"I named her after you."
Heaven's POV
NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang boses ni Mirage, "Uy Heaven, ok ka na?"
Nakatayo siya sa aking tabi. Napalinga ako sa paligid. Nasa isa kaming kwarto na medyo dim yung ilaw. Medyo nahihilo pa ako. Nagbublur pa ang paningin ko.
Muli akong napatingin kay Mirage at pagtingin ko sa kanya, may katabi siyang mga ano.
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Di ko na napigilan, napasigaw na ako, "AHHHH!"
"Uy Heaven! Ano bang nangyayari sa'yo?!"
Nanginginig ako sa kilabot. Nagtindigan na namang muli ang bahalibo ko.
"Mirage! May..may ano kasi e—m-may-may mga anghel sa tabi mo!"
Wala na akong pakialam kung sabihan niya akong baliw. Maniwala man siya o hindi, pero meron talaga. Hindi lang isa, madami sila.
Nakatingin lang si Mirage sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Maya maya pa ay tumawa siya ng napakalakas. Pati yung mga anghel sa likuran niya nagtawanan na rin.
"Oh? B-bakit ka tumatawa?! Nakikita mo rin sila?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman." patuloy pa rin ang pagtawa niya.
Ganun naman pala. Nakikita naman pala niya, e ba't parang okay lang sa kanya?!
"Hindi ba weird? Tingnan mo, may pakpak sila! Hindi sila tao!"
At mas lalo pang lumakas yung tawa niya. Ano bang nakakatawa sa mga sinasabi ko?
"Ano ka ba Heaven! Empleyado sila dito! Nakacostume lang silang anghel!" sagot ni Mirage na tatawa tawa pa rin.
Napanganga ako sa sinabi niya.
"A-ano?!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
Bumangon ako sa aking pagkakahiga at hinawakan ang isa sa mga anghel na empleyado raw. Kinurot ko pa ang isa sa kanila. Napa "aray" naman siya. Hinawakan ko ang pakpak nung isa. Peke nga. Napeke ako.
Huminga ako ng malalim, nakakahiya pero wala, nangyari na.
Sumigaw ka raw ba naman dahil sa mga anghel na akala mong tunay tapos yun pala peke lang.
Paranoid ka na talaga Heaven.
Bago pa ako tuluyang mabaliw, hinarap ko si Mirage, "Teka nga muna, nasa'n ba tayo? Bakit may mga gan'yan dito?"
"Nandito tayo sa angel shop ng Tita ko. Anything you need na may kinalaman sa mga angels nandito. At sila, mga empleyado sila rito, ganyan ang uniform nila."
Napalinga ako sa paligid.
"Ganun? So nasa'n tayo ngayon?"
"Nasa shop pa rin. Ito yung room ng mga empleyado. Stay-in kasi sila dito sa shop."
Napatango na lamang ako. So that explains it all.
Lumabas na kami ng room at namangha ako sa nakita ko.
Sabi ni Mirage sa akin, nahimatay raw ako kanina sa labas ng shop kaya dinala nila ako sa loob.
Nakarating kami sa mismong shop. Sumalubong sakin ang napakaraming angel stuff -rom small to big figurines, paintings, sculptures, chimes, chains and many more.
"Hi Tita! This is my friend, Heaven and she's looking for an angel doll."
Ngumiti sa akin ang isang babaeng tingin ko ay nasa early 30's. She looks stunning in her white dress. Mukha rin siyang anghel, wala nga lang pakpak.
I smiled at her. Nakakahiya lang, ang epic nung nangyari kanina.
"Ok ka na hija?" tanong niya sa akin.
Tumango ako at muli siyang nginitian. Nakakadala yung awra niya. There is something about her that I cannot explain. Yung ngiti niya punong-puno ng positivity. Yung mga tipong nakakahawa ang ngiti, kahit bad mood ka na.
"Ok na po ako."
"Mabuti naman kung gano'n."
Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. This place is so peaceful. It's like heaven on earth.
"Mirage mentioned you were looking for an angel doll?”
“Ah, opo. Yung baby sister ko po, humaling na humaling kasi sa mga angels.”
“Ah, I see. What kind of angel doll are you looking for?”
What kind? May iba-iba pa palang klase ang mga angels? Akala ko basta may pakpak, angel na tawag dun.
“Not actually sure po.” I nervously laughed.
“That’s not a problem. Come. I’ll show you our best sellers and the collections. Baka may makita kang maganda for your baby sister."
We head to a room na punong puno ng mga angel dolls. And everything was just… WOW.. Siguro kung nandito sa Sky, she'll be amazed too.
Medyo nakakailang lang kasi kada lakad mo, ang daming anghel na nakabantay sa'yo. Para kang nasa langit sa sobrang dami ng mga taong nakacostume ng anghel dito.
Nakarating kami sa isang kwarto na parang museum. Nakadisplay dito ang iba't ibang manika.
"We have here the angel of love, angel of freedom, angel of friendship, angel of courage, angel of faith, angel of hope..." sa sobrang dami ng klase ng angel na sinabi nung Tita ni Mirage ay napanganga na lang ako.
Akala ko dati kapag sinabi mong anghel, iisang klase lang sila. Ang bawat isa pala sa kanila ay may kani-kanilang role.
"Pili ka lang dya'n hija and since you are Mirage's friend, I'll give you a discount." She said winking at me and smiled again.
Ang bait niya. "Salamat po."
Nagtingin lang kami ni Mirage ng doll na sa tingin namin ay magugustuhan ni Sky. If only I could buy them all, I will.
Sa paghahanap namin, I saw a doll that really caught my attention. Meron itong deep black hair, same color goes with her eyes. Yung lips niya ay dark red and unlike all other angel dolls here, she has ashed wings. Nakasuot din siya ng isang kwintas na may inverted cross na pendant along with her black and red dress.
I grabbed the doll and look at it closer. It doesn't look creepy at all. Nakakapagtaka lang, of all dolls here, ito lang yung may kulay grayish na pakpak.
"Ah, tita, ito po—ano pong klaseng angel ito?" tanong ko sa Tita ni Mirage na ngayon ay nag-aayos ng iba pang mga doll.
"Oh, that one is a dark angel."
"Dark angel?" tanong ko, "..di ba po kapag sinabi mong angel, it means mabait." dagdag ko pa.
Muling ngumiti sa akin ang Tita ni Mirage, she's holding a kerubin doll.
"Not all angels are kind. Katulad lang din natin sila. May mabait, may masama. Creation lang din sila ng ating Almighty being and these creatures, sometimes make mistakes too. They sin. And when they do. They get punished turning them into a dark one."
Muli akong napatingin sa dark angel na hawak ko. All this time, I thought all angels are good. Hindi pala.
Ibinalik ko na yung dark angel doll na hawak ko.
"Ikaw, bad ka. Magbago ka na." sabi ko pa do'n sa doll. Akala mo naman rinig ako.
Napalingon ako kay Mirage nang tawagin niya ako, "Heaven, may napili ka na bang doll para kay Sky? This one looks nice oh."
Tiningnan ko yung hawak na doll ni Mirage. Nakasuot ito ng isang mahabang dress na may design na bulaklak at paru-paro. Rosy cheeks at kulay silver-white ang buhok nito. Kagaya ito ng palaging ikinukwento sa akin ni Sky.
"That's pretty! Magugustuhan ni Sky 'yan." iniabot sa akin ni Mirage yung doll at kinuha ko naman ito saka ibinigay sa Tita ni Mirage.
"Good choice, this one's the angel of protection."
Habang ibinabalot ni Tita ang aking binili muli akong napatingin sa paligid.
I wonder, do angels really exist?
Naalala kong muli yung nakita ko kanina sa aksidente, is that for real o namalikmata lang ako?
"Here." Iniabot niya sa akin ang paper bag.
"Salamat po."
Lumabas na kami ng shop. Nakatingin lang sa amin yung ibang empleyado na anghel. Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Nakakahiya.
"Sige hija, babalik kayo dito ah."
"Opo naman. Salamat po ulit."
Nagpaalam na kami at sumakay ng bus pauwi.
Nakatingin lang ako sa may bintana ng bus. Hawak ko yung angel doll na binili ko para kay Sky.
Nadaanan namin yung pinangyarihan ng aksidente kanina. Totoo nga kaya?
Hanggang sa nakarating ako sa bahay na yun lang ang nasa isip ko.
"Ate Heaven!" she jumped towards me, hugged me and kissed me on my cheeks. Ang sweet talaga ng kapatid ko.
"Where's my doll ate?!" inabot ko sa kanya yung doll niya. Tuwang tuwa siya habang binubuksan niya yung box.
"Yay! Ate, it's so beautiful! This looks like one of those angels in my dreams! Ipapakita ko 'to kay Mommy! Mommy! Mommy!" nagtatakbo siya papunta kay Mommy na nasa living room.
Nanonood siya ng balita habang nagsusulsi.
"Mommy, this doll is really beautiful right?!" sabi ni Sky kay Mommy.
"Yes baby, it's beautiful like you."
"Ate! Ate! I will name her Nirvana!" tuwang tuwa talaga siya habang hinahaplos haplos niya ang buhok nung doll niya.
"Bakit Nirvana?" I asked.
"Kasi diba ate, Nirvana is heaven too, I named her after you."
I pat her head. Sweet talaga ng kapatid ko.
Nilalaro lang ni Sky yung angel doll niya. Si Mommy naman patuloy pa rin ang pagsusulsi.
Paakyat na sana ako nang marinig ko ang balita sa TV.
'Isang kinse anyos na bata ang nasagasaan ng bus bandang alas diyes kaninang umaga. Ayon sa mga saksi, patawid daw ito kasama ang kanyang nanay nang mahagip ito ng bus. Narito ang buong balita.'
Napaurong ako at tumingin sa TV.
Nakita ko ang pinangyarihan ng aksidente. Nando'n ang nanay nung bata habang iiyak iyak sa sinapit ng kanyang anak. Isinakay ng medics yung bangkay ng bata sa stretcher.
'Ang anak ko. Ibalik niyo ang buhay ng anak ko.'
Mas lumapit pa ako sa aming TV. Muling nagfocus ang camera sa nanay nung bata.
'Anak!'
Wala, wala akong makita.
"Heaven, ano bang ginagawa mo d'yan sa harapan ng TV? Konti na lang at papasok ka na sa loob." puna sa akin ni Mommy.
"Ah, m-may assignment kasi kami Mommy. Tingnan daw kung anong brand ng TV." pagpapalusot ko.
"Ganun ba? Sige't ibibigay ko sa'yo ang kahon niyan mamaya. Baka kailanganin mo pati ang manual. Mabuti't naitago ko."
Napangiwi na lang ako, "T-thank you Mommy."
Matapos ang balita ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.
Nagpalit na ako ng damit at nahiga sa kama ko.
Isa lang naman ang gusto kong masigurado. Yun ay kung totoo nga ba ang mga nakita ko o hindi at tama ako.
Sa wakas, panatag na ang loob ko at makakatulog na ako ng mahimbing.
Huminga ako ng malalim.
"Tama, namalikmata lang ako kanina. Wala talaga akong anghel na nakita." sabi ko at saka pumikit.
***
"OO, PAPUNTA NA AKO, MALAPIT NA."
Ibinaba ko yung phone call.
Maaga ako ngayon. May group study kasi kami nina Mirage sa bahay ng kaklase namin. Hindi tulad nung isang araw, mabilis ngayon ang takbo ng bus. Wala ng trapik at linis na ang daan.
Bumaba na ako dun sa tagpuan namin. Nando'n na silang lahat at ako na lang ang kulang.
"Sorry, late ba ako?" tanong ko nang makalapit sa kanila.
"Hindi naman, maaga lang talaga kami, tara?" sabi ni Melody, class president at Top 1 sa klase namin.
Naglakad na siya at sinundan namin siya. Napagdesisyunan naming sa bahay nila kami mag-aral.
Mula sa tagpuan ay walking distance na ang bahay nila. Bukod kay Mirage na lagi kong kasama, nandito rin sina Kiss at si Winter.
"Sino palang kasama mo sa bahay niyo?" tanong ni Mirage kay Melody.
"Lola ko lang. Mula noong namatay sina Mama at Papa, siya na lang yung kasama ko."
Nagkwekwentuhan lang sila, ako naman ay nakikinig lang.
"Hindi ba istrikto yung lola mo?" tanong ni Kiss.
"Hindi naman, don't worry, mabait yun. Palagi lang yung nakaupo sa rocking chair niya."
"Bigla ko tuloy namiss ang lola ko." Malungkot na sabi ni Winter.
"Bakit? San ba ang lola mo?" nagtatakang tanong ni Mirage.
"She died last year, dala na siguro ng katandaan." malungkot na sagot nito.
"Aww. Sorry." sagot ni Mirage.
"Nah, okay lang naman. I had the best Lola and I believe kasama na siya ni Papa God ngayon sa langit. She's now an angel."
Nag-agree naman sila sa sinabi ni Winter.
Tuwing makakarinig ako ng topic about angels ay kinikilabutan ako. Siguro ay dahil na rin sa nangyari noong nakaraang araw.
"Andito na tayo."
Bumungad sa amin ang isang malaki at medyo old style na bahay. Pumasok na rin kami at di namin inaasahan ang napakaluwang na espasyo sa loob. Antigo ang mga gamit at masasabi mo talagang vintage.
Naglibot pa ang aking mga mata sa paligid. May mga painting din sa dingding.
Sa di kalayuan ay may isang matanda ang nakaupo sa isang rocking chair malapit sa bintana at--
"Ayun ang lola ko."
Nakatingin lang ako diretso hindi dun sa matanda kundi dun sa katabi nung matanda.
Unti unting nanginig ang tuhod ko. Ramdam ko ang panglalamig ng buo kong katawan.
"Lola, mga kaklase ko nga po pala." pagpapakilala ni Melody sa amin.
Naglakad sila papunta sa Lola ni Melody habang ako naman ay naiwan sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw.
"Hello po." bati nila sa Lola ni Melody.
Nilingunan sila ng Lola ni Melody.
"Sila po sina Kiss, Winter, Mirage at H--"
Napalingon sila sa aking gawi.
"Heaven?" tawag sa akin ni Mirage.
Muling ibinaling ni Lola yung atensyon niya doon sa kanina pa siguro niyang kausap.
Nakakapanlunok. Buhay ang diwa ko pero hindi lang talaga ako makagalaw, again?
Nakatingin lang ako dun sa matanda at dun sa kausap niya, nagtatawanan sila.
"Halika Heaven, wag kang mahiya." anyaya sa akin ni Melody.
Hindi naman sa nahihiya ako. Hindi lang talaga ako makalapit dahil may ano.
Napansin siguro ni Melody yung kanina ko pang tinitingnan.
"Ganyan talaga si Lola, para laging may kausap pero wala naman, sabi ng mga kapitbahay namin, epekto lang daw siguro ng pagtanda."
Hindi pa rin ako makagalaw..
Gusto kong lumapit sa kanila but I can't. I can't make a step. I can't move.
There's a creature beside Melody's Lola at mas lalo pang tumindig ang balahibo ko nang tingnan ako nito at ngitian.
Hindi naman ako puyat pero, ano na naman yung nakikita ko?
"Heaven?" muli nilang tawag sa akin. Maging ang Lola ni Melody ay lumingon na rin sa gawi ko.
"Hija, halika." anyaya nito.
I shook my head. Hindi ko kaya.
"Hala! Ang putla ni Heaven!" nag-aalalang sabi ni Winter. Lumapit silang lahat sa akin maliban kay Lola.
"Heaven okay ka lang?" hinawakan ako ni Kiss sa noo at sa leeg. "Wala ka namang lagnat ah."
Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako dun sa anghel na kasalukuyang nakatingin sakin.
Ang ganda ng ngiti niya sa'kin. Nakakaloko.
Hindi ito totoo, hindi talaga!
'Napaparanoid ka lang Heaven.'
Pumikit ako at mumulat muli. Tiningnan kong muli yung gawi nila pero wala! Nando'n pa rin talaga ito at nakatingin pa rin sa'kin.
Nakakapanlamig. The chills this creature is giving me! Kulang na lang matanggal ang lahat ng balahibo ko sa aking balat.
"Ikuha niyong tubig si Heaven!" nag-aalalang sabi ni Mirage.
Iniupo nila ako sa sofa saka binigyan ng tubig. Nakatingin pa rin ako dun sa anghel. Magkausap na ulit sila ni Lola ngayon. Patuloy pa rin ang kanilang pagtatawanan.
Nakatingin lang ako sa kanila.
"Heaven okay ka lang ba?"
Rinig ko ang aking mga kaklase pero hindi ko pa rin magawang magsalita. I can't believe this. I'm seeing an angel again.
Hanggang sa nagpaalam na yung anghel do'n sa lola ni Melody. Lola smiled at him and waved back.
Tumingin sa'kin yung angel and he waved at me too.
I don't know where I got my courage to stand pero napatayo ako sa kinauupuan ko.
This isn't real. Panaginip lang ang lahat ng 'to.
Tumayo ang anghel sa may bintana. Nilingunan niya ulit si Lola. Bumwelo siya ng konti at kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay lumipad ito palabas, palayo.
Nagtatakbo ako papunta sa may bintana. Nakatingin lang ako sa may labas trying to figure out where the angel went. Pero wala. Wala na akong naabutan except sa isang feather na tumama sa mukha ko, dala siguro ito ng hangin.
Napahawak ako sa feather na puti na tumama sa aking mukha, this can't be.
"Umalis na siya." sabi ni Lola sa akin.
"Ano siya?" I asked.
Itinuro ni Lola ang hawak kong feather.
"Anghel."
She smiled at me and closed her eyes.
Muli akong napalunok. Totoo ba?
Nilapitan ako ng mga kaklase ko.
"Heaven, ano 'yang hawak mo?"
Ipinakita ko sa kanila ang puting feather na hawak ko.
"Ah, balahibo lang siguro yan ng kalapati. Ok ka na ba? Ano bang nangyari sa'yo kanina? You're acting weird. Hindi ka makausap ng matino." tanong ni Melody.
"Huh? W-wala. Nahirapan lang ako huminga, inatake na naman siguro ako ng asthma. Sorry." dispensa ko.
Alam ko namang kahit sabihin ko sa kanila, hindi nila ako paniniwalaan e.
"Sure ka?" tanong ng bestfriend ko.
Ayoko nang madagdagan pa ang mga kasinungalingang lumalabas sa bibig ko kaya tumango na lang ako.
"Sige, magstart na tayo. Dun tayo sa kwarto ko."
Naglakad kami papunta sa kwarto ni Melody. Muli naman akong napalingon sa may bintana sa salas kung saan ko siya nakita.
Si Lola? Ayun, mukhang tulog na.
Tumingin ako sa balahibong hawak ko, imposible.
Nag-umpisa na kaming mag-aral.
Hindi ako makapagconcentrate. Naiisip ko pa rin yung nakita ko kanina.
Paano kapag nakakita ulit ako ng ganung anghel? Anong gagawin ko?
Matutulala na naman ba at mamumutla?
Palagi na lang ba akong matatakot?
Hanggang sa natapos ang group study namin na halos 'yon lang ang naglalaro sa aking isipan. Hindi ako masyado nakapagfocus sa pag-aaral.
Hapon na nang makaalis kami sa bahay nina Melody. Sabay kaming umuwi ni Mirage.
"Heaven okay ka lang ba talaga?" tanong niya sa akin.
"Ah—Oo, okay naman. Ok ako." I fake a smile. Ayaw kong mag-alala siya sa akin.
"Talaga ba?" tanong niya ulit.
"Oo. Promise. Okay lang ako."
Tumigil si Mirage sa paglalakad kaya napatigil din ako. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Heaven, if there's something bothering you, I'm always here ha. I'll listen."
Napangiti naman ako, "Oo na. Cheesy mo." sabi ko at pinisil yung ilong niya.
"Aray naman. Pero di, seryoso. Nag-aalala lang ako. Weird mo kasi the past few days."
Bestfriend ko talaga siya. Napapansin niya lahat.
"Don't worry about me. I'm fine. Sasabihin ko naman sa'yo e pag may bumabagabag sa'kin."
"Sabi mo 'yan ha." Nakakunot pa rin ang noo niya.
"Oo nga."
Naglakad na kami at nakarating sa sakayan ng bus. We then parted ways. Magdidilim na nang makauwi ako.
Dumiretso ako sa aking kwarto at humiga sa aking kama. Nakatingin lang ako sa kisame.
Hindi pa rin talaga mawala sa aking isipan ang anghel na nakita ko.
Kinuha ko ang balahibong nakasipit sa libro ko.
Totoo ba?