Chapter 10: Her Half-Brother
“IKAW ba ang bumaril sa nanay mo?”
“Hindi! Hindi!” ilang beses nang sinagot ni Agatha ang paulit-ulit na tanong sa kanya ng babaeng nakaputi. Dina raw ang pangalan nito, isang social worker, matambok ang pangangatawan at panay ang sulat sa yellow pad na hawak kahit iisa lang naman ang mga sagot niya.
“Eh, sino ang gumawa niyon sa kanya?” tanong ulit nito, nasa tinig na parang pinagpipilitan nito sa kanyang aminin ang isang bagay na hindi niya ginawa.
“Siya... siya lang,” sabi niya at napahagulgol muli ng iyak nang maalala ang mga nangyari.
“Huwag kang umiyak. Hindi tayo magkakaintindihan. Ikaw ba ang bumaril sa tatay mo?”
“Hindi ko siya tatay!” bulyaw niya, sa unang pagkakataon ay pinanlisikan niya ito ng mga mata.
“Sige. Ikaw ba ang bumaril kay Ramon?”
Pinahid niya ang mga luha. “Opo... opo! Sinasaktan niya si Nanay. Sinasaktan niya kami palagi. Hindi ko sinasadyang barilin siya.”
“Alam mo bang mali at masama ang ginawa mo? Itatakwil ka ng Diyos.”
“Patawad po,” mahinang sabi niya. Ayaw niyang itakwil siya ng Diyos dahil sa wakas ay inalis Nito sa buhay niya ang isang masamang taong katulad ng tiyong niya. Pero ang sabi ni Dina ay masama ang ginawa niya, ang ibig sabihin ay masama siyang tao. Papa God, sorry po. Huwag po ninyo akong itakwil.
Naudlot siya sa pagdadasal nang kumalam ang sikmura ng kaharap. “Ano ngang pangalan mo ulit, ineng?” anito at napakamot sa ulo.
“Agatha po.”
“O, siya, Agatha. Pulis na ang bahalang kumausap sa ’yo. Pagbalik namin ay dadalhin ka na namin sa DSWD. Pasalamat ka at menor ka, hindi ka pwedeng makulong. Kaya tatanungin ka lang nila, huwag kang magsinungaling para hindi na madagdagan ang kasalanan mo.”
“Hindi ako nagsisinungaling! Hindi ako sinungaling!” histeria niya.
“Chief! Chief!” sigaw nito at agad namang nilapitan ng isang pulis.
“Hindi po ako sinungaling. Hindi po ako nagsisinungaling,” aniya nang tingalain ang pulis. Nawaglit ang tingin niya rito nang may biglang sumigaw.
“This is insane! You are interrogating a child! It can be very abusive for her very young age! Wala ba kayong mga isip! Mga tonta! I will sue every one of you!” galit na galit na sigaw ng matandang bagong dating, pinagduduro nito ng pamaypay ang mga pulis at ang babaeng social worker.
Kasunod na dumating nito ang isang guwapong lalaki na agad itong pinakalma. Natuon ang pansin ni Agatha sa mga bagong dating. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa, hinuha niya ay mag-ina ang mga ito. Pero naguguluhan siya kung bakit bigla na lang pumasok ang mga ito roon at galit na galit.
Naisip niyang baka ang mga ito ang aampon sa kanya. Narinig niyang usap-usapan ng mga kapit-bahay nila na pinapaampon sa mayayaman ang mga batang kinukuha ng mga taga-DSWD. Pero naisip rin niya, kung parang galit na galit ang mga ito ay baka katulad lang din ito ng tiyong niya.
“Hindi tama ang ginagawa ninyo sa anak ko! Dapat ay kina-counselling ninyo siya. Based from what I’ve heard, she experienced a very tragic incident. It can traumatize her, it had just been a week. You don’t have any consideration to the child,” asik ng guwapong lalaki sa mga tao roon, galit man ang tinig ay mas may kontrol iyon at kalmado kaysa sa matandang babae.
At anak? Tama ba ang pagkakarinig niya? Tinawag siyang anak ng guwapong lalaki.
“I will ensure that you will rot in hell! It is merely child abuse!” mabilis na dugtong ng matandang babae sa mga sinabi ng guwapong lalaki.
“No, ma’am, sir. We are just trying to know what really happened. Siya lang po ang natitirang buhay na saksi sa mga nangyari,” esplika ng hepe ng pulis.
“Eh, ma’am, sir. Sino ho ba kayo at bigla na lang kayong umeksena? Tinawag pa ni sir na anak itong bata. Ano ho bang relasyon ninyo dito kay Agatha? Kamag-anak ninyo ho ba?” singit ng matabang social worker.
“Yes, I’m her father. But she doesn’t know. Well, I guess... she knows now,” malapad ang ngiting sumilay sa labi ng guwapong lalaki nang pagmasdan siya.
“And I’m her grandmother. Her mother took her away from us because she loved that asshole who made her life and my grandaughter’s miserable as hell. But now, we are taking Agatha with us. Come darling, come to Mama Miranda,” magiliw na sabi ng matanda at hinimok siyang lumapit dito.
Hindi niya malaman ang tamang reaksyon. Gusto niyang lumapit dito at yakapin ito pero natatakot siya at nahihiya. Nang mapagpasyahang tumugon sa udyok ng matanda ay hinawakan siya ng mahigpit ng matabang social worker.
“Hindi po ninyo pwedeng basta-basta na lang kunin ang bata. May proseso pong dapat daanan at isa pa, madali na lang po magsabi ng kasinungalingan ngayon. Kailangan po natin ng katibayan. Mahirap na at napakaraming child trafficker sa bansa,” sabi ng social worker.
“Oh, c’mon! Coming from you, e? Don’t you know who am I? I’m Miranda Consuelo Vallejos-Feron!” asik ng matanda. Lumapit ito sa kanya at kinuha siya palayo sa social worker. “Let’s go, son.”
“Ma’am, sandali lang po,” habol ng hepe. “Hindi po talaga pwedeng basta-basta---”
“Talk to my lawyer!” putol ng matandang babae at inakay na siya palabas.
“We’ll send our lawyers here,” anang guwapong lalaki bago tuluyang sumunod sa kanila.
Nagpatianod na lamang siya nang sumakay sila sa isang magarang kotse. Nang sumilip siya sa bintana ay naikurap-kurap niya ang mga mata nang tila makita ang tiyong at nanay niya sa labas ng police station. Nang hindi iyon mawala sa paningin niya ay mariin siyang napapikit at napayakap sa matandang babae na nagpakilalang lola niya. Yumakap rin naman ito sa kanya.
Ngayon lamang siya muling nakaramdam ng kapanatagan ng loob simula nang mangyari ang mapait at madilim na gabi na iyon ng buhay niya.
“YOU will now live with us, Agatha. I’m your lola but please, just call me ‘Mama.’ Don’t you worry, I’m not a mad woman. I just hate people like them. I know one when I see one. And I see that you are a very beautiful girl, did I scare you back there in the police station?” magiliw ang tinig ng matanda at inabutan siya ng tsokolate.
Isang napakalaking tsokolate na sa patalastas lang niya nakikita. Hindi niya napigilang ang panlalaki ng mga mata. Umiling siya sa tanong nito kahit hindi niya masyadong naintindihan ang lengguwahe nito at agad niyang inabot ang tsokolate.
“Sa akin po ba ang lahat ng ito?”
“Yes, sweetie. That’s all yours.”
“And here’s more, sweetie,” anang guwapong lalaki na inabot sa kanya ang isang lata ng tsokolate na kinuha nito mula sa tila maliit na drawer sa loob ng magarang kotse na iyon. “That’s Mama’s guilty pleasures but that’s all yours now,” nakangiting dugtong nito.
Inabot niya rin iyon at binalatan ang isang tsokolate na galing sa loob ng lata. “Salamat po. Ang sarap-sarap po ng mga ‘to. Ngayon lang po ako nakatikim ng mga ganito,” masayang-masayang sabi niya.
“Marami pang ganyan sa bahay, Agatha,” anito at binuhat siya pakandong sa mga hita nito. “I will give you everything you want, not only chocolate. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa ‘yo. I’m so sorry,” lumamlam ang guwapo nitong mukha. Hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan siya sa noo.
“Bakit po kayo nagso-sorry saka bakit po kayo umiiyak?” tanong niya.
“Masaya lang ako dahil kasama na kita. Napakarami kong pagkukulang sa ‘yo. I should not let your mother took you away from me. Hindi kita naalagaan. But now, here’s daddy to take care of you. No one can hurt you now. No one. Promise.”
“Daddy?”
“Yes, I’m your daddy. I’m Luis.”
“Pero sabi ni Nanay, wala na raw po akong tatay. Patay na daw po ang tatay ko. Eh, hindi naman po kayo patay kaya pa’nong kayo ang tatay ko?”
“She lied, Agatha. I don’t want you to change your impression of her. But I hope, soon enough, you will understand. Ang mahalaga ngayon ay magkasama na tayo.”
Sa loob-loob niya ay masayang-masaya siya kahit pa maraming bagay ang hindi niya naiintindihan sa sitwasyon. Sa wakas, isang bagong pamilya. Sayang at wala roon ang Nanay niya para makita iyon at maipaliwanag sa kanya ang mga nangyayari.
“We are very happy to finally have you here in our life, Agatha. You are a blessing. For sure, Anton will feel the same way. He will no longer be alone,” walang katapusan ang kasiyahan sa tinig ng matandang babae. Napakagiliw ng bukas ng mukha nito.
“Of course, Anton will surely love his younger sister. You will soon meet him, Agatha.”
“I hope na makasama na rin natin ang iba mo pang kapatid, Agatha.” Doon gumuhit ang lumbay sa mga mata nito.
Malungkot din ang mga matang bumaling rito ang tatay niya. “Yes, Mama. I will find them and take them home.”
Tahimik lamang siyang nakikinig habang kumakain ng tsokolate sa iba pang usapan ng dalawa hanggang sa makarating sila sa isang guwardiyadong tarangkahan. Bumukas ang magkabilang dambuhalang pinto at bumungad sa kanyang mga mata ang isang napakalaking bahay. Sa palagay ni Agatha ay kastilyo ang bahay sa rangya, ganda at laki niyon. Nang pumasok sila sa loob ng bahay ay mas namangha siya. Pakiramdam niya ay naging isang prinsesa siya katulad ng mga nababasa niya sa mga fairytale books.
“This is our home, sweetie,” wika ng lola niya.
“So, the bastard has finally come home. Welcome to the family,” anang paparating na napakagandang babae, may tangan itong kopita ng alak sa kamay. Kasunod nito ang isang binatilyo.
“Don’t start, Natalia. We already talked about this. We just got home. The child needs rest and so are we,” sagot ng lola niya sa babae.
“Just telling the truth, Mama. Does it hurt?” buwelta ng babaeng tinawag na Natalia.
“So, finally, after many years of existence you’ve learned how to tell the truth. How does it taste? Better than the 57-year old wine you’re drinking?”
Mukhang napipi ang babae sa sinabi ng lola niya. Napainom ito sa kopita nang tila may gustong sabihin ngunit hindi naituloy.
“Son, come to greet your sister,” yakag ng tatay niya sa binatilyo pero hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa likod ng napakandang babae. Muli itong tinawag ng tatay niya ngunit hinawakan ito sa kamay ng magandang babae at tinalikuran sila.
“I know it’s very hard on her part. I understand that. However, I’ve discussed it many times before to her that this day will come. And she needs to accept it. It’s not as if you’ve cheated on her. These daughters of yours are already conceived before you marry her. Between her and my granddaughters I will choose my own blood and flesh.
“I felt sorry for her and I will always be mad at you, Iñigo for making women feel bad. Please do learn how to take care of your daughters. Bilis-bilisan mo na rin ang paghahanap sa iba pa at baka may masama pang mangyari sa kanila. Oh my, I couldn’t imagine.”
“Please don’t be pessimistic, Mama. We will surely find my two other daughters.”
“We should. Utang natin sa kanila ito, Iñigo. For now, let’s give all our love to Agatha,” binalingan siya ng matanda at kinurot sa pisngi. “Oh, sweetie. Mauuna muna ako sa ‘yo. Your Mama Miranda needs beauty rest. See, wrinkles start to draw on my face,” nakangiting paalam nito at dinampian siya ng halik sa noo at magkabilang pisngi. Nagpaalam na rin ito sa tatay niya at umakyat sa napakahabang hagdan.
“Tara, Agatha. Sasamahan kita sa magiging kwarto mo. Nandoon lahat ng ipinabili kong laruan para sa ‘yo,” anang tatay niya at binuhat siya papanaog sa hagdan. Ang kabilang pasilyo ang dinaanan nila na taliwas sa pinuntahan ng lola niya.
Pumasok sila sa isang kwarto na kulay pink ang buong ding-ding at kisame. Pati higaan, sapin sa kama at sahig ay kulay pink. Ganoon na ganoon ang pangarap niyang kuwarto. Malayo sa kuwarto niya sa bahay nila na parang kulungan niya.
“From now on, this will be your room. All the things here are yours. Go and play with your toys.”
Napuno siya ng pananabik. Nang hindi makapagpigil ay tinakbo niya ang mga teddy bear sa kama at nagtalon-talon doon. Tuwang-tuwa siya sa dami ng mga laruan. Hindi pa siya nagkaroon ng ganoon kahit kailan.
“Nagustuhan mo ba lahat ng ‘to? Ibibili pa kita ng mas maraming teddy bears at toys.”
“Talaga po?”
“Oo naman.”
“Thank you po ng marami.”
“You don’t have to thank me. Utang ko ang lahat ng ito sa ‘yo, Agatha.” Umupo ito sa kama at niyakap siya. “Sobrang saya kong ngayon na nandito ka na sa amin.”
“Ako rin po. Pero sana nandito rin si Nanay,” bigla ay nalungkot niyang sabi.
“For sure, kung nasaan man ang Nanay mo ngayon ay masaya rin siya na masaya ka rin. Kaya huwag ka ng malulungkot, ha?”
“Opo. Promise po.”
“Dad…” anang boses mula sa bumukas na pinto. Napalingon sila roon. Pumasok ang binatilyo sa loob ng kuwarto.
“Anton,” sabi ng tatay niya at niyakag itong umupo sa kama. “It’s a good thing that you came here. Meet your sister, Agatha.”
Inabot ng binatilyo ang palad nito sa kanya.
“Agatha, he is your brother. His name is Anton.”
Alanganing inabot niya ang palad nito at nakipag-kamay.
“Great, this is really great. Please be a good friend to each other, okay?” tumango silang dalawa ng binatilyo. “Sige, dito muna kayong dalawa at kakausapin ko lang ang mommy mo, Anton. Makipaglaro ka muna sa kapatid mo para hindi siya ma-bored.”
Muling tumango ang binatilyo. Umalis na rin ang daddy niya pagkatapos siyang dampian ng halik sa pisngi. Nang sila na lamang dalawa ni Anton ay niyaya siya nitong maglaro ng mga manyika. Inilabas nito ang dalawang pareha mula sa malaking doll house. Puno ng pananabik na tinanggap niya ang isang pareha ng babae at lalaking manyika. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng mga manyikang hindi gawa sa papel.
“Hey, look at this,” agaw ni Anton sa atensyon niya. “This is what husbands and wives are doing. Also, by boyfriends and girlfriends. But today, almost everyone is doing it just for fun,” dugtong nito nang pagpatungin ang isang lalaki at babaeng manyika. “Gusto mo bang gawin din natin ‘to?” nakangising pang tanong nito. Itinaas nito ang bestidang suot niya.
Sa gulat dahil sa ginawa nito ay nasampal niya ito at naipukpok niya ang hawak na mga manyika sa ulo nito. Sa takot na gantihan siya nito ay nagtatakbo siya palabas ng kuwarto. Nakasalubong niya sa hagdan ang lola niya.
“Oh, here’s a lost angel. Where are you going sweetie? Are you looking for your Mama Miranda? Na-miss mo ba ako agad?” nakangiti nitong salubong sa kanya at niyakag siyang sumunod dito.
Nagtungo sila sa labas ng mansion. Sa tingin niya ay garden iyon. Parang bakuran sa school nila pero mas maganda. Naupo sila ng lola niya sa swing na nandoon.
“Oh, sweetie malapit na rin pala ang pasukan ulit. Saan mo gustong pumasok?”
“Pumasok po? Mag-i-school na po ako ulit?”
“Yes, of course! Hindi ka ba pumapasok sa school?”
“Pumapasok naman po pero nag-stop na po ako. Wala po kasi kaming pera.”
“Don’t worry, we’ll look for the best school for you.”
“Talaga po?!” tuwang-tuwang bulalas niya at nalimutan na ang ginawa ni Anton kanina.
Naaliw siya sa mga kuwento at pangarap para sa kanya ng lola niya. She dreamed of everything for her, all good things. And she was very agitated to start getting those dreams in her palm.
Sana, wala ng maging kontra bida sa buhay niya.