"Sinabi ko na sa'yong kaya ko na iyan," seryosong saad ko kay Akane na kasalukuyang inilalapag sa mesa ang tray ng pagkain.
Ako sana ang kukuha ng pagkain pero mabilis niya akong napigilan. Wala tuloy akong naggawa kung hindi ang bumalik sa pagkakaupo.
"Trabaho ko ito, Miss Yume." Iyan palagi ang pambato niyang salita sakin.
"Bahala ka," sumusukong anas ko.
Nagsimula na akong kumain. Umalis naman siya sa tabi ko at kinausap si Chef Michael na kasalukuyang nasa counter. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik siya.
"Inihanda ko na nga pala ang sasakyan," pagbibigay-alam ni Akane nang makalapit sa akin sabay baba niya sa mesa ng maliit na tasa ng kape.
Tumango ako at bago'y nagsabi ng, "Salamat."
"Walang anuman, Miss Yume."
Kahit hindi ko siya tingnan alam kong nakangiti pa rin siya. Hindi ko alam kung kinasanayan niya na 'yon o talagang likas sa kaniya ang palaging nakangiti. Kahit madalas ay nagsusungit ako o cold ang dating ko sa kaniya ay ngumingiti lang siya sa akin na para bang okay lang sa kaniya kahit anong gawin ko.
Hindi ko maiwasang hindi maalala ang naging usapan namin kahapon. Wala sinuman sa amin ang nagpapa-alala noon pero alam kong nagkakaunawaan kami.
Ngunit naguguluhan pa rin ako sa mga inaasal niya.
Gusto lang kitang makitang masaya.
Hindi ko na matandaan kung ilang beses ng nag-replay sa utak ko ang mga sinabi niya. Pero sa lahat ng sinabi niya ay isang bagay ang tumanim sa isip ko. He was talking about my worth.
Nag-angat ako nang tingin sa kaniya. Seryosong nakatingin siya sa ibang direksyon pero nang tila maramdaman niyang nakatingin ako ay lumipat sa akin ang mga mata niya. Awtomatiko ay nawala ang pagiging seryoso niya at umaliwalas ang mukha niya.
"May kailangan ka, Miss Yume?"
Napapahiyang umiling-iling ako. "Wala," ani ko sabay iwas ng tingin. Doon na ako sa pagkain ko tumingin pero kahit nasa iba na ang tingin ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang hitsura niya.
He was really handsome. I already knew that, but it appeared that everything about him was perfect. From his small face with v-shaped jawline, prominent nose, clear skin, to his warm and beautiful brown eyes that seemed to envelop me every time he looked at me, and his small lips that always curved a smile at me.
Hindi talaga siya mukhang bodyguard lang.
Dahil sa isiping ito ay wala sa loob na nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga.
Nang matapos akong kumain ay niligpit na ni Akane ang pinagkainan ko at dinala sa counter. Natuon ang pansin ko sa kabilang mesa kung saan may babaing kumakain din habang sa tabi nito ay may lalaki ding naka-suit. Isa iyon sa napansin ko sa lugar. Bawat nakikita kong kumakain o nagpapalipas ng oras sa Lounging Area ay may nakasunod na bodyguard. Kapansin-pansin din na sa kabila ng napakalaking gusali na ito ay mabibilang sa daliri ang nakikita kong kapwa tenant, at halos kokonti din ang mga staff sa paligid.
Simula pa nang dumating kami ay gusto ko nang itanong kay Akane ang tungkol sa mga napapansin ko pero nauunahan ako ng kaba. Sa totoo lang ay halos wala akong alam tungkol sa Galleria. Una sa lahat ay sina daddy at mommy ang pumili ng lugar. Pangalawa, kahit sinubukan kong hanapin sa internet ang tungkol sa Galleria ay walang masiyadong impormasyon maliban sa kung gaano kaganda ang facilities ng lugar.
Siguro, sa ibang pagkakataon ay tatanungin ko siya, bulong ko sa isip.
"Hi!"
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng may matinis na tinig ang nagsalita mula sa likuran ko.
Napalingon ako sa nagsalita.
There, a girl, perhaps around my age, was walking towards me. I watched her as she waved her hand to me, and secretly examined her from head to toe. Perhaps, she had the same height as mine. Her hair was pulled in tight ponytail, and I could see the glint of sweat that’s forming on her forehead. She was wearing a red, snugged short-sleeve jersey shirt, a red spandex bike short, white wristband on both hands, white high socks, and white rubber shoes. All the while she was walking to me, she was smiling from ear to ear, her eyes were sparkling with glee, and it’s sort of making me feel uncomfortable.
"You must be new here?" The strange girl asked cheerfully when she reached me.
"Yes." I answered shortly just to be polite. I didn’t stand, but shifted my position so I’m facing her.
"I'm Aila. Aila Namesis," she said, then offered her hand for a shake hand.
Namesis? Why does it sound familiar?
Feeling a bit uncomfortable, I stand and faced her. "Yume Arcadia," I introduced myself to her.
Sinadya kong hindi banggitin ang apelyido ko. I want to start again without having my surname as my maecenas when it’s come to knowing people.
"Nice to meet you," she said.
"Nice to meet you, too." I tried to smile, hoping it appeared to be a genuine one instead of a fake one.
Binitiwan niya ang kamay ko, pero hindi pa ako nakakabawi ay mabilis ang kilos niyang lumapit sa akin. Sobrang lapit na halos ilang pulgada na lang ang layo namin sa isat isa.
Geez! She’s on my space! My mind began to race. I’m about to get back my hand but she moved closely.
"You’re a Hezena, right?" There’s a hint of playfulness in her eyes before she smirks.
Pagkabanggit niya pa lang ng apelyido ko ay bigla ang naging pagkabog ng dibdib ko. Nanlalaki ang mga mata sa gulat na napatingin ako sa kaniya.
What?
Hindi pa ako nakakabawi nang may bigla na lang humila kay Aila palayo sa akin. Sa isang kisapmata rin ay lumitaw si Akane sa harap ko. Wala na akong ibang nakita maliban sa kulay itim na suit ni Akane.
"Ang bilis mo naman," dinig ko ang matinis na boses ni Aila. And, I could say, even without looking at her, she’s smirking.
"Okay ka lang ba, Miss Yume?" lingon sa akin ni Akane.
"O-oo. Nagulat lang ako," tugon ko kay Akane.
Umalis ako mula sa likuran niya at pumunta sa gilid niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa isang kisapmata lang ay nawala na si Aila sa harap ko at bigla ay si Akane na.
Paanong nagawa niya’ yon?
"Chill lang. Nag-uusap lang sila," wika naman ng isang malamig at baritonong tinig ng isang lalaki.
Napalingon ako sa estrangherong lalaki na nagsalita. Sino siya?
Beside Aila was a man in black suit. He had a crew cut hair, chiseled face, hard and tight jaw—making him good-looking yet kind of scary, and he was looking at Akane in a serious way. My gaze shifted to Akane just to see that he was doing the same.
Geez. This isn’t good.
Not thinking anything, I absent-mindedly held on Akane’s arm.
"Okay lang ako. We’re just talking." I said softly trying to calm him.
He stared at the other man for a beat before he then turned to me. From being serious, his face warmed as his eyes roamed at my face. Not long after, he smiled at me. His body seemed to relax.
Mukhang nawala nga ang napakaraming maid at bodyguard ko pero napalitan naman ng overprotective na bodyguard.
Geez!
Binalingan ko sina Aila at qng bodyguard niya. "Sorry about this," I apologized.
"My apology," Akane humbly bowed his head at Aila. "Not just used having someone in my lady’s space," he calmly continued.
My head whipped at him and I gaped at him.
..my ladys space?
My heart beat began to race in a full tilt. My hand at his arm tightened. I know, it didn’t mean anything, but I couldn’t help not to think anything. Masiyado nang nagiging magulo ang isip ko lalo na kapag nasa paligid si Akane.
Isang hagikhik ang kumawala kay Aila dahilan para mapalingon ako. "Ang sweet ninyo naman. You two looks like a couple." Ngiting-ngiting komento ni Aila na para bang wala lang ang nangyari kanina.
Na-relax na rin ang bodyguard na nasa tabi niya. Bagama’t tila normal ng ekspresyon ng mukha nito ang pagiging seryoso, naniningkit pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa amin, hindi lang sa amin kundi sa mismong bahagi kung nasaan ang kamay ko. Sinundan ko ang tingin niya sa kamay ko na nakapulupot sa braso ni Akane.
Para akong itinulos sa kinatatayuan ko at dali-daling bumitaw kay Akane.
Ano ba itong ginagawa mo, Yume?
"Bodyguard ko siya at isa pa..." Nilingon ko si Aila. "Bakit alam mong isa akon—?"
"Sources and ways of Galère," her voice hitched.
Napakurap ako.
"What?" I asked, sounded confused.
“Laters. Anyways, Im sorry. I don’t mean to surprise. Na-excite lang ako nang makita kita.” Parang walang nadinig na saad ni Aila bago lumapit muli sakin.
Akane tried to move in front of me to put distance between me and Aila, but I stopped him immediately.
"O-okay lang." Hindi ko maiwasang hindi mailang sa tingin ni Aila. Bukod doon, hindi ako sanay na ganito tratuhin ng ibang tao lalo na at kung kakikilala ko pa lang.
"Well, siya nga pala si Brandon—my bodyguard," pagpapakilala ni Aila sa lalaking kasama.
Nang nilingon ko siya ay tahimik pa rin siyang nakamasid sa'min. Though the seriousness at his face lessened, and his lips twitched. "Hi, Miss Yume."
"Hello."
"How about you?" Aila diverted her eyes to Akane.
"Akane, Miss. Ikinagagalak kong makilala kayo," magalang na tugon ni Akane kay Aila.
"Ang galang mo naman," puna ni Aila. "Hindi katulad nito." Inginuso ni Aila si Brandon na sinabayan pa nang pag-ikot ng mga mata.
Sinulyapan ko si Brandon pero parang wala lang siyang nadinig mula kay Aila dahil hindi man lang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Sa halip ay nagsalita siya, "Miss Aila, mabuti pa ay umakyat na tayo at magpalit ka nang damit mo."
"Alam ko," ingos ni Aila sa kaniya bago binalingan ako. "Sama ka sa kwarto ko doon na lang tayo magkwentuhan."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Masiyado akong nabibilisan sa takbo ng mga pangyayari.
"Ha? H-Hindi na Actually—"
"Wag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama sa'yo. We’re on the same track," pag-aaya pa din ni Aila. Tumabi siya sakin at hinawakan ako sa kabilang braso.
Same track? bulong ng isip ko.
Sa mukha nito ay parang hindi ito marunong tumanggap ng salitang hindi, bawal at ayoko. Bukod doon ay parang nakakatakot i-turn down ang nakangiting cute niyang mukha. Yeah, she looked cute. She had a small heart-shaped face, full lips, and those twinkling black eyes.
Nilingon ko si Akane. Nakatitig din siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Nakangiting tinanguan niya ako na tila ba sinasabi niyang okay lang, andito ako. Hindi kita iiwan.
At tingin ko ay sapat ng assurance iyon kaya nakangiting tumango din ako.
"Sige," baling ko kay Aila.
"Okay," masayang bulalas ni Aila bago hinila na ako patungo sa elevator. Sumunod naman sina Akane at Brandon sa amin.
Mukhang magiging mahaba ang maghapon nila.
NAGLALAKAD na kami pabalik sa silid ko. Nang sulyapan ko ang wristwatch ko ay mahigit ala-una na ng hapon. Hindi ko inaasahang magiging mahaba ang pagkukwentuhan namin ni Aila. Kung matatawag bang pag-uusap iyon na halos hindi ko alam ang isasagot ko. Marami siyang kwento at aminado akong na-enjoy ko ang mga oras na nakasama ko siya. Nakakatuwa rin kung paano pakitunguhan ni Aila at Brandon ang isa’t isa. Mukhang seryoso si Brandon which is kabaligtaran naman ni Aila. Hindi rin nakakapagtakang magkaroon sila nang pagtatalo.
Palihim kong sinulyapan si Akane na kasabay kong naglalakad.
Mangyari kaya din sa amin iyon? Maranasan ko din kayang makipagsigawan sa kaniya? O makipag-asaran?
Weird pero natatawa ako kapag nai-imagine ko, lalo pa’t napakahinahon at magalang ni Akane. Maliban sa iilang naunang pag-uusap namin, kanina ko lang siya nakitang sobrang seryoso.
"Andito na tayo, Miss Yume."
"Ha?" Lihim akong napangiwi ako nang mapansing nasa tapat na pala kami ng pinto ng unit ko.
"Salamat, Akane," ani ko sa kaniya.
"Walang anuman, Miss Yume." Binigyan niya ako ng magiliw niyang ngiti.
Akmang tatalikod na ako nang may maalala ako. Hinarap ko siya.
"Bakit, Miss Yume?" nagtatakang tanong niya nang mapansin ang reaksyon ko.
"K-Kung sakali bang magtanong ako ay sasagutin mo ako?" Iyon na ata ang isa sa pinaka-weird na bagay na sinabi ko pero gusto kong makatiyak bago ako sumugal.
Lumarawan sa mukha niya ang pagtataka ngunit kaagad ring nakangiting tumango. "Basta’t makakaya kong sagutin, Miss Yume."
"Kung ganoon" Tinitigan ko siyang maigi. Gusto kong makatiyak na lahat nang sasabihin niya sa'kin ay totoo. "Sabihin mo, nanggaling ka na ba dito sa Galleria?"
"Oo at hindi," mabilis niyang tugon na labis kong ipinagtaka.
"Ano?" Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Ano bang ibig sabihin niya?
"Oo, nanggaling na ako dito bago pa tayo lumipat dito. Kailangan kong tiyakin ang bawat pasilidad. Kung saan ang angkop na lugar para sa silid mo, kung ano—."
“Okay. Okay. Aawat na. Kuha ko na,” pigil ko sa lahat ng sasabihin niya. Pakiramdam ko'y alam ko na kung saan papunta ang mga sinasabi niya. Hindi pa man ay gusto kong magsisi at tinanong ko pa siya. "At, bakit may hindi?"
"Hindi, dahil…" Sandaling tumigil ito sa pagsasalita at tila pinag-iisipan kung sasabihin ba sa kaniya o hindi. "Marahil nabanggit na ni Miss Aila kung ano ang Galleria sa inyo, pero hindi ako bodyguard ng Galleria’s Security Agency."
Alam niya pero wala siyang binanggit.
"Bakit kailangan pa ni daddy na kumuha sa ibang ahensiya kung ang lugar na ito ay nagbibigay ng sadyang security?" Hindi ko siya sinusubukan pero pakiramdam ko ay may hindi siya, sila nina daddy, sinasabi sa akin.
"Sa tingin ko'y mas makakabuti kung sa inyong ama ninyo na lang manggaling ang sagot sa tanong na iyan." Walang nagbago sa reaksyon niya at casual lang din ang pagkakasabi niya kaya hindi ko alam kung nagsisinungaling siya o may tinatago ba siya.
"Naiintindihan ko," pagsang-ayon ko bago tumalikod na. Hinawakan ko ang doorknob, handa nang buksan ang pinto. "Siguro ay sa sunod na ang ibang tanong. Aasahan kong hindi ka magsisinungaling sa akin," mahina kong saad habang nakatalikod sa kaniya.
Wala akong tugon na nakuha sa kaniya. Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Sasarhan ko na dapat ang pinto pero tila may kaniyang isip ang mga kamay kong itinigil ang pagsasara. Hinarap ko siya. Nakatingin siya sa akin. Walang emosyon ang mukha niya.
"Sabihin mo, kung sakali bang hindi ako ang babaing pinagsisilbihan mo ngayon…" Sandali akong tumigil sa pagsasalita at lihim na huminga ng malalim. “Kung sakali ba... m-magiging ganiyan ka rin ba sa kaniya? Kung paano mo ba ako pakitunguhan ay ganoon din ba ang gagawin mo?”
Hindi ko alam kung saan nagmula ang tanong na iyon. Hindi ko rin alam kung anong sumapi sa akin at itinanong ko ang bagay na iyon ngunit huli na para bawiin ko pa. Ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin siyang sagot. Magkadiit ang mga labi niyang nakatingin sa akin.
Ano nga bang dapat kong asahan? Hindi ko maiwasang hindi makadama ng disappointment nang wala akong nakuhang sagot sa kaniya.
At the end, I faked a smile. "You don’t have to answer. Nauunawaan ko." Pilit kong pinasigla ang boses ko. "Sige, magpahinga ka na rin muna."
Akmang saaarhan ko na muli ang pinto ng bigla niyang iharang ang kamay sa pagitan ng pinto. Huli na nang mapansin ko kaya hindi ko sigurado kong naipit ba siya.
"Akane!" Hindi ko mapigilang hindi sumigaw sa pag-aakalang naipit ko siya. Mabilis kong ibinukas ang pinto at hinuli ang kamay niya. "Ano bang iniisip mo?" Naiinis kong tanong habang hawak ang kamay niya.
"Wala ito, Miss Yume," balewalang wika nito.
"Anong wala? Alisin natin itong gloves para makasigurado ako."
"Hindi na kailangan—."
"Tahimik!" Mariin kong awat bago hinila ko ang gloves paalis sa kamay niya. Hindi ako nagkamali ng sapantaha. Mas magagandang tingnan ang daliri niya kapag walang gloves. Dahil maputi ang kamay niya ay halata ang pamumula ng ilang daliri niya. "Masakit ba?" tanong ko.
"Wala ito, Miss Yume," aniya bago gamit ang kaliwang kamay ay inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanang kamay niya. "Hindi mo kailangang mag-alala. Maliit lang na bagay," nakangiting aniya bago ibinalik ang gloves.
"Pero…" Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Bagay na ikinaiinis ko. Hindi naman ako dati ganito. Kahit makita kong hirap na hirap na ang mga maid. Maaawa lang ako pero hanggang doon na lang iyon. Wala akong gagawin maliban sa tingnan sila.
"Alam kong may kailangan ka pang gawin kaya pumasok ka na," pagtataboy niya sa'kin.
Nang tingin ko ay hindi rin naman siya magpapapilit ay hinayaan ko na siya. "Okay." Tumalikod na at pumasok nang tuluyan.
"Miss Yume, always remember that we’re always on the same track."
Hindi ko na nagawang magsalita dahil naisara na niya ang pinto.
. Were on the same track…
Napahawak ako sa dibdib ko nang madama na naman ang malakas na kabog ng puso ko.
Oh God, I think I have a heart problem.