KABANATA 26

4543 Words
Jared: Good morning, baby. How's your sleep? I want to see you badly but I have a meeting to attend this morning. Let's just have a dinner tonight, okay? Take care! Napangiti ako nang message agad ni JD ang bumungad saakin isang umaga. Ganito siya lagi. Habang lumilipas ang araw, mas nagiging sweet siya, kahit sa simpleng text message lang. Walang araw na hindi niya nakakalimutang tumawag o mag-message. Hindi ko itatangging masaya ako sa relasyong meron kami ngayon. JD has been busy these past few days in his office so we rarely meet. Lagi siyang nasa office nitong mga nakaraan kaya madalas sa text at call lang kami nagkakausap. I'm fine with that. Gumagawa naman siya ng paraan para makabawi. At tsaka, para naman iyun sa kompanya nila. Hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang natanong tungkol sa status ng kompanya nila o kung may problema ba, pero hindi niya sinasabi, ngunit alam kong meron. Hindi na lang ako nanghimasok dahil ayaw kong iyun pa ang panimulan ng away namin. Ako: Okay. Take care of yourself, too. Good luck in your meeting. Matapos kong i-send iyun, umunat ako saka bumangon na. Naghilamos ako sandali saka ako nagdesisyong bumaba na. Nadatnan ko ang anak ko sa dining room kasama ang kapatid ko. Sabay silang nag-aalmusal. My mom? I don't know. Madalas naman, nauuna siyang umalis dahil nga malayo ang restaurant niya. “Good morning.” I greeted them both and sat next to my son who's busy eating his breakfast. “Busy again?” tanong ni Kuya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya para sagutin ang tanong niya, nakataas siya ng kilay saakin. Tumango ako kapagkuwan. Kahit hindi naman niya tukuyin ang ibig niyang sabihin, alam ko na iyun. He always asking me that. “Yes, Kuya. Sabi niya may meeting daw siya.” I shrugged saka ko inasekaso ang anak kong busy sa pagkain. He sneered, “And you believe it?” Muli akong napaangat ng tingin kay Kuya. Kinunutan ko siya ng noo, “What do you mean by that, Kuya?” I don't know what's with my brother. Akala ko okay na siya kay JD, pero nitong mga nakaraan parang gumagawa ito ng paraan mawala ang tiwala ko kay JD. Pero hindi naman ako natitinag sa kanya. Wala naman akong dapat ikawalang tiwala kay JD. Mataman niya akong tiningnan, “I heard his ex-fiancee is back.” Napalunok ako at hindi nagsalita. Nitong mga nakaraan biglang nawala sa isip ko si Cyndie. Magtatatlong linggo na rin pala noong nakabalik siya. Iyon ang una at huling kita ko sa kanya matapos nang mangyari ang eskandalong ginawa ko sa kasal nila ni JD. Simula nun wala na akong balita sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan siya. I never asked JD about her. Tumikhim ako kapagkuwan, “Yes, Kuya. Actually, we talked last time.” “And?” “Siyempre, Kuya, she’s mad.” Humalakhak si Kuya at mataman akong tiningnan, “Who wouldn't? Alejah, you ruined their wedding.” Napasimangot ako sa sinabi ni Kuya, “Alam ko iyun, Kuya. Tanggap ko ang galit niya dahil may kasalanan din naman talaga ako. Pero alam mo namang ginawa ko lamang iyun dahil sa anak ko.” Hindi agad nakasagot si Kuya sa sinabi ko. Napasulyap siya sa anak kong abala sa pagkain saka muli nitong ibinalik ang tingin saakin. “What if Sanmiego wants to continue their wedding? What if he wants Cyndie back? Or Cyndie wants him back?” Ako naman ang hindi nakasagot kaagad dahil sa tanong niya. Paano nga? Paano ngang gusto ni JD na ituloy ang kasal? Paano ako? Paano kami ni Caleb? Pero naalala ko ‘yung sinabi niyang hindi niya papakasalan si Cyndie at ‘yun ‘yung panghahawakan ko. “Kuya, why are you asking me that?” sa halip ay tanong ko kay Kuya, “JD assured me that he is not going to marry Cyndie.” paninigurado ko sa kanya. “You trust him that much?” balik niyang tanong. Hindi ako sumagot o tumango kaya bumuntong-hininga siya at mataman akong muling tiningnan, “Do you know that their company is in chaos right now?” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya, “Anong kinalaman ng kompanya nila rito?” tanong ko kahit nagulat ako dahil sa status ng kompanya nila. The reason why he has been busy lately, huh? Sa halip na sumagot si Kuya, binitawan niya ang kubyertos na hawak niya saka tumayo. Tumingin siya saakin habang inaayos ang relong pambisig niya, ganun din ang kurbata niya. “Just..” he sighed, “I don't wanna see you hurt and cry over him,” bumaling siya sa anak ko pagkatapos, “I gotta go, young man.” “Bye, Tito!” Kuya just smiled at my son and looked at me again. Magsasalita pa sana ako pero bigla na niya kaming tinalikuran at lumakad palabas ng dining room. Iniwan niya akong nag-iisip sa napag-usapan namin. Why is Kuya telling that to me? Bumuntong-hininga ako kapagkuwan at pilit na ipinasawalang bahala na lang ang mga napag-usapan namin ni Kuya. JD won’t hurt me and like I promise to him, I'll trust him. I’ll trust his words because that's how it should be, right? Matapos kong ihatid sa school si Caleb, dumaan muna ako sa convenient store para mamili. Habang namimili ako, muli kong sinubukang i-contact si Shannon tulad nang ilang araw ko nang ginagawa. Wala na kasi akong makikipagkuwentuhan sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero tulad lang nang mga nakaraan, hindi ko pa rin siya ma-contact. Even her social medias are deactivated. Miguel is nowhere to be found too. Saan kaya nagpunta ang dalawang iyun? Kunting-kunti na lang, malapit ko nang isipin o kung hindi ko lang talaga alam na hindi sila puwedeng ipagsama sa isang lugar, iisipin ko nang magkasama sila kung saan man sila naruruon. Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang phone sa bulsa ko at nagpatuloy na lang muna sa pamimili. Matapos iyun umuwi na ako sa bahay. Dahil wala naman akong ginagawa, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong sa gawaing bahay kahit sinusuway ako ng mga kasambahay, but I insisted. Hindi naman kasi ito bago saakin dahil madalas ko itong ginagawa nung nasa abroad pa kami. At isa pa, JD didn't let me to work. Speaking of work. Muli kong naalala ang napag-usapan namin ni Kuya kaninang umaga. Hindi pa rin ako kapaniwalang nasa chaos ang kompanya nina JD ngayon. Why he didn't tell me whenever I ask him about that? Ayaw ba niyang mag-alala ako sa kanya kapag nalaman ko iyun? Kung totoo nga ang sinasabi ni Kuya, for sure JD is having a hard time with their company right now. What should I do? Pakiramdam ko napakawalang kuwenta kong kasintahan dahil wala man lang akong magawa para sa kanya. How can I make him happy? Ah alam ko na! Inilabas ko ang phone ko at mabilis na i-d-in-ial ang number ni Nikka. I already have her number. Hiningi ko ito kay JD nung nakaraan. Buti at binigay naman niya saakin nang hindi na nagtatanong pa kung anong gagawin ko rito. “Ma'am Alejah!” bungad ni Nikka saakin nang sagutin niya ang tawag matapos nang ilang segundo. I sighed, “Hi, Nikka. Tapos na ba ang meeting ng boss mo?” Ilang segundo pa bago nakasagot si Nikka, “No, Ma'am. He’s still in conference room right now,” she paused, “Bakit po, Ma'am? May kailangan po ba kayo? Do you want to talk to him? For sure naman, Sir Jared will excuse himself just to talk to you.” she giggled. I smiled, “Hindi na. I’m just checking on him. Sige na, Nikka. Don’t tell him that I called, ha?” “O..kay po, Ma’am..” I smiled and put my phone down. Napatingin ako sa mga container na nasa harap kong may lamang iba’t ibang klase ng pagkain. I'm gonna surprise him. I hope he’ll like it. I made these for him. Nang sa gayun, kahit sa ganitong paraan man lang, mapasaya ko siya. Matapos kong maligo at makapagbihis ng desenteng damit, agad kong tinungo ang opisina ni JD. Pagdating ko ruon, mabuti at hindi na ako tinanong pa nang tinanong ng receptionist, tulad nang una kong punta rito. Kung titignan mo, their company looks fine. Mukhang wala namang problema, ganun naman siguro talaga. Pagdating ko sa floor ng opisina ni JD, agad akong sinalubong ni Nikka na malaki ang ngiti. “Hi, Ma’am. It's nice to see you again!” maligayang bati niya. I smiled, “Me too, Nikka.” Pinagbuksan niya ako ng pinto ng opisina ni JD. Hindi ko mapigilang mapanguso nang hindi ko siya nadatnan sa loob, pero pumasok pa rin ako para ipatong sa mesa niya ang apat na container na dala-dala ko. “Sir Jared is still in conference room. Gusto niyo po bang sabihin ko sa kanyang nandito kayo?” I heard Nikka said behind me. Kaagad ko siyang nilingon, “Hindi na, Nikka. I don’t want to disturb him. Dito ko na lang siya hihintayin.” I smiled. She smiled too, “So do you want some drinks, Ma’am? Coffee? Juice or champagne?” “No, Nikka. Hindi na. Okay lang ako.” “Kung ganun, Ma’am. Maiwan ko na po kayo.” I smiled and nodded. Nang tuluyan nang nakalabas si Nikka, hindi ko napigilang igala ang mata ko sa paligid ng opisina ni JD. The first time I came here, hindi ko masyadong napansin kung gaano kalawak ang opisina niya. Sobrang linis din. Halos wala akong mahaplos na alikabok sa lamesa niya nang haplusin ko ito. I think the company maintenance keep it clean. This is my boyfriend’s office, everyone! I chuckled without thought. Until now, I still couldn't believe that he's now my boyfriend. I spent my time inside JD’s office waiting for him. Wala akong ginawa kundi ang magbasa ng kung anu-anong article sa internet. Naghahanap din ako ng maitatayo kong business. Tutal, ayaw naman ni JD na mag-opisina, kaya magtatayo na lang ako ng sariling business. At sasabihin ko sa kanya mamaya. Napatigil lang ako sa pagbo-browse sa internet nang makatanggap ako ng message galing sa kanyang agad kong binasa. Jared: The meeting is done but I still have many things to do. Sorry if your boyfriend is very busy. I’m afraid that you’ll break up with me because of that so please don’t do that, okay? I don't know if I’ll laugh or what after I read his message. Tumikhim ako kapagkuwan saka ako nagtipa ng ire-reply sa kanya. Pero hindi ko pa man natatapos ang pagtitipa ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. Napalunok ako nang makita ko siyang pumasok, pero hindi siya nag-iisa. “What the hell are you doing, man? Are you texting —” hindi na natuloy Every ang sasabihin niya nang matamaan niya ako. Samantala si JD, abala sa cellphone niya. “Hi, Ale.” Ares said and raised his hand when he saw me too. Dahil duon, nawala ang atensyon ni JD sa cellphone niya. Napaangat ito ng tingin. Nakitaan ko siya nang bahagyang pagkagulat sa mata nang magtagpo ang mga mata namin. Nawala lang iyun nang magsalita si Lydon. “What is Zyrel's sister doing here? Are you two...” sa halip na ituloy ang sasabihin, tinuro niya kaming dalawa ni JD. JD groaned. Iritado pa nitong ibinaba ang kamay ni Lydon na nakaturo saakin, “Don’t point your f*****g finger at my girl if you don't want me to cut that f*****g of yours!” “My girl?” si Harvey, “Did Zyrel know about —” “It's none of your business. Out!” Nang hindi sumunod ang mga kaibigan nito, bigla niyang pinagtutulak palabas ng opisina niya. “Hoy! Tangina nito! Sana talaga sinunod na lang ng doctor ang sinabi ni Fuentes na ubusin ang dugo mo!” pahabol ni Harvey bago pa siya tuluyang maitulak ni JD palabas. Ares formally said goodbye to me bago siya sumunod sa mga kaibigang panay pa rin ang reklamo sa pagtutulak ni JD sa mga ito. Ilang segundo pa bago muling pumasok si JD sa loob. Sinarado nito ang pinto saka tumingin saakin. “And what are you doing here?” walang ngiting tanong nito kaya napalunok ako. “G-galit ka?” Napalunok at napaatras ako nang isang beses nang lumakad siya papalapit saakin. Nang tuluyan na siyang makalapit saakin, tinitigan pa niya ako nang ilang sandali saka ngumiti. He chuckled, “Of course not. I’m just surprised that you went here,” he gently caressed my cheek with his thumb, “I miss you.” Dahil sa sinabi niya, napangiti na rin ako. “What's brought you here? Did you miss me too?” I bit my lower lip. I wanted to tell him that of course, I missed him. Ilang araw ba naman siyang hindi nagpakita dahil sa pagiging abala niya. But I’m too shy to admit it. Kaya sa halip na sumagot, nilingon ko ang mesa niya saka ko tinuro ang container na nakapatong duon. “I brought you lunch.” Kaagad siyang lumapit sa mesa saka tiningnan isa-isa ang laman ng container. Nilingon niya ako pagkatapos. “Looks delicious. Who cooked these?” “A-ako.” He raised his brow, “You know how to cook?” Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya, “I learned when I was in abroad. Miguel taught —” naputol ang iba ko pang sasabihin nang bigla niyang patakan ng halik ang labi ko. He groaned, “Don’t,” nakasimangot niyang sabi, “Una, paggamit ng baril. Pangalawa, pagluluto. What else did that guy teach you?” Pinigilan kong ngumuso sa sinabi niya. Is he jealous of Miguel again? “You really love making me jealous, aren't you?” “Hindi ah.” tanggi ko kahit gustong-gusto kong matawa sa pagsimangot niya. He's too cute when he is jealous. “Tss. Let's just eat the lunch you brought together.” pagsusungit niya pa, pero maingat niya naman akong inalalayan paupo sa sofa. Tulad ng sinabi niya, sabay kaming nananghalian. Pero hindi pa rin maalis ang simangot sa mukha niya habang nananghalian kami kaya hindi ko tuloy maalis ang tingin sa mukha niya. “Miguel is just a friend...” sabi ko mayamaya. Nakasimangot siyang nag-angat ng tingin saakin kaya agad kong dinugtungan ang sasabihin. “...and you are my boyfriend,” I bit my lips, “So you don't have to be jealous of him.” Matagal pa bago siya nakapagsalita, “Alejah..” Napalunok ako. “How can you manage to annoy me, and make me happy at the same time?” Napakurap ako. Inalis niya ang mesang nakaharang sa pagitan namin at bigla na lang niya akong hinila papalapit sa kanya saka niya siniil ng halik ang labi ko. Nung una, hindi agad ako nakapag-react dahil hanggang ngayon talaga nagugulat pa rin ako tuwing hahalikan niya ako. Pero kalaunan, napatugon na rin ako sa halik niya. I clung to his shoulder when he deepened the kiss. Nawala na yata ako sa sarili. Wala na akong ibang iniisip kundi ang tugunin ang nakakalasing niyang halik. He was the one who broke the kiss. Yinakap niya ako pagkatapos nun, “Let’s stop here,” he whispered to my ear, breathless, “I may have crossed my line again.” He chuckled. Napakunot naman ang noo ko. Cross his line? What did he mean by that? Narinig ko na lang siyang mahinang nagmumura sa balikat ko. “f**k that limitation!” Napakurap na lang ako nang bigla siyang humiwalay ng yakap saakin at nagkukumahog na tumakbo papasok sa isang pintong sa tingin ko ay restroom. Sinubukan ko pang tawagin siya pero bigla niyang ibinagsak ang pinto. Muli akong napakurap sa pagtataka. Is he mad? Did I do something wrong? Hindi pa rin nawawala ang pagtataka ko kahit lumabas na rin siya sa restroom matapos ang ilang minuto. Hindi siya makatingin nang diretso saakin pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. “What happened? Did I do something you didn't like —” Naputol ang iba ko pang sasabihin nang hilahin niya ako patayo, “Let’s get out of here.” he said as he dragged me outside. “Ha? Pero hindi pa tayo tapos kumain.” “Let’s just continue our lunch outside.” “Ha? Pero —” Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang humarap saakin, “Just listen to me. This is for your sake, okay?” Kahit nagtataka ako sa pinagsasabi niya at ganun din sa prustrasyong nababasa ko sa mukha niya, tumango na lang ako. Mahina siyang nagmura saka siya nagpatuloy sa paglalakad habang hawak niya ang kamay ko. Tulad ng sinabi niya, pinagpatuloy namin ang pananghalian namin sa isang restaurant. Pinigilan kong ngumuso nang maalala ko ang pinaghirapan kong niluto. Hindi man lang namin naubos iyun. Pakiramdam ko tuloy hindi niya nagustuhan. ‘Yun ba ang dahilan kung bakit nagkukumahog siyang pumasok sa restroom kanina? Nasuka ba siya sa lasa ng luto ko? Gusto kong maiyak sa naisip ko. “Hey...” Bumalik lang ang diwa ko nang kunin niya ang atensyon ko. “Are you okay?” Dahan-dahan akong tumango, “Yeah. May iniisip lang ako. H-hindi mo ba nagustuhan ang pananghaliang dinala ko?” Bahagyang umawang ang labi niya sa tanong ko at mahinang nagmura, “f**k. What made you think of that?” Nagbaba ako ng tingin, “Eh kasi... h-hindi ko alam kung bakit tayo umalis sa opisina nang hindi nauubos ang pagkaing dinala ko. At isa pa.. pinili mong dito na lang tayo mananghalian,” sabi ko saka nag-angat ng tingin sa kanya, “D-didn’t you like the food?” Muling umawang ang labi niya dahil sa sinabi ko at matagal pa bago siya nakapagsalita. Nang makabawi siya, hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. “Damn, Alejah. It's not like that. I liked the food. It's just that...” he paused and murmured something, “f**k. How can I explain that to an innocent woman like you?” Napakunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ulit siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong nilabas, tiningnan ang tumatawag saka niya sinagot. “Nikka, why?.. What?” Napatingin siya saakin habang pinapakinggan ang sinasabi ni Nikka sa kabilang linya. Biglang nagsalubong ang kilay niya mayamaya. “Anong kailangan niya?..Sabihin mo bukas na lang kami mag-usap. May importante akong ginagawa. I'm with— f**k. Fine. Sabihin mo pupunta na.” Iritado niyang ibinaba ang phone niya. Hindi ko alam ang nagpairita sa kanya kaya bahagya kong pinisil ang kamay niya kaya napatingin siya saakin. “Are you okay?” He smiled but didn't reach his eyes, “I’m okay. But I need to go back in my office.” Napatingin ako sa pagkaing nasa harap naming halos paubos na rin naman, “Ganun ba? Kung ganun, alis na tayo?” Tumango siya saka tumayo kaya tumayo na rin ako. Pinagsakilop niya ang mga daliri namin saka niya ako iginiya palabas ng restaurant. “I’ll take you home first.” sabi niyang agad kong inilingan. “No. Hindi na kailangan. Kaya ko nang umuwi mag-isa. Isama mo na lang ako sa opisina para kunin ang kotse ko.” ‘Saktong nakarating na kami kung saan naka-park ang kotse niya kaya huminto siya para harapin ako. “Are you sure?” I smiled a little and nodded. Ngumiti ulit siya pero tulad kanina, hindi pa rin umabot sa mata. He put his palm on my cheek and gently caressed it saka niya ako hinila papalapit sa kanya para yakapin. “I’m sorry if I had been busy these past days. I promise I'll make it up to you, okay?” Dahan-dahan akong tumango. “Wait,” muli niya akong hinarap sa kanya, “Let’s go out on Saturday.” “Ha? Bakit? Anong meron?” He chuckled, “Sabi ko naman sa’yo babawi ako. I’ll fix my schedule on Saturday so we can bond, okay? Let's bring Caleb.” he smiled and pinched my cheek. Napangiti na rin ako kapagkuwan saka tumango kaya nakangiti niyang pinatakan ng halik ang labi ko. Matapos iyun bumalik na kami sa kompanya nila. Habang nasa byahe kami pabalik sa kompanya nila, masaya naming pinag-usapan at pinagplanuhan ang gagawin namin sa Saturday. He suggested that we should go to other country but I disagreed. Mapapamahal pa kami at may kompanya siyang inaasekaso. Mabuti na lang at hindi na naman siya nagpumilit pa. Hindi na kami nagkita sa mga sumunod pang mga araw dahil abala nga siya sa trabaho, kaya sa tawag at text na lang ulit kami nag-uusap. But I didn't mind. Naiintidihan ko siya. Araw-araw iniintindi ko siya dahil para naman iyun sa kompanya nila. Inisip ko na lang ang lakad namin sa paparating na Sabado. Nang sumapit ang Sabado, hindi lang ako ang excited sa lakad namin. Si Caleb halos hindi magkandamayaw sa pagsigaw at pagtalon sa sobrang excitement. Bukod sa excited siya sa lakad namin, excited din siyang makita ang amang ilang araw rin niyang hindi nakikita. Pareho kasi silang abala. Si Caleb sa eskuwela, at ang ama naman niya sa trabaho. “Can we go to Star City?” he said as I dressed him. I shrugged and smiled, “Maybe. But ask your dad.” “Yes!” Nailing na lang ako sa excitement na nakikita ko sa mukha niya. Matapos ko siyang bihisan nang desenteng damit, patakbo siyang lumabas ng kwarto na muli kong kinailing. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, napabuntong-hininga ako saka tumayo para makapagbihis na rin. Hindi ko pa man nahuhubad ang bathrobe na suot ko nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Agad ko itong kinuha sa bedside table. Kaagad may kumawalang ngiti sa labi ko nang makitang galing kay JD ang mensaheng iyun. Kaagad ko iyung binuksan at binasa. Jared: I'm sorry. Hindi matutuloy ang lakad natin. Nagkaruon ng emergency meeting sa kompanya that I have to attend. I'm really sorry. My smile automatically disappeared after I read his message. Lahat ng excitement at tuwang nararamdaman ko kanina, biglang naglaho. I don't know but I felt disappointed. Hindi naman dapat dahil sabi ko nga, dapat lagi ko siyang iintindihin pero dismayado ako... dahil nangako siya. He promised me that whatever happens matutuloy ang lakad namin. Hindi ko alam kung ilang minuto kong pinakalma ang sarili ko. I didn't reply to him. Huminga ako nang malalim kalaunan at lumabas sa room nang hindi nakakapagpalit. I don't know how to explain this to Caleb because for sure, madidismaya rin siya sa ibabalita ko sa kanya. "Caleb! Nasaan ka?" tawag ko sa anak ko nang makarating ako sa hagdanan. Dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan, bigla akong nagkamali sa pagtapak sa hagdan. The next thing I knew, nagpagulong-gulong na ako sa hagdan hanggang sa makarating ako sa baba. I cried out in pain that I felt in different parts of my body. "Ahh!" Pakiramdam ko, pinalo nang pulit-ulit ang iba't ibang parte ng katawan ko. Pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ko sa paa ko. Oh my God! May bale pa yata ako. I tried to get up but I couldn't. Napapaiyak ako sa sakit kapag ginagawa ko iyun. "Mommy!" biglang sumulpot si Caleb kung saan. Nawala ang excitement sa mukha niya nang makita ang kalagayan ko. Napalitan ng pag-alala ang mukha niya at mayamaya’y bigla na lang siyang umiyak na lumapit saakin. "Mommy! What happened, Mommy? Ate Mina, please! Help my mom!" Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko magawa dahil maging ako, naiiyak sa sobrang sakit. "Call your Tito Zee, please." sabi ko at muli akong napapikit sa sobrang sakit. Nang imulat ko na ang mata ko, nakita kong hawak na ni Caleb ang phone at nakatapat na sa tainga niya. "Hello, Daddy?.. Po?.. Please po, tell dad that my mom needs help because she fell down the stairs!... Please po!" umiiyak niyang pakiusap. Napakunot ang noo ko. "Hello—!" Napabaling ako sa pinto nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Miguel. Maaliwalas ang mukha nito nang pumasok pero nang makita niya ang kalagayan ko, napalitan ng gulat ang mukha nito. “What the hell is happened?" Kaagad niya akong nilapitan habang halo-halo ang nakikitang emosyon ang nakikita sa mukha nito. Gulat, takot at galit. Umiigting pa ang panga nito. "Daddy Miguel! Please help my mom!" umiiyak na pakiusap ng anak ko. Pero hindi pa man siya natatapos magsalita, binuhat na ako ni Miguel at dinala palabas ng bahay at agad na isinakay sa kotse niya. Dinala niya ako sa pinakamalapit na hospital. Agad akong inasekaso ng doctor. Nilagyan ng benda ang kaliwang kamay at kanang paa ko. May sugat nga rin pala ako sa noo. Buti na nga lang at hindi naging malalim. Matapos magpaalam ang doctor at kasama nitong dalawang nurse, binalingan ko si Miguel na nakahalukipkip sa tabi at salubong ang kilay habang nakatingin saakin. Mukha pa ring galit. Napalunok ako. Minsan ko lang siyang makitang ganyan. Tumikhim ako kalaunan. "Thank you nga pala ah." "Ano kasing ginawa mo?" pagsusuplado niya, "That wasn't the fist time you fell down the stairs." Napangiti ako nang maalala kong hindi nga ito ang unang beses na nahulog ako sa hagdan. Nong nasa abroad pa kami, nahulog din ako sa hagdan at si Miguel din ang sumaklolo saakin noon. "Paborito yata ako ng hagdan." biro ko. Lumapit siya saakin. Bigla na lang niya akong pinitik sa noo ko kaya napadaing ako nang mahina. "Aww! Alam mo namang may sugat ako sa noo 'e!" sabi ko pero 'yung loko, sinapladuhan lang ako at bumalik sa pwesto niya kanina. Napaismid at napangiti na lang ako dahil sa pagsusuplado niya. Naalala ko. Nung nasa abroad pa kami, pinayuan ako ni Tita Conny na subukang mahalin si Miguel. I admit, I tried without telling him but it didn't work. Ilang minuto pa ang nakalipas, dumating si Ate Mina kasama si Caleb na agad lumapit saakin. Umakyat siya sa upuang nasa tabi ng kamang hinihigaan ko at agad niya akong yinakap. "Mommy, I was worried. I thought you’ll gonna leave me." Napangiti ako, "Who told you that I’m gonna leave you? Look. Ayos na si mommy kaya huwag ka nang mag-alala, okay?” Tumango siya at ngumiti tapos muli niya akong yinakap. Napangiti na rin ako habang marahan kong hinahaplos ang buhok niya. Napawi lang ang ngiti ko nang may bigla akong maalala. Bumuntong-hininga ako saka ko hinarap si Caleb saakin. Mataman ko siyang tiningnan, "Baby, when you called your dad earlier, who did you talk to? Is that your dad?" "No," he blinked twice, "A girl po." inosente niyang sagot. I gulped, "A-anong sabi niya?" Suminghot muna siya bago sumagot, "She said, dad was taking a bath so I shouldn't disturb him." inosente niyang sagot. Napapikit ako nang mariin at inalala ang mensaheng natanggap ko sa kanya. He said he’s now in his office because he has a meeting to attend. So, what was that? Did he lied? At sinong babaeng nakausap ni Caleb? Napapikit ako nang mariin nang pumasok sa isip ko ang mukha ni Cyndie. Is that her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD