"Say, young princess, gagawin mo ba?" tanong sa'kin ng isa sa mga babae.
Umiling-iling ako. "H-hindi. Ayoko."
"Miss, ayaw daw,” baling ng hindi ko nakikilalang babae sa katabi niya pang babae.
Narinig ko siyang tumawa nang malakas. "Masiyado naman kayong mainipin, medyo pahirapan niyo pa ng konti at baka bibigay na."
Ang babaing iyon... akala ko…
Hindi ko maiwasang hindi maluha. Nakakasuka ang tinig niya. Nakakasuka siya. Hindi ko akalaing naniwala ako sa kaniya. Pinagkatiwalaan ko siya.
Napahiyaw ako ng bigla na lang may sumipa ng silyang kinauupuan ko. Bumagsak ako sa sahig. Lalong tumindi ang p*******t ng katawan ko dahil sa pagtama ng braso at mga tuhod ko sa sahig.
Mas lalong lumakas ang tawanan sa paligid ko. Inignora ko iyon at sinubukang tumayo pero dahil sa p*******t ng paa at braso ko ay hindi ko magawa. Wala akong magawa maliban sa titigan siya. Sa mga mata ko ay mahigit pa siya sa isang ahas. Hindi ako makapaniwala na may mga katulad niya.
"Ano? Gagawin mo na ba?" tanong uli ng isa sa mga babae.
Hindi ako sumagot na lalo niyang ikinagalit. Akmang sasampalin niya ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Papunta ang guard dito!"
Pagkarinig ng mga salitang iyon ay mabilis na nagpulasan ang mga babaing nasa loob ng silid.
"Babalikan kita, mahal na prinsesa." Nakangising saad ng babae bago iniwan na akong mag-isa.
Sinubukan kong tumawag ng tulong ngunit wala ng boses na lumalabas sa bibig ko hanggang sa mapuno ang silid ng mga boses.
"Miss—“
Hindi ko na alam ang nangyari pang sunod. Ang alam ko lang, nagdilim na ang lahat sa paligid ko kasama na ang pag-asa at ang pagtitiwala.
NAGMULAT ako ng mga mata. Ilang segundo pa'y narinig ko na ang malakas na tunog ng alarm clock. Oras na para bumangon. I stretched then got up. Kumuha agad ako ng tubig at uminom. Kakaiba ang pakiramdam ko, para bang nag-iinit ang pakiramdam ko dahil sa sobrang tensyon o marahil dahil ng panaginip ko—panaginip kong hindi ko matandaan.
Inubos ko ang tubig sa baso. After I made my bed, I went to the bathroom and have my cold shower. I needed to cool down because this day will surely be different from the other days.
Nang matapos maligo ay nakasuot ng bathrobe akong lumabas ng banyo habang pinupunasan ang buhok ko ng puting towel. Binuksan ko ang closet ko para kumuha ng isusuot. Ito ang unang araw ng pasukan at dahil nasa senior high na ako, I have to come in my school uniform. Kinuha ko ang uniporme at isinuot ko. My top was a small collared white-cuffed-shirt sleeve with a dark red bowtie. I inserted the top at my knife-pleated above the knee dark red skirt. I also wore black high socks and black loafers. After I brushed my hair, I just let it down. When I'm done, I grabbed my bag and my dark red coat then ready to move.
"Good morning, Miss Yume," nakangiting salubong ni Akane. "Bagay sa inyo ang uniform ninyo."
Pakiramdam ko'y nag-init kaagad ang magkabilang pisngi ko. "Good morning at salamat."
Pagkatapos kong kumain ay inihatid na ako ni Akane sa school.
Malayo pa ay tanaw ko na kaagad ang mataas na gate ng Villaluz University. Kilala ang Villaluz University na paaralan ng mga kilalang tao, mga model, artista, anak ng mga politiko o kahit ng mga mayayamang pamilya. Limitado at sinasala ang nakakapasok sa university dahil mahigpit sila sa seguridad. Literal ding pribado ang paaralan dahil hindi hinahayaang may mga balita na makalabas mula sa loob. Once na pumasok ka, anumang nangyari sa loob ay hanggang loob lang, lalo pa at maaaring makasira ng reputasyon ng mag-aaral. Maaaring maganda para sa iba pero hindi para sa lahat. Lalo na kung ikaw ang sentro ng atraksyon.
"Hanggang dito ka na lang. Sunduin mo na lang ako mamaya," ani ko kay Akane nang makababa ng sasakyan.
May parking lot sa labas ng campus at doon niya ako ibinaba. Mahigpit na ipinagbabawal ang magpapasok ng mga personal bodyguard sa loob dahil may sadyang naka-duty para mag-rounds oras-oras.
"Walang problema, Miss Yume."
Pumasok na ako sa loob ng malaking gate. Malaki at malawak ang buong university. May tatlong bahagi ito: isa para sa elementary level, isa para sa junior at senior high level at ang isa naman ay para sa college level. Magkakaiba din ang gate kung saan pumapasok at lumalabas ang bawat level.
"Hindi ba't si Arcadia iyan?"
“Tagal rin niyang nawala.”
"Hmmpph. Akala ko ay ililipat na siya."
"Mukhang malabo, balita ko umalis na siya ng mansion nila."
"Talaga? Akalain mo iyon, lumabas ang daga sa lungga niya."
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sanay na ako sa mga naririnig ko. Isa pa, kasama ito sa mundo ng alta-sosyedad. Hindi na bago sa akin ang mga sinasabi nila. Mas makabubuti na lang na huwag na lang silang pansinin.
Hindi pa ako nakakalayo ng may madinig akong tumawag sa akin.
"Yume!"
Napalingon ako. "Aila."
Humahangos na lumapit si Aila sa akin. Pinagmasdan ko siya sa suot niyang uniform, lalo siyang cute tingnan.
"Kanina ka pa?" tanong niya.
"Hindi naman, halos kararating ko lang," tugon ko sa kaniya. "Bakit ba humahangos ka?"
"Eh, kasi naman, sabi ni Brandon before seven daw ay dapat nandito na sa school. Nalaman ko lang na niloloko niya lang ako para magmadali ako. Naiinis talaga ako sa lalaking 'yon." Dire-diretsong kwento ni Aila, halos kapusin na nga siya ng hininga dahil sa bilis magsalita.
"Ayaw niya lang ma-late ka," malumanay kong ani sa kaniya.
Sumimangot siya. "Kahit pa. Hayy, ang lalaki talagang yun! Kung hindi lang, matagal ko na siyang pinaltan," naka-pout pa niyang wika
"Mabuti pa ay hanapin na lang natin ang room natin."
Tumango siya. "Mabuti pa nga."
Magkasabay kaming naglakad. Alam kong maraming mata ang nagtataka kung bakit bigla ay nagkaroon ako ng kasama, ng kaibigan. Sa ilang taon, pumapasok akong walang kasama, palagi akong mag-isa at walang kausap. Madalas mag-isa ako.
O kung meron man… hindi ganito…
Nang makita namin ang classroom namin ay halos magtatalon na naman sa saya si Aila ng malaman niyang magkaklase kami. Tumigil na lang muna kami sa labas ng classroom ng mapansin naming wala pa halos mga estudyante sa loob ng classroom.
"Mabuti na lang at magkaklase tayo," masayang bulalas niya.
"Natutuwa din ako." Hindi ko mapigilan ang pagsupil ng ngiti sa mga labi ko. Palagi kong hinihiling na sana isang umaga magising akong hindi na nag-iisa.
"Alam mo dati isa sa kinakatakot kong araw ang unang araw ng pasukan," wala sa loob na kwento ni Aila. Nakatingin siya sa kabilang building.
Gusto kong sabihing ako din pero mas pinili kong manahimik.
Nasa second floor ang aming room kaya malaya naming nakikita ang mga taong naglalakad sa baba. Parang maliliit pero makukulay na langgam ang mga estudyante sa ibaba. Nakangiti ko silang pinagmamasdan nang matuon ang atensyon ko sa grupo ng mga babae na naglalakad patungo sa pares na building kung nasaan kami.
Awtomatikong may kung anong tila sumaksak sa dibdib ko ng makilala ang isa sa mga babae.
"Dito din pala sila building na ito." Napalingon ako ng madama ang pagseryoso sa tinig ni Aila. Hindi siya sa akin nakatingin, sa halip ay sa baba, sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina.
"Kilala mo sila?" tanong ko.
Tumuwid ng tayo si Aila. "Walang hindi nakakakilala kay Ezelliana Mondragon."
Tama siya.
"Kilala ang babaing iyan hindi lang sa pailalim niyang kamalditahan at pambu-bully. Ugali niyang maglaro ng mga hindi nakakatuwang laro. Kapag ginusto niya ay gagagawin niya lahat sa sariling paraan niya." Base sa mukha ni Aila ay hindi talaga gusto nito si Ezelliana.
Hindi ako sumagot. I knew her and I have my own fair share of experience. Palihim kong nakuyom ang palad ko.
Ezelle... my mind whispered.
NATAPOS ang una hanggang pangalawang subjects namin. Orientation pa lang kaya halos wala kaming ginawa kundi makinig at magpakilala.
"Grabe, kasisimula pa lang ay inaantok na ako," humihikab na wika ni Aila. "Paano na lang kung 'yong mismong klase na baka matulog na ako ng tuluyan."
"Kumain na lang tayo, baka gutom ka lang," aya ko kay Aila bago isinara ang bag.
"Mabuti pa nga. Ano kayang masarap kainin?"
"Sweets," wala sa loob na suhestiyon ko.
Nilingon niya ako. "Pansin ko ngang mahilig ka sa sweets."
Mahilig nga ako sa matatamis. Sa sobrang hilig ko sa matamis ay kaya kong makaubos ng ilang cupcakes. Isa sa mga bagay na kung minsan ay ipinagbabawal sa akin ni Akane. Hinahayaan niyang kumain ako ng matatamis pero kontrolado lang o kung minsan ay hahayaan niyang kumain ako nang kumain pero kinabukasan ay hindi na pwede.
Wala sa loob na napasimangot ako. Para akong bata sa ginagawa niya.
"Miss Yume, lahat ng sobra ay masama." Nakangiti pa siya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Nawala ang pagsimangot ko at napailing na lang ako. Bata talaga ang tingin niya sa'kin.
"Mukha ngang mahilig ka sa sweets, pero hindi ko alam kung anong sweets ang nasa isip mo at ngiting-ngiti ka diyan." May pilyang ngiti sa labi ni Aila.
"Ha?" Napa-urong ako sabay iwas ng tingin sa kaniya. "Hindi naman ako ngumingiti." Hinawakan ko ang bibig ko.
Bakit ba kasi bigla na lang pumapasok sa isip ko si Akane?
Tumawa si Aila. "Halika na nga. Kakain tayo ng maraming sweets habang wala ang mga obstructers natin."
May ngiting tumango ako at sumunod na ako sa kaniya.
Matapos naming kumain ay nagpaalam sandali si Aila na pupunta siya ng C.R. Sinabi ko naman na sa classroom na lang ako maghihintay. Hindi ko na rin matagalan ang mga tinging ipinupukol sa akin ng ibang estudyante lalo nang makita nilang magkasama kami ni Aila. Hindi ko tuloy maiasang hindi mag-alala para kay Aila. Ayokong madamay siya sa kung anong gulong maaaring dumating sa akin.
Kasalukuyan na akong naglalakad pabalik sa building ng may tumawag sa akin.
"Arcadia."
Tumigil ako ng paglalakad. Pamilyar sa akin ang tinig na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang tinig na iyon.
Lumingon ako.
"Ezelle," banggit ko sa pangalan niya.
Pasimple ko siyang pinagmasdan. Wala pa rin siyang pagbabago, kahit nakasuot lang siya ng uniform ay umaangat pa rin ang ganda niya kasabay ng mapaglaro niyang mga ngiti. Tiyak na sa isip niya, kabaligtaran ng kagandahan niya ang naglalaro.
Naging alerto ako nang lumapit siya sa akin.
"Kumusta ka, mahal na prinsesa?" may mapaglarong ngiti sa labi niya. Namaywang pa siya habang iniikutan ako. "Balita ko umalis ka na sa lungga mo, totoo ba?" Hinawakan niya ang buhok ko at pinaglandas doon ang mahahaba niyang daliri.
Nagtataka talaga ako at hindi man siya nasisita dahil sa matingkad pa sa dugong kulay ng nail polish niya.
Tiningnan ko siya ng matiim nang tumigil siya sa harap ko. "Tunay na may pakpak ang balita."
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Mukhang nakakalanghap ka nang hangin ng totoong mundo. Nagkakatalas na ang dila mo," sarkastikong wika ni Ezelle. Mula sa buhok ko ay lumipat ang kamay niya sa pisngi ko. "Pero, ito ang tandaan mo… para ka lang sanggol," ngumisi ito, "…gumagapang pa lang." Binitawan niya ako at tumatawang tumalikod.
Mag-isa lang siya pero matapang pa rin siya. Hindi siya katulad ng ibang babae na tumatapang lang dahil may bodyguard o maraming kasama. Ginagamit niya ang utak at pagkatuso niya para lang magpaikot ng tao.
"Hindi ko inaasahang makikita kita kaagad, Ezelle."
Muli niya akong hinarap. Gaya ng dati ay may kakaibang ngisi sa mapupula niyang labi, nakaarko din ang maninipis niyang kilay.
"Isa lang ang ibig sabihin nito," lalong lumapad ang pagkangisi niya, "lumiliit na ang lugar na ito para sa ating dalawa."
Hindi ako nagsalita. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Sa tingin koy naging malapit kayo ng Namesis na iyon." Tumingin siya sa kabilang bahagi ng paaralan. May naglalarong ngiti sa mga labi niya.
At alam ko rin ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon.
"Huwag mong igaya sa akin si Aila," mahina pero mariin kong wika.
Tumatawang lumingon si Ezelle sa akin. "Mukhang nagkakapolusyon na din ang utak mo. Do you think you're ready for me now? Hindi ka pa nga nagtatagal nakakalabas ng lungga mo," sarkastikong balik niya.
Naikuyom ko ang palad ko. Alam kong hindi ko kaya si Ezelle. Kailanman ay hindi ko sinubukang gawin ang ginagawa niya, ang mga paraan niya. Wala ako ng tapang na katulad ng sa kaniya pero hindi na ako papayag na ulitin niya na naman ang ginawa niya dati.
"Maganda ang kalidad ng Galleria hindi lang sa pasilidad pero higit lalo sa pagbabantay ng mga batang tagapagmana. Sa tingin mo..... tatagal ka kaya sa lugar na iyon?"
Nagsalubong ang mga kilay ko.
Alam niya! Marami na kaagad siyang alam tungkol sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan at mainis tuwing naiisip ko ang mga kaya niyang gawin.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "If I were you, I'll start to watch my back." Hinawakan niya ako sa balikat. "We'll see each other, Arcadia Hezena." Nakangising binitawan niya ako.
Wala akong nagawa kung hindi pagmasdan ang palayong si Ezelle.
"Ezelliana Mondragon, wala ka pa ring pagbabago."
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko napansin na halos hindi ako humihinga habang magkausap kami. Isang taon na pero ganoon pa rin ang epekto niya sa akin-niya. Ano pa kaya ng mga kaya niyang gawin?
Marahas akong umiling at pilit pinalis ang takot na nagsisimulang gumapang sa loob ko.
Hindi!
Hindi na ako papayag na maulit pa ang nangyari dati.
Hindi ngayon.
Hindi kailanman.
DAHIL sa hindi inaasahang pagtatagpo naming ni Ezelle ay parang nasira na ang araw ko. Tahimik ako sa mga nartitira pang oras. Naging tahimik din ako sa buong biyahe habang pauwi. Hindi rin nagsasalita si Akane na ipinagpapasalamat ko naman. Sigurado akong hindi ako makakapagsinungaling sa kaniya kapag nagkataon.
"Magpapahinga muna ako," ani ko kay Akane habang sakay kami ng elevator.
"Gusto mo ba ng chocolate cupcakes o ice-cream?" marahan niyang tanong.
Malungkot akong ngumiti. Mabuti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko. Pero, bakit pakiramdam ko'y alam niya ang nararamdaman ko.
"Marami na akong nakain kaninang matamis, okay lang bang kumain ako uli?"
Naramdaman kong tumabi siya sa akin. "Unang araw mo sa school at natapos iyon ng maayos kaya sa tingin ko'y ayos lang. Celebrate it, Miss Yume."
Sa pagkakataong ito ay tiningala ko siya. "Salamat."
Matamis siyang ngumiti sa akin. Mas matamis pa sa kahit anong alam kong matamis.
NAKABIHIS na ako nang dumating ang meryenda ko. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit si Nesh ang may dala ng pagkain ko.
"Pasensiya ka na, Miss Yume, bigla kasing ipinatawag si Akane sa surveillance room kaya ako na muna ang nagdala nito."
"Yume," pagtatama ko sa kaniya.
Tumabingi ang ngiti niya. "Sorry, Yume."
Ibinalik ko ang isip ko sa una niyang sinabi. "Bakit? May problema ba sa surveillance room?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam," tugon niya habang ibinababa ang tray sa table ko.
"I see."
"Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka pa," nakangiting wika ni Nesh.
Tinanguan ko siya. "Sige, salamat."
Nang makalabas siya ng silid ay sinimulan ko nang kainin ang ice cream na dala ni Nesh. Habang kumakain ay binuksan ko ang cellphone ko. I clicked at my Goggle App then typed some words. Maraming larawan ang mabilis na lumabas.
Sumubo ako ng ice cream habang nagtitingin sa cellphone. Napapakunot ang noo ko pero isang bagay lang ang nasa isip ko.
I have to be cautious now.