13-14

889 Words
Walanghiiiiiya ka Eer! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko! Sa anak ko na walang kamuwang-muwang sa hayop na tulad mo! Ang tagal mong mamatay hayop ka. Pati ba naman ang anak kong wala namang kasalanan sayo... Pinilit kong baklasin ang nakapulupot na kadena sa aking katawan subalit hindi talaga matanggal kahit anong galit pa ang ipinapakita ko. Ang anak kong si Lei... inosente siya sa lahat ng bagay na to. Sana pala, hindi siya nakarating dito hindi sana nangyari to sa kanya. Walang pagsidlan ang aking paghihinagpis. "Lei, kumusta naman ang ama mo?'' Naaalala ko na naitanong ko ito sa kanya. Akala ko ay makikita ko na malulungkot ito ngunit pinasigla nito ang boses. ''Si papa ko? Sabi ni mama, binabantayan niya kami. Umalis siya hindi dahil sa hindi niya kami mahal. Na sandali lang yun. Ang totoo, sabi ni mama makikita ko si papa balang-araw at kapag nangyari yun monster Roi, magiging buo na ulit kami at magiging masaya ako tulad ng ibang bata. Sabi pala din ni mama na magmamukha kami ni papa'' nangangarap ang mga mata nito. Kung puwede lang sabihin ko mismo kay Lei na ako ang ama niya. Kung puwede ko lang makasama silang dalawa ng mag-ina ko, wala na akong hihilingin pa. Wala na. Sila lang ang pinakatangi-tangi ko. Sila ang... pinakamamahal ko habang ako'y nabubuhay at maging mawala man ako. 'P-Patawarin mo ko anak ko. Wala akong... kuwentang ama. Nararapat lang na kamuhian mo ko.... Lei, anak, patawad' hanggang sa isip ko na lang nabibigkas ang mga salita na ito. Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang may dumating. Nakapuwesto ito sa labas ng rehas. "Monster Roi! Ako to! Si Lei!" parang gustong lumukso ng damdamin ko pagkarinig sa boses nito. Subalit kung ito si Lei, bakit kaya parang tumangkad ito? Tinitigan ko lang ang nakatalukbong na lalaki dahilan para alisin nito ang talukbong sa sarili. Inihayag nun ang mukha nito. Ang anak ko nga ito! Parang ako noong ako'y 100 taon pa lang. Kamukhang-kamukha. "Ililigtas kita, monster Roi! Iaalis kita diyan!'' Kung aalisin niya ako rito, paano niya gagawin yun? Hindi kaya... ''Tingnan mo monster Roi! May magic ako!'' Tuwang-tuwa na hinawakan nito ang rehas na bigla namang natunaw. Hindi kaya... namana ng anak ko ang aking kapangyarihan? Agad itong nakapasok sa loob at tinunaw rin ang kadena na parang kaydali lang para rito na gawin. ''Ligtas ka na... '' Nakita nito ang aking pagluha. Masaya lang ako anak na hindi totoo ang sinabi ni Eer na wala ka na. Hayaan mo lang akong umiyak. ''Bakit ka umiiyak monster Roi? At bakit hindi ka sumasagot sa akin?'' Kasi anak iyon ang naging parusa sa akin. Sana pala noong una tayong nagkita binigkas ko na ang salitang anak. Ngayon hayaan mong mayakap kita at sa pamamagitan nito maramdaman mo na mahal na mahal kita. Kayo ng iyong ina. ''Monster Roi... '' hinapuhap nito ang aking likuran. Anak ko, masaya ako na narito ka. Napakasaya. -14- [EER] Nang makausap ko ang Diyos ng kaharian, hinayaan nitong sa akin mapunta ang kaluluwa ng bata. Nang hihigupin ko na ito ay bigla itong nagising. Makikita sa mukha nito ang galit para sa akin. Ano namang dapat kong ikatakot sa gusgusing bata na ito? Pero bago ko ito kainin, may nais akong malaman. ''Paano ka nakapunta dito bata? At kaanu-ano mo si Roi?" Tiningnan lang ako nito. Mukha namang wala itong maisasagot sakin kaya naman hinawakan ko ang pisngi nito habang ito'y nakahiga"t nakagapos. Kinukuha ko ang enerhiya na nasa kaluluwa nito hanggang sa ito'y maubos at mawala na nang tuluyan. Ramdam ko na nahihirapan na ito. At pakiramdam ko rin ay mas lumalakas at tumitipuno na ako. Kawawa naman ang batang to. Nahimatay. Pasasaan ba at kahit iwan ko ito rito'y wala na itong pakinabang at naghihintay na lang nang kaniyang kamatayan. Pumunta ako kay Roi at inuyam ito. Mukhang napakahalaga talaga ng bata para sa kanya. Bago ka pa man makalabas dito, wala na ang bata Roi. Bandang gabi nang magpasya akong balikan ang silid ng bata ngunit nangagkagulo ang mga tauhan dahil wala na ang bata roon. Ngunit ngumisi lang ako. Alam ko naman na kung nasaan man ang hangal na bata na yun ay babawian na ito ng buhay. Ang lugar namin ay para sa engkanto lang at hindi sa mga tao. Kaya kung nagdudusa sila rito ay kasalanan na nila yun. ''Anong meron?'' Kunwari tanong ko sa isang kawal. ''Pinuno, nakatakas po ang bilanggo na si Roi. May nagpatakas rito at mukhang malakas ito!'' Ano raw? Mukhang nahihibang na ang mga nilalang dito. Walang mas malakas dito kesa sa akin ngayon. Maaari ko na ngang kalabanin ang Diyos ng kaharian para naman sa akin na talaga lahat. Ako na ang maghahari. Ako na ang sasambahin. At lahat ng babae dito ay magiging pagmamay-ari ko na. Nasa ganoon akong masayang pag-iisip nang maramdaman ko na sumisikip ang aking paghinga. Ah, hindi ito ay epekto lang ng nakuha kong lakas mula sa bata. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang buhat sa malayo ay nakakita ako ng dalawang nilalang. Ang isa ay si Roi. Akay ito ng isang matangkad na nilalang na bagamat nakatalukbong ay ramdam ko ang nagngangalit na titig sa akin. Sa tingin ko oras na para tapusin ang dapat tapusin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD