?45? [NAKARAAN] Tama. Ang kaibigan niyang si Roi. Maaari nya itong tanungin. Kaya naman, napagpasyahan ni Eer na puntahan ito sa tahanan nito. "Napapunta ka dito, kaibigang Eer?" Agad siya nitong inakbayan sabay dugtong... "Ba't hindi mo sinama ang kapatid mo? Hindi ko pa ito nakikita... " "Pati ba naman kapatid ko? Mas bata ang edad nun kesa sayo... " iiling-iling niyang sabi. "Ano naman? Akala mo naman hindi magkakaedad yung kapatid mo." ungot pa rin nito. "Hindi yan ang ipinunta ko dito... " "E, ano?" "May kilala ka bang Nin?" Tinapik siya nito at tiningnan na parang may sakit siya. "Huh? Si Nin, hindi mo kilala e halos magkadikit na kayo nun..." "Anong ibig mong sabihin?" "Halos kayo lagi magkasama mula pagkabata. Yun ang sabi mo sakin at saka nakita ko na siya minsan at n

