TILA binagsakan ako ng mabigat na bagay nang mabasa ko ang liham ni Tam. Galit siya sa akin at hindi ko alam kung nasaan siya. Ang hirap ng ganito. After all the goodbyes I had last night, bakit pati siya ay namaalam? I was wrong. I should have told her the truth. “Sha, tahan na. Hahanapin natin siya,” sambit ni Nix habang hinihimas niya ang balikat ko. “Mali, e! Dapat sinabi ko na lang,” umiiyak kong sambit. Iniharap ako ni Nix sa kanya at pinunansan niya ang luha sa aking mga mata. “Hey, what’s done is done. What matters is what you’ll do afterwards. Let’s find her so you guys can talk, okay?” Tumango ako at pinunasan ko ang iba ko pang mga luha. Sinabi ko kay Mama na umalis si Tam dahil nagtalo kami at nagpaalam ako na hahanapin namin siya. Lumabas kami ng bahay ni Nix at nag-telep

