Chapter 11: The Haunting Past
SA paglipas ng panahon ay tuluyang nagbago ang buhay ni Agatha. She was sent to study in school for the rich in the metro, she was even enrolled in one of the most prestigious schools in States for children. Kasabay niyang pumapasok sa eskuwelahan ang dalawa pa niyang kapatid na babae. Si Selene at Veronica, pawang mga bastarda. Magkakasing edad lamang sila nitong tatlo.
Kasama rin nila sa pagpasok ang nakatatandang kapatid na si Anton, ang legitimate son ng pamilya Feron. Ito ang inaaasahang papalit sa kanyang ama gayong wala na ito. Her father died in an arson several years ago. Nang mangyari iyon ay nagpunta sila sa States para makaiwas sa kung anumang threat na kinakatakutan ng Mama Miranda niya. But since almost of their family businesses were here in the Philippines ay napilitan na din ang abuela niyang iuwi sila. At kababalik lang nila galing ibang bansa
Ngayon ay ilang linggo na rin silang nagbalik-eskuwela. Medyo nag-a-adjust pa siya dahil iba ang approach ng pagtuturo sa Amerika kaysa sa Pilipinas. Anyway, it didn’t really made a difference since she didn’t have friends way back in America aside from her sisters. Ganoon din dito sa bagong school nila. Maliban sa tahimik talaga siya sa klase ay may pagka-aloof at snob daw ang aura niya sabi ng kapatid na si Selene.
Naupo siya sa lilim ng isang puno, halos dulo na iyon ng school nila. Ang totoo ay gusto lang niyang makalayo kay Anton kaya doon niya napiling tumambay. Anton’s such a bully and he’s a maniac. Gusto niya itong isumbong sa kanilang abuela pero natatakot siyang walang maniwala sa kanya at maakusahang gawa-gawa niya lang iyon bilang paninira. Sa isang banda ng isip niya ay naaalala pa rin niya ang araw na walang gustong maniwala sa kanya na hindi siya ang pumatay sa nanay niya. At natatakot siyang mangyari ulit ang bagay na iyon sa kanya.
Kaysa isipin pa ang mga bagay na nakakapagpa-stress sa kanya ay iwinaksi niya iyon sa isip. Hinagilap na lamang niya sa bag ang lumang diary ng kanyang nanay na nakita niya sa mansion nang magbalik sila kamakailan lang. Dinala pala ang ilang gamit ng nanay niya sa mansion noon ngunit itinago lang sa bodega. Sabi ng abuela niya ay baka mas lalo lang siyang malungkot kapag nakita niya iyon noon kaya minabuti na lamang nilang itago ng daddy niya.
Ang ibang pahina ng diary ay malabo na at hindi na mabasa pa ang mga letra. She started to read a few passages. Pilit inaninag ng mga mata niya ang mga nakasulat sa naninilaw na papel.
March 18, 1991
Pauwi na sana kami ng mga kaibigan ko galing plaza nang makabangga ko ang isang dayo. Natameme ako nang makita ko ang mukha niya. Napakaguwapo at napakakisig. Parang artista. Humingi siya ng sorry sa akin at nang sandaling magtagpo ang mga mata namin ay may naramdaman akong sparks. Iyon talaga ang naramdaman ko, parang daloy ng mahinang kuryente. Pakiramdam ko ay ganoon din ang nadama niya...
March 25, 1991
Nagtagpo ulit ang landas namin kanina ni Iñigo, ang lalaking dayo. Iyon pala ang pangalan niya. Nakakahiya lang dahil naabutan niya akong umiiyak sa isang sulok ng parke. Para akong basang sisiw. Nag-away na naman kasi kami ni Ramon kanina. Niyaya niya akong uminom para raw kahit saglit ay makalimot kami sa mga problema. Sumama naman ako dahil pakiramdam ko ay mabigat din ang dinadala niya sa dibdib...
May 25, 1991
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan ng dalaw. Inalala ko kanina kung kailan ako huling nagkaroon. Napagtanto kong simula nang may mangyari sa amin ni Iñigo noong gabing gusto lang naming lumimot ay hindi na ako nagkaroon. Naglakas loob akong magpa-check-up sa doktor at nakumpirma kong buntis ako. Mas lalo akong naguguluhan ngayon sapagkat hindi ko na mahagilap ang lalaki at muli na kaming nagkakamabutihan ni Ramon...
September 12, 1991
Dumating na rin ang araw na kinakatakutan ko. Napapansin na sa amin ng mga tao ang ipinagbubuntis ko. Ang balak ka ko sana ay ipakargo kay Ramon ang bata at sabihing ito ang ama pero mas natakot ako sa ideyang iyon. Umamin ako kay Ramon kanina at labis siyang nagalit. Wala akong ibang naisip kundi puntahan si Iñigo sa nabanggit niyang address. Doon nalaman kong kasal na pala siya at may isang anak na lalaki sa asawa niya. Inamin nito sa kanya na noong magkakilala sila ay nagrerebelde ito sa mga magulang nito sa pagpipilit ditong magpakasal sa babaeng naanakan nito. Sabi pa ni Iñigo ay kamakailan lang lumutang muli ang babae at ginawa daw nito ang lahat para hindi matuloy ang kasal pero sa bandang huli ay wala rin daw itong nagawa. Nang sandaling iyon ay nagkalakas na rin akong itanong kung anong nararamdaman niya para sa akin. Humingi lamang ng tawad si Iñigo at nangakong susustentuhan ang bata. Ang sabi niya ay may mahal na raw siyang iba. Si Monica. Hindi ko kilala ang babae. Hindi rin ako sigurado kung totoo bang may Monica sa buhay ni Iñigo. Kung nagsisinungaling man ito o hindi ay wala na akong magagawa. Nang maghiwalay kami ng landas, sa isip-isip ko ay hindi ko kailangan ng isang tulad nito sa buhay namin ng magiging anak ko...
November 20, 1991
Puno ng saya ang umaga ko sapagkat sa wakas ay naisilang ko na rin ang pinakamamahal kong si Agatha. Labis din akong nabigla nang dumating kanina sa ospital si Ramon. Humingi ito ng tawad sa kanya at humiling na sana ay sumubok silang muli. Aakuin at tatanggapin daw nito si Agatha at muli kaming magsisimula ng panibago. Wala akong mapagsidlan ng saya sa mga bagong pangarap na nabuo para sa munti naming pamilya...
February 09, 1992
Nagulat ako nang mapagbuksan ko ng pinto si Iñigo kaninang umaga. Hinahanap niya sa akin ang anak namin. Naturete ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang naisip ko lang ay baka kunin niya sa akin si Agatha at masira ang pamilyang binuo namin ni Ramon. Ayokong mangyari iyon. Sa labis na pagkataranta ay nasabi kong namatay ang anak namin nang ipanganak ko. Mabuti na lang at wala roon si Agatha dahil isanama ito ni Ramon kanina sa pamamasyal. Hindi agad naniwala ang lalaki sa mga sinabi ko at humingi ng ebidensya. Sinabi kong sa bahay lang ako nanganak dahil sa kakapusan ng pera at dahil doon ay naimpeksyon ang bata. Hindi ko alam kung napaniwala ko si Iñigo kanina. Pero sana ay naniwala siya dahil iyon lang ang alam kong paraan upang siguruhin kong sa amin lang ni Ramon si Agatha...
“Hey, b***h! What are you doing right here?”
Nahinto sa pagbabasa ng diary si Agatha nang istorbohin siya ng boses ni Anton mula sa hindi kalayuan. Hindi niya ito pinansin at nagsimulang mag-imis ng mga gamit. Pero hindi siya nito hinayaang makaalis agad. Hinawakan siya nito sa kanyang braso. Hindi nakaligtas sa kanya ang malagkit na pagtitig nito sa kanya. May bungisngis na gumuhit sa labi nito.
“Aalis ka na agad, Agatha? Wala pa tayong ginagawa.”
“Bitiwan mo ako, Anton. Isusumbong kita kay Mama at sa faculty kapag hindi mo ginawa ang sinabi ko sa ‘yo!”
“Oh, bastards have the same guts. But you are a little different among your sisters. You are the most beautiful of them.”
“I don’t need your compliments, Anton. Just let me go!”
“May angas ka rin pala kahit tatahimik-tahimik ka lang. ‘Yan ang mas gusto ko, may wild side na itinatago. You know, we can share same bed to test your wilderness.”
“Bastos!” bulyaw niya at tinangka itong sampalin.
Nasalag naman nito agad iyon. Humalakhak ito at pinakawalan na rin siya.
Tumatakbong bumalik siya sa room nila.
“SWEETIES, let’s go! Sayang at hindi makakasama si Veronica sa lakad natin. May importante raw silang projects sa school. Anyway, mag-enjoy pa rin tayo sa pupuntahan natin,” sabi ng kanyang abuela at minadali na silang sumakay sa van.
“I’m so excited, Mama!” bulalas ng half-sister niyang si Selene at kumapit sa siko ng abuela nila.
She didn’t need to guess that Selene’s the favorite grandaughter. It’s not a surprise ‘cause she’s a natural charmer, brilliant in most ways and very beautiful. Hindi siya nagseselos sa kaalamang iyon dahil alam niyang mahal din siya ng lola niya at sapat na iyon.
Wala siyang naging imik kahit na sobrang excited din siya sa pupuntahan nila. Tahimik na sumunod lamang siya sa mga ito. Parehong sa tabi ng driver umupo ang Mama Miranda niya at si Selene. Tumuloy naman siya sa backseat ng sasakyan. Nang buksan niya ang pinto ay nandoon na sa loob si Anton at prenteng nakaupo. Nginisihan siya nito. Hindi na lamang niya ito pinansin at sumakay na rin.
Nang umandar ang sasakyan ay umisog palapit sa kanya si Anton. Hinawakan nito ang hita niya at mahinang pinisil iyon. Napapitlag siya sa ginawa nito at mas umusog sa sulok. Mukhang wala namang napansin ang mga tao sa harap dahil walang naging reaksyon ang mga ito.
Muli ay binigyan siya ng ngisi ni Anton. Ipinasok nito ang kamay sa loob ng shorts at hinagod-hagod ang loob niyon. Nang ilabas nito ang kamay sa shorts nito ay kasama nitong ipinakita sa kanya ang ari nito. Hinagod-hagod nito iyon ng palad nito.
Mabilis siyang tumalikod at inabala ang sarili sa tanawin sa labas. Hindi nagtagal ay naramdaman niyang muli ang kamay ni Anton sa hita niya. Umakbay pa ito sa kanya at pasimpleng sinagi ang dibdib niya. Nakaramdam siya ng kilabot. Naglikot ang mga mata niya sa kakaisip ng maaaring gawin. Piping hiling niya na sana ay may makapansin sa ginagawa nito.
“Be a good girl, Agatha. Don’t make any noise,” bulong nito sa tainga niya. Nangaligkig siya nang dumapo ang hininga nito sa mga balahibo niya.
Impit na nakalikha siya nang munting ingay nang muli humipo ang palad nito sa hita niya. Natutop niya ang bibig. Sakto namang lumingon si Selene sa kanila. Mabilis na inilayo ni Anton ang sarili pero sigurado siyang nadaanan ng tingin ng kapatid ang ginawa ni Anton. Naging panay-panay na ang paglinga at pagsulyap sa kanila ni Selene. Nang mag-stop-over sila sa isang convenience store ay lumipat sa backseat ang kapatid.
“Mama sa likod na lang po ako mauupo para makapagpahinga kayo ng maayos habang nasa biyahe,” sabi nito sa abuela nila.
“It’s okay, Selene. I’m fine with you sitting beside me,” nakangiting tugon ng Mama Miranda nila.
“Sige na po, Mama. Kukulitin ko rin itong si Agatha para masanay magdaldal at hindi po bumaho ang hininga,” patawang sabi nito at lumulan na sa backseat. Hindi na ito pinigilan pa ng lola nila.
Gusto niyang pasalamatan si Selene sa ginawa nito. Katulad nga ng sinabi nito ay kinulit-kulit siya nito. Normal na iyong karakter ng kapatid kahit noong mas bata-bata pa sila. Madalas ay naaasar nito ang kapatid nilang si Veronica kapag nangungulit ito. Pero hindi naman iyon iniinda ni Selene at nangungulit pa rin.
Nang mapagod ito marahil ay nakatulog din habang nakasandal sa balikat niya. Sumandal din siya rito at ipinikit ang mga mata. Nang magmulat siya ay nakaparada na ang van at bukas ang pinto sa side niya.
“Come, sweetie! This is such a lovely place. Feel the weather, look at the scenery and breathe the fresh air,” malakas na sabi ng lola niya.
Bumaba siya ng sasakyan at sumunod sa abuela niya. Nagtulong silang maglatag ng mantle sa damuhan at inilabas nila ang mga picnic basket. Nang may mapadaan sa kanilang kakilala ng abuela niya ay nakakuwentuhan nito iyon. Samantalang si Selene ay naging abala na sa mg paru-paro at mga bulaklak. Nang hanapin ng mga mata niya si Anton ay nakita niyang abala ito sa pakikipaglaro ng freesbie sa iba pang binatilyong nandoon. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag.
Naglakad-lakad na lang muna siya at nang makakita ng mga magagandang ibon ay naagaw niyon ang atensyon niya. Sinundan niya ang huni ng mga iyon at naglakad pa palayo. Nang mawala ang mga ibon sa pandinig niya at mga mata ay nakuha naman ang atensyon niya ng mga gumagalaw na mga damo. Bahagya siyang natakot sa simula pero nang makitang may lumabas na kuneho doon ay natuwa siya. Hinabol niya iyon pero mabilis ding nawala sa paningin niya.
Naglakad-lakad pa siya at sunod namang nakaagaw ng pansin ay ang daloy ng tubig sa kabilang panig ng lupang kinatatayuan niya. Namangha siya roon kaya naisipan niyang bumalik sa sasakyan para kunin ang camera niya. Tinalunton niya ang daan pabalik.
Nagulat siya nang makasalubong si Anton. Biglang sumilay ang ngisi sa mga labi nito at tumutok sa kanya ang atensyon. Mabilis na pumihit siya ng daan para umiwas dito.
“Look what I see, eh?! A lost nymph in the forest. Running away so fast, Agatha? Why are you so elusive?”
“Layuan mo ako, Anton!” malakas ang loob na sigaw niya.
“You won’t get away from me this time,” anito at tinakbo ang kinaroroonan niya.
Kumaripas siya ng takbo para hindi maabot nito. Pero gaano man kabilis ang ginawa niyang pagtakbo ay naabutan pa rin siya nito. Oh, hell! She forgot that Anton was an athlete. Hingal na hingal na napasandal siya sa isang puno. Sapo-sapo niya ang dibdib.
Pinagtawanan lamang siya ni Anton. Lumapit ito sa kanya at itinukod ang mga kamay sa puno para maikulong siya sa pagitan ng mga braso nito. Inilapit nito ang mukha sa gilid ng tainga niya.
“Have you read some myths about nymphs, Agatha? Let me tell you one, nymphs are beautiful beings that are naked in the forest. You look like one so you should get naked,” anito na tila aliw na aliw sa sariling kuwento.
“Tigilan mo na ako, Anton! Isusumbong kita kay Mama kapag inulit mo pa ito! Iwan mo na ako dito, pakiusap!”
Ngumising parang aso lamang ito. “I doubt you, Agatha. You don’t know how to talk and no one will ever believe you. I’m a legitimate son and you are just a bastard. And besides, we don’t know for sure if there will be someone who will know what I’m going to do with you.”
“Ano bang gusto mo, Anton? Bakit mo ito ginagawa?” garalgal na sabi niya, nanginginig na ang tuhod sa takot.
“You know what I want. You should have given it before we ended up here. But this is not a bad place, though. Right?”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Layuan mo na ako!” asik niya rito. Pinuno niya ang natitirang lakas at tinuhod ito sa pagitan ng mga hita.
Napasigaw ito sa sakit. Kinuha niya ang pagkakataong tumakbo ulit habang namimilipit ito sa sakit. Takbo lang siya ng takbo. Mainit na ang pakiramdam ng mga binti niya. Nang pangapusan ng hininga ay natago siya sa isang malaking puno. Umupo siya sa ugat niyon at dinampot ang isang tuyong sanga.
Inihanda niya ang sarili nang makarinig ng papalapit na mga yabag. Nilagpasan ni Anton ang pinagtataguan niyang puno. Nang sumilip siya ay hindi na niya ito nakita pa. Tumayo na siya at marahang naglakad.
“Bulaga!” sigaw ni Anton mula sa likuran niya.
Napatili siya at napasadlak sa lupa nang matisod ng ugat ng puno. Patawa-tawang tiningnan lamang siya ni Anton. Nasa mga mata nito ang tagumpay ng sitwasyon.
“I’ll scream, Anton! Don’t you dare come near me again!”
“Let me be the one to make you scream, Agatha.”
“You’re maniac! Siguradong paparusahan ka ni Mama kapag nalaman niya ito.”
“She’s not gonna believe you. You know why? Because you are a murderer! You killed your mother, right? You shot her in the mouth and you laughed at her while she was dying. You are maniac, Agatha. We are just the same.”
“Hindi ‘yan totoo! Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ko pinatay si Nanay! Hindi ko siya pinatay!”
“Oh, really? But that is what I’ve heard from Mama Miranda. You killed your mother, b***h!”
Nagdilim ang paningin ni Agatha sa mga sinabi ni Anton. Dinampot niya ang sangang nabitiwan niya kanina pagbagsak niya. Para siyang nagkaroon muli ng panibagong lakas at tumayo mula sa pagkakasadlak sa lupa.
“That’s what I like. Come to me, b***h!”
Sinugod niya si Anton at pinaghahampas ng sangang hawak niya. Naputol iyon ng malakas na ihataw niya sa braso nito. Itinapon niya iyon at dumampot ng matulis na sanga. Tinusok niya ito sa tagiliran at muling pinaghahampas sa katawan.
Walang naririnig si Agatha maliban sa ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga dahon at sa mumunting huni ng mga ibon. Wala rin siyang nakikita maliban kay Anton. Si Anton na ngayon ay duguan ang mga balat, sapo ng kanang palad ang tagiliran at sige ang pag-atras sa bawat paghampas niya ng sanga ng puno.
“Agatha, stop it! Please... I’m bleeding, stop it... I’m sorry! I didn’t mean to piss you off,” hagulgol nito.
Pero hindi siya nagpatinag. She was raging with madness. She could only see blood and darkness. Sige lang siya sa pagpalo ng sanga sa katawan ni Anton kahit panay na ang sigaw nito na itigil na niya ang pananakit dito. May kung anong lumukob sa sistema niya na hindi pa kuntento sa nakikitang kalagayan ng half-brother. Nang sa wakas ay mawala sa paningin niya ang duguang anyo ni Anton ay saka lamang siya natigil.
Hinahabol niya ang hininga ng mapaluhod sa damuhan.
Then she heard him screamed again, “Help me, b***h! Oh, please! Somebody help me!”
Sa puntong iyon ay parang nanumbalik ang nawala niyang katinuan. Tinakbo niya ang pinanggagalingan ng sigaw ni Anton. Nakita niya itong nakakapit sa isang tuyong ugat ng puno at nasa ilalim nito ang isang malalim na bangin.
“You, b***h! Help me outta here! Isusumbong kita kay Mama kapag hindi mo ako tinulungan,” sigaw nitong may halong pagbabanta.
Iwinaksi niya ang lahat ng takot at galit kanina at mabilis na inabot kay Anton ang sangang kanina ay ipinanghahataw niya rito. Pero bago pa man nito maabot iyon ay napatid na ang tuyong ugat na kinakapitan nito. Mabilis na nagtuloy-tuloy ito paibaba at bumulusok sa ilalim ng bangin hanggang sa hindi na niya matanaw pa.
Nahindik siya sa mga nangyari. Para na naman siyang nabaliw at hindi malaman ang gagawin. Inihagis niya ang sangang may mga dugo ni Anton sa bangin at tumakbo palayo. Umiiyak na tinalunton niya ang daan pabalik upang humingi ng saklolo. Pero dumilim na ang paligid ay hindi pa rin niya nakikita ang daan pabalik sa abuela niya.
Nagtuloy-tuloy pa rin siya sa paghahagilap ng tamang daan habang patuloy na umiiyak. Punong-puno na siya ng pawis at alikabok sa katawan. Hinang-hina na rin ang mga tuhod niya at uhaw na uhaw. Ang takbo niya ay naging lakad na lamang hanggang sa bumagsak siya sa mga nahamugan na mga damo. Pinilit niyang gumapang ngunit tuluyan na siyang napalugmok at hindi na makakilos pa.
Nang magising siya ay kasama na niya sa sasakyan si Selene. Mabilis na nagsilapitan sa kanya ang mga pulis nang makitang nagkamalay na siya. Dinumog ng takot si Agatha.