Chapter 16

1715 Words
Lumipas ang mahabang oras ng byahe ng makarating sila sa airport ng Italy, nilanghap niya ang hangin na nadama, pagbaba nila ng eroplano may nakaabang na na sasakyan para sa kanila. "Babe!" Tawag sa kanya ni Mateo. "Hmm?" sagot niya. "Are you alright?" Tanong nito at hinawakan ang kanyang kamay, tumango siya bilang sagot. "Don't worry okay, babalik tayo agad kapag naging magaling kana!" ngumiti siya sa binata at tumango. Lumipas nang ilang minuto abg kanilang byahe nang makarating sa isang bahay, malaki at maganda ito namay kulay na gray, red and white, pinagbuksan siya ng binata ng pintuan ng sasakyan pagkatapos inalalayan syang makalabas. "Welcome to our new home!" ngumiti ito sa kanya at niyakap siya. Tiningnan niya ang bahay pagkatapos bumaling sa binata, bakit ganito? tila hindi siya masaya bakit laging may kulang sa kanyang pagkatao? siguro dahil lang ito sa mga nawawala nyang alaala, naputol ang kanyang pag iisip ng hawakan siya nito sa kamay at hilahin papasok. Kung maganda sa labas mas maganda sa loob, pinaghalong white, gray and gold, malaki ang living room may garden at puno ng mga bulaklak, malawak at malaki rin ang kusina, nagtungo sila sa taas. "This is our room!" tukoy ni mateo sa binuksan nyang silid. "Magkasama tayo?" manghang tanong niya, ngumiti ito pagkatapos napunta sa paghalakhak. "Of course, you are my future wifes!" Anito at ginulo ang kanyang buhok. Tipid syang ngumiti upang hindi ipahalata dito ang pagka ilang na nararamdaman, pumasok siya at nilapag ang kanyang maliit na bag sa kama, nilibot niya ang buong silid, malaki ang kama, maganda rin ang matatanaw sa balcony. Nakamasid lang sa kanya si Mateo habang abala siya sa pagtingin tingin sa paligid nang tumunog ang phone nito, tumingin siya sa binata hawak nito ang phone habang nakatitig lang at hindi sinasagot, mababakas sa mukha nito ang pagka irita. "Answer the call!" napatingin ito dahil sa kanyang sinabi, inis itong sinagot ang tawag at nilagay sa tainga ang phone pagkatapos bigla nalang nagiba ang timpla ng mukha nito. "What f*****g do you want?" Tanong niya sa kausap pagkatapos tumingin sa kanya, tumango siya upang sabihin na ipagpatuloy lang ang pakikipag usap. Muli itong tumingin sa kanya pagkatapos lumabas ng silid, humiga siya sa kama tila pagod na pagod ang kanyang katawan at kailangan niya ng pahinga, unti unting bumabagsak ang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na syang lamunin ng antok. "I love you!" Anito at hinawakan ang kanyang mukha. "I love you too!" niyakap niya ito at hinalikan, biglang mulat ang kanyang mga mata habol niya ang paghinga at pinagpapawisan ng matindi ang kanyang noo, napabaling siya sa katabi, malalim ang tulog nito dahil sa mabigat nitong paghinga. Tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kanya pagkatapos dahan dahan syang tumayo upang hindi ito magising, nagtungo siya sa banyo at naghilamos, tumingin siya sa salamin muli nyang inalala ang panaginip at kung sino ang lalaki na iyon. Kailangan nyang alalahanin upang makabalik na siya ng Pilipinas ngunit sa patuloy na pagiisip biglang sumakit ang kanyang ulo, napahawak siya doon. "Aaaaahhhh!" Sigaw niya, pinukpok niya iyon upang mabawakan ang matinding sakit, napahawak siya sa sink ng makaramdam ng hilo, unti unti nyang pinadausdos ang katawan paupo sa sahig. "Hey!" gulat na tawag sa kanya ng binata. "What are you doing here?" anito at akmang itatayo siya ng pigilan niya. "Sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo ako!" Aniya dito, agad itong tumayo, tila hindi alam kung ano ang gagawin natataranta ito sa hindi malamang kadahilanan. "Wait here!" utos ito sa kanya at iniwan siya, maya maya pa ay bumalik ito at agad syang binuhat palabas ng banyo at patungo sa kama. Paglapag sa kanya muli itong lumabas ng silid, napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa unti unting pagka wala ng matinding sakit, kinuha niya ang kumot at binalot sa katawan, lumipas ang ilang sandali ng pumasok ang binata kasunod nito ang isang doktor. "I'm doctor Beram!" nakipag kamay ito sa kanya. "Sapeva parlare italiano? (Did she know how to speak italian?)" tanong nito kay mateo na agad naman umiling, hindi niya naiintindihan ang mga pinaguusapan ng mga to dahil hindi pa siya marunong sa ganitong lenggwahe. "Usa la tua parola, glielo spiegherò, (Use your words, I'll explain to her) tumango ang doktor. Lumapit ito sa kanya at tinanong siya ngunit wala syang maintindihan kahit na isa sa mga sinasabi nito. "Ano daw ang masakit sayo?" tanong ni Mateo, alanganin myang itinuro ang kanyang ulo. "Evitare di pensare e ricordare il passato, (Avoid thinking and remembering the past)" Anito kay Mateo pagkatapos bumaling sa kanya. "Iwasan mo daw ang pagiisip!" Anito sa kanya tumango siya bilang sagot. Lumipas ang ilang sandali ng pagtingin nito sa kanya, niresetahan siya nito ng gamot para sa pagsakit sa ulo nang matapos nagpaalam na rin ito at umalis, maraming pinagagawa sa kanya, katulad ng mag ehersisyo upang bumalik sa sigla ang katawan, kumain ng masusustansyang pagkain at iwasan ang pagiisip sa nakaraan dahil hindi raw rito magiging mabuti para sa kanya. Matulin na lumipas ang isang buwan sa kanyang buhay natututunan na rin niya na makibagay dito sa Italy, kahit paano naiibsan ang kanyang kalungkutan dahil sa paglilibang dito, sinunod noya ang payo ng kanyang doctor kaya naging malaking tulong ito upang sa kanya upang mabilis na makapag adjust sa buhay. Kasalukuyan silang kumakain ni Mateo at nanonood ng isang palabas, hindi naman nakakaiyak ang palabas ngunit nakaubos na siya ng maraming tissue kakapunas ng luha. "Wag na tayong manood!" Anito sa kanya. "Wag hayaan mo lang!" Aniya saka muling pinunasan ang luha. "Ano bang iniiyak mo dyan hindi naman nakakaiyak yung palabas!" Naiiritang anito sa kanya. "Hindi ko rin alam!" hagulgol niya ng iyak, napagpasiyahan ng binata na patayin nalang ang TV kesa umiyak siya ng umiyak. "Tara!" aya nito sa kanya taka syang bumaling sa binata. "Punta tayong mall, para maibsan yung kalungkutan mo dito!" biglang nagliwanag ang kanyang mukha. "Talaga!" excited na tanong niya, tumango ito sa kanya agad syang tumayo at nagtungo sa silid. Nang matapos maligo at magbihis, pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin nang makuntento sa suot at itsura agad syang lumabas at hinanap ang binata, nakita niya itong may kausap sa phone. "Are you f*****g crazy, ash? I followed what you wanted and then, you want me to go back in the Philippines?" Gigil na sambit nito sa kausap. "I'll let him suffer for now!" Anito sa kausap. "f**k no!" Sigaw nito. "I have the last laugh!" anito at tumawa bumaling ito sa kanyang dereksyon at gulat na gulat ang mukha na nakatingin sa kanya. "Don't call me, wait for my call!" Anito pinatay ang phone at ibinaba, ngumiti ito sa kanya. "Kanina kapa dyan?" tanong nito agad syang umiling. Lulan ng sasakyan hindi mawala sa kanyang isip kung sino ang kausap nito, tila ba ngayon niya lang nakita na galit na galit ito sa kausap, madalas nyang makita ang binata bilang isang masiyahan at pala ngiti, inabot nito ang kanyang kamay at hinalikan ang likod ng kanyang palad. "Smile!" utos nito sa kanya na agad nyang sinunod. Pagkarating sa mall, nagikot ikot sila sa mga damit ngunit wala ni isa syang nagustuhan, pagkatapos dumaan sila sa isang kainan ngunit pagkakita palang sa mga pagkain nawalan na agad siya ng gana, hinila niya ang binata patungo sa isang jewelry store, tumingin sila doon nais nyang bumili para sa sarili, kung sakali man na umuwi na sila ng Pinas may alaala siya sa Italy. Napatingin siya sa kamay, muli nyang naalala ang sing sing. "Mateo!" Tawag niya sa binata. "Why?" sagot nito habang abala sa pagtingin tingin ng relo. "Nasan na yung sing sing na binigay mo? diba sabi mo fiance mo ako?" hindi na niya maiwasang itanong sapagkat dalawang buwan na ang lumipas simula ng magising siya ngunit wala parin itong ibinabalik sa kanya, nag angat ito ng tingin sa kanya at nilihis ang mga mata. "Actually, hindi ko alam kung na saan na!" Anito at agad na yumuko, lumambot ang kanyang puso sa reaksyon ng binata, inabot niya ang mukha nito upang hawakan. "Hayaan mo na!" Aniya saka ngumiti. Gumanti rin ito ng ngiti sa kanya. "Don't worry, I will buy you a new one!" Naglibot ito sa buong store pagkatapos agad na bumalik sa kanya at ipinakita ang sing sing na napili nito, tinanggal nito sa box at isinuot sa kanya, napatingin siya sa kamay, nangingibabaw ang sing sing na nasa kanyang daliri, kulay pink ang bato nito. "Do you like it?" tanong sa kanya ng binata agad syang tumango at umakap dito. "Thank you!" muli nyang tiningnan ang sing sing. Pagkatapos nilang mamili, nagtungo naman sila sa isang kainan ngunit halos daanan lang nila dahil may hinahanap ang kanyang tiyan, nagisip pa siya ng ilang minuto nang mapagtanto ang gusto. "Mateo!" tawag niya sa binata, humarap ito sa kanya. "Maybe we can eat there!" turo nito sa isang restaurant ngunit agad syang umiling. "Pagod na akong maghanap, ang dami na nating nilagpasan!" kumamot ito sa ulo na tila naiirita na sa kanya, natawa siya sa reaksyon nito. "May Jollibee ba dito?" tanong niya umaasa na sana meron, ngumiti ito pagkatapos biglang humalakhak. "Ano ba!" pigil niya sa binata. "Maraming nakatingin satin nakakahiya!" Bulong niya sa kasama ngunit patuloy parin ito sa pagtawa. "Yun lang pala ang gusto mo sana kanina mo pa sinabi!" ngingiti ngiting reklamo nito sa kanya pagkatapos hinawakan siya sa kamay. Nagtungo sila sa sasakyan, nagmaneho ito patungo kung saan, walang mapaglagyan ang kanyang kasiyahan ng sa wakas nasa tapat na sila ng Jollibee, masaya syang nagorder ng pagkain at nagtungo sa bakanteng upuan, lumipas ang ilang sandali ng ihain sa kanilang harapan ang pagkain. Sobrang saya ng kanyang puso, nagsimula na silang kumain ngunit sa kalagitnaan hindi niya ito nagustuhan. "Bakit?" takang tanong ng binata. "Bakit ganyan ang lasa?" tanong niya. "Ano bang lasa?" nagtataka pa rin na tanong nito at kinagar ang sariling manok. "Ayos naman ah!" huminto siya sa pagkain maya maya pa naramdaman niya na tila babaliktad ang kanyang sikmura. Tumayo siya at naghanap ng banyo, nang makakita agad syang pumasok at dere deretsong nagtungo sa sink, upang ilabas lahat ng kanyang kinain, Halos maluha luha ang kanyang mata, hinang hina ang kanyang tuhod at pinagpapawisan siya ng malamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD