue.
"Kasya naman sa akin yan ma ah? Nasuot ko na rin doon diba?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko maisip kung bakit kailangan kong suotin ulit? Baka madumihan lang.
"Iayos nga natin yung tamang pagkakatali nito oh saka yung paglalagay mo nitong scarf nang hindi ka mangapa ngapa doon kapag nagpalit ka na." May punto si mama kaya hindi na ako nagsalita pa at sinukat na lang.
"Dito sa may saya, iikot mo lang 'to sa katawan mo tapos saka mo i-ribbon dito sa gilid para magmukhang design." Pinakita n'ya kung paano ang gagawin sa pamamagitan ng pag-ikot nito sa akin.
"Itali mo nang maayos dahil kapag ito natanggal, kawawa ka kasi didiretso talaga 'to hanggang sa mahubaran ka na doon." Halos maputol hininga ko nang biglang nahigpitan ni mama ang pagkakatali.
"Ay mahigpit ba? Pasensya na." Linuwagan n'ya ulit bago n'ya tinali. Sunod naman n'yang sinuot ay abg scarf na di malaman kung paano ilalagay. Dun kami natagalan kaya tanghali na nang natapos kami.
Art:
Hi teh
Ask ko lang kung nag-uusap ba kayo ni Szaniah
Napakunot ang noo ko nang nakatanggap ako ng mensahe galing kat Art. Ano na naman kayang kailangan nito?
Madalas kaming mag-usap nito noong mga nakaraan and please, aakalain mo talagang bading s'ya dahil sa chats n'ya. Sinabihan pa ako nito na wag sasaktan si Haru dahil ganito ganyan. Ba't ako ang sinabihan eh mukhang mas dapat na si Haru ang makaalam n'on dahil s'ya ata ang makakasakit hindi ako.
Jae:
Ay anong meron?
Art:
Ilang days n'ya na akong hindi kinausap gagi may iba na ata s'yaaaa. Bakit bakit? Is it me? Nagkulang ba ako?
Ay ang O.A? Knowing Szaniah I think naghahanda lang s'ya sa monologue. Shy s'ya sa magperform kaya understandable na matagal ang paghahandang gagawin n'ya, hindi lang talaga mapirmi itong lalaking 'to.
Jae:
Nagstart na yung monologue namin kaya baka yun ang dahilan? Matagal mo naman na s'yang nakausap kaya alam mong hindi s'ya kumportable na magperform sa harap ng maraming tao
Art:
Alam ko naman ang tungkol doon pero ang tagal na kasi? Hindi rin n'ya ako nasabihan, bigla na lang s'ya nawala kaya baka may nabanggit s'ya sa inyo or what?
Wait, so kung ilang araw na silang hindi nag-uusap, hindi nalaman ni Szaniah kay Art yung tungkol sa aksidente ni Haru? Or nabasa n'ya sa chats ni Art pero hindi n'ya nirereplyan?
Anong meron at bakit hindi s'ya nagsasabi?
Jae:
Wala naman s'yang nasabi kaya nakakapagtaka yung pagchachat mo ngayon. Sige sige kakausapin ko s'ya kung anong meron.
Art:
Talagaaaa? Salamat salamat! Sana kayo na ni Hayes ang magkatuluyan!
Amp? Nambola pa ang magaling na lalaki.
Nagpaalam na ako sa kanya at sunod na kinausap ay si Szaniah. Kailangan nating malaman kung bakit nagkakaganito s'ya.
Jae:
Hi giiiiirl handa ka na ba sa monologue natin?
Szaniah:
Anong handa, walang handa handa HAHAHAHHA hindi pa nga ako nakakagawa ng script ko tapos wala pa akong damit.
Huli! So kung ganito na hindi pa s'ya handa all in all, anong dahilan nang pag-iwas n'ya kay Art?
Jae:
Ayyyyy akala ko naman super handa ka na kaya hindi mo na muna kinakausap si Art
Szaniah:
Girl
Jae:
Anong meron babae? Nagmessage s'ya sa akin tinatanong kung baka may alam ako sa biglaan mong hindi pagpaparamdam sa kanya. Syempre nagtaka ako kasi wala ka namang sinasabi at hindi pa halata na gano'n na pala ang nangyayari sa inyo, kaya sabihin mo, bakit?
Agad n'yang naseen ang message ko pero hindi s'ya agad nakareply. Nagtagal ang titig ko sa tatlong tuldok na gumagawalaw indicating na nagtatype s'ya. Ilang minuto ata ang tinagal bago s'ya nakapagreply.
Szaniah:
Jae ayoko na hehehehe hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay kaya hindi ko na s'ya muna kinakausap. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya girl! Kasi alam ko namang may kasalanan ako dahil sa mga replies ko din.
Szaniah:
Hindi n'ya maiwasang umasa s'yempre kaya paano ko sasabihin na hindi kami posible? Na wala akong interes sa kahit anong relasyon?
Szaniah:
Magagalit s'ya sa akin Jae, kaya ganito ang ginagawa ko dahil mas mabuting magalit s'ya dahil sa pangghoghost ko kaysa naman malaman n'ya yung totoong dahilan, na ayoko na lang talaga.
Napakurap kurap ako sa mga nabasa ko sa chats ni Szaniah. Hindi ko alam ang mararamdaman dahil naranasan ko yun, yung biglang hindi kausapin tapos malalaman ko na lang na dahil pala sa hindi pa s'ya handa, ayaw n'ya sa atensyon na nakukuha namin, at gusto n'ya nang matigil ang mga pang-aasar nila sa amin.
I swear hindi s'ya maganda sa pakiramdam dahil sa mga panahong hindi ka kinakausap, marami kang maiisip. Iisipin mo kung anong nangyari, may nagawa ka ba, or may nasabing masama para biglaan ka na lang hindi kausapin. Mag-ooverthink ka talaga, tapos masasaktan once malaman mo na yung totoong dahilan.
Jae:
I don't think that's a good idea Szaniah. Dapat direkta mong sabihin sa kanya yung dahilan para hindi sya parang tanga na naghihintay na kakausapin mo ulit s'ya.
Jae:
I'm sure maiintindihan naman n'ya yung pagiging hindi mo handa kasi duh? Estudyante pa naman kasi tayo, pag-aaral ang priority natin samantalang sila may mga trabaho na habang nag-aaral ulit.
Jae:
So yes, sabihin mo sa kanya. Huwag kang maging selfish dahil nag-invest na rin s'ya ng feelings sa inyong dalawa.
Szaniah:
Halaaaaa sorry huhuhuhu tama ka, mas nakakasakit ako kung ganitong wala akong ginagawa. Salamat girl! Pasensya na sa abala!
Napahinga ako nang malalim. Art is good man no wonder, with his silly jokes and unique personality, he really is a match for our shy Szaniah. But well, hindi yun enough para pumasok s'ya sa relasyon kaya gets ko ang kaibigan ko. Ako mismo hindi pa ako ready, pero hindi ko naman kayang i-let go si Haru.
I'm rooting for us kahit na napaka imposible dahil sa sitwasyon ko. Nag-iisang anak na may striktong magulang na hindi pwedeng pumasok sa kahit na anong relasyon maliban na lang kung tapos na sa pag-aaral at nagsisimula nang magtrabaho.
At bukod pa doon, marami pang factors ang need i-consider lalo na dahil magkalayo kami nang pamumuhay. He's rich while I'm not. Magkakaroon nang maraming panghuhusga kung magkakaroon man kami ng relasyon. Kaya kung ano man ang meron kami ngayon, iiniingatan ko dahil ayoko nang mawala pa s'ya kung sakali.
Brayson:
Jae
May sinabi na ba sayo si Hayes?
Ano na naman ito? Pagkatapos ni Art s'ya naman? Ano bang meron sa araw na ito at pinagchachat ako ng mga kaibigan n'ya?
Jae:
About saan ba?
Brayson:
Looks like wala pa s'yang sinasabi
On his birthday, make sure na nandoon ka for his announcement.
Announcement? Para saan?