Chapter 15

1697 Words
Nabungaran ng kanyang mga mata ang puting ilaw, kisame at dingding, halos lahat ng puro puti. Patay naba ako? aniya sa isip, sinubukan nyang gumalaw ngunit makirot ang kanyang katawan. "Ayos kana ba?" Bungad ng lalaki sa kanya, taka syang napatingin dito. "Sino ka!" Malat na tanong niya. "Bakit ako nandito, anong nangyari?" umiwas ng tingin sa kanya ang lalaki. "Tatawag ako ng doctor!" Anito at agad na umalis sa kanyang harapan. Lumipas ang ilang sandali ng may nursebat doktor na dumating. "I'm Ms. Mich, How are you feeling may masakit ba sayo?" tanong nito sa kanya, pinilit nyang iangat ang ulo bilang sagot. "Alright, I will press it and tell where it hurts, Okay?" Muli syang tumango. Naramdaman niya ang kanyang paa, binti at braso. "Wala akong nakikitang mali sa katawan mo!" Anito pagkatapos matingnan ang kanyang katawan. "Let's proceed to the other test, do you remember what happened to you?" Anito at pinaka titigan siya, agad syang umiling. "Alright, we need run some test to identify your condition!" Anito at hinarap ang lalaki. "Do you know her?" Tanong nito sa lalaki. "Yes, She's my fiance!" Anito. "Alright, Mr. Anderson, I'll be back in an hour, Wait for the result came!" Anito sa lalaki at bumaling sa nurse na kasama. "Bring her to MRI and CT Scan room!" Anito at agad na lumabas ng silid. Paglabas ng doktora bumaling sa kanya ang dalawang nurse pagkatapos tinanggal ang lock nf kanyang higaan at tinulak ito palabas ng silid, puro puting ilaw at kisame lamang ang kanyang nakikita. "Hey, everything gonna be alright!" Anito at hinawakan siya sa kamay ng nagpakilalang fiance daw niya agad syang tumango bilang sagot. Pagkatapos ng isinagawang test sa kanya ibinalik rin siya sa silid. "Do you want to eat?" Tanong nito, hindi naman siya nakakaramdam ng gutom kaya agad syang umiling, tumango ito sa kanya pagkatapos hinalikan siya sa noo. "Babalik ako!" paalam nito sa kanya ngunit pinigilan niya ito. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Aniya sa lalaki, agad itong nagiwas ng tingin sa kanya. "You neex to rest, let's talk about that in another time!" ngumiti ito sa kanya pagkatapos lumabas ng silid. Kanina pa wala ang lalaki hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, hindi niya alam kung anong nangyari, kung sino ang lalaki na nasa kanyang harapan, kung na saan siya at kung bakit siya nandito, pinilit nyang alalahanin ang nakaraan ngunit kumikirot ang kanyang utak. Sinubukan nyang ipikit ang mata at hindi na magisip ng kung ano ano dahil sa tuwing nagiisip siya lalong tumitindi ang sakit ng kanyang ulo, napatingin ang kanyang mata sa pumasok. "Hello dear!" Anito sa kanya. "I got the result, where is Mr. Anderson?" tanong nito sa kanya umiling siya upang sabihin na lumabas at hindi niya alam, ayaw nyang pilitin magsalita sapagkat sumasakit ang kanyang lalamunan dahil sa pagkatuyo nito. "Alright, Let's wait for him!" Tumango syang muli bilang sagot. "Anyway you can eat already!" Anito sa kanya pagkatapos lumabas ng silid, lumipas pa ang ilang sandali ng dumating ang lalaki, may dala ito na kung ano ano, prutas, pagkain at isang bulaklak. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. "For you!" anito sabay abot ng bulaklak ngumiti siya bilang pasasalamat, sabay silang napabaling sa pinto ng may kumatok at pumasok si doktora. "Mr. Anderson your fiance suffered to a memory loss, I don't know if how long it would last!" Memory loss? tanong niya sa sarili, kaya ba hindi niya kilala ang kaharap na nagpakilala fiance niya. Tahimik lamang silang nakikinig sa doktora, pagkatapos malaman ang resulta ng ginagawang pagsusuri, pakiramdam niya bago ang lahat sa kanya. nandoon pa rin ang katanungan na kung sino ba talaga siya, sino ang pamilya niya o meron ba syang pamilya. Litong lito ang kanyang isipan nang bumaling sa lalaki. "Kilala mo ang pamilya ko?" tanong niya, agad itong umiling. "Bakit?" Muli nyang tanong. "We met in Manila few months ago, your family lives in the province, we plan to visit them the next day but the accident happened unexpectedly!" Anito, hinawakan siya nito sa kamay pagkatapos tumingin sa kanyang mga mata. Tumulo ang kanyang luha, masakit sa kanyang kalooban na hindi man lang nito nakilala ang kanyang pamilya, mapapadali na sana nito ang pagbuo sa kanyang pagkatao. "Don't worry, I will do my best to find them, hmm!" alo nito sa kanya pagkatapos niyakap siya, tumango siya sa pagitan ng paghikbi. Tatlong araw na ang lumipas simula ng ma daignosed siya ng amnesia, sa loob ng tatlong araw wala syang ibang ginawa kundi mag isip ng mag isip, hindi niya alam kung paano sisimulan ang paghahanap sa pamilya, kahit papano nakakagalaw na rin siya dahil nabugbog lang ang kanyang katawan at walang malalang pinsala. Hinawakan niya ang mga bandage ng kanyang sugat, makirot parin ito ngunit hindi na gaano, napaangat siya ng tingin ng pumasok ang lalaki, hanggang ngayon hindi pa rin nito sinasabi ang pangalan o baka alam niya hindi lang talaga niya matandaan. Ngumiti siya dito, lumapit ito sa kanya hinalikan siya sa noo bago nilapag ang pagkain na dala. "Anong binili mo?" Tanong niya. "Your favorite!" Anito, sinilip niya ang laman ng plastik ngunit hindi siya naging masaya sa nakita, tipid na ngumiti siya sa binata at nagpanggap na nagustuhan ang dala nitong pagkain. "Let's eat!" Anito at inihanda ang pagkain, sa kalagitnaan ng kanilang pagkain nagsalita ang binata. "Do you want to come with me in Italy?" Tanong nito, nabitawan niya ang kutsara. "Paano ko mahahanap ang pamilya ko kung aalis ako ng bansa!" Aniya. "It's not like that, kailangan mong mag pagaling ng sa ganoon, madali kang makaalala at mahanap na natin sila." mahabang litanya nito, nagisip siya ng ilang sandali bago sinagot ang lalaki. "Hindi ba pwedeng dito na ako magpagaling?" tanong niya, umiwas ito ng tingin sa kanya pagkatapos nagsimulang kumain. Hinawakan niya ito sa kamay upang kuhain ang atensyon. "Sagutin mo ang tanong ko." Aniya natahimik ito at pagkatapos tumingin sa kawalan. "I want to give you what is best, there's so many a good doctor in Italy!" Anito at napabuntong hininga. "We will come back here, maybe three months or more, kahit may kaunti kalang na maalala, babalik tayo agad, it's that okay with you?" Anito at pinaka titigan siya, wala na syang magawa ng asikasuhin nito ang kanyang passfort at ibang kailangan, nagtataka siya dahil hindi nito bina banggit ang kanyang pangalan ngunit mas mabuti na wag ng itanong ang mga maliliit na bagay. Hindi mawala sa kanyang isipan ang kanilang pinagusapan kanina kailangan nyang maging mabusisi sa gagawin na desisyon, magiging mabuti ba ito sa kanya o hindi, pero sa tuwing naiisip ang pamilya nagkakaron siya ng lakas ng loob at tula nawawala ang agam agam sa kanya sapagkat nais nyang gumaling agad at makasama ang pamilya. Kinabukasan, nakatanggap sila ng discharged order mula sa kanyang doktor, ligtas na syang lumabas ng hospital at pinayagan rin siya nito na makabyahe patungong ibang bansa. Lulan ng sasakyan patungo sa kung saan huninto ang kanilang sinasakyan sa isang magarbong bahay. "Sayo ba to?" Tanong niya sa binata sabay tukoy sa malaking bahay. "Yes!" Maikling sagot nito pumasok na sila sa loob, inalalayan siya ng binata hanggang makarating sa kanyang silid. "Rest first, I'll prepare our food!" Anito at hinalikan siya sa noo, ilang araw pa bago ang bibilangin kanilang byahe dahil hinihintay pa nila ang releasing ng kanyang passfort. Mabilis na lumipas ang ilang araw simula ng kanilang naging usapan nakapag desisyon syang iwanan ang Pilipinas at magtungo sa Italy, kasalukuyan sila ngayon nasa airport at hinihintay ang kanilang flight patungong Italy. "Babe!" Untag nito sa kanya kaya agad syang napabaling. "Hmmm?" Tanong niya. "Are you ready?" tumango siya bilang pag sang ayon. Niyakap siya nito at hinalikan sa mga labi hindi rin nagtagal ng gumanti siya ng halik, hindi niya mawari ang nararamdaman sapagkat tila kakaiba ang t***k ng kanyang puso kahit pa yakapin, halikan at bigyan siya ng mga kagamitan para paring may kulang. Naputol ang kanyang pagiisip ng hawakan siya nito sa kamay at hinila patungo kung saan nilalagay ang gamit, nilagay nito ang kanilang gamit sa nagche check pagkatapos nagtungo sila sa security gate para makapunta sa departures hall. Kinakabahan siya ng hindi maintindihan tila ayaw ng mga paa niya na lisanin ang bansa, mabigat ang kanyang loob ng nakapasok sa sila at patungo sa eroplano na saksakyan, napatingin siya sa langit, madilim at walang mga bituwin, katulad ng kanyang katauhan, madilim at malungkot, hindi niya namalayan na tumulo ang luha sa kanyang mga mata, agad syang napabitaw sa kamay nito at dali daling pinunasan, sa takot na makit ng binata, ayaw nyang magtanong pa ito ng kung ano ano sa kanya, napatingin siya sa kamay, bakit walang sing sing? taka nyang tanong sa sarili. Baka tinanggal ng doktor o kung sino man na gumamot sa kanya, pagiiba niya ng iniisip, pagdating sa sasakyan pinaupo siya nito malapit sa binata, at kinabitan ng seat belt pagkatapos masayang ngumiti sa kanya. "This is the new beginning of our life!" Ngumiti siya bilang pag sang ayon. "Anyway!" Putol nito sa mahabang katahimikan, tumingin siya sa binata uoang ibigay dito ang buong atensyon. "Do you know your name and mine also?" tanong nito agad syang umiling, napahawak ito sa noo saka ngumiti. "I waited for you to called me, what do I expect!" Natatawang anito sa kanya, pinagmamasdan lamang niya ang binata sa lahat ng kilos at pananalita nito. "Alright babe, I would like to introduce myself, I'm Mateo Anderson and you?" Anito at nilahad ang kamay sa kanya, natatawa syang tinabig ito. "Hindi ko nga alam ang pangalan ko!" Aniya at napapailing ang ulo. "Oh s**t, I forgot!" Anito at tinampal ang noo. "Alright to my future wife, I want to introduced you to yourself!" Muli syang natawa dahil sa kalokohan nito. "Tama na nga yan, baka pinaguusapan na tayo!" Saway niya sa binata. "Nah, don't mind them Aria!" Napabaling siya sa kanyang pangalan pagkatapos napangiti. "Ang ganda pala ng pangalan ko!" Natatawang sambit niya. "Of course same as you, my beautiful wife!" Anito at hinalikan siya sa mga labi. "I love you!" Masuyong bulong nito, tipid syang ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD