[YUME]
Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. Hindi ko namalayang nakatulala ako sa card at bulaklak. Ibinaba ko ang bulaklak sa tabi ng tray ng pagkain at iniharap ang card.
“Please eat well, Miss Yume. I'll see you.” -Akane
“Akane…” malumanay kong bigkas sa pangalan niya.
Muli kong binasa ang card sa mas malakas na tinig. “I'll see you.” May kakaibang hatid na kiliti ang mga salitang iyon.
Ano bang meron sa kaniya?
Ilang segundo ko pang tinitigan ang card bago marahas na umiling. Mabilis na hinarap ko ang tray ng pagkain at binuksan iyon. Sumalubong sa’kin ang mabangong aroma nito dahilan para wala sa loob na mapangiti ako. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang ayos ng pagkain.
Alam na alam niya lahat. Pero hindi naman imposible. Trabaho niyang alamin ang lahat sa akin para magawa niya ng maayos ang trabaho niya.
Sa kabila ng mga isiping pumapasok sa isip ko ay may ngiting nagsimula na akong kumain.
Siguro mamaya ko na lang iisipin iyon dahil bigla ay nakadama ako ng gutom.
ISA-ISA kong nilinis ang mga paintbrush na ginamit ko bago isinalansan sa ibabaw ng malinis na basahan. Iniayos ko din ang mga canvas at mga paint na nasa sahig.
Isa sa hilig ko ang pagpi-paint at ito rin ang pinakamadalas kong gawin. Bukod sa pagbabasa, ito lang ang may kakayahang palamigin at gawing kalmado ang isip ko. Nalilimutan ko ang mga problema at hindi magagandang isipin tuwing nagpipinta ako. At dahil sa sobrang pagkatuon ng atensyon ko sa ginagawa ko ay hindi ko namalayang hapon na pala.
Tumingin ako sa orasan na nasa ibaba ng table.
Alas-dos na ng hapon. May isang oras pa ako para maghanda. Mabilis na nilinis ko ang mga naging kalat ko sa sahig. Nang matiyak na maayos na ang lahat ay naglinis na rin ako ng sarili ko.
Mabilis akong natapos maligo at ngayon ay namimili ng isusuot ko. Isang bagay na hindi ako sigurado. Wala namang okasyon pero gusto kong mag-ayos. Marahil kung nasa mansion pa ako’y nakahanda na ang mga damit na isusuot ko. Pero wala na ako sa mansion at hindi ko kailangang magpakaganda. Si Akane lang naman ang haharapin ko mamaya.
Wala sa loob na napahawak ako sa pisngi ko nang maramdamang tila nag-iinit iyon.
Magkikita kami ni Akane. Sabi niya ay may pupuntahan kami. Pero hindi nga ba’t talagang dapat lang na magkikita kami dahil bodyguard ko naman siya?
Ano ba kasing pumapasok sa isip ko? Nababaliw na ba ako?
Umiling-iling ako.
Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Wala pa akong ilang araw na nakakaalis sa mansion ay kung ano-ano na agad itong ginagawa at iniisip ko.
Bumalik ako sa paghahanap ng damit. Kumuha ako ng kulay itim na dress na may kulay puting lace na nakatali sa bewang. Maikli lang ang manggas nito kaya hinayaan ko ng nakalugay ang buhok ko. Tinernuhan ko lang ang suot ko ng flip flops.
Napangiti ako sa sarili kong repleksyon nang matapos magbihis.
Hindi pa nagtatagal ang ngiti ko ay naglaho na ito nang maalala kong madalas naggagalit si mommy kapag naaabutan niyang ako ang nag-aasikaso sa sarili ko. Katakot-takot na sermon ang nakukuha ng mga maid kaya hinahayaan kong sila na ang gumawa kahit ng kaliit-liitang bagay na kaya ko namang gawin.
Hindi ko rin maiwasang hindi malungkot kapag naaalala ko si mommy. Ayaw niyang umalis ako. Gusto niyang manatili lang ako sa mansion hanggang sa paglilipat ng pangalan sa'kin ng mga pag-aari ng buong Hezena.
Ngunit buo na ang desisyon ni daddy kaya tumahimik na lang si mommy. Isa rin iyon sa dahilan kaya hindi na ako nagpilit pang tumanggi na isama si Akane. Ayaw kong bigyan pa ng dahilan si daddy para bawiin ang pagpayag niya. Alam kong masama ang loob ni mommy sa akin dahilan para ang ihatid man lang ako ay hindi niya ginawa.
May lungkot na tumingin muli ako sa salamin at pilit ngumiti. “Magiging maayos din ang lahat, Yume. Hindi man ngayon pero darating tayo diyan.”
Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako ng silid. Three-fifty pa lang nang lumabas ako pero hindi ko inaasahang nasa labas na kaagad si Akane ng silid ko.
“Magandang hapon, Miss Yume,” nakangiting bati niya sa akin.
Base sa ngiti niya ay parang wala lang ‘yong nangyari kanina.
Nakalimutan na ba kaagad niya o talagang wala naman siyang pakialam?
“Magandang hapon din,” tugon ko bago nagsimula nang maglakad patungo sa elevator. “Saan pala tayo pupunta ngayon?” kunwa'y tanong ko.
“Hindi tayo natapos sa paglilibot kanina. May isang lugar na tiyak kong magugustuhan mo,” tugon niya.
“Magugustuhan ko?” tanong ko nang hindi man lang tumitingin sa kaniya.
“Oo.”
Hindi na ako nagsalita. Wala na rin akong gustong sabihin o marahil mas tamang hindi ko rin alam kung ano bang dapat sabihin.
Nang bumukas ang elevator ay magkasunod kaming lumabas.
“Dito tayo, Miss Yume.” Bahagya siyang umuna at iginaya ako nang paglalakad.
Tahimik na sumunod ako sa kaniya habang may paghanga pa ring iginagala ang tingin sa paligid. Pagpasok mo ng entrance ng Galleria ay sasalubong sa'yo ang malawak na lobby kung saan hindi kalayuan sa entrance ay naroon ang reception desk. Palaging may naka-duty doon na dalawang naka-suit na babae at lalaki.
Tumigil kami sandali nang may masalubong kaming dalawang bodyguard. They also stopped and bowed their heads to greet us. I just nodded as we continued walking.
My gaze fixed at the light ivory vitrified tiles. The tiles seemed to glow and its embellished deep red petal-style appeared to shine against the tiles. The color of the petals weren't like the big blooming rose in the middle of the lobby. Instead it's a white rose in full bloom with a hint of faint pink in some petals. Around the rose was a black thick circle and thin golden lines.
The walls also had an ivory and pale gold paint. There were some glass double-doors at the sides of the lobby where faint summer air entered. And near the glass walls were comfy sofa and tables.
At the end of the lobby, across the rows of elevators were some tawny-colored double-doors with gold swirls on its sides. The swirls had gold leaves and rose buds on it, accentuating the doors. In the middle of each door was a big letter 'G' written in calligraphy.
I already knew one of the double-doors. The first one was the Lounging Area where I ate yesterday. The others, I don't have any idea.
I shifted my gaze at Akane's back as we continued walking. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalahin. Malayo na kami sa lobby at patungo sa nag-iisang pinto sa dulo ng hallway. Binuksan niya iyon at bumungad kaagad sa paningin ang liwanag na dala ng araw.
Napakurap ako kasabay ng bahagyang pag-awang ng mga labi ko. Nang tila matauhan ako ay nilingon ko siya na nananatiling nakangiti sa akin.
“We can go inside,” he said.
Walang salitang humakbang ako, ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang ay natigilan kaagad ako.
“May problema po ba, Miss Yume?”
Umiling ako bago itinuro ang napakalaking kulay puting estatwa sa gitna ng hardin. Imahe iyon ng isang kerubin na may hawak na maliit na banga kung saan ay may lumalabas na tubig.
“Halika, Miss Yume.”
“S-sin—“ Natigilan ako nang makita kong nakalahad ang palad niya sa akin.
“That's a guardian angel," he whispered in a warm voice.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “K-kaya kong maglakad mag-isa,” malamig na wika ko bago nilagpasan siya.
Lihim akong napakagat-labi. May kung ano sa loob ko na gustong mahawakan uli ang mga palad na iyon. Tila nais muli ng kamay kong makulong sa maiinit niyang palad. Nais ko uling madama ang mahahabang daliri niya na pumupulupot sa mga daliri ko.
Pero hindi pwede. Hindi.
Napakaaga pa para mahibang ako.
“Sabi nila, God sent His angels to guard us in case na nalalagay tayo sa problema at sakuna.” Pagkukwento niya mula sa likuran ko. Hindi kababakasan ng inis ang tinig niya dahil sa kagaspangan ng ugali ko at tila ba wala lang sa kaniya ang inasal ko.
“And you believe that?” I retorted while looking around.
Napakaganda ng paligid.
Sabagay, wala namang hardin ang hindi gaganda maliban sa isang harding inabadona na ng makukulay na bulaklak.
“Kung ikaw ang tatanungin, naniniwala ka ba?” Napalingon ako sa kaniya ng ibalik niya sa akin ang tanong.
“Wag mong ibalik sa akin ang tanong,” mabilis kong balik sa kaniya.
He didn’t answer, instead he just grinned at me.
Sabi ko na nga ba minsan tuso rin ito.
"Hindi ka naniniwala sa mga anghel?" pagkaraa'y tanong nito.
"Naniniwala," wala sa loob na tugon ko. Pero may pagkakataong itinatanong ko kung nasaan ang mga anghel ko lalo na sa panahon na kailangan ko sila.
"That sounds lame," he commented, making me looked at him. His grin didn't faze, even though I narrowed my eyes on him.
Nang pakiramdam ko'y walang mangyayari ay sa iba ko na lang ibinaling ang atensiyon ko.
Tumigil ako sa harap ng isang bulaklak at tiningnan ito, bago iniangat ang tingin sa iba pang mga bulaklak. Halatang pasadya ang lugar at kahit ang lawak ng bawat taniman ay halatang pinag-isipan. Malalaki at mahabang hugis parisukat ang taniman ng mga halaman. Nakaayos ito na parang hagdan kung saan sa bawat gilid ay may tubig na umaagos. Marahil iyon ang ginagamit para hindi mahirapang magdilig dahil sa ilalim ay may drainage na sobrang liliit ng butas. May ilan namang bahagi na walang tubig na umaagos. Hinawakan ko ang isang bulaklak na walang umaagos na tubig.
It’s a succulent.
“That’s a Moss Rose; it doesn’t need much water," aniya.
Bahagya ko siyang sinulyapan bago ibinalik din ang tingin sa mga bulaklak. May mga nakasabit ding vases at pot kung saan nakalagay ang mga aerial plants. Sa kabilang bahagi ay may glass na nakaharang pero kita ko ang nasa loob noon. Wala akong nakitang mga namumulaklak doon.
"Iyon naman ang Botanical Garden. Limitado lang ang pressure ng hangin, ang moist at sikat ng araw na hinahayaang makapasok. May mga special flowery plants din pero naroon sila sa kabilang garden," pagpapaliwanag ni Akane.
Tumatango-tango lang ako. Nakakamangha ang buong garden ng Galleria at ganoon din ang abilidad ni Akane na mabasa ang iniisip ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa unti-unti kaming nakalapit sa malaking estatwa ng kerubin.
Nakatingala ako sa malaking estatwa habang naglalakad kaya hindi ko napansin ang maliit na baitang. Sa gulat ko ay napatid ako sa baitang at nawalan nang balanse. Inaasahan ko nang babagsak ako pero walang nangyari maliban sa naramdaman kong may pumulupot na matitigas na braso sa bewang ko.
Napalunok ako nang ma-realize ang nangyayari.
“Ayos ka lang, Miss Yume?” nag-aalalang tanong ni Akane.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang hininga ni Akane malapit sa may sentido ko. Napakalapit din ng boses niya sa akin. Naramdaman ko na lang na marahan niyang hinawakan ako sa balikat at inalalayang makatayo nang maayos. Inalis niya ang pagkakahawak sa bewang ko at hinarap ako.
Ngunit sa pagkadismaya ko’y kahit wala na doon ang braso’t kamay niya ay dama ko pa rin ang init nang pagkakahawak niya sa katawan ko.
“Miss Yume?” Lalo naman akong nagulat nang bigla na lang siyang yumuko para magkatapat ang mga mukha namin. Sobra kasi niyang tangkad na halos hanggang balikat niya lang ako.
“I-I’m f-fine…” I tried to speak calmly, but I couldn’t help but to stutter.
His sight was sort of overwhelming.
“Hindi ba nasaktan ang mga paa mo?” tanong pa niya.
Kung kanina’y halos manginig na ako sa kaba. Ngayo'y tila mas lalo kong gustong maghestirya nang bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at tiningnan ang paa ko. Nakasuot lang ako ng flipflops kaya malaya niyang nahawakan ang mga daliri ko sa paa.
Bago pa niya tuluyang maitaas ang paa ko’y mabilis na akong umurong.
“What are you doing?” I asked him in surprise.
Halos maeskandalo na ako sa ginagawa niya. Ano ba naman ito?
“Kailangan kong tiyakin na hindi ka nasaktan,” pangangatwiran niya.
Gusto kong itampal ang palad ko sa mukha ko pero mas pinili kong patayuin siya. Hindi ko alam na may side siyang ganito.
Grabe! Nalulula ako sa kaniya!
“Pwede ba tumayo ka na diyan? Napatid lang ako kaya okay lang ang paa ko.”
“Pero—“
“Akane!”
Kakamot-kamot siyang tumayo. “Kayo ang masusunod.”
Huminga ako ng malalim, pinilit pakalmahin ang sarili at inipon ang natitirang huwisyo ko sa sarili at hinarap si Akane. “Wala namang masamang paminsan-minsan ay masugatan ako. Tsa—“
“As long as I can, I will not allow you to get hurt.” He cut me off in a firm voice.
Napatitig ako sa kaniya. “Akane,” I whispered his name.
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya gaya ng hindi ko inaasahan ang pagdaloy ng kakaibang pakiramdam na iyon. Pinabibilis nito ang t***k ng puso ko sa paraang walang kahit sino pa ang nakakagawa. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagsalita, “Hindi ka nakakasigurado,” wika ko habang nakatuon ang tingin sa tubig na bumabagsak mula sa banga ng kerubin. Nakakonekta ang fountain sa mga halaman kaya kung iisiping mabuti ay sa fountain kung nasaan ang kerubin nagmumula ang tubig na idinidilig sa mga halaman.
“Hangga’t naririto ako ay hindi ako papayag na masaktan ka. Kaya sana kung may mga gumugulo sa iyo pwede bang sabihin mo sa'kin?” Hindi man lang nagbago ang paraan niya ng pananalita—maigting at determinado.
I turned to him, looking as if he just told me that the cherubim would walk at twelve o’clock in the midnight, which was unbelievable cause what he just said was unbelievable.
“A-ano bang s-sinasabi mo?” I tried to calm myself, but I’m having a hard time doing it when all I could hear was what he just said, and all I could see was his warm and concerned look at me.
He smiled but it even didn’t meet his eyes. It’s not just sadness that I could see in his eyes, there’s also a hint of desperation. “Alam kong kalabisan itong hinihingi ko lalo at bodyguard mo lang ako pero...” Tumigil ito sa pagsasalita bago yumuko sa harap ko. “Hayaan mong samahan kita sa bawat sandali ng buhay mo… maging masaya man o mabuti...”
Napahawak ako sa dibdib ko.
Gusto kong tumakbo muli palayo pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Para akong tinubuan ng mga ugat sa kinatatayuan kong iyon. Gusto kong magtago mula sa kaniya pero tila may tinig na bumubulong sa akin na hayaan ko siya.
Pakinggan mo siya! Alam niya ang ginagawa niya!
Hindi ko maiwasang hindi matakot na marahil gaya lang siya ng iba ngunit mas malakas ang bulong ng tinig na pakinggan ko si Akane.
Sinubukan kong ngumiti pero alam kong halatang peke lang ang ngiting iyon. “Napatid lang ako pero heto at…..” Umiling-iling ako na para bang ang lahat ng mga nangyayari ng mga oras na iyon ay isang kakatwang bagay. “Bakit? Bakit sinasabi mo ang mga bagay na ito? Hindi ko maintindihan.”
“Dahil katulad ng sinabi ko, gusto kong makita mo ang halaga mo.”
“Andito na naman tayo,” napapagod at nanlulumo kong saad.
Ayoko nang pag-usapan ang halagang sinasabi niya. Akmang tatalikod na naman ako ng muli siyang magsalita.
“Hayaan mong dalahin kita sa hardin mo.”
“Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?” marahas kong tanong sa kaniya. Nagsisimula nang maghalo ang inis, takot at 'yung kakaibang pakiramdam na iyon.
“Ang alam ko lang ay gusto kitang makitang masaya.”
Nahigit ko ang paghinga ko.
Hindi na tama ito.
Bakit? Sino ba siya?
Ano bang plano niya? Ano bang nasa isip niya?
“Sino ka ba sa akala mo?” may talim na tanong ko.
“Ito lang ako, Miss Yume,” Nandoon na naman ang ngiti sa labi niya na palaging punong-puno ng sinseridad.
Bakit ba parang hindi siya napapagod ngumiti?
Tinitigan ko siyang mabuti. Sinubukan kong basahin ang mga mata niya, unawain kung ano bang nais niyang sabihin pero wala akong ibang makita doon. Sa halip, pinipilit niyang ngumiti samantalang ang mga mata niya’y tila naghalo-halo na sa loob ang mga emosyon. Emosyon na habang tumatagal ay nagpapahirap sa aking tingnan.
Nag-iwas na ako ng mga mata.
Alam kong walang patutunguhan kung magsasalita pa ako. Sa nakikita ko’y kahit pabalikin ko rin siya o humanap ng kapalit niya ay malayo ring mangyari. Nagsimula na akong maglakad. Pero sa pagkakataong ito, hindi para tumakbo palayo, sa halip ay palapit sa kaniya.
“Do what you want. Kahit pabalikin kita sa mansion at humiling ng kapalit mo, tiyak na hindi ako pakikinggan nina daddy at mommy.”
Alam kong medyo lame ang dating kaya hindi ko inaasahang matatawa si Akane. Napatingin ako sa kaniya. Madalas siyang nakangiti pero ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Weird,but I found his laugh fascinating.
“Masusunod, Miss Yume.”
Naglakad ako patungo sa dulo ng hardin habang nakasunod siya sa akin.
“Ito ba ang gusto mong ipakita sa akin?” tanong ko.
Binuksan niya ang sliding door. Nagsisimula nang lumubog ang araw dahilan para magkulay-kahel na ang langit. At kahit ang mga tinatamaan ng kulay nito ay tila sinasabayan ito sa sandaling pamamaalam.
“Nagustuhan mo ba?”
“Uhuh...”
Siguro panahon na para harapin ko ang mga bagay na matagal ko nang tinatakbuhan.
“It’s beautiful.” I uttered while looking at the sunset.
Sandaling namayani ang katahimikan sa amin. Nakatuong parehas ang tingin namin sa magandang papalubog na araw.
“Alam mo ba, Miss Yume?” biglang tanong niya.
“Na?” Hindi lumilingon dito na tanong ko nang hindi na siya nagpatuloy sa pagsasalita.
"Alam mo ba kung bakit natutuyo muna ang mga bulaklak bago sila mawala?”
“Ha?” I turned to him, just to see that he’s looking at me, too.
“Dahil kapag natuyo na sila, nagkakaroon sila ng pagkakataong ikalat ang mga buto nila kung saan pwede uli silang mabuhay. Siguro sa ibang pakakataon naman.”
Bahagya kong ikiniling ang ulo ko habang nananatiling nakatuon ang buong atensyon sa kaniya.
“Are you a poet?”
Ngumiti siya. “May nakapagsabi lang sa akin.”
May ngiting binalik ko ang tingin sa papalubog ng araw. “Siguro para makapagsimula muli sila,” wala sa loob na wika ko.
Weird, but everything seems to be fine.