Ayaw man nyang aminin ngunit hindi mapagkaila ng kanyang mga kilos, tila na magnet ang kanyang mata pati ang katawan sa lalaking nagngangalang Nickolai, bakit sa tuwing nakikita ito ganito na lamang kung mag wala ang kanyang puso, habang pinagmamasdan niya itong nagsasalita sa harapan hindi niya maiwasan na mamangha, tila isa syang ina na proud sa achievement ng anak.
Naputol ang kanyang iniisip ng hawakan siya ni Mateo sa kamay, bumaling siya sa lalaki. "Kanina pa kota tinatawag!" Sambit nito sa mahinang tinig, agad syang yumuko. "I'm sorry!" Aniya at pinaglaruan ang mga daliri. "What are you thinking?" Umiling siya upang iparating dito na wala syang iniisip. "Inaantok lang ako!" pagsisinungaling niya pero ang totoo, hindi mawalay ang kanyang isipan sa nagsasalita sa harapan, hinawakan siya nito sa baba at inangat ang kanyang mukha. "Sandali na lang, hmm!" Anito at mabilis syang dinampian ng halik sa labi.
Tumango siya sa binata at muling tumingin sa kanyang harapan dahil nasa bungad sila ng stage, muling nagtama ang tingin nilang dalawa agad syang nag iwas at tumingin kay Mateo na ngayon nakatingin sa harapan. "I want to call my brother, Mateo, please come here!" Bumaling siya sa harapan, kapatid niya? aniya sa isip, pagkatapos sa kanyang katabi.
Tumayo ito at nagtungo sa harapan ng stage, nag speech si Mateo ngunit wala syang maintindihan sa mga pinagsasabi nito, litong lito ang kanyang isipan, bakit magagawa ng kapatid ni Mateo na paratangan siya, bakit galit na galit si Mateo kay Nick, may kung ano na pumasok sa kanyang isipan, nanginginig ang kanyang kamay na uminom ng tubig, may tinatago sa kanya si Mateo at nasisiguro niya iyon.
Tumayo siya upang mag tungo sa banyo at lumanghap ng sariwang hangin, napatitig siya sa salamin, hindi pa rin mawala ang kaba, takot at panginginig ng kanyang katawan tila pamilyar ang pakiramdam na ito sa kanya, hinimas niya ang tiyan natatakot syang malaman ang katotohanan ngunit iyon ang tanging paraan na alam niya, sa ngayon wala syang dapat na pagka tiwalaan.
Paglabas niya ang banyo may nasalubong syang babae, maganda at maputi, halos manlaki ang mata nito ng mapag sino siya. "Hi!" bati nito sa kanya ngumiti siya ng tipid. "Where is Mateo?" tanong nito sa kasama, tinuro niya ang stage na sinundan naman ng tingin nito. "Ahh, ikaw lang mag isa?" tumango siya, sabay silang napalingon sa isang tinig ng lalaki. "Ash!" tawag nito sa babaeng kaharap niya.
Nagaalangan itong tumingin sa kanya. "Ash?" mahinang sambit niya, minsan na nyang narinig ang pangalan na ito. "Sige na Aria, umalis kana!" pagtataboy nito sa kanya, biglang kumunot ang kanyang noo, bakit alam nito ang kanyang pangalan kahit hindi pa siya nagpapakilala dito, nakukwento ba siya ni Mateo sa babaeng ito, bakit? anong dahilan ni hindi man lang ito nagpakilala sa kanya kung ano ang relasyon nila sa nakalipas, ukupado ang kanyang isipan na naglakad papalayo.
Nagtungo siya sa isang garden at doon lumanghap ng hangin, muli syang napahawak sa tiyan, punong puno ng galak ang kanyang puso ng malaman na nagdadalang tao siya ngunit sa tuwing naiisip niya si Mateo, tila nagkakaroon ng puwang.
Lumipas ang ilang sandali ng mapag pasiyahan niya na bumalik na sa table nila ngunit napahinto siya sa akmang pag tayo ng may humila sa kanya muli, galit syang bumaling dito. "Dahan dahan, hindi mo ba nakikita na buntis ako?!" Singhal niya. "I'm sorry, I didn't know!" Tumingin ito sa kanyang tiyan, bigla rin syang natahimik sa tinig na narinig hindi siya pwedeng magkamali. "Anong ginagawa mo dito?" pagiwas niya sa binata at agad na piniksi ang kanyang braso.
Tinitigan niya ang mukha nito. "Don't you really know me? maybe you just look alike the girl I love!" Anito saka tumingin sa kawalan. "I miss her so much!" bulong nito sa hangin, tila kinurot ang kanyang puso dahil sa narinig, hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman, akmang tatayo na ito ng pigilan niya. "Sandali!" hawak niya sa braso nito ngunit agad rin syang napabitaw ng may kuryenteng dumaloy sa kanyang balat.
"Nong gabi na pumunta ka sa Italy, sino yung tinutukoy mo?" Humugot ito ng buntong hininga at muling umupo sa kanyang tabi. "It's Zav, She's my girlfriend, She left me with another man!" Tila sumikip ang kanyang dibdib, biglang gumalaw ang kanyang kamay at inabot ang kamay nito, napalingon sa kanya ang binata saka malungkot na ngumiti, hindi niya alam kung ano ang dapat nyang sabihin upang mabawasan ang bigat na dinadala nito. "You know what? I want to hurt her so bad!" Anito saka tumawa. "But I can't, cause I love her so much, I'm willing to give up everything to have her again!" Muli itong tumingin sa kawalan. "If I given a chance to see her I win her back, I'm not gonna hurt her, I will love her with all my heart!" Malungkot nitong sambit. "Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao kapag siya na ang sumuko wala ka ng magagawa, You need to move forward and find your peace!" Aniya tumingin ito sa kanya at ngumiti. "You know what is the funny?" taka syang umiling.
"You look like her, Mateo said you're not Zav but Aria at first I didn't believe it until he showed me your birth certificate, funny right?" Anito sa kanya. "I am happy that my brother has found his happiness!" Patuloy lamang itong nagsasalita habang siya ay tahimik na nakikinig sa hinaing ng binata dahil sa totoo lang masaya syang mapakinggan ito, lalo na ng madiskubre niya na hindi naman pala ito masungit gaya ng inaakala niya at may malambot pala itong puso. "Napaka swerte naman ng babaeng iyon dahil mahal na mahal mo siya!" Aniya. "I'm a lucky to have her, maybe she left me because I hurt her!" Mababakas ang matinding pagsisisi at kalungkutan sa tinig nito.
"I don't know where she is but I wish for her to be happy in the path she took even without me!" tumayo ito. "I wish that you will find your true love!" buong puso nyang sambit. Tumango ito saka naglakad papalayo sa kanya, tila bumigat ang kanyang pagkiramdam ng mawala na sa paningin niya ang binata, napahawak siya sa sintido ng bigla itong kumirot.
"Aria!" Napalingon siya sa pinaggalingan ng tinig, nakita niya si Mateo na humahangos papalapit sa kanya. "I've been looking for you all around for pete's sake!" Hingal na sambit nito, lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry kung pinagalala kita." Aniya at gumanti ng yakap, hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya papasok ng venue.
Bumalik sila sa kanilang table kanina. "Wag ka ng ulit aalis sa tabi ko!" tango lamang ang kanyang sagot, nilibot niya ng tingin ang buong paligid, hinahanap ng kanyang mata ang binata, bumalik ang binata na may dala ng pagkain hindi pa man sila nakakapag simula ng may lumapit dito at bumulong, tila nawalan ito ng gana kumain at biglang sumama ang mukha nito. "Wag kang aalis dyan!" Banda nito sa kanya pagkatapos tumayo ito sinundan niya ng tingin ang binata nang matungo ito sa isang table, kung saan maraming tao.
Nakipag usap lang ito doon na tila nakikipag talo base sa reakyon ng mukha, nahagip ng kanyang mata si Nickolai, na matamang nakatingin sa kanya, dahil sa sobrang layo hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito, maya maya pa bumalik si Mateo sa kanya, nakakunot ang noo nito at nagiigtingan ang panga. "What's wrong?" aniya saka hinawakan ito sa kamay.
"I done with this bullshit, after nito uuwi na tayo!" Deklara sa kanya ng binata, inalalayan siya nito upang makatayo, hawak nito ang kanyang kamay patungo sa pinanggalingan nito, dahan dahan lamang ang kanilang paglalakad dahil buntis siya at medyo may kalakihan na rin ang kanyang tiyan.
Nakarating sila sa table, pinaghila siya ni Mateo ng upuan pagkatapos sumunod rin ito ng upo, kaharap nila ay ang mga may edad na babae at lalaki. "Who is this girl Mateo?" Ani ng kanilang kaharap, tumingin sa kanya ang binata pagkatapos nilipat ang mata sa matanda. "My wife!" napasinghap ang ilan sa kasama nila sa table, napatingin siya sa matanda at kay Nick na katabi nito. "Why didn't you tell us that you are married?" Galit na sambit nito. "I don't want a relative to attend my wedding!" Sarkastimong sagot nito pagkatapos kumuha ng slice ng cake at nilapag sa kanyang harapan. "Eat, Babe!" utos nito sa kanya.
Napatingin siya sa palagid lahat ng tao sa kanya nakatingin. "I'm your father, I have the right to know!" gigil na sambit nito. "You still call yourself father even if you can't be a father to us, you are so unfair!" Anito saka napapailing iling, hinampas ng matanda ang lamase. "Watch your words young man!" bumaling siya sa lalaki at tiningnan ng masama ng hindi ito tumingin agad niya itong siniko, napadaing ito sa kanyang ginawa pagkatapos tiningnan siya ng may pagtataka. "Mag sorry ka!" utos niya sa binata ngunit nagmatigas ito kaya muli nyang sinuko. "Mag sorry ka sabi!" tumaas na ang kanyang boses dahil hindi ito kumikilos.
Humarap siya sa matanda. "Pasensya na po!" aniya saka naiiritang bumaling kay Mateo. "What's your name young lady?" natatawang tanong sa kanya ng matanda. "Aria po!" aniya saka tipid na ngumiti. "Aria?" tanong nito. "Aria?" aniya saka bumaling sa binata, maski apelyido niya hindi niya matandaan. "Like what I said, kasal kami kaya dinadala na niya ang apelyido ko!" Anito, muli syang tumingin kay Mateo ng masama. "Ayusin mo ang pakikipag usap mo, ama mo yan!" Singhal niya, umayos ito ng pagkakaupo.
"Balita ko buntis ka hija?" tanong sa kanya ng matandang Anderson, agad syang tumango. "Opo, apat na buwan na!" masayang sambit niya. "Ikinatutuwa ko na magkakaroon na kayo ng pamilya ni Mateo!" tipid syang ngumiti. "Kami rin po!" sang ayun niya
"Wag mo na kaming intindihin dad, why don't you focus all your attention on your son!" Anito saka masamang tumingin kay Nick, akmang tatayo ng pigilan niya. "Ano ba Mateo, umayos ka!" Banda niya sa binata. "I'm tired Aria let's go home!" Aya nito sa kanya. "I treat you and Nick, Mateo, equally!" Anito at sumimsim ng alak. "Equally, that's bullshit!" sigaw nito sa ama. "Watch your words, Mateo!" Sagot ni Nick, bumaling siya sa binata na prenteng nakaupo habang nakikinig sa usapan ng mag ama. "Don't get involved in my father's conversation!" Singhal nito, hinawakan niya sa braso si Mateo ng akmang susugod ito, bumibigat na ang tensyon sa paligid ng lamesa na ito. "Aalis na po kami, pasensya na!" tumayo siya at hinawakan sa kamay si Mateo, sinenyasan niya ito na umalis na sila. "He is also my father!" Anito sa kanya, pumikit ang kanyang mata ng umalis si Mateo sa kanilang pwesto at lumapit kay Nick. "What did you say?" nang gagalaiting tanong nito kay Nick.
"We are family here Mateo!" Anito habang kalmadong nakaupo tila hindi alintana kung ano ang panganib na nagbabadya dito. "That's enough, Mateo!" Sigaw ng kanilang ama. "That's right, defend your bastard son!" Ganting sigaw nito sa ama, hinakawan niya si Mateo upang ilayo sa dalawang Anderson, ngunit piniksa lang nito ang braso, natahimik ang dalawa sa sigaw ni Mateo. "Listen to all of you this man that my father trusted when it came to our business is his illegitimate son!" Agaw nito ng atensyon sa nakararami, mapupuno ng iba't ibang reaksyon ang buong paligid may nag bulungan, nanghinayang, naawa at kung ano ano pa.
Tahimik lamang ang mag ama na nakikinig sa hinaing ni Mateo. "am I right, dad? you got that girl pregnant at the bar where you always go, you destroyed our family!" Sumbat nito sa ama, tumayo ang matandang Anderson. "Don't make a scandal here!" Bulong ng ama. "Hindi ako ang gumagawa ng kahihiyan ikaw yun!" Duro nito sa ama. "Mateo, tama na!" pakiusap niya sa binata. "Wag kang makialam dito Aria!" Singhal nito sa kanya, napansin ni Nick ang ginawa sa kanya ni Mateo kaya umigting ang panga nito sa galit at naikuyom ang mga palad. "Kung hindi ka lang tumira ng pok pok buo pa sana ang pamilya natin ngayon!" Gulat syang napatingin ng biglang sinuntok ni Nick si Mateo, nakahandusay ngayon si Mateo sa madamong sahig.
Nagpunas ng dugo sa labi si Mateo, nagmamadali itong tumayo upang sugurin si Nick, ngunit mas mabilis ang kilos na ginawa ni Nick, ng hugutin nito ang baril sa likod at itinutok sa ulo ni Mateo. "I'm warning you, don't talk to my mother like that, you don't know what I can do!" Anito saka ikinasa ang baril at muling itunutok, nawalan ito ng emosyon at nandilim ang mukha dahil sa galit.