#LOYChapter02
Halos lahat 'ata ng damit sa mall balak bilhin ng gaga dahil kuha lang ito nang kuha kahit hindi sinusukat, payat din naman si Trixie pero mas payat ako sa kaniya, mukha nga siyang Barbie doll dahil sa kinis ng balat niya, maputi na siya dati pero mas lalo 'ata siyang pumuti ngayon.
Nakailang sukat din ako sa fitting room dahil sa daming binili ni Trixie na damit para sa'kin, yung iba halos kita na ang buong katawan ko dahil sa subrang iksi talaga, uso naman daw 'yon dito sa Manila kaya huwag na daw ako umarte sabi ni Trixie.
Apat na oras 'ata kami namili ng damit at iba pang pampaganda sa katawan. Mabuti na lang may tumawag kay Trixie kaya mabilis kaming umuwi sa c****m a. Condo pala niya. Nagtaxi lang kami dahil nasa car wash pa daw yung sarili niyang kotse. Grabe na talaga! Hindi na ako magugulat kung pati yacht meron siya.
"Hindi ako uuwi mamaya," sabi niya habang nag-aayos ng sarili sa salamin. Aurang-aura ang gaga sa suot niyang yellow dress at white pointed heels. Ang ganda niya subra.
"Bakit? Saan ka matutulog? Ano ba kasi ang gagawin mo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Nag-ayos muna ito ng buhok bago sinuot ang hikaw.
"God! Jaz, bakit ba ang dami mong tanong? Reporter ka ba?"
"Hoy gaga! Nag-aalala lang ako sa'yo, malay ko ba kung druglord ka na pala." tumawa ako kaunti bago kumuha ng baso at nagsalin ng tubig mula sa ref.
"Tanga! Hindi pa naman ganoon ang utak ko para pumatol sa ganyang racket." sagot niya.
Tumawa naman ako dahil joke lang naman yung sinabi ko, kahit ganito ka yaman si Trixie, alam kong hindi pa naman sira ang utak niya para pumatol sa maling paraan.
Mahirap kaya pumasok sa ganoong racket, buhay muna naman ang kapalit agad.
Mag-isa na lang sa buhay si Trixie dahil parehong namatay ang magulang niya sa isang aksidente sa Bicol. At kaya rin siya umalis doon dahil ayaw daw niya maalala ang malulungkot na pangyayari.
Kahit sino naman, mato-truma sa ganoong pangyayari. Yung kay Tatay nga sariwa pa rin sa'kin ang pagkamatay niya dahil hindi naasikaso ng hospital, mas inuuna kasi nila ang mapera kaysa sa wala, sa kasamaang palad, isa kami doon sa wala kaya namatay si Tatay agad.
"So, saan ka nga pupunta?" pangungulit ko ulit.
"Date."
"Wow? Ano 'yan, overnight date?"
"Parang ganoon,"
"With?"
"Yung matanda kahapon,"
Agad akong napalapit sa kaniya dahil sa sinabi nito.
"Seryoso? Boyfriend mo talaga 'yon?"
"Oo nga!"
"Ah? Paano?" tanong ko ulit.
"Tanga, anong paano? Dapat bakit?" pinitik niya ang noo ko at ngumiti ng nakakaloko.
"So, bakit nga? Bakit ka pumatol doon sa matandang hukloban na 'yon na may taning na ang buhay!" sunod-sunod kong tanong.
Nilapit niya ang mukha sa'kin bago sumagot.
"Simple lang, mayaman siya bekz."
Nanlaki ang mata ko sa subrang gulat. Yikes! talaga ang gaga na ito.
"Baliw! Pag-ikaw nakita ng kamag-anak ng matanda na 'yan, bahala ka sa buhay mo!"
"Baliw ka rin! Wala ang pamilya niya dito, nasa France okey, at tsaka, malapit na siyang umuwi, kaunting tiis na lang, mawawala na rin siya sa mundo ko, okey?" proud nitong sagot. Mukhang hindi natatakot ang gaga!
E. Ano pa nga ba ang magagawa ko edi tumango na lang, at tsaka, matanda na siya para paalalahanan sa ganyan bagay, as long as masaya siya, okey na rin ako.
"Okey, pero mag-iingat ka pa rin." paalala ko. Tumango-tango naman it kaya hindi na ako nagtanong pa. Pinanuod ko na lang siyang matapos hanggang sa handa na itong umalis.
"Oh, kain ka na lang sa labas." inabot niya ang isang libo sa akin at mabilis na naglakad papuntang pintuan.
Binigay na rin niya ang allowance kuno ko kagabi para sa panggastos ko sa paghahanap ng trabaho, subrang laki nga non pero sabi niya, pang-isang taon kuna daw, baka hindi daw ako tanggapin basta-basta. Nega talaga ang babaeng 'to.
"Ingat," sigaw ko bago ito tuluyang lumabas.
Niligpit ko na ang lahat na binili namin kanina bago ako kumain sa labas, nag-fast food lang ako para makatipid, naghanap sana ako ng karenderya kaya lang wala naman dito akong nakita, ang mahal pa naman ng pagkain sa restaurant, talagang ibang iba dito kumpara sa probinsya. Mamatay ka talaga kapag wala kang pera sa bulsa.
Kinaumagahan nagising ako ng maaga para magluto, kakatok sana ako sa kwarto ni Trixie pero nakita ko itong nakabukas kaya pumasok ako, nagulat ako ng wala ito sa kama at kinabahan ako bigla ng makita ang ilang gamit nito na hindi maayos ang pagkakalagay. Wala rin 'yon paper bag na binili niya kahapon.
Tangina! Hindi kaya napasok kami ng magnanakaw? Mabilis akong pumunta sa kusina para tingnan kung may nawawalang gamit pero kumpleto at nasa maayos naman ang lahat, pati sa sala at kwarto ko ganoon din.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may makita akong sulat na nakadikit sa ref, malaking papel 'yon kaya nakita ko agad. Nawala ang kaba ko ng makita ang sulat ni Trixie.
Napakunot ang noo ko ng mabasa ang laman nito.
'Hoy gaga! Alam kong gising ka na dahil nabasa mo na 'to, pwera lang kong nagbabasa kang tulog! Lol! Hindi na kita ginising kagabi dahil alam kong pagagalitan mo ako, armalite pa naman ang bunganga mo hahahahah. Hoy! Huwag kang gagala kung saan-saan dito sa Manila dahil baka maligaw ka, tatanga-tanga ka pa naman, lol! BTW, mawawala ako ng dalawang buwan dahil magbabakasyon kasama ang matandang hukloban na sinasabi mo palagi. Hahahahah. Basta, huwag kang mag-alala, okey lang ako. Ingat ka 'jan, text mo ako kapag nabasa muna ito, alam ko naman na tulog mantika ka! Lol.
See yow bekz! Punyeta! Ang c****m a. Condo ko, ingatan mo, huwag mong gawing hotel 'yan gaga! huwag kang magpapasok na ibang tao 'jan, pwera sa lalaking mapera hahaha.
Love yoww!
- Cute Trixie. '
Baliw talaga ang gaga na 'yon, ginawa pa akong caretaker ng condo niya, mabuti na lang at malakas ang aircon dito at talagang yayamanin ang mga gamit dito, at tsaka, Ni hindi man lang nagpaalam ang gaga, haist! Kung alam ko lang na iiwanan pala niya ako dito 'di sana hindi na lang ako pumunta, punyeta talaga, malilintikan talaga siya sa'kin pag-balik.
Pagkatapos kong magluto at kumain, naglinis muna ako ng loob dahil subrang kalat ng ibang gamit sa sala, halatang may ginawang katarantaduhan ang dalawang 'yon habang natutulog ako kagabi. Inayos ko na rin ang kwarto ni Trixie bago ako naligo.
Ngayon araw ako maghahanap ng trabaho kaya kailangan kong bilisan para makahanap agad. Nagsuot lang ako ng itim na palda na hanggang tuhod at long-sleeved. Tinuck-in ko ito kaya medyo okey na rin. Ayoko isuot yung binili ni Trixie dahil mukhang pang-bar attire 'yon.
Dala ko rin ang isang brown envelope kung saan naroon ang ilang requirements ko. Itinali ko lang ang buhok ko at kaunting make-up ang nilagay ko sa pisngi.
Naka black dull-shoes ako para hindi mahirapan maglakad. Hassle kung mag-tatakong pa ako.
Sinigurado kong nakasara ang condo bago ako umalis.
"Wait!"
Sumigaw ako dahil isasara na sana nung lalaki yung elevator, mabuti naman at mukhang mabait si kuya kaya nakahabol ako.
"Thank you." sambit ko ng makapasok sa loob.
Ay maldito?! Ni hindi man lang ako tiningnan? Sinara na niya yung elevator kaya tahimik lang ako sa loob, kami lang dalawa ang nasa loob kaya super awkward ng kaunti, kung galing siya doon na floor, ibig sabihin, magkabit-bahay lang yung condo unit namin a. este condo ni Trixie.
Naku naman! Ang gwapo niya naman na nilalang, ang puti at tsaka ang bango, mukhang estudyante pa si kuya dahil marami itong bitbit na gamit sa school at ang uniporme niyang puting-puti, mas maputi pa 'ata ang suot niya sa ngipin ko. Doktor 'ata ang kinukuha niya.
Saktong bumukas ang pinto ng biglang nalaglag ang sumbrero na nakalagay sa dala niyang gamit. Mukhang hindi niya ito napansin dahil dire-diretso lang itong umalis, wala tuloy akong choice kundi kunin yung sumbrero, tangina! Ang bango naman, lahat 'ata ng gamit niya mabango, mas lalo na kaya siya, yikes! Jaz, Ano ba 'yan iniisip mo.
"Ho-hoy!"
Sinubukan kong tawagin yung lalaki kaya lang nakasakay na ito sa puting tsikot, Bonga! Yamaners din si kuya, mayayaman talaga ang nakatira sa building na 'to, kaya lang mukhang masungit si kuya, daig pa yung may regla dahil sa busangot na mukha pero, ang gwapo niya subra, artista pa kaya siya? Modelo? Tiningnan ko yung sumbrero bago ako naglakad, mamaya ko na lang ito sa kaniya ibibigay. Ganda pa naman nito, mukhang mamahalin.
Naglakad lang ako habang naghahanap ng hiring, halos lahat ng natanongan ko, college graduate ang hinahanap o kaya naman may experience na daw, tangina! Kaya nga ako naghahanap ng trabaho para magkaroon ng experience tapos tatanungin nila ako kung may experience na.
Ramdam ko ang init na bumabalot sa katawan ko kaya ginamit ko na rin yung sumbrero na napulot ko dahil nga subrang init, wala pa naman akong umbrella, sabayan pa ng suot kong 'to, mabuti na lang medyo sanay din ako sa initan, nagtrabaho kaya ako sa bukid kaya panis lang sa'kin ang ganitong pakiramdam.
Pasado alas-onse na rin kaya napagpasyahan ko munang kumain sa fastfood, wala naman talagang karenderya dito kaya no choice ako. Mura lang naman kaya okey na rin.
"Miss, isang chicken Ala king, tubig na lang po yung drinks." sabi ko sa kay ate girl.
"Copy ma'am, pa wait lang ng order."
"Sige po."
Hindi talaga ako sanay uminom ng softdrink, medyo masama kasi 'yon sa katawan dahil sa acid, mas mabuti ng safe than never diba?
Habang nag-aantay ako ng order, nag-ikot na ako ng pweding maupuan. Mabuti na lang may bakante sa bandang gilid kaya doon ako puwesto.
Kakain na sana ako ng marinig kong tumunog yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bag.
From Trixie:
Musta ang paghahanap?
To Trixie:
Naghahanap pa rin. Hahahahah
From Trixie:
Gamitan mo kasi ng katawan! Gaga!
To Trixie:
Baliw! Hindi ako tulad mo gaga!Enjoy sa bakasyon, baka last muna 'yan hahaha.
Itinago kuna ang phone pagkatapos ko i-send 'yon kay Trixie, kumain na ako para makapaghanap na ulit. Pagkatapos ko kumain, lumabas na ako para makapag-retouch kahit kaunti, subrang dami ang pila sa c.r kaya naghanap ako ng pweding ma-tambayan kaya lang wala rin. Lahat kasi nang nasa paligid mga kainan kaya wala akong choice kundi gamitin ang cellphone ko bilang salamin, basag-basag pa naman ito.
Mabuti na lang at may nakita akong parking lot sa gilid kaya doon ako pumunta, sigurado naman ako na walang tao dito dahil parking lot nga diba? lahat lang sasakyan, ipinatong ko sa itim na SUV yung gamit ko bago ako nag-retouch, nag-pulbos lang ako at naglagay ng lipstick, wala ng laman yung lipstick ko kaya sinalat ko ito gamit ang kamay ko at marahan kong nilagay sa aking labi, medyo nabura yung lipstick ko kanina dahil sa ininom kong tubig. Madali pa naman 'tong mabura. Mura lang kasi pero maganda ang kulay.
"Oh ayan, maganda ka na ulit, self." puri ko sa sarili.
Napailing ako ng may kumatok sa bintana mula sa loob.
"Holy s**t!"
"What are you f*****g of f*****g you doing, miss?!"
Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa biglang pagbukas nang bintana ng sasakyan. Namilog ang mata ko at halos hindi ako makagalaw dahil sa lalaking dumungaw sa driver seat.
Tangina! Bakit ang pogi?!
Bago pa man makapagsalita ulit yung lalaki, mabilis kong kinuha lahat ng gamit ko at kumaripas ng takbo.
Waahhh....
Lalamunin na talaga ako ng kahihiyan.