⚘46⚘ - [KASALUKUYAN] [EER] Hindi ko na talaga kayang pigilan ang aking sarili. Kaya naman nang magkaroon nang pagkakataon at naglalakad si Nin ay gumamit ako ng mahika na namana ko kay ina. Yun ang mahika kung saan mawawalan nang malay ang isang nilalang gaya nang ginawa ko kay Maaryaa dati. Nung ipinalabas ko na mayroong nangyari sa amin kahit na wala naman. Kita ko kung paanong unti-unting iginupo si Nin hanggang sa bumagsak ito. Agad ko itong nilapitan at kinarga. Tila kay payapa nito ngayon na nakapikit. Wala ang mga mata nito na kapag nakabukas ay puno nang hinanakit at galit. Gusto kong magpaliwanag sa kanya kahit na mabigo man ako na pakinggan niya. Na kung nakalimot man ako noon lalo na sa pagkakataon na ibinigay niya ang kanyang sarili sa akin ay hindi ko yun sinasadya

