"Punta tayo sa manggahan," aya ni Raphael sa akin.
We are all tired with what we had done for this day.
We went canoeing and fishing in our manmade lake. We, then, went swimming in a river. Tapos nag-horseback pa kami. Well ako, nakaupo lang at pinapakain si Tempesta.
Naghanapan pa kami sa tubuhan. Nagkawatak-watak kaya kami. Sa gitna pa talaga ng tubuhan!
Ngayon mamimitas naman ng mangga.
Nakarating na kami sa manggahan.
"So sino ang gustong umakyat?" Tanong ni Krypton.
"Pagod na kaming lahat sa ginawa natin buong araw," reklamo ni Lyon.
"Not that we are too heavy guys pero nasa tuktok ang mga bunga ng mangga at hindi tayo kaya ng maliliit na sanga sa tuktok," sabi ni Zeus.
Liningon namin ang triplets.
"Hindi ako marunong umakyat ng puno," sabi agad ni Raphael.
"Why don't we just find another mango tree?" Sabi naman ni Gabriel.
"The mangoes are harvested already. Ito nga lang ang itinira para sa atin," sabi ni Cyan.
"Ako ang aakyat," I volunteer.
"Kailan ka naging marunong umakyat sa matataas na puno?" Ani EJ.
"I could climb trees," sabi ko.
"But not the tall ones. Ni hindi ka nga marunong bumaba eh," hirit niya.
Napairap ako. "I'll get the fruit."
The mangoes are tempting.
All I want is to get the finest one.
At dapat ako ang kumuha.
I took of my boots. I climbed the tree barefooted.
Sa katotohanan, kapag kumukuha kami ng mangga, it's the other way around.
The boys go climb and get the fruits then ako naman ang sumasalo with Gabriel, Miguel and Raphael.
"Phil, saluhin niyo dyan," sabi ko.
Did I mention, the pronunciation of Raphael as "Rey-fiel."
Hindi Ra-fa-el.
I'm good. Habang nakakaakyat ako pataas ay mas lalong lumiliit ang mga sanga. Konting hangin lang ay gumagalaw na ito.
Kahit ayokong tumingin sa baba ay hindi ko magawa!
Okay, Sky!
Okay lang iyan!
Kung mahuhulog ka man, may labing-apat kang pinsan na sasalo sa iyo.
"Are you okay, Sky?" Tanong ni Krypton sa akin.
Halos mapatalon ako gulat.
"Shut up!" I yelled.
Naku!
I am concentrating dapat tahimik lang sila.
Malapit na ako sa isang pumpong ng hinog na mangga. Agad kong kinuha ang mga ito at sumigaw sa kanila sa ibaba.
"Saluin niyo na," sabi ko.
Agad kong inihulog ang mangga at sila na ang bahalang sumalo.
Luminga-linga pa ako at marami pang hinog. Mabilis ang mga itong nakuha ko. Hindi na rin ako natakot. Masaya pala kapag nasa itaas ka ng puno.
Nag-enjoy talaga kami dito sa manggahan.
"Marami na ito," ani Lucas. "Why don't you get down already?"
"Wait!" Sagot ko. "May isa pa. Kukunin ko lang ito at bababa na ako.!"
"Fine," sagot niya.
Pumunta ako sa kabilang sanga para sa bunga na iyon. Pero hindi man lang sumagi sa isip kong marupok na pala iyon. Bigla na lang naputol ang sanga at nahulog ako.
"KYAAA!" Napatili ako.
Mamatay na ako! Mababalian na ako!
Ipinikit ko ang mata ko at naghanda na sa kung ano ang mangyayari sa akin. Kung saan ang patutunguhan ko. Kung sa langit ba o sa ospital!
Here comes my doom!
"Sky, are you alright?" Narinig ko ang boses niya.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.
Bumungad sa akin ang kanyang mukha.
He looks more handsome when up close. Makikita mo kahit maliliit na detalye ng mukha niya.
His mezmerizing eyes are full of worry. His brows were slightly knitted. His lips looks soft. His nose is perfectly sculpted. His jaw... chiseled...
"Sky!" Aniya at siyang nagpabalik sa akin sa realidad.
Agad akong kumawala sa mga braso niya.
"I'm fine," sabi ko agad.
Kumakalabog pa rin ang dibdib ko hindi dahil sa nahulog ako kung hindi dahil sa pinag-iisip ko.
Nagtama ang tingin namin ni Krypton. He studied me. Of all my cousins, siya iyung mas nakakakilala. For him, I'm an open book. Kaya minsan, kinakabahan ako. I'm anxious because he could see through me.
Napalunok ako ng laway.
"Okay ka lang ba, Sky?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Sure ka?" Tanong ni EJ.
"Yes," sabi ko and nod assuringly.
"Buti nga nasalo ka agad ni Jared. Nabigla kaming lahat sa nangyari eh," sabi ni Lyon.
"Maghahapon na. Mabuting umuwi na tayo. Gagabihin na tayo sa daan," sabi ni Zeus habang nakatingin sa kalangitan. "Marahil may mas malala pang mangyayari sa atin. Ayokong mangyari iyon."
"Zeus is right," pagsang-ayon ni Lucas kay Zeus.
"Mabuti pa nga," sabi ni Rio.
Bumalik na kami sa mansyon at nagpahinga muna. Ang iba natulog habang tahimik ang iba sa kani-kanilang gawain tulad ni Krypton na phone lang ang kaharap, nagbabasa naman ng libro si Cyan, ako syempre naglalaro sa ipad. Si Jared nakatingin lang sa malayo.
Napatunganga naman ako sa mukha niya. I shouldn't fantasize over him. Hindi ko siya dapat pinapantasyahan!
But then, his features are irresistable. Iyung hindi ka magsasawa sa kakatingin sa kanya.
Just watching him makes my stomach churn. s**t!
"Ahem." Napatingin ako kay Krypton who cleared his throat. Pasimpleng move niya iyon para makuha niya ang atensyon ko.
I stared at him as if nagsasabing, "What d'you want?"
He tilted his head and knitted his brow inocently. "What?" He mouthed.
Tinaas ko ang isa kong kilay.
We looked at each other for a long time.
Ano ba ang gusto nito?
Napa-iling siya at bumalik sa pagse-celphone.
Napairap naman ako at bumalik sa paglalaro ng Asphalt.
Nang mag-alas singko ay nagpaalam na kami sa mga tauhan ng haciendang uuwi na kami.
"Khela, Theo," ani ko. "See you next time naman."
"Oo nga. Ikamusta mo na lang kami kay Ara," sabi ni Theo at ngumiti.
That usual charming smile he always has.
"Sure. Buh-bye!" Sabi ko at yinakap ko si Khela at si Theo.
"Bye, Sky," paalam ni Theo. "Mami-miss talaga kita."
"Ako din! Alagaan mo si Mira ha. Bagay talaga kayo," sabi ko sa kanya.
Kumawala na kami sa pagyayakapan at naglakad na ako paalis.
"Seryoso?" Aniya. Hindi niya siguro inaasahan ang sinabi ko.
Liningon ko siya. I winked at him and waved goodbye.
Nang papasok na ako sa van, matalim ang mga titig ni Jared sa akin.
"What?" I asked him.
"Hindi ka lang pala sa mga teammate ko nakikipag-flirt, pati pala dito kay Theo," bulong niya sa akin.
Heto naman tayo sa pakikipag-flirt! Hay naku!
"I said I'm not flirting!" Pagdedepensa ko sa sarili.
"You hug him, don't you?" Pinaningkita niya ako ng mata.
"That was a goodbye hug," sabi ko. Halos kapatid ko lang tratuhin ang tao tapos pagseselosan niya pa!
"So the wink was also a goodbye wink?" Aniya. "C'mon, Sky!"
Humalukipkip ako at napanguso.
Yes. naiirita ako sa kanya sa totoo lang. But at the same time, I find him amusing.
He is obviously concerned.
And, I kinda like it when he shows me that he's concerned.