"If I were on your shoes," Jared spoke. "I won't treat them like how you treat them."
"Why not, Red?" Napakunot ako ng aking noo.
"They just gave you away like that yet you still treat them like there's no big deal?"
Napabuntong-hininga ako. "Nagalit ako una. But, then, blood is thicker that water. Kapag kadugo, kadugo. Saka naiintindihan ko naman eh. They can't raise me."
"Ginawa-gawa ka nila tapos hindi ka nila kayang palakihin. What kind of parents are they?! What kind of parents would give their child away? Do they even care about you?" Lumakas ang boses niya. Bakit siya galit kina Mamang?! Wala naman siyang pakialam dito ah!
Biglang sumalta ang dugo ko.
"You don't know the whole story," ani ko. "My father was a seaman but he got into an accident and died. Apat kami. Surely, we can live. Pero dahil nagkasakit ako noon. Mas minabuti ni Mamang na ibigay nalang ako kay Caleon at Celyn Arcella, kay Mama at Papa. I've been confined in the hospital for seven months. Si Papang naman ay wala na para matustusan ang gastusin ko sa ospital. I am actually the reason kung bakit naubos ang mga naipon ni Papang. The house and this land are the only things that was left for them. Kung hindi sila pumayag na ampunin ako ni Mama, what will become of them? Anong matitira sa kanila? Pati ang lupain mawawala!"
"What? They're selfish! Hindi nila kayang magsakripisyo."
"They sacrificed!" I said, defending them. "Mas minabuti nilang malayo ako sa kanila kaysa sa maranasan ko ang dinaranas nila. Kung kasama nila ako, anong kakainin nina Mira, Yvonne at Leah? Lahat ng pera mapupunta sa mga gamot ko. At kung nasa tamang edad ako noon para makapag-isip ng solusyon, I will do the same thing. Magpapa-ampon na lang ako sa iba para mabawasan ang problema nila. Get it?"
Binuhat ko ang isang balde ng tubig at dinala pabalik sa bahay.
"Ako na ang magdadala," aniya sa mas kalmadong tono.
"I can do this," sagot ko at iniwan siya sa balon.
Bahala ka sa buhay mo!
Pagpasok ko sa kusina ay pinilit kong ngumiti sa kanila.
"Heto na po, Mang," ani ko sa kanila.
"Salamat, anak. Sandali, nasaan na ang pinsan mo?" Tanong niya.
"Sky!" Narinig kong sigaw ni Jared.
"Ayun po," turo ko sa lalakeng may dalang balde ng tubig.
"Naku, hindi na sana kayo nag-igib ng tubig," ani mamang.
"Kaya naman po namin eh," sabi ko.
"Ikaw siguro," any Yvonne. "Iyang pinsan mo, hindi. Alam mo namang anak mayaman talaga iyan."
"Kaya niya iyan," sabi ko.
"Nakakahiya, Sky," ani Mamang. Pinuntahan niya si Jared which leaves Yvonne and I alone.
"Ano pala ang kurso na kinuha niyo?" Tanong ko kay Yvonne.
Why do I feel uneasy around Yvonne?
"HRM kinuha ko," sagot niya. "Si Leah, second year na sa MassCom. Alam mo naman iyon, basta gusto, gagawin. Syempre, nag-apply siya ng scholarship sa isang university."
"Really?" Iyun lang ang nasabi ko. "Kamusta si Mira?"
"Nagpa-practice teaching siya at nag-tututor. Nagrereview rin siya para sa darating na licensure exam," pahayag niya.
"So gagraduate ka this year?"
"Malamang," aniya at napairap.
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Why am I asking her the obvious once?
I feel awkward when we are together alone. Hindi rin kami lumaki ng sabay kaya hindi ko kabisado ang ugali niya.
"So, what did you take up for college?" Tanong niya.
"Business management," sagot ko.
"Heredera nga naman ng negosyo," sabi niya.
"Honestly, it's for the sake of Papa. They want me to take up that course," sabi ko.
"Bakit? Ano ba sana ang gusto mong i-take up?" Tanong niya.
"Music production," sagot ko.
"Music production can be helpful in your future career. Recording Company, right?" Aniya.
"Pero, they want me to learn more about business. Alam mo naman, I will not get stuck to our recording company. I will also inherit something else," I smirked.
"Oo nga pala," aniya.
Tinulungan ko siyang maghanda ng hapag.
Matapos nun ay tinawag ko na sina Mira at Theo na masayang nag-kwekwentuhan sa ilalim ng niyog.
Ay! Luma-love life na si Ate.
Ever since, I ship them so much!
Bagay na bagay sila. And Theo is like a brother to me.
"Amira, Theo, kain na tayo," sabi ko.
Pagbalik ko ay nakita ko si Yvonne at Jared na nag-uusap. Napanguso ako sa kanila.
Kakairita talaga!
Tumama ang tingin niya sa akin. Inirapan ko siya agad at napaupo sa silya.
"Kumain na tayo!" Ani Mamang.
"Pray muna tayo," sabi ni Mira.
"Ay, faithful! Chos!" Ngumingising wika ni Leah.
Nagsambit kami ng maikling panalangin bago kumain.
Tumingin ako sa kaharap kong isinubo ang isang kutsara ng sinigang.
"O ano? Sabihin mo sa akin ang comment mo," Yvonne eagerly said.
Tumango-tango si Jared. "Ang sarap mong magluto ha."
It's obviously for Yvonne. I just don't get it why is he looking at me when he's talking to Yvonne!
Marahang humalakhak si mama. "Maaasahan sila sa kusina. Tinuruan ko silang lahat na magluto. Si Yvonne lang talaga ang kumareer sa kusina."
"Practicing to be a wife, eh?" Jared smirked at Yvonne.
Napataas ang kilay ko kay Jared.
Is he hitting on my sister?
"This skill is for survival," sagot ni Yvonne.
"You'll perfectly fit to be a wife. Maganda ka naman saka magaling magluto," aniya sa kapatid ko.
Yvonne has a faint blush on her cheeks.
She should not be with this guy.
"Paano si, Sky?" Tanong niya kay mamang. "Marunong din ba siyang magluto?"
Tumingin sila lahat sa akin.
"Nabanggit ni Celyn sa akin na palaging may mali siyang nagagawa sa pagluluto. Pero magaling siya mag-bake," an mamang.
"Atleast, I could cook," I said. "Hindi nga lang kasing-perfect nang tulad nina Yvonne, Mira at Leah."
"Like Yvonne said. It's for survival," sabi niya sa akin. "It depends on you if you want to make it as your career."
"I know right," sabi ko with a sarcastic smile plastered on my face. "You don't have to tell me."
For the sake of my family, I set aside my irritation for Jared. I don't want to go all grumpy today. I want to bond with my mother and sisters, happily.
Nung nag-alas diyes na ay nag-paalam na kami sa isa't-isa.
Matapos ko silang yakapin ay sumakay na ako kay Tempesta.
"Punta kayo sa anniversary, ha," sabi ko.
"Hindi ko alam kung makakapunta kami," ani mamang.
"Bye!" Kumaway na ako sa kanila.
Kumaway sila pabalik at umalis na kami sakay ang aming kabayo.
"The sinigang was nice," aniya sa akin.
"Don't talk to me like nothing happened. Talking to you casually kanina doesn't mean that I would talk to you that way! That's just for a show."
I spoke as softly as I could but still audible for him of course. Theo doesn't seem to notice that we are starting to bicker here. Nangunguna kasi siya sa daan.
"What did I do?" Aniya.
"First, the scene in the well. Don't tell me nagka-amnesia ka na! Kumain ka lang ng nilutong sinigang ni Yvonne... ganyan ka na!"
"What?"
"Ganyan ba kasarap ang niluto ni Yvonne para makalimutan mo ang ginawa mo?"
"Look, I'm just stating my opinion about what happened. You misinterpreted things. That's not my fault."
"Second, you are hitting on my sister."
"No," he said, abruptly.
"Yvonne's beautiful and all. But she's not for hook-ups," sabi ko.
"Pinakisamahan ko ang pamilya mo hindi ko linalandi," aniya.
"Ewan ko sa'yo."
I pouted.
"You're more childish than Leah," komento niya.
"Malamang, bunso ako," sabi ko.
Hindi ko na siya kinausap pa buong byahe.