Masaya syang pumanhik sa taas upang ayusin na ang kanyang mga dadalhin, kunti lang ang nilagay niya sa bag pagkatapos nagtungo siya sa banyo at naligo, walang mapag lagyan ang puso niya dahil sa tuwa.
Paglabas niya naabutan niya si Mateo na hinahanda na rin ang gamit nito. "Aria?" tawag nito sa kanya. "Bakit?" aniya habang nabibihis. "Hindi tayo magtatagal doon, I just need to sort out the business there!" Anito habang hindi tumitingin sa kanya, napahinto siya sa ginagawa. "Hindi ba pwedeng doon na tayo palagi?" Aniya, humarap ito sa kanya at umiling. "Bakit?" muli nyang tanong. "Like what I said, gusto kong maging maganda ang takbo ng relasyon natin dito!" Natapos na itong mag ayos ng damit saka agad na lumabas, pagkatapos niya magbihis binitbit niya ang gamit saka sumunod sa binata.
"Mateo, pwede naman maging masaya ang buhay natin sa Pinas, nasa Pinas ang puso ko at wala dito sa Italy!" Aniya habang sinusundan ito, napahinto siya ng bigla itong umikot uoang harapin siya. "Puso mo?" tanong nito agad syang tumango. "Sinong nagsabi sayo nyan?" Inis na sambit nito at muling naglakad palabas.
"Wala, pero iyon ang tinitibok ng puso ko!" Aniya habang patuloy pa rin itong sinusundan. "Wag mong initin ang ulo ko, Aria!" Gigil na sambit nito, binuksan nito ang sasakyan at nilagay ang gamit pagkatapos kinuha ang kanya at nilagay rin, pagkasara humarap ito sa kanya. "Stop this bullshit Aria, hindi na magbabago ang desisyon ko!" Anito at naglakad patungo sa sasakyan.
"Hindi mo ako asawa, Mateo!" Sumbat niya, natahimik ito at humarap sa kanya tinitigan siya nito ng masama pagkatapos napabuntong hininga. "You give an idea!" anito saka lumapit sa kanya at ngumiti. "Let's get married, bago tayo umuwi sa Pinas." deklara nito sa kanya.
Binaling niya ang tingin sa ibang dereksyon tila sa ganoong paraan makakakuha siya ng kasagutan, nang may maisip agad syang tumingin kay Mateo. "Bakit napaka bilis mo naman magdesisyon?" natahimik ito sa kanyang sinabi. "Gusto ko lang maka siguro na akin kana!" Anito saka umalis sa kanyang harapan. "Ano ba ang kinakatakot mo, fiance mo ako at magkakaroon na tayo ng anak!" Masayang sambit niya sa binata.
Muli na naman nyang naramdaman ang bigat ng tensyon sa kanilang pagitan ng hindi ito magsalita. "Mateo!" tawag niya sa binata. "Alright, let's talk about that in another time!" Anito saka pumasok sa sasakyan ni hindi man lang siya pinagbuksan ng pintuan, kaya nag prisenta na syang pumasok.
Nagsimula na itong magmaneho patungo sa airport, hinawakan niya ang kamay nito saka ngumiti. "Salamat!" masayang sambit niya sa binata, tumango lang ito bilang sagot, lumipas ang ilang sandali ng makarating sila.
Walang mapag lagyan ang kanyang saya ng sa wakas ay nasa sasakyang panghipapawid na siya pabalik ng Pinas, mahaba haba ang kanilang byahe ngunit hindi man lang siya nakatulog, masayang masaya ang kanyang kalooban dahil pumayag na ang binata bumalik ng Pinas ang kaso nga lang hindi rin sila magtatagal.
Bumaling siya sa binata na kasalukuyang tulog sa kinauupuan, humilig siya dito at hinawakan ang kamay, gumalaw ito ng kaunti at tinanggal ang kanyang ulo na nakapatong sa balikat nito, umayos ito ng pagkakaupo at muling bumalik sa tulog.
Pagkarating sa Pinas, agad syang bumababa ng eroplano, nilanghap niya ang hangin, sa wakas nakabalik na ako, aniya sa isip, gantong ganto ang klasi ng panahon na hinahanap ng kanyang katawan.
Napatingin siya sa magandang panahon, kulay asul ang kalangitan at kulay puti ang mga ulap, tirik rin ang araw, naputol ang kanyang pagmumuni muni ng inalalayan siya ni Mateo na makasakay sa sasakyan na naghihintay sa kanila, ilang minuto lang ang lumipas ng huminto ang kanilang sinasakyan sa isang hotel, muli siya nitong hinawakan sa kamay at hinila papasok ng hotel, pagkarating sa suite ng binata, napansin niya na magaan sa pakiramdam pag masdan ang hotel room nito.
Bigla syang nakaramdam ng matinding antok, kaya nagtanong na siya kay Mateo kung na saan ang kwarto para sa kanila, agad naman itong itinuro, pumasok siya at nilapag ang gamit, nahiga siya sa kama at nilapat ang likod, napatitig siya sa kisame nang unti unting nilamon ng antok ang kanyang mga mata.
Gabi na ng magising siya, kung hindi pa siya halik halikan ni Mateo sa mukha at katawan hindi siya magigising. "Wake up sleepy head!" Anito sa kanya. "Hhhmmm!" Reklamo niya. "Kakain na tayo, bumangon kana!" Pang gigising nito sa kanya. "5 mins." hirit niya, ngunit kinulit siya ng kinulit nito hanggang sa napilitan na syang bumango. "Magugutom na si baby!" Anito habang hinihila siya palabas ng silid patungo sa dining area.
Inasikaso ng binata ang kanilang pagkain habang siya naghihintay lamang na matapos ito, sinimulan na nilang kumain nang may tumawag sa phone nito, kinuha iyon ni Mateo at tiningnan, bigkang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Excuse!" paalam nito sa kanya at tumayo.
Pinagmamasdan niya ang binata sa malayo tila galit na galit itong nakikipag usap sa kabilang linya, lumipas ang ilang sandali ng bumalik ito, tila pinagbagsakan na ito ng langit at lupa dahil sa kinausap. "Bakit?" tanong niya kay Mateo habang kumukuha ng pagkain. "Business!" Tumango siya sa binata, hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing nagtatanong siya rito maliit lang na detalye ang laging sinasabi sa kanya.
Natapos silang kumain ng walang imik ang binata, napapaisip siya kung ano nga ba ang problema nito bakit hindi ito sumasagot sa lahat ng kanyang tanong at bibihira lang siya nitong kausapin, nagtungo siya sa couch dala ang midnight snack niya, dahil gabi na siya nagising hindi pa siya dinadalaw ng antok ngayon kaya naisipan niya na manood.
Lumipas ang ilang sandali ng tumabi sa kanya ang binata. "Do you want to come with me?" Tanong nito sa kanya. "Saan naman?" balik nyang tanong. "Our family having a reunite, ayaw kong pumunta kaso yun ang utos ni dad." Napansandal ito sa couch at hinapit siya palapit. "Sige!" masayang sagot niya. "Gusto na rin kitang ipakilala bilang magiging asawa ko!" Anito at hinalikan siya sa noo.
Natapos ang kanilang pinapanood kaya napagpasiyahan nilang pumanhik na sa taas upang matulog na sapagkat maaga silang aalis bukas para bumayahe patungong Manila, dahil dito ang bahay ng binata sa Bicol.
Maaga syang nagising upang maghanap ng pwedeng isuot hindi naman siya nahirapan dahil tinulungan siya ni Mateo sa pamimili, nang matapos bumayahe na sila patungo sa Manila, hinimas niya ang lumalaking tiyan medyo halata na ito sa edad na apat na buwan.
Sa sobrang haba ng byahe puro tulog lang ang kanyang ginagawa, ginigising lang siya ni Mateo kapag kakain samantalang ang binata hindi nagpahinga at patuloy lang sa pag mamaneho.
Lumipas ang ilang oras ng makarating sila sa hotel upang ibaba doon ang kanilang mga gamit at makapag pahinga kahit na sandali, dalawang oras pa bago sila umalis muli kaya napag pasiyahan niya na maligo na upang makapag bihis, samantalang ang binata nagpaalam sa kanya na may pupuntahan sandali.
Nang matapos inayusan niya ang kanyang sarili, naglagay lang siya ng light make up at kinulot ng kaunti ang dayi na nyang kulot na buhok pagkatapks nagpatong lang siya ng manipis na lipstick nang makuntento sa mukha, nag relax muna siya ng ilang sandali habang hinihintay ang pagbalik ni Mateo.
Lumipas ang ilang sandali ng bumalik ito. "Hi!" bati nito sa kanya pagkatapos hinalikan siya sa noo, "Saan ka galing?" tanong niya. "Sa kaibigan!" tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa. "You are so beautiful babe!" Masuyong anito sa kanya, natawa siya sa reaksyon nito. "Bakit mo ako tinatawanan?" pagtatampo nito sa kanya. "You are so cute!" Gigil na kinurot niya ang ilong nito. "What if wag na tayong tumuloy, dito na lang tayo buong gabi, napaka ganda ng asawa ko inaakit ako!" Anito at hinawakan ang kanyang mukha pagkatapos masuyo syang hinalikan sa labi.
"Ano ba hindi na tayo makakarating nyan, kakaayos ko lang ng lipstick ko!" Reklamo at awat niya sa binata dahil baka kung saan na mapunta ang kanilang ginagawa. "Alright, alright!" pagsuko nito hinawakan siya sa kamay at hinila siya palabas ng suite. "Tara na para makauwi tayo agad, masyadong maganda ang asawa ko!" pambobola nito sa kanya, tinampal niya ang kamay nito. "Umayos ka nga!" nahihiyang sambit niya. "Why? totoo naman sobrang ganda mo ngayon, Ayaw na tuloy kitang dalhin, baka maagaw ka pa!" biglang nandilim ang mukha nito at sumeryoso.
Inalalayan siya nito makasakay ng sasakyan pagkatapos umikot ito sa kabila upang magmaneho, halong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman, dahil makikilala niya ang pamilya ng taong mahal niya ngunit kalakip non ang kaba sapagkat baka hindi siya nito matanggap.
Hinawakan ng binata ang kanyang kamay ng mapansin nito ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa, dinala ng binata ang kanyang kamay sa mga labi nito at masuyong hinalikan.
Lumipas ang ilang sandali ng makarating sila, sa labas palang halos rinig na ang ingay dahil tila may nagsasalita, muli syang inalalayan ng binata na makalabas ng sasakyan, pagkatapos magka hawak kamay silang pumasok sa loob.
Maraming bumati at kumausap sa binata habang ang kanyang kamay ay hindi nito binibitawan, maya maya rin syang pinapakilala nito bilang asawa, napansin rin niya ang kaparehas ng sing sing na suot niya sa daliri ng binata na binili nila sa Italy kaya pala may lakas ito ng loob na tawagin syang asawa sa harapan ng mga taong nakakausap nito.
"Hi, Mateo!" ani ng isang lalaki at nakipag kamay. "Hello tito!" gumati si Mateo ng pakikipag kamay dito. "This is my wife Aria!" tukoy nito sa kanya inabot niya ang kamay ng tito nito at nakipag kamay. "Kinagagalak ko pong makilala kayo!" Aniya, tumango ito. "Ang ganda ng asawa mo Mateo, saan kayo ikinasal bakit hindi namin alam?" Tila may pagtatampo sa boses nito, nahihiya syang bumaling sa ibang direksyon sapagkat isang karangalan sa kanya na mapuri. "Sa Italy, hindi ko na kailangan pang ipaalam, I have my own life!" Anito sa lalaki. "Sabagay, kaya nga kay Nickolai na lang pinahawak ng daddy mo ang kanyang negosyo dahil magaling talaga si Nick, biruin mo yun at the age of 17 nakapag patayo na ng sarili!" anito at tumawa, kasabay na rin nagtawanan ang kasama ng matanda sa table.
Humigpit ang hawak sa kanya ni Mateo, nag igting ang panga nito at nandilim ang mukha. "Yes, magkaiba kami, hindi kasi ako uto uto!" Aniya saka walang paalam na umalis sa harapan ng mga matatanda, bumaling siya sa tito nito at yumuko uoang humingi ng paumanhin, hinila siya ng binata patungo sa table kung saan sila dapat uupo.
Pagkaupo nito, tumayo ang binata at kumuha ng pagkain pagkatapos bumalik sa kanyang pwesto, napangiti siya dahil alam nyang ito lang ang kanyang gusto upang hindi mainip, biglang tumahimik ang lahat. "Hello everyone!" Bati ng isang lalaki. "Today we are celebrating a 54 years anniversary of, Anderson Oil Corporation!" Anito at nagpalakpakan ang lahat ng tao, tumingin siya sa katabi na tila bagot na bagot sa gitna ng kasiyahan.
"Let's welcome and give an applaud the founder of this business, Mr. Anderson!" Anito at biglang nagpalakpakan ang lahat ng tao, umakyat ang matanda at kinuha ang mikropono sa lalaking nagsalita ng una, yumuko ito at nagpaalam. "Warm greetings to all the Ladies and gentlemen as well as distinguished guests present over here! I would like to welcome all of you to our event and I hope you will enjoy being a part of it. Anniversaries are the opportunities to recollect our year gone memories and to cherish them again." Mahabang litanya niya nito. "I'm calling my son please come here to the front!" Anito napatingin siya sa binata ng umayos ng tayo, lumipas ang ilang sandali na walang umaakyat sa taas, bumulong ito sa isang staff. "Just wait for a while!" Anunsyo nito.
Lumingon lingon ang binata na tila may hinahanap nang akmang tatayo na ito biglang nagsalita ang matandang Anderson. "There you are!" tukoy nito sa likod sabay silang napalingon, nanlaki ang kanyang mata ng makita ang lalaki, tila isa itong hari kung maglakad sa harapan ng mga tao, matikas ang tindig nito, napansin niya rin ang mga kababaihan na halos hindi mawalay ang tingin sa lalaki, biglang tumibok ng malakas ang kanyang puso tila gusto nitong kumawala sa kanyang dibdib lalo na ng magtama ang kanilang mga mata ngunit naputol iyon ng hawakan siya sa kamay ni Mateo upang kuhain ang kanyang atensyon. "Aria!" Sambit nito.