Chapter 10

1611 Words
"Wala nang silbi pa ang relasyon na ito, mabuti pang maghiwalay na tayo!" Sigaw ng kanyang ama, nasa taas siya ng hagdan habang tanaw ang nagaganap sa baba. "Mabuti, dahil hindi na kita mahal, matagal na akong natitiis sayo!" Ganting sigaw ng ina, umakyat ito ng taas habang nagpupuyos sa galit, pumasok ito ng silid, tiningnan niya ang ama, lango na naman ito sa alak, maya maya pa lumabas ang ina bitbit ang malaking maleta. "Mama!" tawag niya sa ina, ngunit naglakad ito palayo sa kanya. "Mama, saan ka pupunta!" muli nyang tawag dito ngunit hindi siya nilingon, nakita niya ang kapatid na umiiyak. "Zia!" tawag niya dito ngunit patuloy lamang ito sa pagiyak, lumapit siya sa kapatid at niyakap ito. "Wag ka ng umiyak, laging nandito si ate para sayo!" Aniya saka hinimas ang likod nito. "Paano si mama?" tanong nito. "Si mama, babalik din siya." Gumanti ito ng yakap sa kanya. Lumingon siya kung na saan ang kanilang ina, nakita niya sa mga mata nito ang labis na kalungkutan ngunit tumigas rin ang ekspresyon dahil mas nanaig ang kagustuhan na iwanan sila. Lumipas ang ilang sandali, wala na ang kanilang ina, tumayo ang kanyang ama mula sa upuan, pagkatapos lumabas ng bahay. "Papa!" tawag niya dito lumingon ito at ngumiti ng makita sila kaya napangiti na rin siya, agad itong lumapit at hinalikan sila ng kapatid sa noo. "Babalik si papa!" Anito at ginulo ang kanilang buhok tumango sila bilang pagpayag, ngunit ang pangakong binitiwan ay napako ng simula ng pangyayari na iyon hindi na muli nilang nakita ang ama at ina. Iminulat niya ang mata kasabay ng paghabol sa kanyang hininga, nilibot niya ang mata sa paligid ngunit wala syang makita na kahit na isang bagay puro puti, kisame at larawan. sinubukan nyang igalaw ang katawan ngunit agad rin binawi ng makaramdam siya ng matinding sakit na nagmumula sa kanyang binti at ulo. Masakit rin ang kanyang likod, naramdaman niya na nagbukas at sara ang pinto. "According to the examination, her condition is not serious, so there is nothing to worry about, but her body had so many bruised." Nakikinig lamang siya sa usapan. "As if he was beaten!" Patuloy nito, hindi niya malaman kung sino ang mga nagsasalita dahil naka tuwid lamang ang kanyang katawan dahil sa kanyang maling galaw sobrang tindi ng sakit. "I will give you a prescription for her wounds, right now she needs to rest!" Anito. "Why she can't heard me?" tanong nito sa kausap. "She experienced a emotional trauma, a Chronic stress can lead to gradual hearing loss, sudden hearing loss, The symptoms of hearing loss that's due to stress." Paliwanag nito, lumipas ang mahabang katahimikan bago nagpaalam ang lalaki rinig niya ang yabag ng mga paa nito palabas. Tumulo ang kanyang luha ng bumungad sa kanya si Nick, ngumiti ito sa kanya mas lalo syang naiyak ng maalala ang mukha ng lalaki habang nakangiti sa kanya, hinawakan siya nito sa buhok ngunit agad nyang iniiwas ang sarili at kasabay ng pag iling rito upang iparating na huwag syang hawakan at lapitan ngunit hindi naintindihan ng binata ang kanyang nais na iparating. Inilapit nito ang mukha sa kanyang bibig. "Huwag kang lumapit pakiusap!" Paos na bulong niya sa binata, malat ang kanyang bibig at tuyo ang kanyang lalamunan kaya masakit ito kapag iginagalaw masakit rin ito dahil sa sugat na natamo. Takang tumingin sa kanya ang binata. "What happened Zav?" tanong nito sa kanya, agad syang umiling habang patuloy sa pagtulo ang kanyang luha, bumuntong hininga ito pagkatapos umayos ng tayo, tiningnan syang muli saka walang pasabi na lumabas ng silid. Lumipas ang ilang sandali nang bumalik ang binata, mababakas sa mukha nito ang matinding galit, muli itong lumapit sa kanya. "Who?" Tanong nito, muling bumalik sa alaala niya ang itsura ng lalaki kung paano itong sabik at mahagkan siya kung paano siya nito hinaplos at pinagnasaan ang kanyang katawan. Bumilis ang kanyang paghinga at pinagpawisan siya ng malamig pagbaling niya sa binata nakita niya ang mukha nang gustong manakit sa kanya, sa sobrang takot nagawa nyang makabangon sa hospital bed upang depensahan ang sarili, hindi niya ininda ang sakit mas nangibabaw sa kanya ang takot. Nakita nyang tumatawa ito sa kanyang harapan at gusto syang saktan, naghanap siya ng pwedeng ipang depensa sa sarili ngunit wala napatingin siya sa kamay, nakita niya ang hose na nakakabit doon agad niya iyong tinanggal at pabalikwas na tumayo sa kama, kailangan nyang makatakas ngunit sa kanyang pagtapak sa sahig agad syang napaluhod. Lumapit sa kanya ang lalaki. "Zav!" tawag nito sa kanya, agad nyang niyakap ang sarili at nagsisigaw upang makahingi ng tulong. "Bitawan mo ako!" piglas niya ng yakapin siya nito ng mahipit. "Hey!" alog nito sa kanya, lalo syang natakot nang matitigan ang mga mata nito. Ginawa niya ang lahat upang makawala, pinagbabayo niya ang dibdib nito, kinalmot at sinampal ngunit nakayakap lamang ito sa kanya ng mahigpit. "Waaaag, pakiusap!" Sigaw niya dito. Nanginginig ang kanyang kamay pinagdikit niya ito upang maawa ito sa kanya at hindi na ituloy ang balak. "Zav!" tinatawag siya nito ng malambing na tila isa syang magandang bagay, tumingin siya sa mga mata nito. "Wag mo akong saktan, hayaan mo akong makaalis, pakiusap!" Aniya. "Zav!" Inalog nito ang kanyang katawan na tila pinagtatawanan siya. "What is wrong?" tanong nito sa kanya. "This is Nick!" Pakilala nito sa kanya. Tumingin siya sa binata, unti unting nagbago ang itsura nito, nang makita na si Nick nga agad syang yumakap at umiyak sa harapan nito. "Sasaktan nila ako!" Aniya sa pagitan ng pagiyak, hinarap siya nito at pinakatitigan, ginatihan siya ng yakap nito at hinaplos ang kanyang buhok. Lumipas ang ilang sandali hinayaan siya nitong umiyak ng umiyak habang hinahaplos ang kanyang buhok, maya maya pa ay hinawakan siya nito sa magkabilang braso at hinarap. "Tell me what happened?" Tanong nito sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata, agad syang naluha ngunit pinunasan iyon ng binata gamit ang daliri. Hindi siya nakapagsalita kaagad tila umatras ang kanyang dila, napatingin siya sa kawalan at biglang sumagi sa kanyang isip ang kapatid. "Nasan si Zia?" Bagkus na tanong niya, bumuntong hininga ito pagkatapos itinayo siya at muling binalik sa kama, tumayo ito at nagtungo sa nurse call push buttons at pinindot, maya maya pa ay may pumasok na isang nurse at isang doctor, agad syang pinuntahan ng nurse upang ikabit muli sa kanya ang tinanggal niya na dextrose. Habang si Nick at ang Doctor ay nagusap sa couch, seryoso ang pinaguusapan ng dalawa, panaka naka tumitingin sa kanya ang dalawa, nang matapos tumayo ang dalawa at nagtungo sa kanya, lumapit ang doctor nang tangka nitong hawakan siya agad syang nagiwas, muli syang pinagpawisan ng malamig, umatras ito at tumingin sa binata pagkatapos nagpaalam sa isa't isa. Umupo si Nick sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay, inabot nito ang isang paper bag sa bedside table, binuksan nito iyon at inihanda pagkatapos sinubuan siya ng pagkain na agad niya ring tinanggap, tahimik lamang ito at tila may malalim na iniisip, nang matapos agad itong nagpaalam sa kanya na may pupuntahan, ayaw man niya itong umalis ngunit hindi niya hawak ang binata. Lumipas ang tatlong araw, tatlong araw na syang walang ginagawa, ilang araw na rin ang nakalipas simula ng huling kita nila ng kapatid, medyo naging maganda na rin ang kanyang pakiramdam, sa tatlong araw na lumipas inasikaso siya ni Nick, hindi siya iniwan nito o pinabayaan, kahit na may nangyaring hindi maganda sa kanilang relasyon, nakikita niya pa rin at nararamdaman ang pagmamahal nito, nalulungkot man sa sinapit ngunit wala na syang magagawa, kasalukuyan silang kumakain. "Nick!" untag niya sa binata agad itong tumingin sa kanya, natanggal siya ng bara sa lalamunan. "Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako ng kapatid ko, Salamat sa lahat!" Aniya saka nagiwas ng tingin dito. Natahimik ito at tumigil sa pagkain. "Your sister is not looking for you because she knows you are with me!" Anito saka muling pinagpatuloy ang pagkain, nabitawan niya ang kutsara at kumunot ang noo. "Pumunta ka sa bahay?" tanong niya, tumango ito bilang sagot. "Bakit?" muli nyang tanong. "Nothing!" anito at inusog sa kanya ang pagkain. "Finish it, we're going home!" Anito saka akmang tatayo ng pigilan niya. "Ano bang plano mo sakin?" Nagtatakang tanong niya. "Bakit hindi mo nalang ako hayaan, total tapos na ang relasyon natin!" Inalis nito ang kanyang kamay pagkatapos ngumiti sa kanya. "Who said?" tukoy nito sa kanyang tanong, nagbuntong hininga siya. "Haya __" nabitin sa ere ang kanyang sasabihin ng magsalita ito. "You are not going anywhere, Zav!" anito at saka siya iniwan, nanikip ang kanyang dibdib dahil sa kalamigan nito. Lumipas ang ilang sandali ng bumalik ito. "Let's go!" aya nito sa kanya, ito ang nagpalit sa kanya ng damit, nahihiya man ngunit wala syang magawa, nakita naman nito sa kanya ang lahat para saan pa ang kanyang pagtatago. Lulan ng sasakyan, wala syang imik, ayaw nyang makipagusap sa binata, hindi niya maintindihan kung ano ang talagang pakay nito sa kanya, tapos na ang sa kanila lahat ngunit ayaw siya nitong pakawalan. bakit? maraming tumatakbo sa kanyang isipan kaya hindi niya namalayan na nakarating na sila sa patutunguhan. Bumalik sa alaala niya ang naganap ng isang araw, biglang nanginig ang kanyang katawan, hindi niya mapaliwanag ang dapat maramdaman, agad syang bumaling sa binata at umiling ng maraming beses, nagtaka ito sa kanyang kilos, agad siya nitong niyakap. "Sssshhhh, I'm here don't be scared, breathe in breathe out!" utos nito sa kanya na agad naman nyang sinunod, hinarap siya nito. "Tell me what happened?" Anito at tiningnan siya sa mata. "Muntik na akong pagsamantalahan ng tauhan mo!" aniya habang nanginginig ang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD