bc

Lies of Yesterday

book_age12+
3
FOLLOW
1K
READ
family
second chance
confident
dare to love and hate
drama
bxg
lighthearted
ambitious
betrayal
rejected
like
intro-logo
Blurb

“Kung bibitawan kita para sa ikakabuti ng lahat, sino ba naman ako para maging maramot?”-Jannele Zane Calliantes.

Sa gitna ng hirap nila sa buhay, naisipan niyang lumawas ng manila upang maghanap ng trabaho na may mataas na sahod kumpara sa probinsya, sa tulong ng kaniyang butihing kaibigan, naisakatuparan niya ito at maraming racket ang kaniyang napasukan. Nakatulong ang lahat ng pagsasakripisyo niya sa kaniyang pamilya na nasa probinsya, hanggang sa isang araw, may mga pagkakatong nakatadhana, mga pagkakataong mahirap paniwalaan na mangyayari sa tanan ng buhay ng isang tao, marahil sa hindi sinasadyang pagkakataon, nakatadhana yata siyang pagtagpuin sa dalawang taong may kaugnayan sa isa’t-isa, hindi niya inaasahan na darating ang dalawang tao na halos napakalayo ng estado nila sa buhay. At dahil doon, ang layunin niyang nakasentro lang para sa pamilya, ay nabahiran ng ibang mithiin, ito ay ang pag-ibig, pag-ibig na kahit sino tao, ay gustong maranasan ito, subalit, sadyang mapagbiro ang pag-ibig sa katauhan ni Jaz, dalawang tao ang nakaangla sa puso niya, sino ang mas matimbang, ang puso o ang isip?

chap-preview
Free preview
Paunang Salita
" !"pa-sigaw kong bati kay Zandro. Nasa club kami ngayon dahil dito ginanap ang birthday celebration niya. Ang lakas ng tugtog kaya kailangan kong sumigaw para magka-rinigan kami. Expected ko na maraming bisita si Zandro dahil sikat at mayaman ang taong ito. Ibang-iba ang celebration ng birthday ng mga mayayaman kumpara sa mga mahihirap, bumabaha ng alak at pagkain sa mga mayayaman samantalang, spaghetti at pancit lang sa mahihirap, masaya na sila. "Thank you, Jaz." Tugon ni Zandro sabay halik sa pisngi ko. Niyakap din niya ako ngmahigpit at kalaunan kumalas rin mga ilang minuto ang nakalipas. “Doon tayo,”   “wait lang, Zandro.” Hinawakan ko siya sa braso.    “Take this,” Nakangiti kong inabot ang maliit na paper bag. Sumimangot ito at nakakunot ang noo niya bago inabot ang hawak ko at muling tumingin sa akin. "What's this?" nakakunot noo pa rin niyang tanong. "Regalo, ano ka ba? Bobo lang?!" nagpakawala ulit ako ng malapad na ngiti.   Sa loob ng pitong buwan naming bilang magkasintahan, si Zandro nalang ang laging nagbibigay sa’kin ng regalo, nakakahiya na nga minsan pero sadyang mapilit ang taong ito kaya ngayon, special day sakanya ito kaya kahit papaano, may special gift din ako sakaniya. Sana magustuhan niya ito. Ang mahal pa naman ‘yan. Natawa naman ito at parang hindi makapaniwala sa inabot ko. Minsan na nga lang ako bumili ng regalo pinagdududahan pa, mabuti na lang may extra pa akong natira sa budget kaya bumili ako ng regalo. Dapat talaga hindi ko na siya bibilhan, halos nasa kaniya na ang lahat, yamaners kaya ang lalaking 'to, pero iba pa rin kapag galing sa taong minamahal ang isang regalo. "Wow ah! Nag-re-regalo na pala ngayon si Ms. Kuripot." panunukso niya na nagpagalaw sa pisngi nito. "Ayaw mo?! Edi huwag!" akmang babawiin ko na yung regalo na bigla niya itong itinago sa likuran at umaktong parang batang aagawan ng laruan. “Thank you,” “Welcome,” Napakagat labi ako ng lumapit ito sa’kin at tumitig sa aking mga mata. “Thank you Jaz, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong gabi. Mahal kita Jaz, Mahal na mahal,” hindi na ako nakawala pa ng yakapin niya ako ng mahigpit at sinuklian ko ito ng katulad ng yakap niyang mainit. “Mahal din kita,” matagal bago ko ito binulalas. Matagal na rin ang lahat, hindi naman masama kong pipiliin kong sumaya. Subalit sa bawat salitang ibibigkas ko kay Zandro, bakit may kaakibat itong kirot sa’kin puso?   “Tara?” sambit niya pagkabitaw.   Ngumiti ako bilang pagsang-ayon, kasabay noon ang paghawak niya sa kanang kamay ko. With him, sigurado akong safe ako, malaya at malabong masaktan. "Sir, sorry talaga pero bawal kayo dito." "f*****g asshole! Get out on my way!"   Malapit na sana kami sa table kung saan naroon ang mga kaibigan ni Zandro ng biglang may taong nageskandalo sa entrance way ng bar kaya sabay kaming napalingon doon, maging ang mga bisita na nasa loob nakiusyuso na rin sa subrang ingay ng taong nagwawala doon. "Sir! Lasing na kayo, kung ayaw niyo ng g**o, umuwi na lang kayo." "I said get out on my way!" “Dito ka lang,” Mabilis na pumunta si Zandro doon kaya sumunod ako. Maraming tao na rin ang nakapalibot kaya hindi ko makita kung sino ito. Gusto ko sanang tingnan kong sino yung lalaki pero subrang dami na ng tao ang nakapalibot sa kanila kaya napagpasyahan kuna lang na pumunta sa may drinking table hanggang sa may marinig akong boses na nagpakabog sa dibdib ko. "Jaz!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang malakas na sigaw galing sa lalaking pamilyar ang boses. Ikinuyom ko ang aking kamay para pigilan ang panginginig nito. Bumuntong-hininga ako bago lumingon sa pinanggalingan ng boses. Hindi pwedi! “Bitawan niyo ako, Jaz?!” “Sabin na ngang, bitawan niyo ako! Ano ba?!” Ayokong tumingin dahil kung tumingin ako sakaniya, baka hindi na naman ako makawala, pero sadyang may isip ang aking katawan ng bigla na lang itong naglakad patungo sakaniya habang direktang nakatingin sa mga mata nito. Nanlumo na lang ako habang tinitignan ang nakakaawa niyang itsura. Nakasuot ito ng longsleeve shirt habang nakabukas ang tatlong butones sa pang-itaas niya. Maraming galos ang katawan habang ang mapupulang labi nito ay namumula lalo dala ng dugo dahil sa pasa nito. Halatang galing siya sa riot o away. . . . ko . Pero hindi pwedi, hindi pweding magulo ang plano, nagpasya na ako, kailangan kong maging matatag, lilipas din ito, makaka-move din ako. "Jaz! Can we talk please," pagmamakaawa niyang sambit, ramdam ko ang sakit sa tono ng boses niya. Ang mga mata niyang punong-puno ng pagdurusa. Batid kong maraming tao sa paligid pero tanging boses lamang niya ang aking naririnig. Sandali akong natigilan ng biglang may humawak sa braso ko. "Jaz," napatingin ako kay Zandro. “Don’t, please.” Hindi ko alam ang gagawin. Hinawakan ko ang braso niya at binigkas ang mga salitang, alam kong dudurog sa puso niya. "pwedi bang kahit ngayon lang," pakiusap ko.    Matagal bago siya tumango. “Salamat,”   “I’ll wait you,” turan nito bago binitawan ang braso ko.   Mabilis kong hinatak si Lian palabas ng club, pinasawalang-bahala ko ang mga bulong-bulungan ng tao. Bahala na kung ano ang mangyari, basta ang mahalaga, maalis ko dito si Lian. Mas masasaktan lang ako kung hahayaan ko siya ng ganito. He deserve better, not this! Not like this!  Hatak-hatak ko siya hanggang sa mapunta kami sa parking lot. Pagkadating roon, agad kong binitawan ang braso  niya at humakbang ako ng ilang metro habang nakatalikod sa kaniya. Ayokong makita ang mukha niya ulit, mas lalo lang akong maiiyak kong makikita ko mismo ang totoo niyang kalagayan. Hindi ko kaya! Bumuntong-hininga ako dahil ramdam ko ang pamumuo ng luha ko sa aking mga mata, na anuman sandali ay bubuhos na ito. "Umuwi kan-." "I miss you," Hindi ako makagalaw, kasabay ng salitang kaniyang binitawan ang pagpatak ng mga luha ko. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko, pinilit kong pigilan subalit kusang tumutulo ito. Animo’y malakas na ulan na ayaw tumila sa gitna ng unos. "Mabuti pa....mabuti pang umuwi kana, gamo..gamutin mo ang sarili mo, tangina naman Lian, tanga ka ba?! Isipin mo naman ang sarili mo!" "Wala lang ba ang lahat? Wala lang ba ako…sayo?” Bawat salita niya, pakiramdam ko unti-unting nadudurog ang puso ko. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao. “Diba sabi ko, kaya kong maghintay, bakit bigla kang sumuko?" “Lian… hind-,” “Naghintay ako Jaz, naghintay ako kahit alam kong walang-wala na talaga…naghintay ako kahit ang sakit-sakit, naghintay ako, dahil ‘yon ang pinangako ko, Jaz naghintay ako…alam mo ba ‘yun?”   Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa bawat salita niya. Dahil batid ko naman, ako ang may mali, ako at hindi siya. Ako ang kumalas. Ako ang nanakit, pero hindi lang ako ang nasaktan. Sa sitwasyon ko, mas mahalaga ang maging makasarili, dahil doon, alam kong wala akong naaapakan tao na malapit sa puso niya.   "Handa naman akong makinig, bakit ang dali mong bumitaw? Jaz…ang sakit lang…ano bang kulang sa’kin? Bakit biglang may Zandro?" Sambit niya bago ko naramdaman ang mainit niyang yakap mula sa likod ko. Ramdam ko pa rin ang makikisig niyang katawan na bumubuhay sa pagkatao ko. Kung pwedi lang, kung pwedi lang talaga. Hinayaan ko siyang yumakap hanggang sa maramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. Napapikit ako ng may luhang pumatak sa balikat ko. Tahimik ang paligid at tanging pag-iyak lang namin ang aming naririnig. "Lian, umuw-." " ? ℎ ." bulong niya. Pilit ko man tanggihan ang pakiusap ni Lian subalit kusang may isip ang katawan ko, nanatili akong nakatayo at dinama ang bawat paghinga ni Lian sa balikat ko. Pagod na pagod na siya, ramdam ko ang bawat sakit na namumuo sa katawan niya. Nanghihina ako lalo tuwing nakikita ko siya na ganito. Kung pwedi lang.... Pero hindi pwedi... ... Hindi lahat ng nagmamahalan ay may masayang kahihinatnan, minsan talaga, sakit lang ang nakukuha sa dulo... Mabilis kong pinahiran ang luhang pumatak sa pisngi ko gamit ang aking kamay. Hinarap ko si Lian at mariing tumitig sa mga mata niya. Kailangan ko pa rin tumupad sa usapan, ayokong nakikita siya ng ganito dahil mas lalo lang akong nasasaktan at nahihirapan. "Lian," panimula ko, sinubukan kong hindi umiyak sa harap niya. "Si..Zandro...si Zan-." "I don't want to heard that!" "Lian," tawag ko ulit.   “Boyfriend ko si Zandro, at ayokong masakt-“   Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng agresibo niyang hinalikan ang labi ko. He’s kiss, ramdam ko ang pagka-uhaw niya sa halik, gusto kong umatras at itulak siya ng malakas, pero kusang gumalaw ang labi ko para tugunin ang bawat halik niya, hanggang sa, may kamaong dumampi sa pisngi ni Lian na naging dahilan upang maputol ang aming mainit na halik. And I saw the man standing in front of me with full of angrily, Zandro.        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook