Chapter 4: Guardian Angel

2287 Words
"Angel of truth ka diba? Magsabi ka ng totoo." Heaven's POV "ATE HEAVEN! Ate Heaven!" inaantok pa ako, madaling araw na kasi ako nakatulog "Oh?" mumukat mukat kong sagot. Nasa may paanan ng kama ko si Sky. Hawak hawak niya ang doll niyang si Nirvana. "Ate! Ang daming feathers ng angel sa sofa natin! Dinalaw tayo ng angel!" napabalikwas ako sa sinabi ni Sky at dali-dali akong nagtatakbo pababa. "Anak, mukhang hindi mo nasara ng ayos ang pinto kagabi, may nakapasok tuloy na mga kalapati, nagkalat yung balahibo dito oh." Nililinis na ni Mommy yung mga balahibo na nagkalat sa sofa. "Si Yule..." bulong ko sa sarili ko. "Mommy! That's an angel's feather! Akin na lang Mommy please ?" "Anak, hindi 'to feather ng anghel. Balahibo lang 'to ng kalapati, akin na nga, mamaya asthmahin ka pa." Kinuha ni Mommy yung mga nilipon na feather ni Sky, nalungkot naman yung kapatid ko. "Mommy, akin na lang po ang mga feathers, gagamitin ko po para sa project ko." tumingin sa'kin si Sky, kinindatan ko naman siya. "Sige Heaven, ikaw na ang maglipon ng mga yan, magluluto pa ako ng agahan." nginitian ko si Mommy at pumunta na siya sa kusina. Nilingunan ko ang kapatid ko, "Mamaya bibigay sa'yo ni ate okay?" bulong ko kay Sky, tumango naman siya saka ako niyakap. "Thank you ate! I love you!" "I love you too." After kong lipunin ang mga balahibong iniwan ng ni Yule, naghanda na ako para sa school. Nakatingin ako sa salamin ngayon, ang daming tanong ang naglalaro sa utak ko. Napahawak ako sa noo ko, "Bukas ang third sense ko? Kelan? Paano? Saan at... Sino?" napahinga ako ng malalim. Ang weird na talaga ng mga nangyayari sa buhay ko the past few days. Ang mga nakikita kong anghel sa paligid, isama mo pa ang existence ng fourth dimension. Ang dami ko pang gustong malaman. Tungkol sa kanila, gusto ko siyang makausap muli. "Haaay, magkikita pa kaya ulit kami ni Yule?" tanong ko sa sarili ko. "Ate Heaven kain na raw po tayo ng breakfast sabi ni Mommy!" hawak pa rin niya ang doll niyang si Nirvana. Nakasilip siya sa kwarto ko. "Sige pababa na rin si Ate." Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako bumaba. Hahakbang na sana ako palabas ng aking kwarto nang magring ang phone ko. Chineck ko ito. Si Mirage pala, tumatawag. Sinagot ko ang tawag niya. Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang paghikbi niya. "H—heaven...kagabi pa kitang tinatawagan pero di kita macontact." sa tono ng pananalita niya ay bigla akong kinabahan. "Hello Mirage? T—teka, umiiyak ka ba? B-bakit? Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong. "W—wala na sina Mama at Papa." Hihikbi hikbing sabi niya sa akin. Kinilabutan ako sa mga sinabi niya. "Ha? A—ano? P—paanong?" kinuha ko ang aking bag at dali dali akong bumaba. Nasa tenga ko pa rin ang aking telepono. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit? Bakit sila pa?" Isinuot ko ang aking sapatos, "Hintayin mo ako okay? Papunta na ako." Ibinaba ko ang telepono at dumiretso ako sa kusina. Pinuntahan ko sina Mommy at Sky. "Mommy, punta lang po ako kina Mirage." paalam ko. "Ha? Bakit anak? Kumain ka muna." alok niya sa akin pero hindi, kailangan na talaga ako ng bestfriend ko. "Hindi na po, kailangan ako ni Mirage ngayon, mag-isa na lang siya." malungkot kong sabi. "Ha? Huwag mong sabihing—" napatakip ng bibig si Mommy. Di ko na napigilan ang aking mga luha, bakit magulang ng bestfriend ko pa? Naalala ko noong mamatay si Dad. I may not know how exactly she feels pero I've been there and I know how hard it is. Nilapitan ako ni Mommy at niyakap ako. I composed myself. Tinapik pa ni Mommy ang aking balikat bago akong umalis, "Sige na anak, kailangan ka ni Mirage." "Sige po." dali dali akong lumabas ng bahay, sumakay ng bus at dumiretso sa bahay nina Mirage. Sa labas ng kanilang bahay ay nakita ko ang funeral service. Nagtatayo sila ng tolda. Nandito rin ang iba pang mga kamag-anak nina Mirage. Nandito rin ang Tita ni Mirage na may-ari ng Angel Shop, binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti, sinuklian ko naman din siya. Pumunta na ako sa loob ng bahay nina Mirage. Sa salas ay nando'n ang mga magulang niyang nakahimlay. "Heaven." tawag sa akin ng yaya ni Mirage. "Manang, condolence po. Si Mirage po?" nag-aalala kong tanong sa kanya. "Nasa taas Heaven. Hndi ko siya makausap. Ayaw niyang makausap. Ikaw na ang bahala sa kanya." Tumango na lamang ako, "Sige po." Pumanhik na ako sa taas, alam kong mahirap ito para kay Mirage. Nag-iisa lamang kasi siyang anak. Tuwing magkukuwento siya sa akin, napakasaya niya. Close na close daw kasi sila ng Mama at Papa niya. Hindi ko mawari na sa isang iglap lang ay guguho ang lahat para sa kanya. Kumatok ako sa pinto ng kanyang kwarto, "Mirage.." pagtawag ko sa kanyang pangalan. "Sige salamat, babalik ka ha." Rinig kong sabi niya mula sa labas ng pinto. Sandali—may kasama siya? "Mirage?" muli kong tawag sabay katok. Maya maya pa, nakarinig ako ng yabag na papalapit. Nagbukas ang pinto. "Heaven.." niyakap niya ako. "Buti naman, dumating ka na." niyakap ko siya pabalik. "Mirage..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nalulungkot ako para sa kanya. "Heaven, ang daming nangyari kagabi. Alam mo ba naisip ko, ano kaya kung sumunod na ako sa kanila? Nagiisa na ako at oo, masakit.. Sobrang sakit, kasi biglaan e..Pero—" kita ko sa mga mata niya ang nangingilid na mga luha. "Sige lang..." hinayaan ko na lang muna siyang magsalita. Alam kong sobrang sakit nito para sa kanya. "Pero ganun naman talaga diba? Siguro kinuha na niya sila kasi oras na nila." Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa mata ni Mirage pero gayunpaman, pilit pa rin siyang ngumingiti. Muli ko siyang niyakap. Hindi ako sanay na makitang umiiyak ang bestfriend ko. Isa siya sa pinakamasayahing tao na kilala ko. "S-sobrang sakit. Sobrang sakit to the point na pati ako susuko na.." mula sa kanyang bulsa ay ipinakita niya sa akin ang isang blade. Napatakip ako sa aking bibig at naiyak na rin. "I'm sorry Heaven. I'm sorry for being weak." "Shhhhh." muli ko siyang niyakap. "Akala ko katapusan na ng lahat pero alam mo ba, kagabi rin, dinalaw ako ng guardian angel ko at sinabi niya sa'king magiging okay rin daw ang lahat. Sabi pa niya, sabi raw nina Mama ko, proud sila sa'kin at patuloy raw akong mabuhay." nagulat ako sa sinabi niya. "G—guardian angel?" tanong ko. "Oo, guardian angel." tiningnan niya ako at pinahid ang kanyang luha saka siya ngumiti. "Alam kong hindi mo maiintindihan, tara na?" Napalingon ako sa paligid. Sa totoo lang, naiintindihan ko naman talaga siya. Siguro yung kausap niya kanina noong kumatok ako sa may pintuan niya ay isang anghel. Diba nga, sabi ni Yule, ang mga anghel daw, dumarating kung kailan kailangan mo sila at siguro, ito yung tamang oras para pagaanin ng isang anghel ang kalooban ni Mirage. "Heaven, tara na." "Ah sige." Sumunod na ako sa kanya. Kung sino man ang anghel na kausap niya kanina, 'Salamat'. Maghapon akong nasa bahay nina Mirage, hindi ko siya iniwan. Hindi na rin ako nakapasok sa school pero okay lang, basta madamayan ko ang kaibigan kong para ko na ring kapatid. "Heaven, thank you ha." hinawakan niya ang kamay ko. "Wala yun, ano pa't bestfriend kita." Hindi ko namalayan ang oras, maggagabi na pala, kailangan ko ng umuwi. "Sige na, magpahinga ka na rin, maghapon mong binabantayan ang Mama at Papa mo, baka napagod ka na." inayos ko na ang sarili ko saka ko isinakbit ang aking bag. "Sige Heaven, salamat." Inihatid niya ako sa palabas ng kanilang bahay. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bisita. "Sige, una na 'ko, magpahinga ka ah." "Oo sige, salamat ulit." Naglakad na ako papunta sa sakayan ng bus. Masyadong mahaba ang araw na 'to. Parang kailan lang sobrang okay pa ng lahat. Hindi mo nga naman masasabi kung ano ang mangyayari. May mga tao talagang kailangan ng magpaalam at may mga tao ring kailangan ka ng iwan. Nauunawaan ko si Mirage, naramdaman ko na 'yon dati, noong mawala si Daddy. Siguro nga, simula pa lamang ito para sa kanya. Simula ng buhay niya bilang siya. Siya mag-isa kasama ang mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya. Sa tingin ko, God has better plans for her at kung ano man yon, I hope she can do it and she'll be able to succeed. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Napalingon ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Ha?" paglingon ko sa aking likuran, wala namang tao. "Wala talagang tao, kasi hindi naman ako tao. Wala kang makikitang tao dito." Napatingin ako sa taas. "Y—yule?" siya nga, ang anghel na nalalag sa bubong namin kagabi. "Hindi nga kasi ako nalalag sa bubong niyo, ilang beses ko bang uulitin yon sa'yo Heaven?" bumaba siya mula sa paglipad niya. Nakalimutan ko, nakakabasa nga pala siya ng isip. "Sorry naman, teka, anong ginagawa mo dito?" lilinga-linga siya sa paligid. "Ilagay mo ang telepono mo sa tenga mo, pinagtitinginan ka na ng mga tao, iniisip nila nababaliw ka." Napatingin ako sa aking paligid, nakatingin nga sa akin ang mga tao. "P—paanong—" "Nababasa ko ang iniisip niyo." And as he said, kinuha ko na ang phone ko bago pa ako mapagkamalang baliw ng mga tao dito. Kung bakit ba kasi ako lang ang nakakakita sa anghel na 'to. "Okay na. Teka nga, ano bang ginagawa mo dito?" "Diba nga sabi ko sa'yo, may nangangailangan sa akin dito. Kaya ako nandito para damayan siya and you know what..." Kaysa nakatigil kami sa iisang pwesto, nagsimula na akong maglakad, sinundan naman niya ako. "Ano?" tanong ko nang makarating ako sa bus stop. "Kaibigan mo ang taong binabantayan ko—" muli akong napatingin sa kanya. "You mean—" nanlaki ang mata ko. "Yes." So siya pala. Siya pala yung anghel na nagbabantay kay Mirage. Hindi ko napigilan, napayakap ako sa kanya. "Oh, oh, wag dito." Inilayo niya ako sa kanya. "Pagkakamalan ka nilang baliw. Ayan na ang bus, sakay ka na." sumakay ako, siya naman ay nakasunod pa rin sa'kin. Nakalagay pa rin sa tenga ko ang phone ko na para bang may kausap talaga ako sa kabilang linya. Kita ko ang kanyang pag ngiti, "First time kong sasakay ng bus." sabi pa niya. "Talaga? Kung sa bagay, palagi kang nalipad." Umupo na ako sa may dulo para hindi masyado marinig ng mga tao ang aming usapan. "Nga pala, bakit ka ba biglang nawala kagabi, ang dami ko pa namang gustong itanong sa'yo." "Kagabi kasi namatay ang mga magulang ni Mirage. Kaya ako nagmadali. Pasensya ka na." nakaupo na rin siya sa tabi ko. Naalala ko ang sabi sa akin ni Mirage na kagabi pa niya ako kinocontact, kaya siguro. "Salamat ha." Hindi ko mapigilang magpasalamat kay Yule. "Para saan?" "Salamat kasi hindi mo pinabayaan ang kaibigan ko. Medyo okay na siya kanina." "Ah yun ba, tungkulin namin yun, Guardian Angel nga diba? Ikaw talaga." Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Maya maya pa ay lumingon siya sa akin, "Nga pala, nakita mo na ba ang nagbukas ng third eye mo?" "Hindi pa e. Saka hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin." Sagot ko. Natahimik siya sa sinabi ko. Ni isang clue wala ako. Biglaan ang lahat. Isang araw, nagising na lang ako nakakakita na ako ng anghel. Sino ba naman kasing nagbukas ng third eye ko. "Yule?" tawag ko sa kanya, nakatulala kasi siya sa labas. "Oh?" "Hindi mo ba masasarhan 'tong sakin?" Hindi niya ako nililingon, "Hindi." Hays, bakit naman ba kasi hindi? Anghel din naman siya ah. "Hoy nababasa ko yang iniisip mo, kahit pa anghel ako, hindi ko 'yan pedeng sarhan, diba nga sabi ko sa'yo, kung sino ang nagbukas, siya rin dapat ang magsara." Napayuko ako sa sinabi niya. "Ok lang naman na bukas ang third eye mo. Wala namang masama don. Ayaw mo nun? Nakikita mo kaming mga nasa ikaapat na dimensyon? Nakakausap pa. Astig kaya." "Astig na kung astig pero para sa isang normal na tao, weird kaya 'yon. Okay lang sana kung majority ng tao nakakita ng anghel pero hindi e. Sabi mo nga, pili lang ang nakakita sa inyo and I'm one of the unlucky ones." Nilingunan niya ako at hiwakan sa aking noo. "Oh? Ano na naman yang ginagawa mo?" ang lamig talaga ng kamay niya. "May tinitingnan lang." Hinayaan ko lang siya. Maya maya pa, nag-iba na ang facial expression niya. "B—bakit?" tinanggal niya yung kamay niya sa noo ko. "W—wala." kita ko sa mukha niya, parang may tinatago siya. "Anong wala? Meron e. Angel of truth ka diba? Magsabi ka ng totoo." Napahinga naman siya ng malalim saka ngumiti. Ano ba talagang nakita niya? "Wala nga sabi." "P—pero—" naputol yung sasabihin ko nang marinig kong magsalita ang kundoktor ng bus. "Sunlight Subdivision, may bababa po ba?" Wrong timing naman e, may tinatanong pa ako. "Ingat ka pag-uwi." nakangiting sabi sa akin ni Yule. "I-ikaw?" tanong ko sa kanya, hindi ba siya sasama sa akin? "Babalikan ko si Mirage." nakangiti pa rin siya. "Ah sige, sige. Banatayan mo kaibigan ko ha. Ingat ka rin." "Ikaw ang mag-ingat." Hindi ko alam pero parang may laman ang sinabi niya. I waved at him at bumaba na ako. Muling lumingon sa bus na aking sinakyan. Nakangiti lang siya sa akin. Maya maya pa, umalis na rin ang bus kasama si Yule. Tinago ko na ang phone ko nang biglang umihip ng malakas ang hangin. May iba akong nararamdaman. Kinakabahan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD