Chapter 13

1636 Words
Gumising siya kinabukasan na wala syang Nick na nakita, umupo siya sa kama at nilibot ang tingin ng buong silid pagkatapos nagtungo siya sa banyo upang maligo. Nagsuot lang siya ng komportableng damit at lumabas na ng silid sobrang tahimik ng kabahayan habang nagaasikaso ng almusal hindi niya maiwasan na magisip kung nasaan na si Nick, hindi niya alam kung saan ito nag punta at kung ano ang kasama. Sa kalagitnaan ng kanyang pagkain may lumapit sa kanyang na isang lalaki, bilis ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa gulat. "Sir Nick wants to talk to you!" Anito pagkatapos inabot sa kanya ang phone na agad naman nyang kinuha at tinapat sa tainga, maya maya pa ay narinig na niya sa kabilang linya ang boses nito. "I'm here at Canada to attend the wedding of my friends." Paliwanag nito, tumango siya kahit hindi siya nito nakikita. Tila kinurot ang kanyang puso dahil hindi man lang nito nagawang magpaalam sa kanya, sabagay sino nga ba siya sa buhay nito, tahimik lamang siya nakikinig dito. "You can go to your sister if you want, I will be here for a few more days!" Anito sa kanya, muli syang tumango, lumipas ang ilang sandali ng magbuntong hininga ito. "Zav?" tawag nito sa kanya, napalunok siya bago nagsalita. "Yes?" tanong niya ngunit wala itong sinabi na kung ano sa kanya. "Bye!" paalam nito at naputol na ang kabilang linya, napatingin siya sa phone, takhang ibinalik sa lalaki, agad naman nitong tinanggap at walang pasabi na umalis sa kanyang harapan. Mabilis nyang tinapos ang kanyang naudlot na pagkain at hinugasan ang pinagkainan, pagkatapos agad na pumahik sa taas upang maghanap ng pwedeng maisuot na damit nang makapili sinuot na niya at nagtungo sa labas. Sa bungad ng pinto may isang tauhan nito ang naghihintay, kumunot ang kanyang noo. "Bakit?" Tanong niya na may pagtataka, nilahad nito ang kamay patungo sa daan, kaya lumakad siya at agad naman itong sumunod. Sa labas may naghihintay na isang sasakyan, binuksan nito ang pinto pagkatapos pinapasok siya, umikot ito at sumakay sa driver seat, nagsimula na itong magmaneho, lulan ng sasakyan tahimik lamang siya nakamasid sa paligid, maya maya rin syang tumitingin sa bintana upang makaiwas sa labis na kalungkutan lumipas ang mahabang sandali bago sila nakarating, masayang masaya siya na makita ang kapatid. "Ikaw ate ah!" pagtatampo nito sa kanya, labis ang pagtataka na bumaling siya dito. "Bakit?" tanong niya. "Hindi mo sinabi agad na boyfriend mo na ikaw titira!" Anito na may pagtatampo sa tinig. "Huh?" hindi siya kaagad nakapag react marahil ito ang sinabi ni Nick sa kanyang kapatid, ngumiti nalang siya at hindi na gustong itama ang akala ng kapatid. Ayaw nyang pati ito ay mastress sa kanya o nangyayari sa kanyang buhay mas mabuti ng salirihin nalang niya, lumalaki na rin ang tiyan nito, hinimas niya iyon. "Kailan ang kabuwanan mo?" Pagiiba niya ng usapan. "Limang buwan pa ate." napatango siya. Marami pa silang napagusapan ng kapatid, katulad nalang ng pagiging may bahay nito sa kanyang lola, kahit papano natutuwa rin siya dahil kahit nabuntis ito ng maaga hindi naging hadlang iyon para hindi nito ipagpatuloy ang pag aaral, hanggang sa sumapit na ang gabi, ayaw man nyang umalis ngunit nangako siya sa kapatid na hindi na siya titira sa bahay na ito. Napagsyahan niya na bumalik na sa bahay ni Nick, nangako siya sa kapatid na babalik sa makalawa, inalalayan siya ng tauhan ni Nick pagsakay niya sa sasakyan kumaway siya sa kapatid. "Bye ate ingat!" narinig nyang sigaw ng kapatid bago maisara ang pinto. Lulan ng sasakyan pabalik sa bahay ng binata, hindi niya maiwasan ang mapangiti kahit papano nabawasan ang bigat ng dibdib na kanyang dinadala dahil sa paglisan ng binata nang walang pasabi sa kanya nagulantang ang kanyang pagiisip ng pumereno ito ng pagkalakas dahil doon nasubsob ang kanyang mukha sa harapan ng upuan. "Kuya?!" Galit na tawag niya, tiningnan siya nito mula sa center mirror, ni hindi man lang ito nag tanong sa kanya kung ayos lang ba siya, hindi siya makapaniwalang tumingin dito. Bumaba ito ng sasakyan upang tingnan kung bakit sila napahinto ngunit bumukas ang pintuan ng sasakyan kung saan siya nakaupo, natulala siya sa nakita agad nyang itinaas ang dalawang kamay. "Get down!" utos nito na agad nyang sinunod, bumaba siya ng sasakyan nanginginig ang kanyang kamay at katawan. Itunulak siya nito patungo sa isang sasakyan kung saan inutusan siya na pumasok, nang hindi siya sumunod hinawakan siya nito sa braso at pabalyang ipinasok, hindi siya makapag salita hindi niya rin alam kung ano ang dapat gawin, tila nabigla siya sa bilis ng pangyayari. Kinuha ng isang lalaki ang kanyang dalawang kamay tinali, pagkatapos kumuha ito ng tape at tinakpan ang kanyang bibig, pang huli kinuha niti ang isang itim na tela at tinakip sa kanyang buong mukha. Wala syang makita kundi puro kadiliman, mauulit na naman ba ang nangyari sa kanya, kung ganoon alam nyang wala na syang ligtas. "Sir, I already clear the area." Ani ng isang lalaki. "Alright, let's go!" Ani ng kanyang katabi, pagkatapos marinig ang usapan ng mga ito agad na umusad ang sasakyan. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, bakit lagi nalang itong nangyayari sa kanya wala naman siguro siya na ginawa ng masama upang mangyari ang mga bagay na ito sa kanya, nagkataon nga lang ba ito o sadyang ito ang kanyang tadhana. Lumipas ang mahabang sandali nang huminto ang kanilang sinasakyan, muli syang hinawakan sa braso at hinila palabas, ilang hakbang pa ang kanilang nilakad bago nakarating sa kung saan, pinaupo siya sa isang upuan at tinali ang kanyang kamay sa likod at ang kanyang paa. Pagkatapos tinanggal nito ang taklob sa kanyang mukha, halos masilaw siya sa lakas ng liwanag, maya maya pa narinig nila ang takong ng sapatos papalapit sa kanilang kinaroronan. Ang takot at gulat sa kanyang mukha ay napalitan ng galit nang mapagsino ang nasa kanyang harapan, gusto nyang singhalan ito ngunit may takip ang kanyang bibig, lumapit ito at ngumiti sa kanya ng nakakakilabot. "How are you?" Tanong nito at hinawakan ang kanyang buhok at tiningala ang kanyang ulo upang magharap ang kanilang mukha, mahigpit at masakit, tila matatanggal ang kanyang buhok sa anit. "I won't let you ruin my life at higit sa lahat hindi ako papayag na maging masaya ka sa buhay ni Nick!" gigil na sambit nito pagkatapos agad syang binitawan at tumayo, tumalikod ito sa kanya. "You're taking everything away from me!" Anito pagkatapos muling humarap sa kanya at lumapit, may hawak na itong kutsilyo sa kanang kamay. Tinanggal nito ang takip sa kanyang bibig. "Anong pakulo to ashley?" Sigaw niya, hindi siya makapaniwala na darating ang dalaga sa ganitong punto. "This is all your fault!" Anito pagkatapos biglang sinaksak ang kanyang hita gamit ang hawak nito. "Aaaaaaahhhhhh!" Napasigaw siya sa matinding sakit. "That's right, screamed in pain!" ganting sigaw nito. Napayuko siya at kinagat ang ibabang labi, upang pigilan ang pagiyak ngunit kahit anong gawin nyang pigil hindi naiwasan ng kanyang mga mata ang pagbulusok ng masagang luha sa kanyang mga mata. "Ba __ kit mo __ ito __ gi _ na __ gawa?" tanong niya sa pagitan ng paginda sa sakit at pagpipigil sa luha. "You have the courage to ask that after you took my loved ones away from me?!" galit na anito. "Wala akong ___ !" naputol ang dapat nyang sasabihin ng sampalin siya nito. "Inagaw mo sila sa akin, naiintindihan mo?" Anito at tumayo. "Iligpit niyo na yan!" utos niya sa tauhan. "Ashley, pagusapan muna natin ito!" Desperadang aniya, napahinto ito at muling tumingin sa kanya, napataas ang kilay nito. "Kung ayaw mong idamay ko pati ang kapatid mo, layuan mo si Nick!" Anito, kinabahan siya sa sinabi nito. "Wag mong idamay ang kapatid ko, wala syang kinalaman dito!" matapang na sagot niya. "Pwes, Stay f*****g away to Nick!" Gigil na sambit nito. "Hindi ko kayang gawin ang gusto mo, mahal ako ni Nick at mahal ko rin siya!" Matapang na sagot niya, tumawa ito na tila nasisiraan ng bait. "f**k that loved, hindi ka maililigtas nyan!" anito. "Anong pang hinihintay niyo?" galit na sambit nito sa tauhan, agad ang mga itong kumilos palapit sa kanya. "Oh before I forget!" Anito at lumapit sa kanya napahinto naman agad ang tauhan sa tangkang paglapit sa kanya. May kinuha ito sa bag, isang papel at ballpen. "Kalagan siya!" utos nito sa isang tauhan na agad rin tumalima. "Write what I say!" inabot nito sa kanya ang papel ngunit hindi niya tinanggap kaya gigil nitong kinuha ang baril sa tauhan na nakatayo malapit sa kanila. "f*****g do it!" Sigaw nito sa kanya pagkatapos tinutok sa kanyang ulo ang hawak nito. "Isang kalabit ko lang nito, sabog yang utak mo, binibigyan pa kita ng pagkakataon na layuan siya!" Anito pagkatapos ay ikinasa at muling tinutok sa kanya. Nanginginig ang kanyang kamay na tinanggap ito at sinulat ang sinabi ni Ashley, bawat katagang binibitawan nito ay labag sa kanyang kalooban, hindi man niya gustuhin ngunit wala syang magawa dahil buhay niya ang nakataya, umusal siya ng kapatawaran sa binata, naway mapatawad siya nito dahil hindi niya ito ginusto. Nang matapos agad nitong kinuha at inabot sa tauhan na kasama niya sa bahay ng kanyang kapatid. "Ikaw na ang bahala!" Anito sa lalaki na agad naman tumango. "Let me tell you a one story!" Anito, napatingin siya kay ashley. "Did you know this man?" tukoy nito sa kasama niya kanina, agad syang umiling bilang sagot. "He is the brother of the one killed by nick who almost r***d you, they are my staff who always inform me of everything!" Gulat syang napatingin dito mababakas sa mukha nito ang matinding galit sa kanya. "Kill her!" Utos nito pagkatapos ay tumayo at tumalikod sa kanya. "Wag ashley, pakiusap!" Tawag niya sa dalaga ngunit hindi siya nito pinakinggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD