"Huwag na huwag kang lilingon kapag may sumitsit sa iyo! Huwag na huwag kang lilingon kapag may tumawag sa pangalan mo ng isang beses lang hintayin mong tawagin ang pangalan mo ng tatlong beses dahil iyon ang nagpapatunay na tao ang tumawag sa iyo!" Chapter 21 Circle of Murderer NAPAG-USAPAN naming sabay-sabay kaming pumasok ng school upang hindi mapahiya dahil alam naming lahat ng mata ay nakatingin na naman sa amin. Hindi nga kami nabigo dahil sa bawat paghakbang ng aming mga paa at sa bawat paghinga namin ay minamatyagan ng mga taong nasa paligid namin. Ang iba'y pinag-chichismisan pa kami ngunit hindi kami nagpaapekto, hinayaan na lang namin sila at umakto na lang kami na normal ang lahat. Mabilis kumalat sa buong university ang nangyari sa aming magkakaibigan, ang iba binansagan pa

