KABANATA 25

3301 Words
"What are you thinking?" I heard him asked. Hindi ako nakasagot. Hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko dahil sa naghuhumirintado kong puso. Hanggang ngayon hindi pa rin maayos ang paghinga ko dahil sa posisyon naming dalawa. Lumipas na rin ang limang minuto pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Napapikit ako nang mariin. Naiilang ako sa posisyon namin pero hindi ko magawang magprotesta dahil aaminin kong nagugustuan ko rin naman. Ang sarap sa pakiramdam na nakayakap siya saakin ngayon habang pareho kaming nakahiga. Nawala lahat ng inaalala ko tungkol sa nangyari kanina. Tungkol kay Cyndie, tungkol sa kanilang dalawa. "W-wala." sagot ko ilang segundo ang nakalipas. I heard him chuckled. Maya-maya gumapang ‘yung kamay niya at hinanap ang kamay ko. Nang mahawakan na niya iyun, ipinagsalikop niya ang mga daliri namin. Muli akong napapikit nang mariin dahil dun. "Are you feeling uncomfortable?" Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. Siguro kapag tumagal pa ito, tuluyan na talaga akong atakehin sa puso. Narinig ko ulit siyang natawa nang mahina sa batok ko, "I'm sorry. I just love doing this to you." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Damn. Jared Dylan Sanmiego. Bakit ba kahit paulit-ulit na akong nasasaktan nang dahil sa'yo, nagagawa mo pa ring pabilisin ang t***k ng puso ko nang ganito? Ang daya mo. "S-si Caleb. Yung anak ko." sabi ko para ibahin ang usapan at para kahit papaano mabawasbawasan ang kabang nararamdaman ko dahil sa kanya. "Anak natin," he corrected me, "Hindi mo lang siya anak, he is my son too. Don't be stingy,” he chuckled, “At iniiba mo lang ang usapan. But don't worry about our son, he's with Ate Lena." Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Mayamaya lang naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya saakin. Hanggang sa tuluyan na talaga siyang umupo sa higaan. Lakas loob ko siyang nilingon. Nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama at nakahalukipkip na nakatingin saakin. Mapapupungay ang mga mata nitong nakatingin saakin habang pinaglalaruan ang mga labi. Tumikhim ako saka unti-unti ring umupo. Tumabi rin ako sa kanya at isinandal din ang sarili sa headboard, tulad ng ginawa niya. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" umiwas ako ng tingin nang maalala ko si Cyndie, "Baka magalit sa'yo ‘yung fiancee mo kapag nalaman niyang nandito ka." mahina kong sabi, sakto lang para marinig niya. Biglang kumirot ang puso ko nang maalala ang tungkol sa pagiging fiancee ni Cyndie. "Ex-fiancee, you mean?" Napabaling muli ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi man lang nagbago ang emosyon ng mata nito. Mapupungay pa rin itong nakatingin saakin. “I will not marry Cyndie if that's what you are thinking. And let's not talk about her. Let's just talk about you,” his eyes narrowed, “Why did you leave without telling me? I told you not to leave, didn't I?” Umiwas ako ng tingin sa tanong niya nang maalala ko ang nangyari kanina dahilan ng pag-alis namin ni Caleb. "May nangyari ba?" Hindi pa rin ako sumagot. Kalaunan, umiling na lang at nagbaba ng tingin. Ano pang saysay kong sabihin ko ang nangyari kanina at ang pag-uugali ni Cyndie? Baka isipin niyang nagpapapel lang ako. Bigla niya akong hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha ko. Pero pilit ko pa ring iniiwas ang mga mata ko sa kanya dahil ayokong mabasa niya ang emosyon sa mga mata ko. "Bakit natahimik ka? May nangyari ba? Did Cyndie say anything to you that made you upset? Kaya ka umalis?" marahan niyang tanong. Napalunok ako saka umiling, "W-wala. May iniisip lang ako." Tumingin ako sa kanya. Agad kong napansin ang paninitig niya sa labi ko. Napalunok ako. Hanggang sa magmura na naman siya nang mahina at bumulong. "Damn. I want to kiss you right now." "Why are you always kissing me? You're not my boyfriend to kiss me." hindi ko mapigilang sabihin. Mayamaya bigla siyang ngumisi na ikinalunok ko. "Bakit tayo nagkaanak, e', hindi naman tayo noon?" balik niyang tanong saakin na agarang ikinapula ng pisngi ko nang maalala ko nga iyun, “And I'm not your boyfriend, really?” Napalunok ako, “Hindi naman talaga.” kaila ko. He chuckled, “Damn, baby. We already kissed, we date. Hindi mo pa pala ako boyfriend? All this time, I am the only one who thinks that I am your boyfriend?” Mas lalong namula ang pisngi ko lalo na nang sundan niya iyun ng tawa, “K-kasi hindi mo naman ako tinanong kung gusto ba kitang maging b-boyfriend.” Alam kong pulang-pula na ang mukha ko kaya tinakpan ko ng palad ang mukha ko, pero natatawa lang na inaalis ni JD ang kamay sa mukha ko kaya naman, umalis ako sa kama para lumabas ng kwarto ko. Narinig ko na lang ang pagtawag ni JD saakin pero hindi ko na siya pinansin. “Damn. Ang hirap namang ligawan ng mommy ng anak ko. Ang hirap pasagutin.” narinig ko pang sabi nito bago ko pa naisara ang pinto. Napasandal ako sa pader para pakalmahin ang naghuhumirintado kong puso. He thinks I am his girlfriend? Is this for real? I am his girlfriend? Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang pagbukas ng pinto kaya umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa pader saka ako lumakad. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na siya nilingon pa. “Alejah!” Mabilis ang naging paghakbang ko pero nagawa niya pa rin akong abutang pababa sa hagdan. Napaigtad lang ako sa gulat nang kunin niya ang kamay ko at hawakan. Napabaling ako sa kanya nang itaas niya bigla ang mga kamay namin. “Let’s make this official,” marahas akong napalunok nang bigla niyang halikan ang likod ng palad ko, then he smiled sweetly at me, “I don't want to be just your son’s father. I want to be your boyfriend. Can you be my girlfriend, Alejah?” Hindi ako nakasagot kaagad. Napakurap lang ako habang nakatingin sa kanya matapos ng tanong niya. Nang ma-realize ko ang tanong niya, duon palang umawang ang labi ko sa gulat. “W-what?” Inilapit niya ang katawan sa katawan ko at pinakatitigan ako sa mata. Muli akong napalunok, “Baby, I want us to be official. I want you to be my girlfriend.” “W-what —” I blinked again when he gave me a peck, then he groaned, “Damn, baby. I know you heard it. Just answer me yes or no.” I gulped. I still can't believe he’s asking me that. Gulat pa rin ako dahil kani-kanina lang ito ang pinag-uusapan namin, tapos ngayon tatanungin na niya ako? Oh my God! What should I do? What should I tell him? Hindi ako nagdadalawang isip dahil ayoko, nagdadalawang isip ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang oo, gustong-gusto ko siyang maging boyfriend. “Alejah..” Napakurap ako nang kunin niya ang atensyon ko. Nakita kong matiim siyang nakatitig saakin, naghihintay sa sagot sa tanong niya kanina. Bumuntong-hininga ako, “P-paano si Cyndie?” hindi ko maiwasang itanong nang maalala ko ang pagbabalik ng fiancee niya. Ang galit na mukha nito kanina. He groaned in frustration, “How did Cyndie get into this conversation? Look. Labas siya rito.” “But she’s your fiancee —” “Ex-fiancee,” he corrected. Napalunok ako nang bigla niyang sapuin ang magkabila kong pisngi, “Stop minding Cyndie. She's out of this conversation. What I want right now is your answer to my question because I'm sure I won’t be able to sleep tonight until I get your answer.” Napakurap ako. “Now, baby. I want your answer. Do you want me to be your boyfriend?” I slowly nodded then I smiled, “Yes. I want to be your —” hindi na niya ako pinatapos magsalita. Bigla niyang sinunggaban ng halik ang labi ko. Napakurap ako matapos ng nakakagulat niyang halik saka ngumiti ito nang pagkatamis-tamis, “Your’re now my freaking girlfriend, Alejah.” Unti-unti ring napawi ang gulat kapagkuwan. Ngumiti ako saka tumango, “Yes. Girlfriend mo na ako.” “Good,” he held my hand and entwined our fingers, “And because you are now my girlfriend, no man can hold you anymore, kiss you. In short, wala nang lalaking makakalapit sa’yo.” he possessively said as he guided me down stairs. I can't help but raised my brows at him, “You’re jealous boyfriend?” hindi ko mapigilang kumento. He smirked, “Yes, baby. I'm so f*****g jealous boyfriend so please don’t make anything that can make me jealous if you don't want to have a criminal boyfriend.” Hindi ako kapaniwalang tiningnan siya. Tinawanan lang niya ang reaksyon ko, pero kalaunan, napangiti na rin ako. JD spent his day in our house. Wala siyang ibang ginawa kundi ang makipaglaro sa anak namin.... and flirt with me secretly? Until now I couldn’t believe that he's already my boyfriend! Dahil duon, bigla kong nakalimutan ang tungkol kay Cyndie. Bigla kong nakalimutan ang mga sinabi niya. Ang mahalaga, si JD. That he's finally now my boyfriend. Hindi ko alam pero hinihiling kong sana huwag nang matapos ang araw na kasama namin siya dahil natatakot akong baka panaginip lang ang lahat. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako naniniwalang nangyayari ang lahat ng bagay na ito ngayon. Alas singko na nang hapon nagpaalam na uuwi si JD sa kanila after he received a call from his mom. I asked him why but he said it's not important kaya hindi na ako nag-usisa pa. Pareho namin siyang hinatid ni Caleb sa labas ng bahay. Nakasimangot pa ang anak ko dahil ayaw pa niyang umalis ang ama niya pero wala na rin siyang magagawa. He wanted to go with his father pero hindi ako pumayag kaya ito, busangot na busangot ang mukha. “Don’t worry, baby. Next time we will play whole day.” pag-aalo nito sa anak na ngayon ay karga-karga ko para maabot ni JD na nakasakay na sa kotse niya. Nakababa lang ang bintana ng kotse nito para makausap kami. Nag-angat ng tingin si Caleb sa kanya, “Really, Daddy?” JD smiled, “Yeah. Promise. Ingatan mo ang sarili mo, ganun din ang mommy mo. Take care of her while I’m gone, okay?” he said. Hinaplos niya ang buhok ni Caleb saka siya bumaling saakin, “I gotta go, baby. I’m just gonna call you tonight so don't off your phone, okay?” he smiled as he gently caressed my cheek with his thumb. I nodded, “Okay. Bye.” Napalunok ako nang biglang bumaba ang mata niya sa labi ko. Oh-uh! No, JD. Your son is watching! Hindi ko na ulit hahayaang makita niya ang halikan natin tulad ng nangyari noong nakaraan! Kaya naman, bago niya pa magawa ang nasa isip niya ngayon, umatras ako nang isang hakbang kaya tinaasan niya ako ng kilay. He gave me a confused look and mouthed 'what?' to me. “Umalis ka na.” He groaned. Gusto kong matawa sa prustrasyong nababasa ko sa mukha niya nang ini-start niya ang makina ng kotse niya. I waved my hand at him when his car started to move slowly. Hanggang sa tuluyan na siyang makaalis kaya hindi ko na napigilan ang ngiting kanina pa gustong kumawala sa labi ko. Matapos iyun, nakangiti kong binalingan ang anak ko, “Tara na?” Pinanggigilan kong halikan ang pisngi niya. I chuckled saka ako humarap sa bahay para papasok na sana. Pero hindi pa man ako nakakahakbang nang makarinig akong bumosena. Sa pag-aakala kong bumalik si JD, agad akong napalingon dito. Nang makita kong kotse ni Kuya ang kakapasok palang sa gate ng bahay, napabuntong-hininga ako lalo na nang ihinto niya ang kotse niya sa tapat namin ni Caleb. Pinatay niya ang makina ng kotse at nakabusangot ang mukha nitong bumaba ng kotse. “Is that Sanmiego? Anong ginawa niya rito?” Pinigilan kong umirap at umiling sa kasupladahan ng kapatid ko. Pero naalala ko. Kailangan kong sabihin ang napag-usapan namin ni JD. Napagtanto ko kasing dapat wala akong ililihim kay Kuya dahil ayaw kong magalit na naman siya saakin kapag nagtago na naman ako ng sekreto sa kanya. Kaya kinagabihan nun, nang makapag-isip-isip na ako. Matapos naming maghapunan, I decided to tell him the truth. About me and JD. “Kuya, can we talk?” sabi ko nang madatnan ko siya sa salas ng bahay. Abala siya sa laptop niyang nakapatong sa kandungan niya. “What is it?” he asked without even glancing my way. Nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa laptop niya. Bumuntong-hininga ako, “About me and JD.” lakas loob kong sabi. Dahil duon, napansin kong napatigil siya sa kung anong tinitipa niya sa laptop niya. Kalaunan, nag-angat ito ng tingin saakin, emotionless. “What’s with you and that fucker?” Pinigilan kong mapaikot ng mata dahil sa tinawag niya kay JD. Akala ko pa naman nung nag-usap na sila nung nakaraan, maayos na sila. Pero ngayon, nakikita ko sa ekspresyon ng mukha ni Kuya na mukhang hindi pa. I wonder kung anong pinag-usapan nila noong nakaraan. Muli akong huminga nang malalim, “Kuya, can you, please, stop calling JD like that?” nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa susunod kong sasabihin, “Kuya, ‘di ba, you asked me back then? If I still love JD? I'm not gonna lie, Kuya. I still love him. Mahal na mahal ko pa rin siya, Kuya, walang bago. At ang totoo niyan, Kuya...” I lower my gaze, “He... he is now my boyfriend.” I bit my bottom lip after what I said. Hindi ako nag-aangat ng tingin kaya hindi ko alam ang reaksyon niya sa sinabi ko. Hindi kasi siya nagsalita. Kaya sa pagtataka ko, kabado man sa naging reaksyon niya, lakas loob akong nag-angat ng tingin. Napalunok ako nang makita ang walang emosyon niyang mga mata. Mas nakakatakot siya kapag ganito. Pero mayamaya, marahas siyang bumuntong-hininga. “That’s your life, Alejah. Malaki ka na. May sarili ka nang pag-iisip kaya bahala ka na sa buhay mo.” Matapos niyang sabihin iyun, muli niyang ibinalik ang tingin sa laptop niya. “K-kuya.. hindi ka galit?” tanong ko na agad kong pinagsisihan dahil nag-angat siya ng tingin. Nakabusangot na ang mukha nito. “What do you expect me to do after I heard about you and him? Sigawan ka? Bugbugin si Sanmiego? Hell, Alejah. Kahit bugbugin ko pa si Sanmiego, alam kong wala nang magbabago. Kayo na, ‘di ba? Ano pang magagawa ko? Like I said. That's your life, Alejah. Hindi na kita papangunahan sa mga desisyon mo dahil malaki ka na.” “Kung ganun.. pumapayag kang maging boyfriend ko si JD? O-okay lang sa’yo?” Nagtiim bagang siya, “Hindi ako pumapayag dahil ayos saakin si Sanmiego para sa’yo, pumapayag ako para sa pamangkin ko. Kaya huwag kang masyadong matuwa dahil oras na saktan ka niya, baka hindi lang bugbog ang aabutin niya saakin.” Hindi ko alam kung bakit sa halip na matakot ako sa banta niya para kay JD, napangiti pa ako. Sa sobrang saya ko, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. “f**k, Alejah! What the f**k are you doing?” Hindi pinansin ang pagmumura niya, “Thank you, Kuya. The best ka talaga. Kaya nga ikaw pinakapaborito kong kapatid, ‘e.” “Tss. Huwag mo na nga akong bolahin, Alejah. Ako lang naman ang kapatid mo kaya malamang no choice ka, kundi ako ang maging paborito mo.” Natatawa akong lumayo mula sa pagkakayakap sa kanya, pero mayamaya ngumiti ako, “Pero thank you talaga, Kuya. Sana talaga magkaayos na kayo ni JD. I love you both. Pareho kayong importante saakin. And you two were friends after all.” Hindi na siya nagsalita. Nakatingin lang siya saakin kaya nginitian ko ulit siya saka ako yumuko para halikan siya sa pisngi. “Goodnight, Kuya.” After that, bumalik ako sa kwarto ko. Nadatnan ko ruon si Ate Lena na binibihisan ng panibagong damit si Caleb na katatapos lang maligo. Hindi ko muna sila pinagtuunan ng pansin. Lumapit ako sa bedside table para i-check kung may tawag o text si JD sa cellphone ko, pero nagtaka akong wala akong nakitang text o miss call mula rito. He said he's gonna call. Ipinagkibit balikat ko na lang iyun kalaunan saka nagtipa ng mensahe para sa kanya. Ako: Sinabi ko na kay Kuya ang tungkol saatin. At sa kabutihang palad, okay lang naman daw sa kanya. I smiled as I pressed the send button. Naligo muna ako pagkatapos nun. Pero nang matapos akong makaligo at nang muli kong i-check ang cellphone ko, napakunot ang noo ko nang makitang wala man lang reply galing sa kanya sa mensaheng is-in-end ko sa kanya kanina. Bumuntong-hininga ako saka ako nagtipa muli ng mensahe. Ako: Are you okay? Are you gonna call? Nahiga ako sa kama, sa tabi ng anak ko na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Napatitig ako sa cellphone ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa reply niya. Naalimpungatan lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Papungas-pungas ko pang tiningnan kung sino ang tumatawag. Napaupo ako nang maayos nang makita kong si JD ang tumatawag. Tiningnan ko kung anong oras na sa wall clock. It's already one AM! Bumuntong-hininga ako saka ko sinagot ang tawag. “Hello?” bungad niya. His voice is husky. Mukhang kagigising lang din nito mula sa malalim na tulog o kaya’y wala pang tulog, I don't know. “Hello rin. Why did you call?” “I told you I’ll call, right?” he said. “Oo nga. Pero kanina pa iyun. It’s already one AM, JD.” I heard him sighed, “I’m sorry. Something happened in our house earlier. I was so pissed kaya maging pagtawag sa’yo, nakalimutan ko. Are you mad? Did I disturb your sleep?” Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita, “No,” I said then I sighed, “What happened? What made you pissed?” “Don’t think about it. Just...” he paused and sighed, “Baby, whatever happens, just trust in me, okay?” kahit halatang antok na antok ang boses niya, hindi pa rin nawawala ang lambing sa tuno ng boses nito. Kahit gusto ko pang magtanong tungkol sa nangyari, tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita, “Okay.” He chuckled, “Good,” he paused again, “Okay. You should sleep now. It's already late. Goodnight and good morning. Let's just meet tomorrow, okay?” sabi niya sa antok na boses. “Okay.” Hindi na siya nagsalita kaya akala ko pinatay na niya ang tawag. Pero nang tingnan ko ang screen ng phone ko, nakita kong nasa kabilang linya pa rin siya kaya muli kong tinapat ang phone ko sa tainga ko. “JD?” Hindi pa rin siya nagsalita kaya magsasalita pa sana ako nang bigla akong makarinig nang mahinang hilik. “J..D? Are you still there?” Again, isang mahinang hilik at malalim na paghinga lang ang narinig ko sa kabilang linya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko. Did he just fall asleep without turning off the call? Pigil na pigil ang tawa ko habang pinapakinggan ang mahinang hilik at malalim na paghinga ni JD sa kabilang linya. Who would have thought that a handsome man like him would snore too? “Goodnight and good morning, too, JD. I love...” sa halip na tapusin ang sasabihin, kinagat ko na lang ang ibabang labi ko saka tumikhim. I'm not ready to tell him those words hangga't hindi pa kami pareho ng nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD