Ilang oras pa ang inilagi namin sa mall bago nagpasiyang umuwi. Hapon na nang sapitin naming ang Galleria. Habang daan ay tahimik kaming lahat,
“Bye, Yume,” paalam bigla ni Aila.
Napatunghay ako nang marinig ang tinig ni Aila.
“Miss Yume,” ani naman ni Brandon. Nang balingan ko siya ay tinanguan niya ako at sumunod na din kay Aila.
Pinagmasdan ko sila hanggang sa tuluyan nang sumara ang elevator.
“Masaya ka ba, Miss Yume?” tanong ni Akane ng maiwan na kaming dalawa.
Hindi ko inaasahang tatanungin niya ako pero sa pagkakataong ito ay isang bagay ang nakakasigurado ako. “Sa tingin ko,” may ngiti sa labing tugon ko. “Ngayon ko lang nagawa ang lumabas ng ganoon.”
Masarap pa lang magkaroon ng kaibigan.
Kaibigan? bulong ng isip ko. May kaibigan na ako?
“Magkaibigan na tayo kaya kapag may gusto ka, sasabihin mo sa akin para masubukan natin.” Hindi ko mapigilang hindi matulala kay Aila habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Ilang taon na nananatili lang ako sa loob ng mansion. Walang kausap maliban sa mga maid at bodyguard na puro simpleng usapan. Nagkaroon ako ng mga itinuring kong kaibigan pero nagkamali ako nang magtiwala ako sa kanila.
“It’s good to see you enjoying,” Akane said as his eyes warmed.
I grazed my lower lip. "Masaya din ako."
Bumukas ang pinto ng elevator at tahimik kaming lumabas, kahit habang binabagtas namin ang pasilyo patungo sa silid ko ay nananatiling tahimik kami. Malapit na kami sa pinto ng silid ko nang maalala ko ang cellphone. Bigla ay inalihan ako ng takot at kaba.
“Ipapasok ko lang po ito,” ani Akane.
Walang salitang tumango ako habang sa loob ng isip ko ay napakaraming tanong ang pumapasok. Anong gagawin ko? Paano ko ibibigay sa kaniya? Anong sasabihin ko? Hindi kaya magalit siya o baka isipin niyang mababa ang tingin ko sa kaniya?’
Kung ano-anong tanong ang pumapasok sa isip ko na lalo lang nagpapakaba sa'kin.
“Miss Yume, andito ang unit mo.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapansing kong lumagpas na pala ako sa pinto ng unit ko.
Yume, bakit ba lipad na naman ang utak mo? naiinis kong bulong sa sarili ko.
Kahit parang gusto ko nang matunaw sa hiya ay pinilit kong ngumiti. “Hehe, hindi ko napansin. Baka—” Natigilan ako ng mapansing seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
“Pasensiya na at hindi ko napansin na napagod ka na.” Walang kangiti-ngiti ang mukha niya nang magsalita.
“Akane...”
Ano na naman bang iniisip niya?
“Hindi.” Umiling-iling ako habang nakangiti. “Masaya lang ako ngayon kaya hindi ko napansin. Stop making a big deal about it.”
Sandali niya akong tinitigan bago nagsalita, “I see.” He uttered but it seemed that he didn’t believe me.
I sighed. “Halika sa loob,” aya ko sa kaniya.
Maluwang kong binuksan ang pinto para makapasok siya.
“Doon sa mesa na lang na iyon mo ilagay ang mga iyan.”
Ibinaba ko ang dala ko sa sofa. Inabot ko ang isang paper bag na kulay itim samantalang, maingat na inilagay ni Akane ang pinamili namin sa ibabaw ng table. Nang mailapag na ang mga bag ay naglakad na siya patungo sa may pinto.
Pagkakataon ko na pero bakit hindi ako makapagsalita.
Pinagmasdan ko lang siya habang palapit sa may pinto. Mariin kong hinawakan ang paper bag. Nanginginig ang dalawang kamay ko.
Geez! Ngayon pa ba ako pangungunahan ng kaba?
“Miss Yume, aalis na ako. Magandang gabi,” nakangiting paalam ni Akane. Akmang isasara na nito ang pinto ng tila may sariling isip ang mga paa ko na humakbang palapit sa kaniya.
“Akane,” tawag ko sa kaniya at pinigilan siya sa kamay.
Gulat siyang napatingin sa akin. Naglipat ang tingin niya sa mukha ko at sa kamay kong nakahawak sa ibabaw ng kamay niya.
It's now or never. Stop being coward, Yume.
“Miss Yume,” nagtataka ang mukha niya.
“Ah.. kasi…” Hindi ko alam kung paano sisimulan.
Ano bang dapat gawin? Ano bang dapat kong sabihin? Geez! Gosh!
“May gusto po ba kayong ipaggawa?” tanong niya. Bumalik ang buong atensyon ko sa kaniya.
Marahas akong umiling at humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
“Miss Yume….”
“W-wag ka m-munang umalis. M-may kailangan akong ibigay sa'yo.” Nagyuko ako ng ulo. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko maiwasang mag-stutter.
Ilang segundo ang lumipas hanggang sa maramdaman ko ang pagkilos niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ginagap iyon.
“Miss Yume,” malumanay niyang banggit sa pangalan ko.
Bakit kapag siya ang bumabanggit ng pangalan ko ay kumakabog ng ganito ang puso ko? At kahit ang mga tingin niya ay kakaiba. Pakirmdam ko ay ako na ang pinakaimportanteng tao sa mundo.
Nag-angat ako ng mukha at kaagad ay nakangiti niyang mukha ang sumalubong sa akin. His warm smile telling me 'everything' is going to be fine. I don’t have to worry about anything.
“Akane…”
Tumango siya at binitawan ang kamay ko.
“W-wag sanang sasama ang loob mo pero gusto ko lang ibigay ito,” mabilis ang paraan nang pagsasalita ko sabay abot sa kaniya ng paper bag.
Halo-halo ang reaksyong inaasahan ko sa kaniya pero may kung anong kirot sa loob ko na makitang sa halip na tanggapin ay tiningnan lang niya ang bag.
Napakurap ako. “Bakit?” hindi ko mapigilang tanong.
“Hindi ba sa'yo iyan?” nagtatakang tanong niya.
May kinuha ako sa bulsa at ipinakita sa kaniya. “Heto ang sa akin.”
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang natigilan.
“Akane…”
“Kalabisan ito, Miss Yume. Isa pa ay may ginagamit naman ako.” Gumalaw ang kamay nito at dumukot sa loob ng suit.
Nang maipakita niya sa akin ang kulay itim niyang cellphone ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon ko lang napatunayan kung gaano ako walang kaalam-alam sa paligid ko.
“Nauunawaan ko,” mahina kong wika.
'This is all nonsense.’ I suddenly feel the need to be alone.
Minsan hindi ko din ginagamit ang utak ko. Bakit ba hindi ko naisip na kailangan niya sa trabaho niya kaya imposibleng wala siyang cellphone?
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I wanted to slap my face for being stupid.
Pero gusto ko lang bigyan siya…
“Pwede ka nang magpahinga,” ani ko sa pilit pinasiglang tinig. I plastered a fake smile.
“Miss Yume…” He murmured my name, the same tone when he thought that I’m in the midst of something. His eyes were looking intently at me, soft, and glittery.
I can’t take it.
I’m about to turn my heel when he suddenly grasped my hand and in one swift move, he gently turned me to him. He also managed to get the paper bag from my hand.
Nagulat na lang ako nang makitang binubuksan na niya ang paper bag. Inilabas niya ang box at mula sa box ay inilabas niya ang cellphone. Habang ginagawa niya ito ay wala siyang imik na para bang bawat sandali ay ninanamnam niya. Ibinaba niya ang paper bag at box sa malapit na cabinet, nakatuon ang atensyon niya sa cellphone.
Sinulyapan niya ang cellphone kong hawak. Pasimple kong itinago iyon at tumingin sa ibang direksyon.
I bought the same unit, mine is color white with gold swirls accent around its case while him is color black with the same design as mine.
“Parang couple cellphone lang,” ngiting-ngiting wika ni Aila habang pinagmamasdan ang saleslady na binabalot ang cellphone.
“Couple cellphone?” nagtatakang tanong ko.
Sandali niya akong tiningnan bago natatawang umiling. “Nothing.”
Napalunok ako. Mukhang gets ko na si Aila. Napapikit ako nang mariin sabay kagat sa pang-ibabang labi ko.
Lupa, bumuka ka at lamunin mo ako.
“It’s the same as yours,” mahinang saad ni Akane. “The color is different but…” dugtong pa niya na para bang hindi makapaniwala.
My cheeks flushed as I opened my eyes and let go of my lip.
“S-sa t-tingin ko kasi'y—” Napatigil ako ng may biglang bumagsak sa sahig. “A-anong?” gulat kong tanong ng makita ko ang mismong cellphone ni Akane sa sahig.
Napatingala ako sa kaniya pero nananatiling nakangiti siya. Tumalungko siya at nilimot ang ibinagsak na cellphone.
“Mukhang hindi ko na ito maggagamit. Nabasag na.”
Ibinuka ko ang bibig ko pero walang salitang lumabas mula sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
Paanong hindi mababasag ay ibinagsak mo?
“Sa tingin ko ay kailangan kong tanggapin ang ibinigay mo, Miss Yume,” he said before faced me with a big grin on his lips, amusement was shining in his eyes.
Wala akong magawa kundi ang tumulala lang sa kaniya, nakaawang ang mga labi at halos manlaki ang mga mata. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
Nakatulala pa rin ako nang humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa yumuko siya para magkapantay ang mukha namin. Hindi siya sobrang lapit pero sapat na para maamoy ko ang mabango niyang hininga.
He smelled mint.
“Thank you, Miss Yume,” he spoke as his eyes trained on me.. “Hindi mo kailangang gawin ito.” Bahagyang nagbago ang kislap sa mga mata niya. I could see affection, but there’s also a hint of sadness with those eyes.
“I-I just want to give that to you. I’m just… actually… wasn’t thinking nang binili ko iyan.” Pinilit kong mag-iwas ng tingin sa kaniya, but there’s something with his eyes that stopped me from doing so.
He smiled. “Anything from you will surely make me happy,” he murmured in a tender voice. “But, please...” He stopped talking and to my surprise his right hand lifted in my face.
“Akane,” I said softly when I focused on him.
‘Why?’ I whispered in my mind. ‘Why are there a lot of emotions in his eyes?’
Nananatili akong nakatingin sa mga mata niya hanggang madama ko ang daliri niya sa pisngi ko. He just touched me there and let his fingers rest on my cheeks. He didn’t move, as if he just wanted to feel me.
“Please, when the right time comes,” his voice sounded husky. “Gusto kong ako ang gagawa ng mga bagay na ito para sa'yo.”
Wala sa loob na napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. I think, my heart gonna burst. Habang tumatagal ay bumibilis ang t***k nito.
“What do you mean?” tanong ko sa mahinang tinig.
Naguguluhang naghintay ako ng tugon niya pero ngumiti lang siya. Ibinaba na niya ang kamay at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang panghihinayang na lumarawan sa mukha niya. Or maybe, it’s my imagination dahil ngumiti siya kaagad.
“Ipagpaumanhin mo, Miss Yume,” aniya bago tumuwid ng tayo. “Hindi ko lang inaasahan ito. Huwag kang mag-alala, iingatan ko ito.” Bumalik na siya sa dati niyang demeanor, ang Akane na bodyguard ko. Nawala ang sweet na Akane.
“W-wala iyon. Isipin mo na lang na pasasalamat ko iyan sa'yo,” Hindi madali pero pilit kong pinakaswal ang pagsasalita ko.
Nakakaunawang ngumiti siya.
Ilang sandali pa ay namaalam na siya. Pagkalabas niya ay isinara ko nang pinto. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko.
What was that? bulong ng isip ko.
Weird, but my body seemed so alive. I could feel my heart beating so fast. I could feel his warm and minty breath, his soft caressed and his affectionate stare. All of them seemed to envelop my whole body, my mind until it reached my heart.
It’s the same feeling—the weird yet funny and sweet feeling that crept inside.