INALIS ni Travis ang tingin sa mga dokumentong binabasa na nasa harap niya ng tumumog ang ringtone ng cellphone na nasa ibabaw ng executive table niya. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. At nakita niyang si Mama Grace ang tumatawag sa kanya. He leaned back in his swivel chair first before answering his mother’s call. "Hello, Ma," wika niya mula sa kabilang linya. "Travis," sambit naman ng Mama niya sa pangalan niya. "Napatawag po kayo?" tanong niya sa dahilan kung bakit tumawag ang Mama niya sa kanya. "Hindi mo ba nalaman ang balita tungkol sa nangyari sa ama ni Catherine?" Hindi naman napigilan ni Travis ang mapakunot ng noo nang marinig niya anh sinabi nito. "Ano pong nangyari kay Tito James?" tanong ni Travis. "Nasa ospital si James. Inata

