KAHIT paano ay nabawasan ang tinik sa puso ni Giana dahil sa pag-uusap nila ng ama subalit nangako pa rin siya sa ama na babawi kahit pa nag-usap na sila nang maayos ng ama. Dahil kahit paano ay magkaayos na sila ng ama ay malakas na rin ang loob niyang magpunta ng maaga sa bahay nila para paglutuan ng agahan ang pamilya na dati niyang ginagawa. Si Henrietta ang nagbukas ng pinto na sumimangot kaagad nang makita siya. “Ang aga mo naman nangbulabog? Tulog pa ang mga tao rito,” sita ni Henrietta sa kaniya. “Nandiyan ka naman na mukhang maagang nagigising,” nakangiting tugon niya saka pumasok sa loob ng bahay. “Papasok ka na ba sa trabaho? Maligo ka na at ako na magluluto ng agahan at baon mo,” aniya. “Wala na akong trabaho,” tugon ni Henrietta saka umupo sa sofa at nagpipindot ng cell pho

