Bahagya akong napaatras ng hakbang ng makita ang babaeng nagbukas ng pinto. Kunot nooong pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pinakatitigan ko ang kanyang mukha. "May kailangan po kayo Sir?" natatarantang tanong sa akin ng babaeng nurse na halatang nagulat sa aking presensiya. Malapad ang ngiting nakatingin siya sa akin. Sa isang braso nito ay may nakapulumpong kumot. Sinubukan kong silipin ang loob ng silid mula sa likuran nito. Ngunit bakante at mukhang walang katao-tao sa loob. I sighed before I shookt my head. "Wala. May hinahanap ako. Mukhang nagkamali ako ng kwarto," sagot ko. " Maari po ninyong itanong sa nurse station ang room number kung pasyente po ang hinahanap 'nyo. Pwede ko po kayong samahan," malagkit ang tinging sagot ng nurse. Or I could easily ask he

