Chapter 5: Fallen Lyra

1353 Words
"Huwag kang magpanggap na hindi mo alam dahil may mga katotohanang sa ikaapat dimensyon lang nalalaman." Yule's POV BUMABA na siya at kasabay ng pagbaba niya ay nakita ko ang isang nilalang na siguro'y matagal nang nakasunod sa kanya. Ang nilalang na nakita ko nang hawakan ko ang noo ni Heaven. Matagal na itong nakamasid sa kanya. Mukhang wala pa nga talagang alam si Heaven sa buong katotohanan. Tama si Crest. Mabilis siyang kumilos at mauunahan niya ako. Natatandaan ko pa noong pumunta ako sa kanya. *** "BILANG punong anghel ng katapatan, inaatasan kitang bumaba sa lupa, hanapin at dalhin siya sa akin. Kapalit nito ay ang katuparan ng matagal mo ng kahilingan." sabi ni Dusk sa akin, siya lamang naman ang punong hukom ng mga puting anghel. Inatasan niya ako na bumaba sa lupa para hanapin ang huling saling lahi. Kailangan ko itong dalhin sa kanya sa lalong madaling panahon para na rin sa kaligtasan ng lahat. Alam kong hindi ito magiging madali para sa akin. Isa lang ang taong alam kong makakatulong sa akin. Bago ako bumaba ng lupa ay dumaan ako kay Crest, ang tadhana. Nakatayo siya sa gitna ng kagubatan at tahimik na pinagmamasdan ang kapaligiran. Nang makalapag ako sa kanyang harapan ay nagsalita siya, "Hinahanap mo pa rin ba ang taong 'yon?" tanong niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ito na ang tamang panahon. Makikita mo siya ngunit mauunahan ka niya." sabi pa niya. "Sino?" napatingin ako sa kulay puti niyang mga mata. Ramdam ko ang nginig sa pagkakahawak niya sa aking kamay. "Wala pa siyang kaalam-alam. Ikaapat na dimensyon pa ang magbubukas ng katotohanan para sa kanya." Itinuro niya ang aking puso, "Galit, galit ang magdadala sa'yo sa kapahamakan. Hindi lamang sa'yo kundi pati na rin sa kanya." binitawan niya ang aking kamay at tinalikuran ako. "Saan ko siya makikita?" tanong ko sa kanya ngunit sa halip na sagutin niya ang aking katanungan ay isang palaisipan ang iniwan niya sa'kin. Ang pala-isipang palagi niyang sinasabi. "Mamamatay ang huling saling lahi at kapag nangyari ito, ang lahat ng puti ay magiging itim." Unti unti siyang nawala kasabay ng mga huling salitang kaniyang binitawan, "Tulungan mo siya." *** NAPAILING ako, ano ba ang ibig sabihin ni Crest sa mga sinabi niya? At ang nilalang na 'yon, ano ang pakay niya kay Heaven? Ano ba talagang mayroon sa huling saling lahi? Nakatingin ako sa pinaghalong abo at itim na pakpak niya. Bago pa man tuluyang umalis ang bus ay nilingunan niya ako at saka nginitian ng masama. 'Heaven, mag-iingat ka.' Heaven's POV ISANG linggo na ang nakalipas mula no'ng pumanaw ang mga magulang ni Mirage. Si Yule naman ay hindi ko na muli pang nakita mula noon. Medyo nasasanay na rin ako sa mga nakikita ko sa aking paligid. Hindi na bago sa akin ang makakita ng anghel. Medyo nakakaadjust na ako. "Class, today, you will meet your new classmate.." Nakatayo si teacher sa aming harapan. Maya maya pa ay isang lalaki ang pumasok. Matangkad, maputi at singkit ang kanyang mga mata. Binigyan niya kami ng isang napakatamis na ngiti. "Gosh, ang gwapo naman niya." bulong-bulungan ng aking mga kaklase. "Class, meet your new classmate." tinapik ni teacher sa balikat ang bagong estudyante. "Hi, I'm Niles." Tumingin siya sa gawi ko at saka ngumiti. Kakaibang ngiti, tila ba ito ay nangungusap. 'Weird.' isip isip ko. "Hi Niles." bati ng mga kaklase ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa'kin na para bang may gusto siyang sabihin. "Sige Niles, you can sit beside Kiss." Kahanay ko si Kiss sa likod, nasa may kabilang dulo siya. Hinabol ng tingin ko ang nangungusap na mata ni Niles. Hanggang sa pag-upo niya, nakatingin pa rin siya sa'kin. "Iba ang titig sa'yo nung bago nating kaklase ah Heaven." Sabi sa akin ni Melody na nasa aking unahan. "Type ka ata. Yieee." tukso pa ni Winter. "Di naman siguro." sabi ko sa kanila. Hindi ko na masyado pinansin pa ang bago kong kaklase. Maya maya pa ay nagsimula ng magturo si Teacher. Galing ako sa angel shop ng Tita ni Mirage kahapon para bumili ng libro about sa fourth dimension. Nagkataon namang kakaubos lang daw noong libro na hinahanap ko at puro libro na lang tungkol sa mga angels ang natira. Binigyan naman niya ako ng isang interesting book about angels na inuutay-utay kong basahin, ang "Fallen Lyra". Nagpaplano akong pumunta sa lumang library ng school mamaya, balita ko kasi ay doon daw nakatambak lahat ng mga lumang libro. Nabanggit din kasi sa akin ng Tita ni Mirage na sa mga literature books ako maraming malalaman tungkol sa fourth dimension. Gusto ko ng matuldukan ang matagal ko ng tanong. Sino ba kasing posibleng magbukas ng third eye ko? At...paano at bakit niya binuksan 'to? Nakatingin ako sa labas ng bintana ng aming classroom. Napailing ako. Ang daming tanong ang naglalaro sa isipan ko. Parang noong isang araw lang, normal pa ang lahat pero bakit ngayon ay ibang-iba na? Parang may bumabagabag sa'kin na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling. Ano ba talaga? Natapos ang aming klase at nagkayayaan na kaming umuwi. "Heaven tara na!" yaya sa'kin nina Melody nang mag bell. Dali dali naman akong sumunod sa kanila. Palabas na ako ng classroom nang marinig ko ang boses niya, "Sa'yo ata ito?" Nilingunan ko ang gawi niya at napatingin ako sa hawak niya. Naglakad siya papalapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero bigla akong kinabahan. Nang makalapit siya ay kinuha ko ang librong hawak niya, "Ah. Oo, salamat." sabi ko pa. "Maganda ang librong 'yan." sabi niya habang nakatingin sa libro. "Ah, hindi ko pa natatapos basahin." Binigyan niya ako ng isang kakaibang ngiti. Sapat para kilabutan ako, "Lyra, anghel na nagkasala." "Heaven!" narinig kong muli ang tawag nina Melody. Hinihintay nga pala nila ako. "Ahh, s—sige, mauna na kami." agad akong pumunta sa direksyon nina Melody. Hindi ko na nagawa pang lingunan si Niles. Kakaiba ang nararamdaman ko sa lalaking 'yon. Third Person's POV Fourth Dimension NASA kalagitnaan ng pagpupulong ang mga hukom nang may isang anghel ang nagmamadaling lumapag sa kanyang harapan. "Hukom, may bagong mensaheng galing kay Crest." kitang kita sa mukha ng hukom ang pagtataka. "Anong mensahe?" lumapit ang anghel sa hukom at pumikit ito. Inilagay ng hukom ang kanyang kamay sa noo nito. Matapos ang ilang segundo ay tanging kilabot lamang bumalot sa hukom. "Hans!" lumapit sa hukom ang isang anghel na may dalang espada. "Lipunin ang lahat ng mga anghel!" tumango ang anghel at dali daling lumipad. "At ikaw Daek, kayo ng mga kasamahan mo, puntahan niyo si Crest at dalhin siya dito!" Utos ng hukom sa anghel na naghatid ng mensahe. Kitang-kita pa rin sa mukha nito ang pinaghalong kaba at takot. 'Lyra' wika niya sa kaniyang sarili. Lumaganap sa buong daigdig ang mensahe at nagtipon tipon ang lahat ng anghel sa utos ng hukom. BALISA si Crest habang dinadala ng mga anghel papunta sa hukom. Nakaposas ang mga kamay nito at nakakadena ang paa. Paulit-ulit lang ang sinasabi nitong: "Mamamatay ang huling saling lahi at kapag nangyari ito, lahat ng puti ay magiging itim." "Crest, maari mo bang linawin ang sinasabi ng tadhana?" tanong ng hukom kay Crest nang makarating ito sa kanyang harapan. "Mamamatay ang huling saling lahi at kapag nangyari ito, lahat ng puti ay magiging itim." Paulit ulit pa rin si Crest. "Anong iyong ibig sabihin?" muling tanong ng hukom dito. Nilapitan ni Crest ang hukom at bumulong, "Mamamatay ang huling saling lahi at kapag nangyari ito, lahat ng puti ay magiging itim." pag-uulit niya. "Sino ang huling saling lahi?!" pagalit na tanong ng hukom kay dito at saka hinawakan sa damit. Ngumiti si Crest sa hukom at saka sinabing... "Huwag kang magpanggap na hindi mo alam dahil may mga katotohanang sa ikaapat na dimensyon lang nalalaman." Nagulat ang hukom sa sinabi ni Crest at itinulak ito palayo. "Hans!" muling lumapit ang anghel na may dalang espada at yumuko ito sa harapan ng hukom. "Hanapin si Yule at dalhin siya dito!" Ngingiti-ngiti pa rin si Crest habang ang punong hukom naman ay nanggagalaiti sa galit. "Opo hukom." wika ni Hans saka umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD