"Would you believe that the fourth dimension of the world exists?"
Heaven's POV
99% of the total occupants believe that we live in a three dimensional world. The first dimension of the world is you and yourself, the second is you and the people around you, and the third is you and the material world. 1% of the total population believe that there are veiled beings around. If there are only three dimensions people used to believe, where are these “veiled beings”? Why can’t our naked eyes see them?
Would you believe that the fourth dimension of the world exists?
KASALUKUYAN akong nagreresearch tungkol sa iba't ibang dimesyon ng mundo. Assignment namin ito sa Science. We were asked to search for things, events, beings - anything that appalls logic and science. To say I’m interested in the topic is an understatement, dahil nung napalingon ako sa wall clock sa kwarto ko, it's already past 12 midnight. Nag-umpisa akong magresearch mga around 7 pm pa.
Pero hindi pa rin ako inaantok. Nasanay na rin siguro yung mata ko. Paniguradong puyat ako sa school nito bukas. Hindi na ko magtataka kung makatulog ako sa klase.
'Et venit super eos veritas manifestetur.' Hindi ko maintindihan yung ibang nakasulat sa website na pinagkukuhanan ko ng detalye pero isinulat ko pa rin.
"Et venit super eos veritas manifestetur?" Ilang beses ko itong ibinulong sa sarili ko, nagbabakasakali na maiintindihan ko ‘pag pinaulit-ulit ko.
Ilang beses ko pa siyang inulit hanggang sa sinukuan ko na. Hindi ko talaga maintindihan.
Ipinagpatuloy ko na lang yung research ko. Search dito, search d'yan, basa dito, basa diyan.
"ATE HEAVEN, gising ka na ate, malelate ka na raw sabi ni Mommy." Ramdam ko ang pag-alog sa akin ng kapatid kong si Sky.
Napatunghay ako, tinatamad akong bumangon. Tiningnan ko yung orasan, alas diyes na pala. Pumikit muna ulit ako. Alas diyes na ng umaga at ganitong oras nakaupo na ako sa loob ng classroom.
Napabalikwas ako. Sandali, anong oras na ulit?!
Nakita ko yung kapatid ko sa may tabi ng kama ko, may hawak siyang isang malaking teddy bear.
"Sky! Bakit di mo ko ginising?!" natataranta kong tanong.
"Ate, ginigising kaya kita, ikaw yung ayaw bumangon."
Dali dali akong bumangon at kinuha ang isang pares ng uniform ko at saka ang mga gamit ko panligo.
Nasa kwarto ko pa rin si Sky at pinapanood niya lamang ako.
"Ate, you know what, ang ganda ng panaginip ko, may anghel daw na nagbabantay sakin."
Patuloy pa rin ang pag-aayos ko ng aking mga gamit habang nagkwekwento siya. It's about her guardian angel na naman. Palagi niya akong kinukwentuhan about sa paniginip niya.
"Ang ganda nung wings nung angel, ang puti puti tapos ang dami nila."
Gaya ng dati, manghang mangha pa rin siya habang nagkekwento siya.
"Tapos ate kumakanta yung mga angel, ang gaganda ng voice nila."
Tiningnan ko si Sky at nginitian ko siya.
"Sky, to be continued na muna ulit ang kwento mo about sa mga angels ha. Maliligo muna si Ate kasi late na siya sa klase. Later, kwento mo ulit yang dream mo about those angels."
Nginitian niya ako pabalik.
"Ok ate, uwi ka ng maaga mamaya, I will tell you more about my guardian angels!"
I nodded and smiled. Lumabas na rin siya ng room ko after.
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Hindi na ako aabot sa first class ko. Sa sunod na klase na siguro ako makakaattend.
Nang makaayos ako ay bumaba na rin ako. Muntik pa akong mahulog sa hagdan sa pagmamadali ko.
"Oh, anak, tinanghali ka ata ng gising, puyat ka na naman siguro." nag-aalalang sabi sa akin ni Mommy.
Nasa kusina siya at naghahanda ng pagkain. Nasa salas naman ako at kasalukuyang nagsusuot ng aking sapatos.
"Napasarap po kasi ako sa pagreresearch sa assignment ko kagabi e."
Dumiretso na ako sa kusina matapos kong isuot ang sapatos ko.
Nakakagutom ang amoy ng niluluto na pagkain ni Mommy.
"Kumain ka na muna." inabutan niya ako ng kanyang specialty, adobong baboy na may nilabong itlog.
Nandito rin sa dining si Sky and she is playing with her doll.
"Mommy, I want an angel doll." sabi ni Sky. Mahilig talaga siya sa angel, siguro dahil na rin sa palagi siyang nakakapanaginip ng mga anghel.
Tuwing umaga puro anghel na lang ang kwento n'ya sa akin. Mga kumakanta at sumasayaw na mga anghel. Kung minsan pa nga ay nakikipaglaro raw sa kanya ang mga ito.
"Bilhan ka ng angel doll ni ate later, okay?"
She gave me a big wide smile, "Talaga ate? Thank you!" hinalikan niya ako sa aking pisngi. Mabait na, sweet pang bata. That's my baby sister.
Matapos kong kumain ay umalis na rin ako. Sumakay ako ng bus papuntang school.
Binabasa ko yung research ko sa science habang nasa biyahe.
Would you believe that the fourth dimension of the world exists?
"Napuyat ako sa'yo." sabi ko ro'n sa papel kung sa'n ko sinulat yung research ko.
Nagbasa basa pa ako nang biglang huminto ang bus na sinasakyan ko.
"Ay ano ba 'yan! Ang traffic naman, malelate ako nito sa office." Reklamo ng katabi kong babae. Base sa uniporme niya, mukha siyang empleyado sa isang mall.
"May nagkabanggaan raw po kasi doon sa kabilang kanto. Medyo matatagalan pa raw bago maayos yung aksidente." sabi nung kundoktor ng bus na sinasakyan namin.
"Oh my, malelate nga ako! Manong, bababa na ako, lalakarin ko na lang." tumayo na yung babaeng katabi ko. Gano'n din yung iba pang mga pasaherong dismayado. Isa-isa na silang nagbabaan.
"Pasensya na po kayo." pagpapaumanhin ni Manong drayber sa amin.
Sa totoo lang, hindi naman niya kasalanan. Accident may happen anytime, anywhere.
Hanggang sa di ko na namalayan, halos wala na palang natirang pasahero sa bus, lilima na lang kami.
Nagdesisyon na rin akong bumaba. Malapit na rin naman ako sa school kaya lalakarin ko na lang. Baka kapag hinintay ko pang maayos ang trapiko ay malate din ako.
Isang matinding traffic ang bumungad sa akin. Maraming tao ang naglalakad na kasabay ko. Marami rin akong naririnig na boses at agam agam tungkol sa aksidenteng nangyari.
"Kawawa naman yung batang naaksidente."
"Oo nga, graduating pa naman daw."
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko yung pinangyarihan ng aksidente.
Kumpol-kumpol ang mga tao, siksikan. Tanging sirena ng ambulansya, mga ingay sa paligid at malakas na hagulhol lamang ang napapakinggan ko.
"Nakakaawa yung nanay nung bata."
Out of curiosity, nakita ko na lang ang sarili kong nakikibalita do'n sa aksidente.
"Ano raw pong nangyari?" tanong ko sa isang matanda na nakikiisyoso.
"Ang pakinig ko hija, itinulak daw nung bata yung nanay niya kasi may paparating na bus, ayun, nakaligtas yung nanay niya pero yung bata yung nahagip. Nakakaawa nga yung bata, tingnan mo."
Napatingin ako doon sa sinasabi nung matanda na tinanong ko. Nakita ko ang mga pulis habang dinadakip ang siguro'y drayber noong bus. Sa di kalayuan ay nakita ko ang medics. Isinakay na nila sa stretcher ang isang bata.
"Kaawa awa yung nanay niya. Sabi nila isang taon na lang at makakapagtapos na ng highschool yung anak niya. Buhay nga naman. Hindi mo alam kung oras mo na."
Tumingin ako sa gawi no'ng sinasabi nung matanda. Nanlamig ang buong katawan ko sa sunod kong nakita. Hindi ko magawang maikurap ang aking mga mata.
Isang matandang babae ang umiiyak. Siguro'y siya ang nanay ng batang naaksidente. Iiling iling ako at muli ko siyang tinitigan. M-may tao sa likod niya. I mean, hindi tao.
Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko. Ramdam ko rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
"A-ano yun?" tanong ko sa matandang aking kausap sabay turo sa nakita ko.
"Alin hija? Yung matanda? Nanay yun nung bata." sabi niya sa akin
Hindi ako mapakali. Hindi yung matanda ang sinasabi ko kundi yung nasa likod nito.
Hinahagod niya yung likod nung matanda. Napatulala na lang ako habang nakatitig pa a nilalang na nasa likod nung matanda.
Nakakapanlunok. Naalala ko si Sky. Palagi niya itong ikinikwento sa akin.
"Ate, you know what, ang ganda ng panaginip ko, may angel daw na nagbabantay sakin, ate Heaven, ang ganda nung wings nung angel, ang puti-puti tapos ang dami nila."
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi pwede. Hindi ito totoo. Namamalikmata lang ako. Epekto lang siguro 'to ng puyat.
Nakatayo lang ako roon at hindi ko magawang gumalaw. Hindi ko rin namalayan na nagsialisan na pala ang mga tao sa aking paligid. Maging ang matanda at ang nilalang na aking nakita ay wala na rin.
Hanggang sa makarinig ako ng isang busina. Pagtingin ko sa aking kaliwa ay may paparating na isang truck.
Muntik na ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Kaba, sobrang kaba. Nagpapalpitate pa rin ako.
Inhale. Exhale.
"Namalikmata lang ako." pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong maglakad paalis sa pinangyarihan ng aksidente. Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba lahat ng nakita ko?
"Namamalikmata ka lang Heaven, namamalikmata ka lang, puyat lang yan." sabi ko pa sa sarili ko.
Hanggang sa nakarating na ako sa school, yun pa rin ang nasa isip ko.
Nagvibrate ang phone ko na siya kong namang ikinagulat. Kinuha ko ito at binasa ang text mula kay Sky, 'Ate, my angel doll ok?'.
Muli ko na naman naalala yung nakita ko kanina. Napailing ako. Impossible talaga.
That thing never existed, not even today.
Nireplyan ko siya ng "ok".
'You will eventually forget about it Heaven, okay?' pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Nandito na ako sa classroom ngayon. Saktong kakatapos lang ng first subject namin noong dumating ako. Mabuti na lang at hindi ko naabutan ang teacher ko.
"Heaven, bakit ngayon ka lang? Inaantay kita kanina, akala ko whole day ka ng wala." bungad sa akin ni Mirage habang inuusisa niya ako.
"Ah-eh, tinanghali kasi ako ng gising."
Lilingon lingon ako. Hindi pa rin ako mapakali. Naiisip ko pa rin yung nakita ko kanina.
Totoo ba yun o hallucination lang?
"Ah, ganun ba?" duda pa rin siya. Ito talagang bestfriend ko.
"Oo nga, napuyat kasi ako sa assignment natin sa sa Science." dispensa ko.
"Ay oo nga pala! Patingin ako ng assignment mo." ibinigay ko sa kanya ang aking notes .
"Ah..about sa dimensions of the world pala ang sa'yo. Ang akin about reincarnation. Nice, nice!"
Binabasa lang niya yung notes ko habang ako naman ay tulala pa rin.
Hindi ko talaga alam kung anong iisipin ko dun sa nakita ko kanina.
"Hindi yun totoo, namalikmata lang ako, puyat lang 'to." sinampal sampal ko ulit yung sarili ko.
"Huy Heaven! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Anong hindi totoo? Anong namalikmata? Ano bang nangyari, kanina ka pang tulala." nag-aalalang tanong sa akin ni Mirage.
"Wala, wala 'to, puyat lang." at tumawa ako ng napakalakas. Napangiwi siya. Akala niya siguro nasisiraan na ako.
'Heaven, napaparanoid ka na. Kalma. Namalikmata ka lang kanina. Walang anghel na nanghahagod ng likod ng umiiyak na matanda.' isip isip ko.
Huminga ako ng malalim and composed my self. Makakalimutan ko rin ang lahat.
"Okay, sabi mo e! Sige balik na ako sa seat ko, baka biglang dumating si teacher." binalik niya sa akin yung notes ko.
Maya-maya pa ay dumating na rin yung teacher namin.
Kung dati ay focus na focus ako sa pakikinig sa klase, ngayon ay lipad lang ang utak ko.
Pinipilit ko pa ring kalimutan yung nakita ko kanina pero bumabalik talaga.
Hanggang sa natapos ang klase. Buong maghapon akong tuliro. Literal na nakatulala lang talaga ako at siguro kung literal na lumilipad yung utak, malayo na ang narating nito.
Lumapit sa akin si Mirage dala ang kanyang bag, "Heaven, ok ka lang ba talaga? Kanina ka pang spaced out." puna niya sa akin.
Di ko siya masisisi kung pansin niya. Ano pa't bestfriend ko siya.
So ano namang sasabihin ko sa kanya? Nakakita ako ng anghel kanina, tapos yung anghel hinahagod yung likod nung matanda na namatayan ng anak? Baka sabihan lang akong baliw nito.
"Wala. Puyat lang talaga 'to. Ang sama kasi ng gising ko."
"Okay, but if there is something bothering you, wag ka magdadalawang isip na mag open up sa akin ha."
Napangiti naman ako. I'm lucky to be surrounded by sweet people. "Oo naman."
I grabbed my bag at naglakad na kami palabas ng school.
Nag-aabang na kami ng bus nang maalala ko yung angel doll na pinapabili ni Sky, "Teka, uuwi ka na ba? Samahan mo na naman ako, bibilhan ko ng doll si Sky."
"Sige ba. Tara, may alam akong tindahan ng doll, ano bang klaseng doll?"
Napalunok ako, y-yung klase raw ng doll, ano raw?
"A-ano, a-angel doll?" mautal utal kong sabi.
Tinitigan ako ni Mirage na para bang nalaman niya ang isa sa pinakatatago kong sikreto. Kakaiba talaga yung tingin niya. Ano na naman kayang iniisip niya?
"Aha! Siguro yan yung kanina mo pang iniisip kaya ka tulala?!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman na ang iniisip ko kanina pa ay yung angel na—h-hindi, hindi ko sasabihin kahit kanino yung nakita ko, baka masabihan lang akong baliw o ano. Namalikmata lang ako, period!
"Ha? Di ah!" pagmamaang-maangan ko. Di ko alam pero pinagpapawisan na ata ako.
"Nagmaang-maangan ka pa. Don't worry, may alam akong shop ng mga angels, nando'n na lahat ng kailangan mo. Samahan kita." saka niya ako hinila.
Nakahinga ako ng maluwag. Yun naman pala ang iniisip niya. Ang buong akala ko, naisip niya ang nasa isip ko.
"San ba 'yong sinasabi mong shop ng mga angel?"
"Basta, malapit lang 'yun dito."
Umoo na lang ako, kasama ko naman siya. Hindi naman siguro kami mawawala at makakarating sa kung saan.
Naglakad kami hanggang sa makarating sa may panglima siguro itong kanto mula sa school. Medyo may kalayuan din.
Pumasok siya sa isang eskinita at sinundan ko siya.
"We're here!"
Napatingin ako sa paligid at sa muling pagkakataon ay nakakita ako ng ano.
"Tara!"
Napalunok ako at kinabahan ng husto.
Hindi ako makagalaw. Patay na ba ako?
I fear death at kung totoo mang patay na nga ako, paano, saan at kailan?
Napailing ako. Hindi. Hindi pa ako patay. Wala akong maalalang namatay na ako.
"Huy Heaven, sabi ko tara." muling sabi ni Mirage.
Sa halip na sumagot ay tinitigan ko lang siya.
Mukhang nairita siya sa pagtingin ko kaya lumapit siya and snapped at me, "Huy Heaven!"
Doon na tuluyang bumalik ang diwa ko. Muli akong napatingin sa aming paligid, nando'n pa rin ang mga anghel.
"A-ano..yang..kasi ano kasi Mirage, may ano--"
"Ano?" she said raising her left eyebrow.
Hindi ko masabing may mga anghel akong nakikita. Hindi isa, hindi dalawa. Marami sila.
Ayokong masabihan akong baliw ni Mirage. Alam kong nasa katinuan pa ako pero bakit ganito. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit ko sila nakikita?
Napatingin ako dun sa isa sa mga anghel. Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti. Tinawag pa nito ang tatlo niyang kasamahan at saka muling tumingin sa akin. Unti unti akong kinabahan nang maglakad sila papalapit sa amin.
Alam kong mababait sila pero ano ba ang pakay nila? Kukunin na ba nila ako at isasama sa kanila?
Muli akong napailing. Hindi. Hindi pa ako handa.
"Ano nga? Grabe ka Heaven, namumutla ka na! Masama ba ang pakiramdam mo?!" hinawakan pa ni Mirage ang noo ko.
Ilang pulgada na lamang ang layo nila sa amin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa sobrang kaba ay hinahabol ko na ang aking hininga.
Wala akong sakit at lalong hindi masama ang pakiramdam ko pero bakit parang, parang, parang matutumba ako..
"Heaven!"
----------------------------------------------------------x
Et venit super eos veritas manifestetur: "The darkness will come and the truth shall prevail."