"I don't like the way he looks at you," bulong ni Jared sa akin.
His breath touch my earlobe and it sent shivers down my spine.
"What? Why do you dislike him?" Tanong ko sa kanya.
"He likes you," sabi niya.
Marahan akong napatawa. "Assuming?"
"I am a guy. I know what I guy feels," aniya.
"Women have intuition... Instinct!Hindi naman ako manhid para hindi malaman kung may gusto ang tao sa akin," pahayag ko.
"Let's see then," aniya.
Liningon kami ni Theo. "Andito na tayo."
Nakita ko ang maliit na bahay sa gitna ng mga puno ng niyog.
Sinuyod namin ang daan papunta sa maliit na bahay na iyon.
"Iwan na lang natin dito sina Quintus at Tempesta," sabi ko. "Wala namang magnanakaw nito dito."
"Sige," pagsang-ayon ni Theo.
Bumaba kami sa kabayo at itinali ang mga kabayo sa puno ng niyog.
"Dito ka lang Tempesta ha," habilin ko sa kabayo.
"Sasagot iyang kabayo sa'yo," sabi ni Jared sa akin.
Napairap ako sa kanya. Ang hilig niya mang-asar!
"Why are we here by the way?" Tanong niya pag-iiba ng usapan.
"Let's say I'm visiting my sisters. My biological sisters," sabi ko.
Nanguna ako sa kanila at doon ko nakita ang babaeng morena at kasingtangkad kong bumibilad ng copra.
"Leah," tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa direksyon namin at nakita ako. Gumuhit agad ang kanyang magandang ngiti ng nakita ako.
"Sky!" Sigaw niya at iniwan ang ginagawa niya para tumakbo papunta sa akin.
Agad niya akong hinagkan ng mahigpit.
"Ikaw ha," aniya ng pinakawalan niya ako. "Tatlong taon kang hindi nagpakita. Nakakatampo ka talaga!"
"Lyneah Vanessa Trinidad. Inutusan kang magbilad ng copra pero hindi mo tinapos at tumakas ka na naman! Isusumbong talaga kita kay Mamang pag nakauwi na siya," narinig ko ang isang boses na alam ko kung kay sino. Kahit kailan masungit at parang warfreak itong si Yvonne.
Napairap si Leah sa narinig niya.
Nakita kong nasa labas na si Yvonne at nakapameywang na.
Hindi siguro kami nakita dahil sa mga matatangkad na halaman ni mamang.
"Leah!" Sigaw niya sa aming isang kapatid.
"Yvonne!" Sigaw ko balik sa kanya.
Lumabas kami sa mga halaman na iyon.
"Skylar?" Parang hindi pa sigurado sa nakikita niya.
"Yvonne, ako ito!" Yinakap ko siya ng saglit. We ain't really that close. Pero syempre na-miss ko siya.
Kung si Leah ang isip bata at medyo pasaway. Itong si Yvonne ang masungit at ang pinakamaganda sa amin.
"Sky, kailan ka naging matangkad?" Mapanuya niyang tanong.
Nakalimutan ko pa lang idagdag na siya rin ang sobrang manlait.
"Wow! Ako na ang pinakapandak," sabi ko.
Marahan siyang tumawa at nag-peace sign. "Joke lang!"
"Pwede maki-join sa little reunion niyo?"
Ang pinakamabait at panganay sa aming lahat ay nakangiti sa amin mula sa pinto ng kanilang bahay.
"Mira!" Sa lahat sila siya ang pinakapaborito ko.
"Bunso," aniya sa kanyang malambing na boses. "Na-miss kita!"
"Ako din Mira," sabi ko. "Saan pala si Mamang?"
"Ay, pumunta sa bayan para bumili ng ihahanda namin sa iyo," sagot ni Leah.
Agad siyang siniko ni Yvonne. When Leah realized what she just spat out, she gasped and covered her mouth.
Mira facepalmed.
"So you know I'm coming?" Tanong ko.
"Yes," sagot ni Yvonne.
Agad akong napatingin kay Theo. Naningkit ang mata ko. "Sinabi mo?"
Umiling siya at nagsabi, "Sky, hindi ako!"
Bumungisngis si Mira. "Si Khela ang nagsabi."
"Khela is the least person to be told by a secret, then," biglang sumingit sa usapan si Jared.
Nakalimutan kong sumama pala siya.
"In fairness, you found a boyfriend," ani Yvonne.
Wow naman! Parang noon lang ng sinabihan ako ng teammates niya na girlfriend niya ako.
Kahit nangyari na ito ganoon pa rin ang pakiramdam ko.
Lalo pa ngang lumala!
"Gwapo ng boyfriend mo. Share tayo," sabi naman ni Leah.
Now, I'm feeling this undefined emotions... Again!
Parang mamumula ako pero parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig, at the same time, gusto ko silang pagpektusin pero naninigas naman ako.
Napanguso si Jared. "Cut it out. What you're thinking is disgusting!"
"Huh?" Kumunot ang noo ni Mira.
"Pinsan siya ni Sky, Mira," ani Theo.
Nanlaki ang mata ng tatlo kong kapatid.
"Seryoso?!"
Tumango na lang ako.
"Wala ako naaalalang Arcella na Jared ang pangalan." Napahalukipkip si Yvonne at tila pinagdududahan pa ako.
"Magkwentuhan na lang tayo sa loob," sabi ko.
Nang nasa loob kami ay ikinwento ko sa kanila ang nangyari nung summer last year.
"So pwede ko siyang maging boyfie?" Bumungisngis naman si Leah.
"Leah," saway ni Mira. "Huwag kang maglololoko. Nakakatanda ka sa kanila."
"Three years lang naman," sabi niya. Lumingon siya kay Jared. "Pero joke lang 'yun ha."
"Iba ang type niyan," dagdag ni Yvonne.
Jared doesn't actually mind, though.
"You are Sky's..." Aniya. "What? Sisters?"
"Yeah," sabi ni Mira. "By blood."
Tumingin sa akin si Jared na hindi naiintindihan ang nangyari.
"Are you adopted?" Tanong niya sa akin. Halatang nalilito pa rin siya.
"Sort of," I awkwardly answer.
"How?"
"Baog si Mama ko Celyn, okay?" Paliwanag ko. "Kaya niya ako kinuha mula sa totoong pamilya ko. Since they're not really that 'maykaya'. They agreed on giving me under the Arcella's custody."
"Pero hindi naman sila mahirap na mahirap, hindi ba?" Tanong ni Jared. Lininga niya ang buong bahay.
"We are actually working students," sabi ni Yvonne. "Ang bahay namin ay hindi barung-barung pero hindi ibig sabihin 'nun ay mayaman kami."
Nabasa siguro ni Yvonne ang nasa isip ni Jared.
Hindi na umimik pa si Jared.
"Mga anak!" Narinig ko ang boses ni mamang.
Apat kaming tumayo at dali-daling lumabas para salubungin si Mamang.
"Mang!" Bati namin sa kanya at nagsimano.
Hindi ako nagmamano kina Mama at Papa pero pagdating kay Mamang nagmamano ako.
Sinusunod ko lang sina Mira.
"Mamang," ulit ko at yinakap ang babaeng mismong nagluwal sa akin.
"Sky," mahigpit niya rin akong hinagkan. "Na-miss talaga kita anak. Tumangkad at gumanda ka pa lalo."
"Mamang, hindi naman ako meztiza para matawag na maganda," sabi ko.
"Bakit? Mas magaganda ang mga morena," aniya.
"Ano po bang binili mo, Ma?" Tanong ni Yvonne.
"Magluluto kasi ako ng sinigang," ani Mamang. "Para kay Sky. Halina't mainit dito sa labas."
Nang pumasok kami ay agad na bumati sina Theo at Jared.
"Magandang umaga po!" Bati ni Theo.
"Good morning," Jared greeted.
"Ikaw ba iyung anak ni Juvy?" Tanong ni mamang.
Tumango si Jared.
"Mang, paano niyo nalaman?" Tanong ni Leah.
"Nabalitaan ko kasing bumalik na rin si Juvy kaya nga mas engrande ang pagpaplano nila sa selebrasyong gaganapin sa Biyernes. Dahilan kung bakit ang mga apo ni Don Afrique ay nandito," pahayag ni mamang.
"Imbitado ba tayo?" Tanong ni Leah.
"Oo," sagot ni mamang.
Halos mapatalon si Leah sa excitement. "Hindi na ako makapaghintay!"
"Tumigil ka na Leah," saway ni Yvonne sa aming kapatid.
"Ay! Magluluto pa pala ako. Maglibot-libot muna kayo kung gusto niyo," ani mamang.
"Samahan namin sila, Ma?" Tanong ni Leah.
"Lyneah, tatlong piraso lang ng copra ang nakita kong nakabilad. Anong nangyari sa ipinabibilad kong tatlong sako?" Tanong ni mama kay Leah.
Ngumisi si Leah. "Ay, sorry! Bigla kasing dumating si Skylar."
"Mira, kunin mo nga ang uling sa may kabilang kubo," utas ni mamang kay Mira. "Kumuha ka ng buko."
"Opo, mang," narinig kong sabi ni Mira.
"Sasamahan ko na lang si Mira," ani Theo at sumunod kay Amira.
"Ikaw Yvonne, samahan mo akong magluto," aniya kay Yvonne.
"Mang, anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.
"Maglibang-libang kayo ng pinsan mo," ani Mamang.
"Sige na, Mang. Bigyan mo ako ng trabaho," pagpupumilit ko.
Bumuntong-hininga si mama. "Maupo na lang kayo,"
"Mag-iigib ako sa balon ng tubig." Sabi ko.
"Sigurado ka anak," sabi ni mama.
Napangisi ako. "Opo! Halika na Jared." Lumingon ako sa aking pinsan.