Kabanata Una

1942 Words
#LOYChapter01 Naka-ready na lahat ng gamit ko papuntang Manila, dalawang bag lang naman ang dala ko dahil mag-ta-trabaho ako doon at hindi magbabakasyon. Tsaka hassle lang ang maraming gamit na dala baka mabiktima pa ako ng budol-budol g**g, mahirap na. Kailangan kong pumunta ng Manila dahil mas mataas ang sahod roon kumpara dito sa probinsya. Dito kasi, mataas na ang 300 sa isang  araw, e doon, 500+ daw ang isang  araw. Hindi   naman sa demanding pero  parang ganoon na rin. Tsaka mas maganda doon, maraming racket na pweding patulan sabi ni Trixie. Gagawin ko 'to para sa pamilya ko, ako na lang ang inaasahan sa bahay dahil wala na rin si tatay, si nanay naman, may sakit at ayoko na rin pagurin sa pag-ta-trabaho. Habang yung tatlo kong kapatid nag-aaral, gusto ko lahat sila makapag-tapos ng kolehiyo, kahit sila na lang, titiisin ko ang hirap sa pag-ta-trabaho basta't mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan. Hindi katulad ko, highschool graduate lang. "Anak, mag-iingat ka sa manila, maraming mga masasamang tao doon, kagabi nga nakita ko sa t.v may babaeng na r**e dahil gabi na itong umu-." "Nay naman, tinatakot niyo ba ako?" pagpuputol ko sa sinasabi niya. Paano ba naman, napa-praning si Nanay tuwing may mga balitang p*****n sa t.v, ayaw sana niyang pumayag na pumunta ako doon dahil baka daw mangyari din sa akin ang ganoon, pero tangina! Kapag oras muna, oras muna! Kapag tadhana mong mangyari sa'yo 'yon, mangyayari talaga, ganoon naman ang buhay natin diba? "Huwag kayong mag-alala nay, magte-text ako agad kapag nakarating na ako sa bahay ni Trixie." sabi ko. Kina Trixie ako tutuloy pagdating ko sa Manila dahil siya lang naman ang kilala ko doon. Atsaka siya daw ang bahala sa lahat ng gastusin ko habang naghahanap pa ako ng trabaho. Yamaners na talaga ang gaga, nag-du-dungkal lang 'yon ng lupa dito sa amin tapos nakita ko sa f*******:, super bonga na ang gaga, ano kaya ang trabaho non? Nahirapan akong umalis sa amin dahil super iyak si Nanay, hindi ko tuloy napigilan hindi din umiyak, iyakin pa naman ako. Yung mga kapatid ko naman, todo bilin ng mga pasalubong at gustong bilhin na gadgets, nilagay pa talaga nila sa papel para daw hindi ko makalimutan, akala mo naman talaga kung mamumulot ako ng pera dito sa Manila. Hay buhay! Mahaba 'yon byahe kaya nakatulog din ako sa bus, todo ingat ako sa dala kong bag dahil baka nga mabiktima ako dito ng mga kawatan. Wala naman silang mahihita dahil 20 pesos na lang ang natitira ko sa pitaka. Bumaba na kami sa bus kaya tinext ko na si Trixie na 'andito na ako sa terminal' at kung saan ako nakaupo. Ilang minuto ang nakalipas may puting tsikot na huminto mismo sa harapan ko, napaatras ako sa gilid dahil sa lakas ng pugak nito. Hindi ko naman makita ang nasa loob dahil madilim na rin sa paligid. Kinuha ko ang isang bag na nilagay ko sa upuan at mabilis akong naglakad papunta sa isang sulok, malay ko ba baka mga holdaper 'yan tapos pag-i-interesan nila ang katawan ko para ibenta, puti pa naman, ganon ang nababalita sa'min, malay ko ba na totoo 'yon. Maram-. "Hoy! Gaga!" "Napakunot noo ako ng marinig ang boses ng babaeng pamilyar sa tenga ko, kahit matagal na kami hindi nagkita, alam kong siya 'yon dahil ang sakit sa tenga. Punyeta! Sabi na nga ba e. "Trixie!" sigaw ko rin. Mabilis niya akong niyakap kaya nabitawan ko ang isang bag na dala ko. Tangina! Para kaming nasa pelikula dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Ang bango bango ni Trixie at halatang yamaners ang gaga sa suot nitong damit at mga alahas sa katawan. "Punyeta! Bakit hindi ka nagrereply?" tanong ko pagka-bitaw sa kaniya. "Sorry, I'm busy lang." "Tangina! Foreigner ka ba? Huwag mo akong english-in!" "Punyeta ka gaga! Na miss kita ng subra! Jannele Zane Calliantes!" sigaw din niya. Para kaming tangang nagmumurahan sa terminal. Niyakap na naman ako ni Trixie kaya pinagtitinginan na naman kami ulit. Na miss ko ang babae ito, halos 3 taon na rin nung umalis ito sa Bicol tapos ngayon ulit kami nagkita, highschool graduate din si Trixie, pero hindi halata dahil mukhang donya na ang gaga ngayon, kaka-ingit tuloy. "Seryoso? Dito talaga?" gulat kong tanong. Bitbit niya ang isang bag ko at natural na nanlaki ang mga mata ko ng pumasok ito sa puting tsikot na pumugak kanina. "Oo nga, OA ka teh?" tulala pa rin ako ng hatakin niya ako papasok sa loob ng tsikot. Malakas ang pagkaka-hatak niya sa'kin kaya napasubsob ako sa upuan, mabuti na lang malambot ito dahil kung hindi, basag na ang ulo ko dito. Nasa likod kami at tanging kami lang na tatlo ang nasa loob, kasama yung driver. Grabe, ang lamig naman, ibang-iba na talaga ang gaga! "Bhabe, we can go now," sabi ni Trixie sa lalaking nasa driver seat. Punyeta! Bhabe? Ibig sabihin boyfriend niya ang matandang hukloban na 'yan na foreigner at parang may taning na ang buhay? Tumango naman ito at nagsimula nang magpatakbo ng sasakyan. "Hoy, jowa mo?" bulong ko kay Trixie para hindi kami marinig nung matanda. Malay ko ba kung nakakaintindi ng Tagalog 'yan. "Parang ganoon," kibit balikat niya. "Tangina! Tinawag mong bhabe pero hindi ka sigurado? Ano 'yan sugar daddy?" Tumawa ito ng mahina sabay hampas sa legs ko. "Manahimik ka na lang, kwento ko sa'yo mamaya." mahina niyang sagot. Marami sana akong gustong itanong kay Trixie kaya lang mukhang walang balak itong sumagot, panay tingin din yung matanda sa mirror kaya todo pa cute na lang si gaga, minsan nga, nasusuka na ako sa pa-kagat labi ni Trixie at nung matanda. Pinikit ko na lang yung mga mata ko at nagkunwaring natutulog, may mga pinag-uusapan sila na hindi ko naman maintindihan dahil ibang lengwahe ang gamit, french 'ata yung matanda, natatawa naman ako kay Trixie dahil halatang naiimbyerna na sa tanong ng matanda. Hindi ko tuloy mawaglit na may ginagawang katarantaduhan si Trixie kaya ang bilis niyang yumaman, haist! Bahala nga siya, buhay niya naman 'yan, tsaka matanda na siya para pagsabihan ng tama at mali. "Thank you, bhabe, see you, tomorrow." Hindi ko na hinintay si Trixie bumaba dahil nauna na ako, mukhang maglalambing pa 'ata ang dalawa, yikes! Nandidiri talaga ako sa kanila. Tumingin-tingin ako sa gilid dahil puro building ang nakikita ko, kung sa probinsya puro maliliit na bahay ang nasa paligid, dito iba, iba't ibang klase ng gusali, talagang mapapanganga ka na lang talaga sa subrang ganda ng mga building at tarpaulin ng mga artista sa paligid. Wala naman bahay dito a, saan kaya ang bahay niya? Huwag niyang sabihin na itong building na ito ang bahay niya? Talagang bigtime na si Gaga! "Oh tara," pag-aaya ni Trixie. "Si jowa mo?" turo ko sa sasakyan. "Aalis lang 'yan, tara." Wala na akong nagawa dahil hinatak na niya ako papasok sa loob, magtatanong sana ako kung saan ang bahay niya pero busy siya kaka-tanong doon sa babaeng nasa desk, may kinuha siyang nasa paper bag at parang kahon na maliit bago sumakay kami sa elevator, alam ko pa naman ang mga tawag dito dahil highschool graduate din ako tsaka sa panahon ngayon, puro hightec na. Hindi naman ako pinanganak kahapon. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya habang namamangha pa rin ako sa subrang ganda ng paligid. Tangina! Yamaners na talaga ang gaga! "Bahay mo talaga 'to?" nagtataka kong tanong nung pumasok kami sa loob ng mamahaling bahay? Grabe! Ang ganda talaga, malambot na sofa, malaking t.v at iba't ibang furniture. May malaking frame si gaga sa bandang gilid, panakot niya 'ata. "Hindi 'to bahay, condo 'to." Ano daw? "Ano c****m?" "Punyeta Jaz! Bunganga mo! Condo hindi c****m, bobo!" "Tangina pareho lang 'yon, sorry naman, bingi na 'ata ako," Kinuha niya ang bag ko at pumasok sa isang kwarto. Naupo muna ako sa malambot na upuan habang hinihintay siya. Grabe ang lambot, nagpa-padyak pa ako dahil subrang lambot talaga ng upuan. Nakita ko lang ito sa kapitbahay namin mayaman pero never akong naupo doon dahil baka daw madumihan ko. Tangina talaga ni Aling Teasing. Nakakunot ang noo ni Trixie nung lumabas ito habang nakatingin sa'kin, nginitian ko na lang siya at nagtulog-tulugan, nakakapagod rin mag-byahe. Okey! Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako, nagising na lang ako nung tapikin ni Trixie ang balikat ko para maghapunan, saktong gutom na rin ako kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, masarap naman ang luto ni Trixie kaya busog na busog ako. "Ako na maghuhugas, Donya." sabi ko pagkatapos namin kumain. Tumawa naman ito kaya kinuha ko na ang pingkan at naghugas sa lababo. Dahan-dahan lang yung paghugas ko dahil subrang babasagin ang ginamit namin. Grabe na talaga, super duper yamaners na si Trixie. "Ano pala balak mo bukas?" tanong ni Trixie habang nakaupo sa sofa. Nag-punas muna ako ng kamay bago pumunta sa sala kung saan naroon siya. "Maghahanap ng trabaho, ano pa ba?" "Hindi ka ba, mamasyal muna bago maghanap?" Kumunot ang noo ko sa kaniya, pasyal? Tangina! Bente pesos na lang ang pera ko tapos mamasyal pa, pwera lang kung treat niya, gora ako 'jan. "Tanga, mukha ba akong turista?" balik kong tanong. Umupo ako sa tabi niya at itinuon ang tingin sa pelikulang pinapanood niya. "Hindi, mukhang yaya." pinanlakihan niya ako ng mata habang nakatingin sa suot ko. "Wow, hiyang hiya naman ako, dito ka rin naman nagsimulang manamit." sagot ko. Naka-green shirt at pantalon lang kasi ako dahil ayoko talagang manamit na fitted sa'kin, natatakot kasi akong mabastos ng mga lalaki, uso pa naman 'yon dito sa Manila. "Bili tayo bukas," suhestiyon niya. Nanlaki ang mata ko sa kaniya. Iba na talaga ang gaga! "Huwag na, kaw na lang, may mga damit pa naman ako 'jan." Totoo naman 'yon, marami pa naman akong maayos na damit na dala talaga. "Ayaw mo? Treat ko, baliw!" Ngumiti ako sa kaniya. Siya na 'ata ang savior mayora ko ngayon. Treat naman pala e. Edi go! "Talaga? Okey game." "Baliw!" Nagkwentuhan pa kaming dalawa tungkol sa probinsya at buhay namin, hindi ko na tinanong kung ano ang trabaho niya dahil halatang iwas siya sa usapan na ganoon, siya na rin daw ang bahala sa gastusin ko habang naghahanap ako ng trabaho. Pangako ko naman na babayaran ko siya kapag may nakaka-LL na ako. Mapagkakatiwalaan naman si Trixie dahil simula mga bata pa kami, kilala namin ang isa't isa, tinatanong ko siya kung ano ang sekreto kung paano yumaman pero sabi niya, magtrabaho daw ako para magkapera, at kung ayaw ko naman, bumukaka na lang sa harap ng lalaki para mas marami daw na pera, baliw talaga ang gaga! Hinatid niya ako sa kwarto na pagtutulungan kaya nagkwentuhan ulit kami. Ang lamig sa loob kaya pinahinaan ko sa kaniya yung aircon. Late na rin nung nagtext ako kay nanay na 'andito na ako sa manila' dahil maraming sinasabi si Trixie tungkol sa lovelife niya, yung iba hindi ko na maintindihan kaya tumatango na lang ako. Ganito pala ang pakiramdam ng malayo sa pamilya, malungkot pero alam kong masasanay din ako. Andito naman si Trixie na mala-bomba ang bunganga kaya sigurado akong magiging masaya ako dito. Basta para sa kanila, gagawin ko ang lahat. "Good night, Jaz." sambit ni Trixie bago tumayo sa kama ko. Bali dalawa kasi ang kwarto niya. Master bedroom daw yung isa kaya mas malaki 'yon, sabi ko, okey na ako dito sa maliit na kama, pareho din naman malambot atsaka, kasya pa nga ang dalawang tao dito dahil maliit lang naman ako. "Good night, Trix, salamat ulit." Ngumiti siya bago umalis sa kwarto ko. Ito na 'ata ang pinaka-malambot na kamang nahigaan ko sa buong buhay ko. 'Welcome Manila!'  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD