LUCAS "f**k" Hindi napigilan ni Lucas ang mapamura nang malaman niya ang tungkol sa nangyari kay James mula sa asawa niyang si Dianne nang tawagan siya nito. Hindi siya napamura dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni James, napamura siya dahil iisa lang ang ibig sabihin niyon--ang pagbabalik ni Catherine. Sa nangyari kay James ay posibleng alam na ni Catherine ang tungkol do'n. At sigurado siya na luluwas ito ng Manila para makita ang kalagayan ng ama nito. At kapag lumuwas ito ay posibleng magkita si Catherine at si Travis. Eh, hanggang ngayon ay hinihintay pa din ni Travis ang pagbalik ni Catherine, hindi pa nga din ito nawawalan ng pag-asa na muli nitong makikita ang mag-iina nito. At sigurado din siya na alam na din ni Travis ang nangyari kay James at alam din nito na babalik si Ca

