"Happiness can kill you." Chapter 29 Happy Moments TOTOO nga talaga ang sabi ng karamihan kapag masaya ka sa isang bagay o kapag nag-eenjoy ka sa isang pangyayari bumibilis ang takbo ng oras. Nakarating kami kanina sa Enchanted Kingdom mga bandang alas-diyes ng umaga at ngayon alas-sais na, may usapan kasi na dapat saktong alas-syete ay nasa bus na kaming lahat kaya naman isang oras na lang ang natitira sa amin. Hindi kami naghihiwalay nina Kael, Lewis at Sasha dahil mahirap na baka maligaw kami kaya lahat ng pwedeng masakyan namin halos nasakyan na namin lahat, iyong iba kasi may bayad hindi kasama sa mga binayaran namin. Napag-usapan din namin na mamaya na lang kami kakain dahil baka masuka kami, ang iba kasi naming classmate nagkakandasuka-suka dahil sa mga nakahihilong rides. Ito n

