Bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata ng lumisan ang binata sa silid, sinubukan nyang alisin ang posas upang linisan ang sarili ngunit napagod nalang siya ay hindi niya parin ito maalis, hinang hina ang kanyang katawan dahil sa nangyari. "Aaaaaahhhhh!" Sigaw niya dahil sa matinding galit. "Hayop ka!" Piglas niya sa posas habang minumura ang binata.
Nilalamig rin ang kanyang katawan dahil sa lamig ng aircon kaya inabot niya ang kumot na nasa kanyang paanan gamit ang paa, naibsan ang lamig na kanyang nararamdaman, pagkatapos pinagtuunan niya ulit ng pansin ang posas na nasa kanyang kamay, dahan dahan nyang pinadulas ang kamay tiniis niya ang sakit at hapdi ng bakal na dumadampi sa kanyang balat. "Kunti nalang, tiisin mo na ang sakit!" Aniya sa sarili.
Nakahinga siya ng maluwag nang matanggap ang isang kamay pagkatapos sinunod naman niya ang isa, patingin siya sa kamay at inikot ito masakit dahil sa sugat na natamo mula dito, nang magtagumpay agad syang nagtungo sa banyo, naligo siya at kinuskos ng mabuti ang buong katawan, diring diri siya sa nangyari sa kanila.
Patuloy siya sa pagiyak at pagkuskos ng balat halos mamula ito, gusto nyang mawala ang bawat halik at haplos nito sa kanyang katawan, diring diri siya sa sarili dahil kahit na ganito ang ginawa ng binata sa kanya sa parte ng kanyang puso nagugustuhan niya.
Nang matapos agad syang lumabas at naghanap ng pwedeng isuot ngunit wala syang makita kaya napagpasiyahan nyang gamitin ang kumot upang gawing kasuotan, binalot niya iyon sa katawan, nilibot niya ng tingin ang buong paligid ng silid pagkatapos may nabuong plano sa kanyang isipan, agad syang lumapit sa binata at tiningnan ang baba mataas ito ngunit wala na syang ibang pagpipilian kailangan nyang makaalis sa lalong madaling panahon.
Inuna nyang ilabas ang paa upang abutin ang pwede nyang tapakan pagkatapos sinunod niya ang isang paa, kalahating katawan na niya ang nakalabas nang ilabas niya pa ang kanyang ulo, sinubukan nyang humarap upang kapitan ang bintana ng dumulas ang kamay niya, takot at pangamba ang lumukob sa kanyang pagkatao ng maramdaman ang pagkahulog ng katawan.
"Aaaaaaahhhhhh!" sigaw niya, para lang syang isang kagamitan na bumagsak sa madamong lupa. "Aray ko!" daing niya habang namimilipit sa sakit, pakiramdam niya nabalian siya ng buto dahil sa pagkakahulog, dahan dahan syang umupo pagkatapos ay tumayo.
Paika ika syang naglakad, hinagilap niya ang gate palabas ngunit muli ring nagtago ng may lumabas na dalawang bantay, labis labis ang kaba niya dahil baka makita siya ng mga to, nakahinga siya ng maluwag ng makita nyang dumeretso ito patungo sa gate.
Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago lumabas sa pinagtataguan sumilip siya kung may mga bantay o wala ng masiguro na wala, dahan dahan syang nagtungo sa gate, sobra ang kanyang pagiingat sa bawat hakbang lakad na ginagawa dahil alam niya na sa maling galaw niya lang mapapahamak siya.
Dahan dahan nyang binuksan ang gate, laking tuwa at pasasalamat niya ng mabuksan ito, sumilip muna siya sa labas nang masiguro na walang tao dahan dahan syang lumabas, nakahinga muli siya ng maluwag dahil nabunutan siya ng tinik ngunit agad rin napalis ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran, napatuwid siya ng tayo. "Turn around!" utos nito, dahan dahan syang humarap, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa mababakas sa mukha nito ang matinding pagnanasa.
Lumapit ito sa kanya pagkatapos bigla syang inakbayan. "Don't make a noise." Anito at ngumiti sa kanya, kinilabutan siya sa anyo ng pinapakita nito, napalunok siya at agad na tumango.
Dinala siya nito sa isang mapuno na parte ng lugar. "Take the blanket off to you!" Anito. "Huh?" takang tanong niya. "Come on don't pretend!" Labis na ang kanyang pagtataka sa mga pinagagawa nito sa kanya akala nyang paalisin siya nito ngunit nagkamali siya.
Nang hindi siya kumilos lumapit ito na tila ubos na ang pasensya sa pinapagawa sa kanya, hinablot nito ang kumot na itinali siya sa katawan, napatili siya dahil sa bilis ng pangyayari, lumantad dito ang kanang dibdib niya ngunit hindi rin nagtagal ng muli niya itong takpan.
Labis labis ang pagnanasa nito ng mag angat ito ng tingin sa kanyang mga mata dahil sa galit agad niya itong sinampal na ikinagalit nito sa kanya, hinawakan siya nito sa buhok naramdaman niya nalang ang isang matigas na bagay na tumama sa kanyang pisngi.
Sinampal siya nito ng paulit ulit, halos mahilo siya sa bawat lakas na pinakakawalan nito. "Just give me what I want and we're done!" Anito ng magsawa kakasampal sa kanya, ngumiti siya na pinagtaka nito, pagkatapos dunuraan niya ito sa mukha at saka tumawa. "Over my dead body!" aniya saka walang habas na tinuhod ito sa p*********i, nabitawan siya nito sa buhok kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makatakbo pabalik sa dinaanan nila kanina.
Itinaas niya ang kumot upang hindi maging sagabal sa kanyang pagtakbo, sa kanyang paglingon nakita niya ang lalaki na tumatakbo rin patungo sa kanya. "Tulong!" Sigaw niya, takot na takot siya sa posibleng mangyari. "Tulong!" halos mapaos na siya sa kakasigaw upang may makarinig sa kanya.
Hingal na hingal siya ng makarating sa patag na kalsada, tumungin siya sa kanan pagkatapos sa kaliwa hindi niya alam kung saan siya tatakbo, sa kanyang paglingon malapit na ang lalaki sa kanya kaya sinumulan na niya ulit na tumakbo ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para makalayo ngunit naabutan parin siya nito.
Napasigaw siya sa sakit ng hawakan nito ang kanyang buhok. "Slut!" Sigaw nito pagkatapos pinulupot nito ang braso sa kanyang leeg, hindi siya makahinga ng maayos dahil sa higpit pero hindi siya papayag na magtagumpay ito sa planong gawin sa kanya.
Buong pwersa niya itong kinagat, nabitawan siya nito kaya agad syang kumilos upang makalayo, hanggang matanaw na siya ang bahay kung saan siya lumabas kanina, nagtungo siya doon ngunit sarado na ang pintuan.
Kinalampag niya ito ngunit walang nagbubukas, nanghihina at nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil sa takot at kaba, halo halong emosyon ang lumukob sa kanya, hindi siya makapag isip ng tama, idagdag pa ang sakit ng kanyang katawan dahil sa pagka hulog at pakikipagbuno sa lalaki.
"Nick!" Sigaw niya sabay kalampag ng malaking gate, lumingon siya sa lalaki naglalakad ito patungo sa kanya habang nakangiti, kinilabutan siya sa anyo ng pinapakita nito, umiling siya upang iparating dito na tigilan na siya at tama na, ngunit mas lalo pang lumawak ang ngiti nito habang palapit ng palapit. "My boss is not here, we want to taste you!" Anito sabay binasa ang labi gamit ang dila.
"Damn you!" sigaw niya lalo syang natakot para sa sariling kapakanan, ibig sabihin hindi lang ito ang may gusto marami sila? pakiramdam niya hihimatayin siya sa nalaman, dumampi lang ang balat nito sa kanya diring diri na siya. "No matter how much you shout, no one will help you!" Patuloy nito habang unti unting humahakbang palapit sa kanya.
Sa bawat paglapit nito ay siya naman kanyang paglayo. "Please, maawa ka!" aniya hindi niya alam kung nakakaintindi ba ito, wala na syang mahanap na pwedeng sabihin upang pigilan ito sa balak na gawin.
Napansin niya ang pagbilis ng lakad nila kaya agad syang tumalikod at binilisan ng takbo wala na syang pakialam sa sarili kahit pa puro sugat galos na ang kanyang paa, basta makalayo lang sa mga demonyo na gusto syang saktan at gawing parausan, agad syang lumiko sa isang kanto at muling nilingon ang humahabol sa kanya ngunit hindi niya inaasahan ang isang paparating na sasakyan sa muli nyang pagtingin sa harapan.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman nalang niya ang sarili na tumama sa harapan nito, bumagsak ang katawan niya sa sementadong lupa. "Aaaahhhh!" Mahinang daing niya at agad na tumayo, kailangan nyang humingi ng tulong, pinilit nyang itayo ang katawan ngunit pakiramdam niya nabali ang kanyang binti.
Lumabas ang nakabangga sa kanya at pinuntahan siya. "Are yo __ ?!" nabitin sa ere ang dapat na sasabihin nito ng makilala siya, agad syang naluha ng tumambad sa kanya si Nick, nakahinga siya ng maluwag dahil pakiramdam niya ligtas na siya.
"Nick!" Naluluhang tawag niya sa lalaki agad syang dinaluhan nito, hindi ito makapagsalita dahil sa gulat, pagtataka at hindi mapaliwanag na pakiramdam.
Hinawakan siya nito sa braso at pilit itinayo. "Aaaaahhhh!" napaidaing siya sa sakit kaya muli syang napaupo, sabay silang bumaling sa lalaking humahabol sa kanya hingal na hingal ito dahil sa pagtakbo ngunit napalitan iyon ng gulat at pagkaputla nang makabawi agad itong yumuko. "She tried to escape, Sir!" Anito habang nakayuko.
Lumingon sa kanya ang binata, hindi agad siya nakapag salita upang ipagtanggol ang sarili at sabihin dito na muntikan na syang gahasain, tanging iling lamang ang kanyang naisagot habang walang patid sa pagtulo ang kanyang mga luha, kahit na alam nyang ligtas na siya nandoon pa rin ang takot, takot sa lahat ng tao na nakapaligid sa kanya.
Dinukot nito ang phone at may tinawagan, tila bingi na siya sa kanyang paligid dahil hindi niya marinig ang boses ng binata, lumingon siya sa lalaki, maayos ang tindig nito habang nakatayo, maya maya pa ay binuhat siya ng binata at dinala sa sasakyan, may inuutos ito sa tauhan kaya agad na umalis sa kanilang paningin. "Zav!" pakiramdam niya sobrang layo ng boses ng binata.
Unti unting umiikot ang kanyang paligid. "Zav!" tumingin siya sa labas ng bintana, nahihirapan syang huminga. "Zav!" sinubukan nyang buksan ang bintana ng sasakyan dahil naninikip ang kanyang dibdib. "Zav!" napabaling siya sa binata, mababakas sa mukha nito ang labis na pag aalala. "Zav!" naramdaman niya ang pag alog nito sa kanya ngunit wala syang maramdaman, umiikot ang kanyang paligid at tila may malakas na tunog syang naririnig, deretso at walang hinto, kasabay ng paulit ulit na pagtawag sa kanya ng binata. "Zav!"
Bakit hindi niya marinig si Nick? bakit hindi niya maibuka ang bibig upang magsalita? bakit? maraming katanungan ngunit walang sagot, may naramdaman syang mainit na bagay na tumulo sa kanyang noo kasabay non ang panlalabo ng kanyang paningin, biglang nandilim ang kanyang buong paligid, Bakit? "s**t!" Anito at huling nyang nakita ang pagusad ng sasakyan bago siya mawalan ng malay.