"Too weird to live, too rare to die!" -- Hunter S. Thompson Chapter 30 Bloody Ending TULAD ng inaasahan ko masaya ang kinalabasan ng buong field trip namin. Gandang-ganda kami sa Puerto Galera at halos ng nakita ko roon pakiwari ko isang beses ko lang makikita sa buong buhay ko. Ayoko pa sana umuwi kaso hindi ko naman pwede, kaya sinabi na lang sa amin ni Kael sa sembreak babalik kami roon. Buong byahe pabalik sa school tulog na tulog kami ni Sasha, siya na ang katabi ko kanina at si Lewis katabi naman ni Kael. Mga bandang alas-sais nang nakarating kami sa school at sinabihan kami ng prof naming wala kaming pasok bukas dahil na rin sa pagod kaming lahat. "Guys, gusto niyo bang sa bahay muna kayo? Nagtext kasi sa akin sila Mama wala raw sila sa bahay samahan niyo naman ako." Untas ni Sa

