Words. There are lots of words inside my head. Weird, but it’s all his words.
Gusto lang kitang makitang masaya.
Gusto kong makita mo ang halaga na meron ka.
Nagmulat ako ng mga mata. Parang sirang CD na paulit-ulit nagre-replay sa utak ko ang mga salita ni Akane at kahit ang imahe niya habang sinasabi ang mga salitang iyon ay hindi nawawala.
Miss Yume, always remember that we’re always on the same track.
Naguguluhan ako. Hindi ko siya maunawaan. Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko dahil hindi ko mapigilang hindi maging masaya sa mga sinasabi niya.
However, I couldn’t help but to be afraid. Everything was new to me. He’s a news to me. Him, acting like that was new to me. And me, feeling a weird funny emotion, emotions that he made me felt was kind of overwhelming. I’m not good at people, not even good at judging. At hindi ko tiyak kung ang lahat ba nang sinasabi niya ay totoo o idinadaan niya lang ako sa mabubulaklak na salita.
Paano kung katulad lang din siya ng iba? Ito na lang palagi ang tanong na pumapasok sa utak ko.
Hinila ko ang kumot ko hanggang sa may leeg. Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog. Hindi rin mawala sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Aila kanina.
“Don’t you know?”
“Ha?” Nagtatakang sinulyapan ko siya.
Sa unit niya kami dumiretso. Hindi nagkakalayo ang ayos ng unit namin. Pagpasok ay ang salas kung saan ay may mga couches, center table, TV set, mga DVD's and CD's. Sa kanan ng unit ay ang nag-iisang bedroom, sa kaliwa naman ay ang kitchenette kung saan may sarili siyang stove, fridge at iba pang gamit pang-kusina. Halos nagkakaparehas man ang ayos ng unit nagkakaiba naman kami pagdating sa kulay. Mahilig akong magpinta pero madalas na naglalaro lang sa kulay puti, cream o beige ang kulay ng silid ko. Even the colors of my things and furnitures, I always wanted it cream, mocha-colored, or black. Samantalang ang silid ni Aila ay babaing-babae ang dating dahil sa pale pink nitong kulay. Maging sa mga gamit niya ay kulay pink at mangilan-ngilang color blue. Thankfully, they were all light color kaya hindi masakit sa mata.
“Kung bakit ka sa Galleria dinala?”
Bumalik ang atensiyon ko sa kaniya pero dahil hindi ko alam ang isasagot ay hindi ko kaagad naggawang magsalita. Sa ilang taon, nasanay akong sunod lang nang sunod sa sinasabi nina mommy at daddy. Madalas hindi na rin ako nag-aabalang alamin pa kung ‘bakit kailangang ganito' o 'bakit kailangang ganiyan' ang gawin ko.
“Natahimik ka,” untag sa akin ni Aila.
Napakurap ako at ngumiti ng pilit sa kaniya. “Wala rin akong alam. Sa totoo lang ay isa ito sa kondisyon para payagan nila akong umalis ng mansion.”
‘I know I’m being careless para magkwento sa kaniya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I have this feeling na mapagkakatiwalaan ko naman siya. Isa pa…’
Nilingon ko si Akane na nasa kabilang bahagi ng silid, kausap si Brandon. Alam kong hindi niya hahayaang sumama ako kina Aila kung masamang tao sila.
“A forlorn princess…” Aila murmured as if she’s grazing every word on her mouth.
I looked back at Aila.
Nginitian niya ako. Ngiting puno nang simpatya at pang-unawa. Marahil kung tiningnan niya ako ng tila nakakaawa ay baka tumakbo na ako palabas ng silid.
“Don’t worry. Been there.” Nakangiti siya pero kita ko sa mata niya ang pagsungaw ng lungkot. Mabilis at halos sandali lang pero sapat na para makita ko. “Pero matagal na ‘yon at halos nakalimutan ko na.” She laughed—half of it was to maintain her composure while the other half was sort of humorless.
Ikiniling ko ang ulo ko para titigan siyang mabuti. Kung titingnan ay hindi makikitang dumaan siya sa mga pinagdaanan ko. She looked cheerful.
“You don’t believe me?” she asked.
“Ha? H-hindi naman sa ganoon pero... kasi...”
She sat back and started to share. “I’m fourteen nang umalis ako sa amin. It was for temporary, ‘yon ang usapan namin ni papa pero ilang taon na’y hindi pa rin ako bumabalik,” pagkukwento ni Aila habang nakatingin sa hawak na baso.
“Bakit ayaw mong bumalik sa inyo?” tanong ko.
Tumawa siya. “Masyadong masaya dito para gustuhin ko pang bumalik sa malaki nga pero napaka-boring na mansion na iyon. I know it’s sound selfish but we’re humans, it’s expected. As a teen, these days are the days we always yearn for freedom.”
I bit the insides of my cheek.
"Freedom," I whispered.
Ilang araw pa lang ako dito at kahit madalas hindi maganda ang kinababagsakan ng usapan naming dalawa ni Akane ay gugustuhin ko pa ring manatili dito. I’m still under the watch of bodyguard. But, being under Akane's nose was different. I have this feeling that I could be what I want to be.
At hindi ako nasasakal.
“Paano ang tungkulin mo?” wala sa loob na tanong ko.
Nakita ko ang malungkot na ngiti sa labi niya. “Hindi ko nakakalimutan iyon. I know one day ay babalik ako ng mansion para harapin ang mga responsibilidad ko. But for now, gusto kong e-enjoy ang buhay ko ngayon. I’ll enjoy the present and don’t worry about tomorrow.” Mula sa malungkot na side ay biglang sumigla siya. Nakakamangha kung paanong bigla na lang niyang naa-uplift ang emotion niya.
Aila was like a flowing water. Napakadali para sa kaniyang magkwento at mag-open ng mga bagay-bagay. Isang katangiang kabaligtaran niya. Marahil kaya niya lang nagagawang magsabi dito ay dahil napaka-genuine ng demeanor nito.
“Hayy. Ang lungkot naman nang usapan natin. Iba na lang...” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko gamit ang isang kamay niya. “Kung handa kang makinig, kekwentuhan na lang kita.”
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Weird, but it felt warm.
“Kahit alam kong kakakain niyo pa lang, Miss Yume ay papaalalahanan kong kumain pa rin kayo habang nagkukwento si Miss Aila.” Nabaling ang atensyon ko kay Brandon na kasalukuyang nagbababa ng pagkain sa harap table na nasa harap namin.
Hindi pa ako nakakabawi sa mga sinabi niya ay lalo akong natigilan nang ngumiti siya. Aminado akong medyo nakaka-intimidate siya ngunit nang ngumiti siya ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.
“S-salamat,” tipid kong ani kay Brandon.
“Hmmpph. Manahimik ka diyan ha.” Ingos ni Aila kay Brandon.
“Kung sakaling gusto mo nang umalis at hindi ka makasabat sa pagsasalita niya ay senyasan mo lang kami ni Akane doon,” paalala pa ni Brandon na tila walang narinig kay Aila.
“Hooyyy, anong sinasabi mo diyan?” Nagsimula nang lumakas ang boses ni Aila.
Kinindatan ako ni Brandon bago tinalikuran na kami. Napamaang ako sa ginawa niya kasabay nang pag-init ng magkabilang pisngi ko.
He winked!
“Hoyy, Kinakausap pa kita!”
Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Aila.
“Miss Aila, may bisita kayo. Hindi ganiyan ang tamang pagkilos,” paalala ni Brandon habang naglalakad palayo. At kahit nakatalikod si Brandon ay alam kong nakangisi pa rin siya.
Nakapamaywang nang tumayo si Aila. “At mang-aasar ka pa talaga…”
Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Itinakip ko ang likod ng palad ko para hindi nila mapansing natatawa ako sa kanila. Baka lalong mainis si Aila
“Miss Yume, tubig.” Ibinaba ni Akane ang pitsel ng tubig at dalawang baso sa table.
“S-salamat.” Nahuli ata niyang pinagtatawanan ko 'yung dalawa dahil hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Minsan ko nang nakita ang kislap na iyon nang mahuli niyang nakangiti ako. At para pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko'y ibinalik ko ang tingin ko kina Aila.
“They’re funny.”
“Yeah, they are.” Nakangiting pagsang-ayon ni Akane, pero hindi siya sa kanila nakatingin kundi sa akin.
Oh!
I decided to ignore the weird, yet good feeling that’s creeping in my insides and focused at Aila and Brandon. Aila was glaring at Brandon, but Brandon seemed not affected at those.
Wala talagang mag-iisip na mula rin sa mayaman at prestihiyosong angkan si Aila sa mga kilos niya pero mas walang maniniwala na bodyguard lang nito si Brandon kapag nakita kung paano sila maghabulan at magsigawan.
I smiled, a big one smile while letting the weird but funny feeling crept in.
Just this time…
HINDI ko maiwasang hindi mapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina habang nasa silid kami ni Aila.
Nalaman ko lang na anak siya ng isa sa mga kasosyo ni daddy sa negosyo. Ang mga Namesis ay isa sa mga mayayamang angkan na nagmamay-ari ng malalaking hotel sa loob at labas ng bansa. Hindi ko ugaling tandaan ang bawat taong nakikilala ko sa mga okasyon sa mansion pero nang magbanggit siya ng tungkol sa mga pag-aangkat ng ginto at kung ano-ano pa naalala ko na isa ang pamilya nila sa mga kasosyo ni daddy.
Madalas kasing sabihin ni mommy na kailangan kong kilalanin ang mga kasosyo nila dahil balang araw ay ako na ang hahawak ng mga negosyo namin.
Ako naman? Minsan ginagawa ko, madalas hindi.
Gayunman, nalaman kong bunso si Aila at dahil may kuya naman siyang maaaring magmana nang paghawak ng negosyo nila ay tungkulin naman niyang palawigin ang pakikipag-ugnayan sa ibang mayamang angkan na madalas ay nangyayari sa pamamagitan ng arrange marriage. It may sounds cliché but it’s true.
Common na halos ang ganoong set-up ngayon. At isa rin iyon sa tungkulin ko lalo na at wala namang lalaki sa pamilya namin. That was also one of the reasons why I am kept inside our mansion.
Kept in?
Gusto kong matawa. Am I really being kept or I’m just too coward to go out?
Pero wala na ako sa mansion, hindi pa naman huli ang lahat para magsimula muli. And maybe daddy knew that.
I let out a sighed as my mind wondered again.
“Galleria is a complex for young heirs.”
Hindi ko maiwasang hindi mapakunot-noo sa sinabi ni Aila.
“Siguro napansin mong halos kokonti tayong nakatira dito. Halos konti lang din ang staff at marami ay halos hindi nalalayo sa edad natin. This whole complex is exclusive for young heirs na katulad natin. Pero hindi mo kailangang mag-alala na parang wala ding ipinagkaiba sa pagtira sa mansion dahil dito ay hinahayaan kang gawin mo ang gusto mo as long as na hindi ka mapapahamak. They are making us safe without causing too much pressure on us. Kung mapapansin mo din lahat halos ng nakatira dito ay may kaniya-kaniyang bodyguard,” pagpapaliwanag ni Aila.
Maang lang akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita siya. Napapansin ko lahat ng mga bagay na nabanggit niya pero hindi ako makapaniwala sa ibang sinabi niya.
“Maybe your father decided na dito ka dalahin to make sure that your safe kahit hindi ka napapalibutan ng maraming bodyguard. Isa rin kasi ang Galleria sa may mataas na kalidad ng security. Marami rin sa bodyguard ng mga nakatira dito ay mula sa security agency ng Galleria. Doon kasi galing si Brandon at pangalawa ako sa mga binantayan niya. He started serving as bodyguard when he was eighteen.”
“H-hindi ko…” Tumigil ako. Hindi ko alam ang sasabihin at iisipin ko. May kiliti sa puso ko sa isiping dito ako dinala ni daddy. Gusto niyang hayaang sumubok ako but in a way na safe ako. Hindi kaya, hinihintay niya lang na…
Napakagat-labi ako.
“Huwag kang mag-alala. Wala rin akong alam ng bagong dating pa lang ako. Matagal ko ring kinulit at pinahirapan si Brandon noon bago niya sinabi sa akin lahat.”
Hindi ko maiwasang hindi makadama ng inggit sa kanila.
They seemed close and attuned with each other. Mukhang marami na rin silang alam sa isa’t-isa. Sabagay, ilang taon na din naman pala silang magkasama.
Still…
Pasimple kong nilingon si Akane. Marami siyang alam sa akin pero wala man lang akong alam tungkol sa kanya.
“Nabanggit mong galing sa security agency ng Galleria si Brandon?” Ibinalik ko ang tingin ko kay Aila.
“Uhuh... Ang sabi ni Brandon ay maaga silang sinanay noon para maging mga bodyguard. Pagka-graduate ni Brandon ng elementary ay sa sadyang paaralan ng agency siya nagtrabaho. Nakakainis lang dahil hanggang ngayon ay ayaw niyang banggitin sa akin kung bakit maaga siyang pumasok sa pagbo-bodyguard.” Sumimangot si Aila ganoon pa man ay hindi nakalingat sa akin ang paglungkot ng mga mata niya. “He is serving me for almost four years and yet ayaw niyang sabihin. Kahit anong pang-aaway ko sa kaniya ay ayaw niyang mag-share. He’s always keeping me in the dark.”
‘Pang-aaway?’ napangiwi ako. Kakaiba talaga itong si Aila.
“Pero alam mo...” Naging curious ang mukha ni Aila. “Nakita namin kayo ni Brandon noong unang araw na dumating kayo pero sabi niya ay hindi raw niya kilala si Akane. Kapag kasi may nadadagdag sa agency o ipinapasok dito ay nalalaman nila kaagad. But it seems na walang idea si Brandon. Saang agency ni'yo kinuha si Akane? Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng bodyguard dito na hindi galing sa Galleria mismo.”
Hindi ko kaagad magawang sumagot sa tanong ni Aila. Lalong lumala ang lungkot na naramdaman ko. As lame as it was, pero ako na yata ang taong walang kamuwang-muwang sa mundo.
Sa halip na magpadala sa nararamdaman ay pinilit kong ngumiti.“Ang totoo ay hindi ko alam. My father’s friend referred him.”
“Don’t be sad.” Pumitik sa hangin si Aila. “Sa nakikita ko naman ay malaki ang pag-iingat niya sa’yo, so I think safe ka sa kaniya.”
“Hindi naman ako na—"
“Your eyes speaks louder that your mouth.” Nakangiting wika ni Aila bago isinumpit ang buhok ko na tumatabing sa gilid ng mukha ko. “You have beautiful eyes, yet they are so sad. Stop being a forlorn princess.”
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig kay Laila bago muling nagsalita siya.
“Is he new?” Lumagpas ang tingin niya sa akin. Marahil ang tinutukoy nito ay si Akane.
Tumango-tango ako.”Halos isang linggo pa lang.”
“I bet, magtanong ka lang at sasagot siya. Stop thinking too much. Sometimes the problems are only in our heads. Malay mo siya na rin ang may dala ng mga sagot sa mga dati mo pang tanong,” makahulugang saad ni Aila.
Walang salitang nakatitig lang ako sa nakangiti niyang mukha.
TAMA naman si Aila. Magtanong lang ako at sasagot si Akane pero bakit parang nag-aalala pa rin ako?
Sabihin mo, kung sakali bang hindi ako ang babaing pinagsisilbihan mo ngayon kung sakali ba, magiging ganiyan ka din ba sa kaniya?
O baka iba na ang mga tanong na nabubuo sa isip ko at umaasa ako sa ibang sagot.
Miss Yume, always remember that we’re always on the same track.
Nakangiting niyakap ko ang unan ko at pumikit.
Maybe, I have to start making that forlorn princess sleep first and wake up the new Yume. Maybe if I could do that, I’ll find my way to my rightful garden.
Humigpit ang yakap ko sa unan.
Thanks God for bringing me here.