Matapos nang pag-amin ni JD na galit siya sa hindi maipaliwanag na dahilan, natahimik ang buong byahe namin. Hindi na siya nagsalita matapos 'yun at natatakot din akong sulyapan siya dahil baka hindi na siya makatiis at bulyawan na niya ako.
Hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Pagkahinto ng kotse, tinanggal niya ang seatbelt saka binalingan si Caleb na nasa likuran namin.
He sighed, "Baby, sabay ka na lang sa Mommy mo ah."
"Yes po, Daddy."
Matapos 'yun, napapikit ako nang mariin nang padabog niyang naisara ang pinto nang makababa siya at nang hindi man lang ako sinulyapan.
Napahinga na lang ako nang malalim habang sinusundan siya ng tingin na papasok sa bahay nila.
"Mommy, Daddy looks so mad," napabaling ako kay Caleb nang magsalita ito, "Did you two fight, Mom?" he innocently asked, blinking his eyes.
Agad akong umiling at pilit siyang nginitian, "No, baby. Masama lang siguro ang pakiramdam ng daddy."
Napatango-tango siya, "Ahh, kaya siguro lagi siyang nakasimangot kanina. I thought he didn't like Daddy Migs."
Napakunot ang noo ko sa huling sinabi nito, "Paano mo naman nasabi, baby?"
"I told him na si Daddy Migs ang nagbigay ng pangalan saakin. And it was came from your name and Daddy Migs after that, lagi na po siyang nakasimangot. May mali po ba akong nasabi, Mommy?" he innocent asked, kumurap-kurap pa siya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya ilang segundo pa bago ako nakapag-react, "No, baby. Wala kang maling nasabi, okay? I think, nagselos lang siya."
"Why, Mommy?"
I smiled, "I think you're right. He didn't want your Daddy Migs around. Ayaw niyang nakikitang mas close ka kay Daddy Migs mo kaysa sa kanya."
"But I love them both!"
"Yes, you love them both. Pero he's your real Daddy. Gusto niya nasa kanya lang ang atensyon mo," I smiled, "Sa tingin ko, masyadong possessive ang daddy pagdating sa’yo. So you should talk and say sorry to him later ah? Make him smile and tell him how much you love him."
"Okay po."
Mas lalo akong napangiti.
"C'mon. Give Mommy a tight hug."
He did what I said. Yinakap niya ako nang mahigpit na mahigpit kaya yinakap ko rin siya pabalik.
Tama. Iyun lang ang naisip kong dahilan kung bakit sumama ang mood niya. Nagseselos siya sa closeness ni Miguel at Caleb. Tama, Alejah. Iyun nga. Wala nang iba pang dahilan.
Matapos nun, pumasok na rin kami sa malaking bahay nina Tita Isabelle na tuwang-tuwa naman ito nang salubungin kami. Agad niyang pinugpog ng halik si Caleb. Habang ginagawa 'yun ni Tita Isabelle, iginala ko ang paningin sa loob ng bahay nila para hanapin siya pero wala siya.
Matapos kaming batiin ni Tita Isabelle, inaya niya kaming magmiryenda. Gusto ko pa sanang tumanggi dahil katatapos lang naming kumain kanina sa bahay pero hindi ko naman maisatinig iyun.
Habang busy sa pagkain si Caleb, senenyasan ako ni Tita Isabelle. Gusto niya raw akong makausap. Tumango naman ako at kaagad na sumunod sa kanya.
"What happened to Jared, hija? He look pissed. Nag-away na naman ba sila ng Kuya mo?"
Sandali akong hindi nakasagot sa tanong niya. Hindi nagtagal tumikhim ako at umiling, "H-hindi po. Baka lang po nagselos siya," sinulyapan ko si Caleb na sa pagkain ang atensyon, "Dumating po kasi 'yung Daddy Migs ni Caleb na kaibigan ko at close sa kanya kaya siguro nagbago ang mood niya. Naging ama na rin po kasi iyun kay Caleb kaya ganun ka-close ang anak ko sa kanya," I said.
Nang maibalik ko ang tingin kay Tita Isabelle, nakita kong ngiti-ngiti niya akong tinititigan kaya napalunok ako at biglang nailang.
"B-Bakit po, Tita?"
"Do you think is that the only reason why he got mad and jealous?"
Muli akong napalunok, "Bakit po, Tita? M-may iba pa po bang posibleng dahilan?"
She chuckled and shook her head, "Wala naman. At oo, tama ka nga. Alam mo kasi nung bata pa 'yang si Jared, seloso na talaga iyan. Ayaw niyang nasa ibang tao ang atensyon ng mahal niya. And when he got mad and jealous, asahan mo nang hindi ka niya kakausapin. Kaya, hija.." inilagay ni Tita ang kamay niya sa kanang balikat ko, "You should apologize to him and explain."
Matapos sabihin iyun ni Tita, iniwan niya akong gulong-gulo sa sinabi niya but I think she's right. Mukhang kailangan ko ngang e-explain kay JD kung bakit ganun na lang ka-close si Caleb at Miguel.
Nang bumalik ako sa puwesto ko kanina, inangat ni Tita Isabelle ang tingin niya saakin at tipid niya akong nginitian. Nakaupo siya sa tabi ni Caleb. Tipid ko lang din siyang nginitian pabalik.
Matapos naming magmiryenda, naglaro naman silang dalawa ng puzzle. Pinapanuod ko lang silang dalawang nagtutulong sa pagbuo nang malaking Mona Lisa Puzzle. Parehong nag-i-enjoy ang mag-lola sa ginagawa. Tumutulong din ako pero hindi maalis sa isipan ko si JD na hindi pa rin bumaba sa kwarto niya.
Kanina pa ang sulyap ko sa hagdanang papunta sa ikalawang palapag pero bigo na lang akong napapabuntong-hininga.
Ano kaya ang ginagawa niya sa kwarto niya? Talking with Cyndie on the phone?
Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip ko. Stop it, Alejah.
"Lola," Caleb yawn, matapos ang halos isang oras na pagsubok sa pagbuo ng puzzle. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya dahil sa paghikab niya. "I'm tired. Can I rest? Inaantok na po kasi ako, 'e."
"Sure, baby. Maya na lang tayo ulit maglaro, okay?"
Caleb nodded. Tumayo siya at lumapit saakin saka siya naglalambing na ibinuka ang kamay niya. Agad ko naman siyang binuhat gaya nang gusto niya. Kaagad niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko at ipinikit ang mata niya.
"Okay ka lang, hija? Hindi ka nabibigatan sa kanya?"
Tumango ako, "Okay lang po, Tita. Sanay na naman po ako. Ito kasi ang ginagawa ko para makatulog siya."
Hindi na nagsalita si Tita at nakangiti na lang kaming pinagmamasdan. May ibang kislap ang mata niya na hindi ko maipaliwanag. Hanggang sa maramdaman ko ang malalim na paghinga ni Caleb, senyales na tulog na siya.
"Oh, Jared!"
Biglang tumayo si Tita mula sa kinauupuan habang nakatingin sa likuran ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapalingon dito. Napalunok ako at napakurap nang makita ko si JD na kabababa palang ng hagdan. Busangot pa rin ang mukha nito.
"Buti at bumaba ka na. Look at your son. Nakatulog na siya sa sobrang pagod," sermon sa kanya ni Tita Isabelle sa nakabusangot na anak, "Kung hindi mo gustong mas bigyang pansin ni Caleb ang ibang tao, treat your son well. Parang hindi ka isang ama kung umakto. Ngayon alam ko na kung bakit mas gusto ni Caleb 'yung Daddy Migs niya kaysa sa'yo."
Mariing naipikit ni JD ang mata niya nang banggitin ni Tita Isabelle ang pangalan ni Miguel. Malalim itong napabuntong-hininga saka niya muling iminulat. Matiim nitong tiningnan ang ina niya.
"Ma, please, don't ever mention that name again."
Napalunok ako sa sobrang lamig ng boses niya. Umigting pa ng panga nito. Mukhang ang respeto na lang niya sa kanyang ina ang nagpipigil sa kanya na bulyawan niya ito. Pero hindi nagpatinag si Tita sa anak. Tinaasan niya ito ng kilay habang nakahalukipkip. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong magkapatid lang silang nagpipikunan at nagtatalo.
"Why, Jared? Masakit ba sa ego mo?"
Mariing ipinikit ni JD ang mata niya, "Ma, please, stop."
Dahil nakikita kong kunting kalabit na lang sasabog na si JD at baka ano pa ang masamang masabi nito sa ina, lakas loob na akong nagsalita, "Tita, tama na po. Baka po kasi saan pa mapunta 'yang pag-uusap niyo, 'e."
Nakangiting bumaling saakin si Tita, "It's okay, hija. Ganito talaga kami lalo na kapag may ginagawa siyang hindi ko nagugustuhan," ipinatong niya ang kamay niya sa kanang balikat ko, "Anyway, hija. May pupuntahan pa nga pala ako kaya maiwan ko muna kayo rito, okay?"
I gulped first, "O-Okay po."
Nginitian niya ako at lumakad na. Nang makalapit siya kay JD, huminto siya sa gilid nito. May kung anong binulong ito sa anak saka ito tuluyan nang umakyat sa hagdan patungong ikalawang palapag.
Napalunok ako nang mapagtanto kong kami na lang ang naiwan dito sa may salas, maliban kay Caleb na natutulog na sa balikat ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya. At para maibsan ang kabang naramdaman ko, inihiga ko si Caleb sa sofa dahil nangangawit narin ang balikat ko.
"What the f**k are you doing?" narinig kong mura ni JD mula sa likuran ko kaya napalingon ako sa kanya.
Saktong nakita ko siyang huminga nang malalim habang mariing nakapikit ang mga mata nito. Bakas sa mukha nito ang pagtitimpi. Napakurap ako lalo na nang imulat niya ang mata niyang agad nakadirekta saakin.
"Lagi mo ba siyang pinapatulog sa sofa?"
I blinked twice, "H-hindi ngayon lang." umiwas ako ng tingin sa kanya, "H-hindi ko kasi alam kung saan siya ihihiga." at saka wala namang problema kung sa sofa ko siya papatulugin. Malawak naman ang sofa at malambot. Kaya hindi ko alam kung anong problema niya sa ginawa ko. Hindi ko na lang isinatinig iyun.
"In my room."
Gulat akong napatingin sa kanya, "Ha?"
Sa halip na sagutin niya ako, lumapit siya saakin kaya napatayo ako bigla sa magkahalong kaba at pagkagulat. Akala ko kung anong gagawin niya. Gusto lang pala niyag buhatin si Caleb. Nang mabuhat na niya ang tulog na tulog na si Caleb, tumayo siya nang maayos at lumakad nang wala man lang sinasabi.
Napasapo ako sa dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang lakas ng t***k nito. Epekto nang paglalapit ng katawan niya kanina saakin nang kunin niya si Caleb. Damn. Nakakaloka na talaga 'to.
"What are you doing?"
Napapitlag ako sa gulat nang marinig ko ang boses niya. Napatingala ako sa kanya na nasa dulo na ng hagdan habang buhat-buhat si Caleb.
"Follow me," umiwas siya ng tingin, "We need to talk."
Matapos niyang sabihin iyun, tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Naiwan naman akong napapalunok habang paulit-ulit na ume-echo sa isipan ko ang huling sinabi niya.
We need to talk.
Omg. Ano naman ang pag-uusapan namin? Mas lalo yata akong kinabahan dahil dun.
Kalaunan, napilitan din akong sumunod sa kanya. Pagkapasok ko sa kwarto niya, nadatnan kong kinukumutan niya si Caleb na nakahiga na sa malaking kama niya.
So, ito pala ang kwarto niya.
Hindi ko maiwasang igala ang tingin ko sa loob ng kwarto niya. Halatang lalaking-lalaki ang may-ari ng kwarto. Naamoy ko pa ang inispray na pabango dito at hindi lang 'yun, ang linis-linis pa.
I wonder kung nakapasok na si Cyndie dito sa kwarto niya.
Hindi imposible iyun, Alejah. Limang taon silang magkasintahan at muntik pang ikasal kaya posible iyun.
Parang gustong-gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa sinasabi ng kabilang parte ng utak ko. Pero hindi ko rin maiwasang ngumiti nang mapait dahil dun.
"Why didn't you tell me about him before?"
Napaigtad ako sa gulat nang biglang magsalita si JD. Napatingin ako sa kanyang nanatiling nakatitig sa anak ko— anak namin na mahimbing ang tulog.
Hindi pa agad ako naka-recover sa tanong niya. Paano ba naman kasi, magtatatlong buwan na nung nalaman niya ang tungkol kay Caleb pero ngayon lang niya ako tinanong tungkol dito.
Pero nang maka-recover ako sa tanong niya, tumikhim ako bago nagsalita habang nakatingin sa daliring pinaglalaruan ko kanina pa.
"I was scared then," hindi siya nagsalita. Mukhang hinihintay lang niya ang sasabihin ko kaya agad kong dinugtungan ang sasabihin ko, "Natakot ako na baka itulak mo ako palayo. At isa pa, that time, may girlfriend ka. Natatakot ako na baka mas piliin mo siya kaysa saamin ng.. magiging anak mo."
Napapikit ako nang biglang nag+flashback sa isipan ko lahat ng masasakit na pinagdaanan ko noon.
Please, Alejah. 'Wag kang umiyak.
"Didn’t you ever try to let me know?" punong-puno ng panunumbat ang tuno ng boses niya.
Umiling ako at muling napalunok, "I tried!” muli akong napayuko, “Pero noong araw na handa na akong sabihin sa'yo, saka naman nalaman ni Kuya. Galit na galit siya."
Ramdam ko ang pagtulo ng luha kong agad ko namang pinalis nang maalala ko 'yung araw na iyun. Ang galit ni Kuya.
"Noong tinanong niya kung sino ang ama, natakot ako. Natakot ako kasi sabi niya saakin papatayin niya raw ang ama ng dinadala ko. Hindi ko gustong mangyari 'yun kaya mas pinili kong huwag ipaalam sa kanya. Ayaw kong saktan ka niya at mas lalong hindi ko gustong patayin ka niya."
"Why?"
Napaangat ako ng tingin, "Because I loved you.." naiwas ko rin ang tingin sa kanya nang makitang nakatingin na rin pala siya saakin, "... that time," dugtong ko kalaunan nang maramdaman kong titig na titig siya saakin. "P-Pero ngayon, hindi na. H-hindi na kita mahal. Naka-moved on na ako."
Sige, Alejah. Lokohin mo pa sarili mo!
"Is that because of that asshole?"
Naiangat ko ulit ang tingin ko dahil sa sinabi niya. That Asshole? Nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"He's not asshole, he's my friend!"
Ngumisi siya pero kitang-kita namang iba ang pinapakita ng mata niya, "At ngayon, pinagtatanggol mo pa siya. Just admit that you love that guy."
"Ano ngayon kung mahal ko nga siya?" hamon ko sa kanya. Hindi ko alam kung ba't bigla na lang lumabas ang tapang ko. Siguro na rin dahil tinawag niyang asshole si Miguel. Miguel is not an asshole. How dare him!
Napaatras ako nang bigla siyang humakbang papalapit saakin. Mas lalo ring nanlisik ang mata niya matapos ng sinabi ko. Kahit ang sarkastiko nitong ngisi, biglang naglaho. Hanggang sa maramdaman ko ang matigas na bagay sa likuran ko. s**t.
Nanuyo ang lalamunan ko at ilang beses akong napakurap nang tuluyan na siyang makalapit saakin. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa kaya naman, halos pigilan ko ang paghinga ko.
"A-ano ang gagawin mo?" kinakabahan kong tanong. I want to push him but I can’t even move my hands.
He smirked, pero tulad kanina, iba naman ang pinapakita ng mata niya, "I'll make you forget him and fall for me.. again, then."
What did he just —
Hindi ko na nagawang makapag-react agad dahil sa sunod niyang ginawa na nagpalaki ng mata ko nang bonggang-bongga.
Omg. He kissed me!