?43?
[NAKARAAN]
Kinabukasan ay napagpasyahan ni Eer na itanong sa ina ang tungkol sa mga napanaginipan niya at sa pangalan ng isang babae.
Habang nasa labas sila at nagpapainit sa sikat ng araw.
''Ina... may bata po ba akong kalaro noon?" Kumurap ito ng makailang beses.
''Oo. Anak ng alipin pero matagal ng wala iyon dito... "
"Bakit po? Saan po nagpunta?"
"Bakit ka pa tanung nang tanong. Anak nga ng alipin diba? Ibig sabihin hindi dapat inaalala... "
"Ah, sige po... nga pala may kilala po ba kayong Nin?"
Naging maputla ang mukha nito.
''W-Wala.'' tila may pag-aalinlangan sa sagot nito.
''Isa po ba siyang tagasilbi?" Naisip niya ang pagkakausap nila ng kapatid.
''M-Malay ko. Hindi ko inaalam ang mga pangalan ng mga tauhan dito at saka wala naman silang ganoong halaga para isipin mo pa... " napansin niya ang kakatuwa din na ikinikilos ng mga nakahilerang mga alalay ng Reyna. Parang may alam ang mga ito sa kung sino ang nagmamay-ari sa pangalang yun.
-
Pinuntahan niya ang kapatid na nasa silid-aklatan. Nakaupo lang ito at tila tulala kahit may libro sa harap nito.
''Kapatid... " masaya siyang tumabi sa kinauupuan nito.
''O, kuya nariyan ka pala... " walang ganang sabi nito.
''May itatanong ako... ''
"Ano yun?"
"May kilala ka bang Nin? Tama ba ako na tagasilbi mo siya?"
"N-Naaalala mo na siya, kuya?'' Halos bumalong ang mga luha nito.
''Hindi e... malapit ba ako sa kanya? Kung gayun, bakit wala akong naaalala sa kanya? At saka yung kulay kahel na kasuotan. Kanino yun galing?" Bigla na lang siya nitong niyakap at nag-uumiyak ito.
''K-Kuya... hanapin mo si Nin... ''
''Bakit? Nasaan ba ang tagasilbi mo?"
"Ang inang Reyna... " suminghut-singhot ito sa pagkakaiyak.
''Anong tungkol kay ina? Sabihin mo sakin... ''
"S-Siya ang... " tila naumid ang dila nito at wala nang lumalabas na boses. Inilayo nito ang sarili sa kanya at hinawakan ang leeg at ibinuka ang bibig na parang hirap maglabas ng boses.
''A-Ayos ka lang ba kapatid?" Umiling-iling ito habang lumuluha. Kumuha ito ng panulat at papel ngunit hindi nito kayang magsulat. Halos sabunutan nito ang sarili.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang Reyna.
Napatingin si Eer sa mahigpit na pagkakahawak ng kapatid sa kanyang kamay.
Sobrang sama nang tingin nito sa Reyna.
''Nandito lang pala kayo mga anak. Anong nangyayari sayo Mahal na prinsesa? Ba't ka umiiyak?" Akma itong lalapit sa kanila subalit tumayo ang kapatid at nagtatatakbo palabas. Tila takut na takot ito sa reyna.
''Ina... may ginawa na naman ba kayo kay Maaryaa? May gusto siyang sabihin sakin e pero parang may sakit siya... "
"Kung ganun, kukuha ako ng manggagamot... "
"May sinasabi siya patungkol sa inyo... " biglang sumama ang timpla ng mukha nito.
''Dinidisiplina ko lang ang kapatid mo kapag gumagawa ng hindi kaaya-aya... yun ang ginagawa ng isang ina"
"Ano po bang nagawa niya?"
"Wag ka na makialam Eer. Ang gawin mo, pumaroon ka sa kabila nating palasyo at magpapasukan na din. Kailangan mong matuto... " tumalikod na ito at naiwan siya na nag-iisip.
Ano ba talagang nangyayari sa kapatid? Ano ba ang patungkol sa kanyang ina?
Kailangan na ba niyang kumilos mag-isa nang hindi tinatanong ang mga ito?
"Nin... malalaman ko din kung sino ka... "
?44?
[KASALUKUYAN]
[JANE]
Sa wakas, maaari na akong pansamantalang makadalaw kay ina. Marami akong ibabalita sa kanya kaso baka kagalitan niya na nagpakilala ako kay ama. Kabilin-bilinan pa naman niya yun. At wala din itong alam na naglilingkod ako sa palasyo.
Ikinabit ko na sa aking likuran ang sisidlan saka nagmartsa palabas. Natigil ang aking mga paa nang makita ko na nagsasanay sa pamamana sa labas ang Hari. Siguro naman, hindi nito mapapansin ang pagdaan ko.
Nakakatawa lang na puro hindi ito nakasapul ng tira. Mas magaling pa nga akong pumana dito sa totoo lang. Hindi pa rin mawala ang ngisi sa akin ngunit nilipad iyon nang ituro ako ng pinagtitiwalaan na kawal ng Hari. Bakit pakiramdam ko, lagot na naman ako?
Iniyuko ko ang ulo bilang paggalang saka humakbang paalis.
''Sandali lang!" Napapikit na lang ako sa boses na yun. Sa wakas nakalapit na ito sa akin. Pawisan ang buong mukha nito. Pambihira, wala man lang kuwenta yung mga tagasunod nito ni hindi ito pinahiran ng panyo sa mukha.
Ah, mayroon pala ako sa bulsa kaso matagal nang nasa akin yun. Bigay ni ina. Huhugutin ko sana sa bulsa kaso hindi ko na tinuloy.
''Nakita ko ang iyong pagngisi kanina. Mayroon bang nakakatawa?" Grabe talaga pati yun pinapakialaman nito.
''Kamahalan, yung mga ibon po ang nginingitian ko... " hay ano ba namang klaseng palusot to pambaliw.
''Ah, puwede palang ngitian ang mga ibon?"
''Opo. Maaari nyo pong subukan kada umaga'' sige. Baliw ka na nga talaga, Jane.
''Gagawin ko yan kung ikaw mismo ang magtuturo sa akin kung paano pumana... " Ha? Naloloko na ba to? Anong silbi ni Ahru na nasa tabi nito? Tumingin ako sa aking kaibigan na parang senisenyasan ako na pumayag. Naman. Hays. Kitang aalis ang tao e.
-
''Simula ngayon, dalawa na ang magiging trabaho mo sa palasyo. Tagasilbi ko at guro ko sa pamamana. Ngayon lang ako nakatagpo ng isang pagtuturo pa lang nakuha ko na agad. Nga pala, maaari ko bang malaman sino nagturo sayo nyan?" Ito na ba ang umpisa ng pagkakalkal nito sa aking katauhan? Tama nga yata ang aking hinuha.
Hindi ako sumagot kaya nakuha nito na ayoko sabihin.
''At dahil diyan, pasasamahan kita kay Ahru pauwi... " Naku naman. Paano ko kaya matatakasan si Ahru kung sakali. Matinik pa naman ang isang to. At saka, ayaw ko din na may malaman si Ahru patungkol sa akin. Sa amin ni ina.
''Wag na kamahalan. Kaya ko po ang aking sarili... "
-
Ano pa nga ba? Yung Lei? Sintigas ng bato ang utak. Sabing kaya ko na. May paa ako o!
"Bakit pala ayaw mong samahan kita? May tinatago ka ba sa akin? Ang sakit a, akala ko pa naman, kaibigan mo ko. Ayaw mo bang malaman ko saan ka lumalagi?" Isa pa to. Ang sakit ng ulo ko kanina pa.
''Amin na nga yang sisidlan mo, ang bigat niyan... " pilit nitong hinablot yun mula sa aking likuran.
''Uy wag na!"
"Ako na kasi... "
"Baliw ka ba? Kapag hindi magkasintahan, hindi ka puwedeng bumitbit ng sisidlan mula sa isang babae... "
"Ganun ba yun?" Akala ko titigil na ito kaso ginawa pa rin nito dahilan para ngitian kami ng mga nakakasalubong namin. Naku naman Ahru. Sa sobrang kulit mo ipapasok kita dyan sa sisidlan.
''Ayaw mo nun. Para kang may kasintahan... "
"Ha? Naririnig mo ba sarili mo?" Masasapak ko to.
''Oo. Dinig ko. Ikaw ba?" Dahil nilipad na ng hangin ang utak ko sa pinagmumutawi nito ay nakatapak ako ng dumi. Eeeehhhh
''Hahahaha. Yan. Natulala ka kasi agad. Ambaho mo na hahaha ''
"Walanghiya ka talaga Ahru pinagtatawanan mo lang ako. Itatapon ko itong sapin sa paa sige ka... " pinipigil ko matawa sa inis.
"Wag a hahaha "
"Gagawin ko talaga... "
"Ang alin? Gustuhin ako?" Kaya ang sumunod ay alam na ng mga nakakakita. Ang layo ng inabot ng takbo ni Ahru tapos tawa nang tawa. Hay. Kabwisit. Kamalas-malasang araw. Inalis ko na nga ang sapin na yun kaya isa na lang sa kanan ang natira. Ang init pa naman.
Lakad ako nang lakad.
''Nasaan na yung baliw na yun?" Linga ako ng linga hanggang sa may kumalabit sa akin.
Isang bata.
''Ate, may nagpapabigay po nito sa inyo."
''Sa akin?" Luminga ako dahilan para magtagpo ang mga mata namin ng asungot. Nakangiti na ito at nakaway pa.
Wala akong mapagpipilian kundi tanggapin yun. Pares ng pansapin sa paa.
Hintayin mo ko Ahru at pipingutin ko yang tainga mo!