Mabilis na lumipas araw hindi niya namalayan na halos dalawang buwan at kalahati na pala sila dito sa Italy, kasalukuyan na wala ang binata dahil may aasikasuhin daw itong project at babalik rin kaagad, medyo lumalaki na rin ang kanyang tiyan, ayon sa ultrasound na ginawa sa kanya nong una 8 weeks na ang kanyang pinagbubuntis, bali kabuuan ay 12 weeks na syang buntis ngayon.
Kahit naging maselan siya sa ipinagbubuntis laging naka agapay sa kanya si Mateo, lahat ng gusto nyang pagkain binibili nito kaya kahit papano hindi naging mahirap para sa kanya ang pagdadalang tao.
Nakahiga siya sa kama at nakatitig sa kisame, hindi niya maikubli ang saya sapagkat ilang araw nalang at babalik na sila ng Pilipinas, yun ang pangako sa kanya ng binata na sa pag tungtong ng ikatlong buwan babalik na sila ngunit ang kanyang kasiyahan ay napalitan ng kalungkutan nang sumagi sa kanyang isipan na wala na isa pa rin syang naalala.
Lumipas ang ilang sandali ng kanyang pag mumuni muni nang makaramdam siya ng antok. "I love you Zav!" agad nyang naimulat ang mga mata habol niya ang kanyang pag hingi na bumalikwas ng bangon, tila parang totoo ang tumawag sa kanya pero bakit Zav ang pangalan na tinatawag ng lalaki sa kanya.
Tumayo siya at nagtungo sa baba upang kumuha ng maiinom. "Mateo?" tawag niya sa lalaki, nakatalikod ito at nakatingin sa labas, pagtawag niya agad itong humarap, binundol ng malakas na kabog ang kanyang puso nang matitigan ang mata nito ngunit agad nyang pinalis ang nararamdaman, unting unti na bumuka ang bibig nito at nanlalaki ang mata na pinasadahan siya ng tingin. "Zav?" hindi makapaniwalang sambit nito, naguguluhan syang tumingin sa lalaki. "Zav?" paguulit niya.
Lumapit ito sa kanya at walang pasabi syang niyakap ng mahigpit, sinubukan nyang itulak ang lalaki ngunit ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. "Teka, Sino kaba?" Singhal niya sa binata. "Bitiwan mo ako!" Aniya saka itinulak ito.
Puno ng pagtataka itong tumingin sa kanyang mga mata, lumayo ito at inayos ang nagulong damit, kung gaano kabilis itong ngumiti ganoon rin kabilis nagbago ang mukha nito. "Sino ka ba?" muli nyang tanong.
Niluwagan nito ang kwelyo at humugot ng hininga. "What are you doing here?" tanong nito, napataas siya ng kilay. "Bahay namin ito, bakit ako ang tinatanong mo nyan? Sino kaba?" sunod sunod nyang tanong. "Where is Austin?" imbes na sagutin ang kanyang tanong binabato rin siya ng tanong ng lalaki. "Huh, sino bang tinutukoy mo, kung si Mateo ang hinahanap mo wala siya dito, kaya makaka alis kana!" Aniya.
Tumalim ang tingin nito sa kanya pagkatapos umigting ang panga nito tanda ng galit, napansin niya rin na kumuyom ang kamao nito. "After you left me and go with another man, here you are pretending that you don't know me?" Sarkastimong anito sa kanya, umiling siya. "Hindi talaga kita kilala!" Aniya na natatawa.
Tumango ito pagkatapos, umalis ng walang paalam, hindi man lang nagpakilala sa kanya, ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mukha ng lalaki, pati na rin ang pag wawala ng kanyang puso dahil rito.
Hindi niya namalayan na dumating na pala si Mateo kung hindi siya nito nilapitan at hinalikan sa noo hindi niya mapapansin. "Hey, Are you alright?" tanong nito agad syang tumango.
Hinila siya nito patungo sa kusina dala ang pasalubong nito, tahimik pa rin siya habang inaasikaso nito ang kanilang pagkain oara sa hapunan. "Hey?" tawag sa kanya ng binata, gulat syang napabaling. "Bakit?" tanong niya. "Kanina pa ako nagsasalita pero mukhang wala ka sa sarili." Anito sa kanya at pinaka titigan siya. "Iniisip ko lang yung lalaki na pumunta dito kanina." Aniya, nabitawan nito ang hawak at lumapit sa kanya. "Anong pangalan?" mapanuring tanong nito.
"Hindi niya sinabi." Umikot ito upang kumuha ng plato. "Tell me what happened earlier?" Tanong nito habang magkatalikuran sila. "Tinawag niya akong Zav, tapos may binanggit syang pangalan, tapos pinaratangan niya akong sumama sa ibang lalaki at iniwan ko daw siya, Sino ba yun?" Tanong niya sa binata.
Matagal itong natahimik, kaya lumingon siya nakita nyang nakatulala lang ito sa harapan ng plato, habang gumagalaw ang panga. "Mateo?" Tawag niya, tila nagbalik ito sa pag iisip kaya agad na lumapit sa kanya. "Don't talk to a stranger, lalo na wala ako, do you understand?" Anito sa kanya.
"Kilala mo ba yun or parte ba siya ng nakaraan ko?" Tanong niya. "Let's not talk about that!" Nilapag nito ang pagkain sa kanyang harapan at nagsimula na itong kumain habang siya nakatitig lamang sa lalaki na maganang kumakain sa kanyang harapan, maraming katanungan sa kanyang isipan ngunit hindi mabigyan ng tamang kasagutan, maski si Mateo walang gustong sabihin sa kanya, paano siya makakaalala kung hindi nito sinasabi sa kanya ang nakaraan o pinakikilala man lang sa mga naging malapit nilang kaibigan, tila mas nilalayo pa siya nito dahil sa pagpunta nila dito sa lugar kung saan wala syang kilala.
"Paano ko maaalala ang nakaraan ko kung wala kang sinasabi sakin?" tanong niya. "Eat, Aria and please don't stress yourself about that f*****g past!" gigil na sambit nito na tila pinipigilan ang sarili na huwag sumabog sa galit. "Kailan tayo babalik ng Pilipinas?" gusto nyang masiguro kung kailan sila babalik upang maumpisahan na nyang mahanap ang pamilya. "I said f*****g eat!" Sigaw nito sa kanya pagkatapos hinampas ang lamesa, gulat syang napatingin sa binata, may nasabi ba syang masama? tumayo ito at dinampot ang table napkin pagkatapos mapunasan ang bibig basta nalang iyong binalibag ng binata. "I loss of appetite!" Anito at iniwan syang hindi makapaniwala sa inakto nito.
Simula ng araw na iyon nagbago na ang pakikitungo nito sa kanya, ayaw nitong pagusapan kung kailan sila babalik ng Pilipinas ayaw na ayaw nitong nagtatanong siya ng mga bagay na tungkol sa nakaraan pati na rin kay Zav at Austin lalong lalo na sa lalaking pumunta sa bahay nila ng nakaraang araw.
Gabi na ngunit wala pa rin ito, katulad ng nagdaang gabi, gabi na ito kung umuwi at lango pa sa alak, hindi niya maintindihan kung bakit naging ganito sa kanya si Mateo, samantalang wala naman syang ipinapakitang hindi maganda, naguguluhan siya gustuhin man nyang kausapin ito ngunit galit lamang ang kanyang natatanggap.
Kasalukuyan syang nasa sala hinihintay ang pag dating nito minsan nakakatulugan niya na ang paghihintay kahit na bawal sa kanya ang magpuyat nilalabag niya iyon upang mahintay niya si Mateo sa pag uwi, agad syang napabangon ng pabagsak na bumukas ang pintuan, nakita niya si Mateo na lasing na lasing, lumapit siya rito ngunit agad ring lumayo ng malanghap niya ang alak sa katawan nito.
"Mateo, ano bang problema mo?" Hindi maiwasan na itanong sa binata dahil kung patuloy itong magiging ganito baka hindi na nila maayos ang dapat ayusin dahil sa kanilang ego. "Nothing!" kumalas ito sa kanya aat pabagsak na nahiga sa sofa.
"Kausapin mo ako!" pagpipikit niya. "Anong kailangan nating pagusapan?" sagot nito. "Wag mong ibalik sa akin ang tanong ko!" nagpupuyos na talaga ang galit sa kanyang kalooban pati ang bata na nasa kanyang sinapupunan ay nadadamay.
Umayos ito ng upo. "I want our relationship go well, can't we just forget the past, Aria?" Pagsusumamo nito sa kanya, umiwas siya ng tingin sa binata. "Paano ang pamilya ko kung kakalimutan ko ang nakaraan ko?" pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib. "Wala ka ng pamilya na babalikan sa Pinas, Aria!" gulat syang napatingin sa binata. "Nababaliw kana ba, hindi ko iyon pwedeng hayaan!" aniya habang umiiling dito.
"Wala ka ng magagawa, patay na ang pamilya mo!" Sigaw nito na tila pinapaintindi sa kanya ang lahat, umiling siya. "Wag kang magbiro ng ganyan dahil hindi nakakatuwa" aniya ngunit iling lamang ang tanging naging sagot nito, pinaka titigan niya si Mateo kung nagsasabi ng totoo ngunit hindi na nito binawa ang sinabi.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Bukas na natin yan pagusapan, matutulog na ako!" Aniya at akmang aalis na sa harapan nito ng hawakan nito ang kanyang kamay. "You and I, also our baby, let's be happy!" pagsusumamo nito sa kanya.
"Habang wala akong naaalala hinding hindi akong magiging masaya, Mateo!" Aniya saka piniksi ang kamay nito. "Aria!" tawag nito sa kanya ngunit nagtuloy tuloy na siya papanhik sa taas, ayaw na nyang pakinggan pa kung ano ang gusto nito, ang gusto dapat niya ang masunod dahil siya ang mas higit na nakakakilala sa kanyang pagkatao.
Kinabukasan, hindi pa rin sila nagpapansinan o naguusap ng binata pagod na syang makiusap dito at magmakaawa na bumalik na sila ng Pinas dahil kahit minsan hindi siya nito pinakinggan isa pa sa kinakasakit ng kanyang kalooban wala man lang syang magawa para sa sarili.
Naabutan niya itong nakabihis habang nagkakape, dumaan siya sa likod nito at hindi ito pinansin, kumuha siya ng tinapay at palaman saka pabagsak na nilapag sa lamesa pagkatapos kumuha siya ng baso at nagtimpla ng gatas, sa gilid ng kanyang mata nakikita niya itong nakamasid sa lahat ng kilos niya.
Pagkatapos mag timpla bumalik siya kung na saan ang tinapay at dinala sa may sala. "Aria?" tawag sa kanya ng binata ngunit hindi niya ito nilingon, narinig niya ang yabag nito na papalapit sa kanya. "I'm sorry about what happened last night, I realized that you are right na hindi dapat natin kalimutan ang nakaraan!" Anito ngunit patuloy lamang syang nagbibingi bingihan. "Aria!" tawag nito, narinig niya ang buntong hininga ng binata.
"What?" sigaw niya, tumingin ito sa kanya pagkatapos tinabihan siya at niyakap, hinalikan siya nito sa labi, hindi siya nag reak o pinigilan ito, tila lumambot ang kanyang puso dahil sa panunuyo nito sa kanya. "Don't be mad okay?" Aniti at muli syang niyakap. "Pack all your things we're going back to the Philippines!" Anito, hindi siya makapaniwala na kumalas sa pagkakayakap nito at tinitigan ang binata kung nagsasabi ng totoo, natatawang ginulo nito ang kanyang buhok. "Seryoso ako!" Anito sa kanya, biglang nagliwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito. "Bati naba tayo?" tanong nito agad syang napasimangot ngunit agad ring napangiti, tumango siya uoang iparating dito na ayos na sila.