Napapikit ako para alalahanin ang mukha ni JD. Napangiti ako nang mapait habang sunod-sunod na naglalandasan ang luha sa pisngi ko. Muli kong hinaplos ang umbok ng tiyan ko.
“Baby, sayang. Hindi mo man lang makikita at makikilala ang ama mo. Pero okay lang ‘yun, baby. Basta ang mahala sa ngayon, ikaw at ako. Huwag mong papaiyakin si Mommy, ha? Mahalin mo si Mommy na hindi nagawa ng daddy mo.”
Hindi ko napigilang humikbi. Nawalan ako ng pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng ibang pasahero rito sa terminal. Nagtataka yata sila kung ba’t ako humahagulgol.
Napatigil lang ako sa paghikbi nang makarinig ako nang mahinang daing mula sa likuran ko. Agad akong napalingon dito. Napakurap ako nang may nakita akong lalaking nakahiga sa mga benches. Unti-unti nitong inalis ang leather jacket na nakatabon sa mukha niya kanina saka nito kinusot-kusot ang mga mata.
Napalunok ako nang mapatingin ito saakin. Kapagkuwan, humihikab itong bumangon mula sa pagkakahiga at muling tumingin saakin.
“Namatayan ka ba?” tanong nito bigla.
Alanganin akong umiling, “H-hindi.”
Muli itong humikab, “Then why are you sobbing na parang namatayan ka? Nadisturbo mo tuloy ang tulog ko. Ahh alam ko na. Did your boyfriend left you?”
Ngumiwi ako at muling umiling, “Hindi rin.”
At hindi ko rin alam kung bakit ko siya kinakausap kaya muli akong tumingin sa unahan. Pinipigilan ko nang umiyak dahil nakakahiya naman sa lalaking nasa likuran ko.
But he looks familiar. Where did I meet him?
Naputol lang ang pag-iisip ko nang bigla itong umupo sa tabi kong ikinagulat ko nang bahagya. Napakurap ako nang may inabot siya saaking panyo.
“Your..” ngumiwi siya sabay turo sa ilong niya, “.. catarrh is dripping.”
Dahil sa sinabi niya, walang pagdadalawang-isip kong tinanggap ang panyong inaabot niya saka ko iyun ipinunas sa ilong ko.
Nang muli ko siyang tingnan, nakita kong nagpipigil siya ng tawa hanggang sa hindi na niya nakayanan iyun. Tawa siya nang tawa habang nakatingin sa mukha ko. Ako naman, hindi ko napigilang mapatitig sa magkabilang biloy siya sa pisngi.
A man with dimples!
But he really looks familiar! Hindi ko lang maalala kong saan ko siya nakita —nanlaki ang mata ko nang maalala ko na.
“Ikaw ‘yung...”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumango, “The guy in Simon Legaspi’s birthday party?”
Nagulat ako hindi dahil kompirmadong siya nga ‘yung isa sa mga lalaking pinakilala saakin ni Shannon sa birthday ng pinsan niya. ‘Yung lalaking titig saakin. Pero paano niya nalamang iyun ang nasa isip ko. Did he remember me, too?
“I’m glad you remember me,” he smiled kaya lumabas na naman ang mga biloy sa pisngi niya, “Let me introduce myself again. I’m Miguel Caleb Scott.” pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya saakin.
Napalunok at napatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Kalaunan, kinuha ko naman ang kamay niya at nagpakilala rin, “Alejandra Mikaela Fuentes. Pero Alejah na lang. Ayaw ko kasing tinatawag ako sa buo kong pangalan.”
“We’re the same. I hate calling me using my whole name so I prefer Miguel.”
I smiled, “Miguel, then.” ulit ko sa pangalan niya.
Hindi naman pala siya mahirap pakisamahan. Kung dati awkward na awkward ako sa kanya nung una ko siyang makilala dahil akala ko nga nun hindi siya marunong ngumiti, ngayon hindi na. Nagulat siya nung malaman niyang buntis ako. He asked who is the father pero hindi na niya ako kinulit pa nang hindi ako nakasagot.
Nalaman ko rin na sa New York din pala siya pupunta dahil nandun ang family niya kaya pati sa eroplano nagkatabi kami ng upuan. Panay ang kwento niya saakin habang nasa byahe kaya nawawala ang antok ko at mas naging komportable ako sa kanya. Dahil sa pangungulit niya, panandalian kong nakalimutan ang lungkot na nararamdaman ko.
Hanggang sa lumapag ang eroplano sa New York hindi niya ako nilayuan. Nagpumilit pa nga itong ihatid ako sa bahay ni Tita Conny. Kaya nang dumating akong kasama siya, gulat na gulat si Tita Conny. Akala nga niya siya ‘yung ama ng baby ko pero siyempre tinanggi ko ‘yun.
Days and months later, palagi niya akong dinadalaw sa bahay ni Tita Conny hanggang sa tumagal na tumagal nun at naging magkaibigan na kami. Nang naikwento ko nga ‘yun kay Shannon, agad ‘tong nagtampo. Mahigit isang buwan din niya akong hindi ni-contact. Ayaw niya raw na may kahati siya saakin. Nailing na lang ako sa kaibigan ko. Simula noon naging hate na niya si Miguel. Lagi silang nag-aasaran dalawa kapag niyaya ko silang dalawang lumabas.
Tumagal nang tumagal ang pagkakaibigan namin ni Miguel. Hanggang sa bigyan na niya ako ng endearment. He calls me baby. Nung una sinusuway ko siya dahil ang awkward pakinggan, kalaunan nasanayan na rin ako kaya nang tumatagal, binabale-wala ko na lang.
“Tita? Puwede ko bang ligawan ang pamangkin niyo?”
Natawa ako sa bungad ni Miguel nang pagbuksan siya ng pinto ni Tita Conny. Imbes na hi or hello, iyun lagi ang pangbungad niyang tanong kapag pagbubuksan siya ni Tita Conny ng pinto sa tuwing bibisita siya sa bahay. Hindi ko nga alam kung nagbibiro siya o seryoso dahil palagi naman siyang nagbibiro... malayo sa inakala ko nuong una ko siyang makilala sa birthday ni Kuya Simon.
“Kung puwede lang ako ang sumagot para sa pamangkin ko... bakit naman hindi?”
Miguel winked at me after Tita Conny had said. Nailing na lang ako. Magkasundong-magkasundo ang dalawa pagdating sa pagbibiro saakin. Tita Conny really fond of Miguel. She really likes Miguel for me. Lagi niya akong sinasabihan na sana totoong manligaw si Miguel saakin. Siya raw ang unang matutuwa kapag nangyari iyun.
Pero mas gusto ko namang nagbibiro lang si Miguel. Dahil kung sakaling hindi siya nagbibiro, alam naman niya ang sagot ko ruon. Alam na niya ang tungkol saakin. Bukod kay Shannon, pinagtataguan ko na rin siya ng sekreto at pinagsasabihan ng problema. He became my man best friend.
“Oh my God, Miguel!”
Dumating ang araw ng panganganak ko. Miguel was still there. Sumama pa siya mismo sa loob ng delivery room kahit mas mamumutla pa siya kaysa saakin.
“God! I hate seeing you like this.”
“Miguel, ang sakit!” sabi ko at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya para kumuha ng lakas sa pag-ere.
“It’s okay, baby. The baby is near. Damn. I’ll kill that bastard who did this to you.”
Hanggang sa marinig ko na ang iyak ng anak ko. Habol ko ang hininga ko habang pinipilit kong tingnan ang baby ko pero hindi ko makita masyado. Feeling ko, mawawalan ako ng malay anytime dahil naubos yata ang buong lakas ko sa panganganak ko.
“Congratulation, Miss. You have a healthy and handsome baby boy.” sabi ng doctor na nagpaanak saakin.
Kahit nanghihina, ngumiti pa rin akong may kasamang luha sa sayang sa wakas at ligtas kong naisilang ang anak ko. Napawi lang ang ngiti ko nang mapansin ko ang pagluwag ng hawak ni Miguel sa kamay ko.
“M-Miguel, ayos ka lang?” tanong ko nang mapansin kong mas lalo siyang namutla at nakatulala lang habang nakatingin sa anak ko. Nagulat na lang ako nang mayamaya’y bigla itong bumagsak sa sahig sa biglaang pagkawalan ng malay.
Ang gulat ko’y napalitan ng tawa dahil sa tarantadong si Miguel na mas una pang mawalan ng malay kaysa saakin. Mayamaya’y dala na rin ng lakas na nawala saakin dahil sa panganganak, unti-unti rin akong hinila ng antok.
Nagising na lang ako na nasa isang kwarto na ako. Naririnig ko ang pamilyar na boses ni Miguel kaya pinilit kong iminulat ang mata ko. Nakita ko siyang nilalaro ang maliit na daliri ng anak ko habang nasa bisig niya ito. Napangiti ako habang tinitingnan silang dalawa. Kinakantahan niya ng lullaby ang munting anghel ko. Ilang sandali pa, napatingin saakin si Miguel.
“Oh, your mommy is already awake. Say, hi Mommy,” he said to my little angel, “Hi, Mommy.” natawa at nailing ako nang magboses bata siya.
“Tigilan mo ako, Miguel. Baka kala mo nakakalimutan ko nang mas nauna ka pang mawalan ng malay kaysa saakin.”
Marahan akong nang sumimangot siya. Then he shhed me when my little angel make a muffle sound.
“Don’t make some noice. You might wake him up.” mahinang sabi nito saakin.
I rolled my eyes at him.
He just chuckled, “Anyway, may naisip ka na bang ipapangalan sa kanya?” tanong niya habang patuloy na sinasayaw nang marahan at nilalaro ang daliri ng anak kong gustong-gusto ko nang hawakan. Pero natutuwa akong tingnan sila ni Miguel kaya hinayaan ko na lang muna sa kanya.
Sandali akong natigilan sa tanong niya.. Damn. Hindi ko naisip ‘yun kaya kalaunan, umiling ako sa tanong niya, “Wala.”
“Meron ako.” napatingin ako sa kanya. Nanatili siyang nakatingin sa anak ko nang magsalita siya, “Michael Caleb Scott.”
“Caleb? Second name mo ‘yun, ‘di ba?”
He looked at me and nodded, “That’s my second name and Michael is from your second name too, Mikaela. Kaso lalaki siya kaya Michael.” he smiled, “Maganda ba?”
I nodded, “Kaso bakit Scott? Last name mo ‘yun!”
He smirked, “I’m willing to be his father and your husband naman.” he winked.
“Sira! Michael Caleb Fuentes, period. Papatayin kita kapag apelyido mo nilagay mo.”
He chuckled, “Michael Caleb Fuentes, then.”
Miguel is sweet. Hindi lang saakin kundi maging sa anak ko na rin. Kaya sobrang lapit din ng loob ni Caleb sa kanya. He became a father for Caleb in years. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ni Caleb na hindi niya totoong ama si Miguel. Alam niya iyun. But he never asked me about his real dad, ‘yun pala, kung ano na ang pinagkukuwento ni Shannon dito.
He’s ideal too, sabi nga ni Tita Conny saakin. Pero kailanman hindi ko tiningnan si Miguel na higit pa sa isang kaibigan, gaya ng gusto ni Tita Conny na gusto kong maramdaman. Pero hindi tumibok ang puso ko para kay Miguel, gaya ng pagtibok nito sa isang taong pilit kong kinakalimutan pero napakahirap kalimutan.
Nailing ako matapos kong maalala kung paano kami naging magkaibigan ni Miguel. Bumalik lang ang diwa ko nang bigla kong maramdaman ang pagpitik niya sa noo ko.
I glared at him because of what he did, “Why did you do that!”
Nakahalukipkip siyang sumandal sa island counter saka kinagatan ang mansanas na hawak-hawak nito, “‘Cause you’re smiling like idiot. What are you thinking, hmm?”
“Naalala ko lang ‘yung katanghang ginawa mo nung nasa New York.”
He smirked, “So you're thinking about me. I told ya, you’ll fall in love with me.”
“Hoy, ang kapal mo! Hindi ah!”
He chuckled. Wala pa rin siyang pinagbago. Ang hilig pa rin talaga niyang mang-asar, “You already fell for me, baby. Admit it!”
Inikutan ko siya ng mata, “Hindi nga. Asekasuhin mo na nga lang ‘yang pastang niluluto mo!” sabi ko saka ko siya tinalikuran.
Magaling sa kusina si Miguel. Bukod sa pang-aasar, magaling siyang magluto. Siya pa nga ang nagluluto saamin nung nasa New York kami kaya naging paborito ni Caleb ang luto niya. Kaya ayun, pagkapasok namin kanina ng bahay, nag-request kaagad si Caleb sa kanya. Paborito niya kasi ang Pasta ni Miguel.
Bago pa ako nakalayo sa kanya, bigla na niyang inilingkis ang braso niya sa baywang ko, “Baby, I’m not done talking with you.”
“Miguel, wait! Nakikiliti ako!”
Hindi ko napigilang matawa nang sadyain niyang ihipan ang batok at likod ng tainga ko kung saan malakas ang kiliti ko kaya panay ang pumiglas ko.
“Miguel! Ano ba! Let me go!” natatawa kong saway.
Unti-unti lang naging bahaw ang tawa ko nang masulyapan ko si Caleb na pilit na hinihila si JD na salubong na salubong ang kilay papasok dito sa kusina. Pilit kong humiwalay kay Miguel lalo na nang makita ko ang dilim nitong mukha. Mabuti na nga lang at pinakawalan naman ako ni Miguel. Tumikhim ako kalaunan.
Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa tingin niya. Si Caleb ang unang bumasag sa nananahang katahimikan.
“Daddy Migs, may ipakikilala po ako sa inyo.”
Hinawakan pa niya sa kamay si Miguel para pagharapin ang dalawa. Napalunok ako nang magkaharap ang dalawa. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng tension.
“Miguel, pare.” pormal na bati ni Miguel sabay lahad ng kamay niya kay JD na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha.
Tiningnan lang iyun ni JD at sa halip na batiin pabalik si Miguel, binalingan niya si Caleb, “I’m sorry, baby, pero hindi ako nakikipag-usap sa... strangers.” pinagdiinan talaga nito ang salitang 'strangers' sabay tingin kay Miguel.
Narinig ko ang mahinang tikhim ni Miguel na nasa tabi ko matapos niyang ibaba ang kamay niyang nakalahad.
Caleb pouted, “But Daddy, he’s not strangers. He’s my Daddy Migs. He helped my mom to take care of me when we were still in New York.”
Tumingala si JD dahil sa sinabi ni Caleb at mariin nitong ipinikit ang mata. Nakita ko rin kung paano umigting ang panga nito kaya napalunok ako. Hindi nagtagal, huminga muna ito nang malalim bago tumingin kay Miguel.
“Jared.” inilahad niya ang kamay kay Miguel. Palihim kong siniko si Miguel nang hindi niya ito agad tinanggap. Kalaunan, tumikhim ito at tinanggap niya rin ang kamay ni JD at nakipagkamayan dito.
Pabalik-balik ang mata ko sa kanila. Kung si Miguel nakangiti kay JD, kabaliktaran naman ‘yun ng kay JD. He’s glaring at Miguel! Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa bulagta si Miguel.
Kahit nang nasa harap na kami ng hapagkainan, ramdam ko pa rin ang tension. Parang wala lang naman iyun kay Miguel dahil panay ang pagkausap niya saakin, hindi alintana ang masamang titig ni JD sa kanya na kanina ko pa nararamdaman. Hindi ko nga alam kung ba’t mas ako pa ‘yung kinakabahan kaysa kay Miguel.
“Baby,” Miguel whispered in my ear, “Kain ka nang marami. Look, you're look skinny.”
Hindi ko alam kung makailang beses na akong lumunok ng sariling laway nang muli kong makita ang pag-igting ng panga ni JD.
Binalingan ko si Miguel na kanina pa lagay nang lagay ng pagkain sa plato ko. I gave him confused look and mouthed 'anong ginagawa mo?'
Ngumisi siya at mas lalong inilapit ang bibig sa tainga ko, “You’ll thank me after this.” kumindat pa siya saakin.
Magtatanong pa sana ako pero napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang padabog na paglapag ng mga kubyertos sa ibabaw ng mesa. Sabay kaming napabaling ni Miguel dito.
“I’m done eating,” JD said in serious tone. Pinagpagan nito ang damit niya saka tumayo at muling tumingin saakin nang seryoso, “I have to go, Alejah.”
I gulped, “O-Okay.”
“I’ll bring Caleb..”
Hirap na hirap akong lumunok ulit dahil sa pagka-tense sa titig niya, “O-Oka—”
“.. and you.”
“Huh?” Gulat kong sabi sa kanya. “Pero —”
“No buts.”
Hindi na man lang niya ako pinatapos magsalita. Binuhat niya si Caleb kahit hindi pa ito tapos kumain bago lumabas ng dining room. Gulat na gulat ako sa sinabi niya kaya nakatulala lang akong nakatingin sa pintong nilabasan nila. Bumalik lang ang diwa ko nang marinig kong tumawa si Miguel.
Sinamaan ko siya ng tingin nang maalala ko ang mga pinaggagawa niya kanina, “What did you do?”
“Effective ba?” natatawa niyang tanong na ikinakunot ng noo ko.
“Anong effective?”
Napawi ang tawa niya. He narrowed his eyes at me, “Baby, nasobrahan ba ng anesthesia ang naiturok sa’yo noon?”
“Ha?”
Dismayado siyang nailing-iling. Tumayo siya kapagkuwan at pinagpagan din ang damit niya, “Kailangan ko na ring umalis.”
Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita, tinapik niya lang ako sa balikat saka ako tinalikuran. Tinawag ko pa siya pero ikinaway lang niya ang kamay niya nang hindi ako nililingon.
Napailing na lang ako.
Tulad ng sinabi ni JD, sumama kami sa kanya ni Caleb. Kaya lang ang awkward na naman ng byahe sa sobrang katahimikan. Buti na nga lang at nung nasa kalagitnaan na kami ng byahe, Miguel texted me kaya nalibang ako kahit papano. Sabi niya pupunta raw siya sa Cebu na hometown ng mommy niya. Nanghingi siya ng sorry dahil hindi na siya nakapagpaalam ng personal. I said it's okay.
Miguel:
Okay. Love you.
Natawa at nailing ako sa last reply niya. Hindi ko na siya ni-reply-an matapos iyun. Tumingin na lang ako sa labas ng kotse.
“Is he your boyfriend?”
Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni JD. Gulat akong napatingin sa kanya. Nanatili ang mata niya sa kalsada ngunit panay ang igting ng panga niya at mahigpit ang hawak nito sa manobela.
Nang maka-recover ako sa tanong niya, napalunok ako. Maya-maya’y tumikhim bago siya sinagot, “No.”
“Ex then?”
I gulped again and shook my head, “No. He’s just a... friend.”
“Really? Just a friend? But he keeps calling you ‘baby’ earlier and h-he kissed you.” muling umigting ang panga niya matapos niyang sabihin ‘yun kaya kinabahan ako.
I gulped, “S-sanay na ako. He always doing that to me when we were still in abroad.”
He laughed sarcastically, “Sanay?”
Napalunok ako ulit nang makita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manobela. He murmured something and mattered a curse.
“A-are you mad?” I can’t help but ask.
“Yes.” he admit. “So damn mad.” and gritted his teeth.
I gulped.
Napapikit na lang ako nang mariin at napakapit ako sa seatbelt nang maramdaman kong bumilis nang kunti ang minamaneho niyang kotse.