
'Et venit super eos veritas manifestetur.' ang mga katagang hindi akalaing magbubukas ng katotohanan para kay Heaven, ang katotohanan sa buo niyang pagkatao.
Labing anim na taon siyang nabuhay bilang isang normal na tao kaya hindi niya lubos akalain na isang araw paggising niya ay magbabago ang lahat. Na ang mga anghel sa panaginip ng kanyang kapatid na si Sky ay magkakatotoo.

