Chapter 6: Rye

1558 Words
"Kailangan n'yang mamatay." Heaven's POV KASALUKUYAN kong binabasa ang libro ng Fallen Lyra. Naalala ko pa noong ibigay ito sa akin ng Tita ni Mirage. "Naku Heaven, wala na akong libro tungkol sa fourth dimension. Subukan mong pumunta sa library ng school niyo, baka may mga literature books dun about do'n." Nalungkot ako sa sinabi niya. Sinadya ko pa man din ang pagpunta sa shop niya para lang dun. Sinabi ko pa ngang kailangang kailagan lang talaga at project ko sa school. Nagsinungaling pa ako, mapapagalitan ako ni Yule nito e. "Sige po Tita, titingnan ko na lang po sa school bukas. Salamat po." aalis na sana ako ng pigilan niya ako. "Sandali Heaven." napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ako. Pumasok siya sa loob ng kanyang opisina at paglabas niya ay may hawak na siyang isang libro. "Fallen Lyra?" tanong ko nang maiabot niya sa'kin ito. "Sa'yo na 'yan. Pasensya ka na talaga, mukhang kailangang-kailangan mo talagang makapagresearch tungkol sa ganoong topic ah? Kung wala ka talagang mahanap, subukan mo ang isang 'to." napangiti naman ako. Ang bait bait talaga niya. "Salamat po, tungkol po ba sa'n 'to?" tanong ko sa kanya na titingin-tingin sa librong ibinigay niya. "Tungkol kay Lyra, isang anghel na...sabihin na nating sinubukan ng tadhana?" "Anghel na sinubukan ng tadhana?" binuksan ko ang libro at tiningnan ko ang ilang parte, mukhang luma na ito. Hindi ito libro na purong teksto, may mga imahe rin ito. "Bakit naman po?" napatawa ng kaunti ang Tita ni Mirage. "Basahin mo na lang, maganda 'yan." 'FALLEN LYRA.' Kwento ito tungkol kay Lyra, isang anghel na napatawan upang maging isang itim na angel. Kung bakit siya napatawan? Yun ang hindi ko pa nalalaman. Pero sabi nga ng Tita ni Mirage, sinubukan ng tadhana. Naalala ko pa ang mgq sinabi ni Niles sa akin. Si Lyra raw ay isang anghel na nagkasala. Nag-echong muli ang mga katagang binitawan niya, "Maganda ang librong 'yan... Lyra, anghel na nagkasala." Mukhang marami siyang alam tungkol sa ikaapat na dimensyon. Niles, sino ka ba talaga? Binuksan ko ang libro, nasa may pagitnang bahagi pa lamang ako. 'Masayang namumuhay ang mga anghel sa sanctuario ng langit. Si Lyra kasama pa ang ibang mga anghel ay bumibisita sa lupa kapag may nangangailangan sa mga ito.' Sa kanang bahagi ng pahina ng libro ay may imahe ng mga anghel na masasaya. Ipinagpatuloy ko lang ang aking pagbabasa. 'Taglamig nang magkita sina Lyra at Claude sa mundo ng mga mortal.' Sa kaliwang bahagi ng pahina ng libro ay ang imahe ng dalawang anghel. Isang lalaki at isang babae na magkaharap, siguro'y sina Lyra at Claude ito. Tinitigan ko ang lalaking anghel na nakaguhit sa libro, napangiti ako. Naalala ko si Yule. Ganito nga pala ang hitsura ng mga lalaking anghel? Naka-pantalon lang? Inilipat ko sa sunod na pahina ang libro. 'Naging mabuting magkaibigan sina Lyra at Claude hanggang sa unti unting nahulog ang loob ni Lyra dito.' Imahe ng isang babaeng anghel na masaya habang nakatingin sa isang lalaking anghel ang makikita sa kaliwang bahagi ng pahina. Ngunit bakit ganito? Bakit purong kulay itim ang background ng imahe? Ipinagpatuloy ko lang ang aking pagbasa. 'Hindi alam ni Claude ang pagtingin ni Lyra sa kanya. Ang buong akala niya ay kaibigan lang ang turing niya sa kanya. Naging mabuti silang magkaibigan sapat para sabihin ni Claude dito ang lihim nitong pagtingin kay Riyah, isang mor--' "Anak." Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang marinig ko si Mommy. Nakadungaw siya sa pinto ng aking kwarto. "Po?" tanong ko sa kanya. Naisara ko bigla ang librong hawak ko. "Nagbabasa ka na naman pala. Kaya nalabo ang mata mo e." panenermon niya sa akin. Di ko rin masisisi si Mommy, mahilig kasi ako magbasa kahit madilim na. Totoong mahilig akong magbasa ng mga libro dati pero tinigil ko rin naman mula noong mag-umpisang lumabo ang mata ko. Napagsabihan na rin kasi ako ni Mommy noon pa man. "Hindi naman Mommy, ngayon na lang po ulit ako nagbabasa." dispensa ko. "Siya sige, mamaya mo na ipagpatuloy yan. Halika na sa baba, kakain na tayo." anyaya ni Mommy sa akin. "Sige po Mommy, susunod po ako." Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Itinabi ko na rin ang libro sa may study table ko sa kwarto. "Tatapusin kita mamaya." sabi ko dun sa libro, saka ako lumabas ng kwarto. Third Person's POV "MUKHANG giliw na giliw ka ata" sabi ng isang puting anghel sa nilalang na kabaligtaran niya. Pinapanatili niya ang distansya sa nilalang. "Ikaw pala." ngingiti-ngiti pa rin ito, habang pinapanood mula sa labas ng isang bahay ang isang pamilya habang nagsasalu-salo sa hapag kainan. "Anong pakay mo sa kanya?" diretsahang tanong ng puting anghel sa nilalang na ngingiti-ngiti. "Sa kanya wala, pero sa kanya, meron." Hindi maalis ang ngiti sa mukha ng nilalang. "Bakit?" tanong ng puting anghel dito. "Masyadong kang maraming tanong." Nagulat na lamang ang puting anghel nang makalapit ito sa kan'ya at bumulong... "Kailangan niyang mamatay." Segundo lamang ang pagitan nang makalayong muli ang nilalang na ito sa kanya. Ngingiti-ngiti pa rin ito. "Yun din naman ang gusto mong mangyari diba?" muli siyang sinulyapan nito. Nagulat ang puting anghel sa sinabi nito. "Anong gusto mong mangyari?" tanong ng puting anghel dito. "Nakakabasa ka ng iniisip ng iba ngunit pagdating sa akin ay hindi mo iyon magawa?" muli itong tumawa. "Simple lang," tumigil ito sa pagsasalita at sa pagitan lamang ng dalawang segundo ay nakalapit ulit ito sa mga tenga niya at sinabing "...magtulungan tayo." Napatawa ang puting anghel sa sinabi ng nilalang, "Bakit? Dahil hindi mo magawang makalapit sa kanya?" ngingisi-ngisi ang anghel na tila ba'y nahuli niya ang kahinaan ng kaniyang kausap. "Tuso ka rin pala, nakakapagtakang hanggang ngayon ay anghel ka pa." Agad silang lumipad pataas nang makita nilang may papalapit sa direksyon kung nasaan sila. "Pag-iisipan ko ang alok mo." sabi ng puting anghel dito. Umalis ang puting anghel at naiwang may ngiti sa labi ang nilalang na kausap nito. Mula sa di kalayuan ay isa pang nilalang ang lumabas. Mukhang kanina pa itong nakikinig sa kanilang usapan. "Sa tingin ko'y hindi siya mapagkakatiwalaan." wika nito sa nilalang na kanina'y kausap ng puting anghel. "Magagamit natin siya." Binigyan niya ng nakakalokong ngiti ang nilalang na ito, sinuklian din naman siya nito. Heaven's POV "DITO ko lang nilagay yun ah, nasa'n na 'yon?" Kumain lang kami saglit ay nawala na ang libro ng Fallen Lyra. Sa pagkakatanda ko ay sa study table ko lang 'yon iniwan pero pagbalik ko sa aking kwarto ay hindi ko na ito nakita pa. Pinuntahan ko si Sky sa kwarto niya. Baka sakaling nakita niya ang librong hinahanap ko. Naabutan ko naman siyang nilalaro ang doll niyang si Nirvana. Nakaupo siya sa sahig ng kwarto niya. "Sky?" tumunghay siya at nginitian ako. "Bakit po ate?" tumayo pa siya at nilapitan ako. "May nakita ka bang libro?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya. "Libro po? Hmm.." napapaisip pa siya sa tinanong ko, "Wala po, bakit po?" Napatingin ako sa paligid, mukha namang wala nga dito. "Ah, wala. Baka namisplace lang yun ni ate." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Bumalik na rin ako sa aking kwarto. Napabuntong hininga ako , nasa'n na ba kasi yun? Isinara ko ang pinto ng aking kwarto at muling hinanap ang librong 'yon. "Sa'n ba kasi.." patuloy lang ang aking paghahanap, ilang minuto pa'y may naramdaman akong kakaiba. Napatigil ako sa aking paghahanap. Para bang may nakamasid sa akin. Lumingon ako sa may bintana pero wala naman akong nakita. Napailing ako, napaparanoid na naman ata ako. Pinagpatuloy ko ang aking paghahanap. Mula sa study table, sa ilalim ng kama hanggang sa... "Ito ba ang hinahanap mo?" Nagulat ako nang may nagsalita sa aking likuran. Ang tinig na 'yon. Para bang napakinggan ko na dati. Ramdam ko ang hanging nanggagaling mula sa aking likuran. Unti unti ko siyang nilingunan at nang makita ko siya ay napaatras ako. Ngayon lang ako nakakita ng kagaya niya. Pinaghalong itim at abo ang kanyang pakpak. Kakaiba rin ang kanyang hitsura. Nakakatakot. Ulwa ang kanyang mata at hindi normal ang laki ng kanyang may kaitiman na bibig. Isama mo pa ang kanyang mga pangil. Mukha siyang halimaw. A-anong klaseng nilalang siya. Sa sobrang takot ay hindi agad ako nakaimik. Ngingiti-ngiti lang siya sa akin. Hawak niya ang librong kanina ko pang hinahanap. "Fallen Lyra." ngingiti-ngiti pa rin siya habang pinapaikot-ikot ang libro sa kanyang daliri. "Nakakatuwa ka naman." dagdag pa niya. Hindi naman siya lumalapit ngunit patuloy pa rin ang aking pag-atras. "Huwag kang matakot, diba nga't hinahanap mo ako?" Nakalutang lang siya sa hangin. Maya maya pa ay nag-umpisa na siyang lumipad papalapit sa akin. Napalunok ako sa kanyang sinabi. "H—hinahanap?" lakas loob kong tanong sa kanya. Sa isang iglap ay naramdaman ko na lang na nasa likuran ko na siya, "Ang mga bagay na ako ang nagbukas ay ako lang din ang makakapagsara." bulong niya sa akin. "Ibig mong sabihi'y—" wala pang isang segundo'y nasa harapan ko na siya. Pinaglalaruan pa rin niya ang libro ng 'Fallen Lyra.' "Tama ka." Ngingiti-ngiti pa rin siya na para bang nakikipaglaro siya sa'kin. "Si—sino ka?" mula sa pagngiti-ngiti ay sumeryoso ang kanyang muka. Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin. "Rye..." nanumbalik ang kaniyang pag ngiti na nakapag bigay sa akin ng matinding kaba... "...angel of death."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD