Nang makarating sa bahay, dali dali akong bumaba dahil hindi ko matagalan ang nararamdaman ko. Nauna na kong naglakad papasok ng bahay and he was just behind me.
"Andito na pala kayo" binati kami ni manang na galing pa mula sa kitchen.
May dala siyang ulam na ngayon ay naghahain na sa dining area namin.
"Wala pa po si mommy?" Tanong ko dahil 6:30 na.
Kung andito na kasi siya ay siya na mismo ang maghahain ng ulam besides it's saturday, usually naman ay kapag ganito ay half day lang siya.
"Wala pa Mira, tumawag naman siya na baka mga alas syete o alas otso na makakauwi, sinabi ko na din na dito kakain si Kith kaya aagahan niya daw" tumango ako.
"Upo ka muna or do you want to go upstairs?" Nahihiya kong tanong.
Bakit ko siya niyaya sa taas? Anong gagawin niya doon? Iwinaksi ko iyong iniisp ko.
"Yeah, actually can I use your bathroom maliligo sana ako" napakurap kurap ako sa sinabi niya.
Dala niya nga pala ang duffle bag niya na ngayon ko lang napansin.
Wala sa sarili akong tumango na lang kaya sumunod siya sa akin sa itaas. Pumupunta naman siya sa kwarto ko pero bakit parang iba ngayon?
"Uh you can use the extra towel below may sink na nakafold may mga sabon din doon na extra kung ayaw mong gamitin iyong akin" mahina kong sabi.
Pumasok ako sa agad sa walk in closet ko. Mabuti na lang ay hiwalay siya sa bathroom ko. Hingang malalim Mira baka masobrahan na naman yang puso mo.
Narinig ko ang tubig mula sa bathroom ko, this will be the first time he will take a bath in my room. Para hindi madagdagan ang kung ano mang iniisip ay nagpalit na lang ako ng damit. I wore my usual pambahay clothes, a t-shirt and a dolphine shorts.
Lumabas muna ako ng kwarto para bigyan siya ng pribadong moment para sa sarili. Nasa kama ko kasi ang duffle bag niya at baka maasiwa kami kapag maabutan niya ako doon kapag lumabas siya.
Ikaw pa rin ang magaadjust kahit sa sarili mong kwarto. Gustong gusto mo talaga e no Mira. Napapailing na lang ako sa sarili kong pag-iisip habang bumababa sa hagdan.
"May gusto ka pa bang ipaluto Mira?" Dumiretso kasi ako sa kusina para tignan sila manang.
Tinanong niya ako nun kahit nakaluto na sila. Ayaw ko naman silang abalahin pa at saka tatlo lang kaming kakain. Bakit pa magdadagdag kung tutuusin ay hindi naman namin mauubos ang lahat ng ito.
"Wala naman na po basta lang huwag niyong lalagyan ng hipon iyong ulam dahil allergic si KJ nun" tinikman ko iyong chicken curry na niluto nila.
"Naku alam na namin iyan, ilang beses mong sinasabi iyan sa amin tuwing pupunta siya dito" ngumiti siya sa akin.
"Naninigurado lang po, baka hindi na siya bumalik kapag nagkaallergy siya dito" napailing si manang
"Paanong hindi babalik e andito ka naman" ngumuso ako.
Bakit ako ang magiging dahilan ng pagbabalik balik niya dito?
Narinig ko naman ang kotseng nagpapark sa labas na paniguradong si mommy. Hindi nga ako nagkamali nang pumasok siya sa side door. Mukha pa siyang pagod na pagod galing trabaho. Pareho pa ata sila ni tita Kelly na naisstress galing sa mga problema ng negosyo.
Tita Kelly in the other hand owns a shipping company, kaya madalas siyang nagpapabatangas dahil nandoon madalas ang trabaho niya. Ganoon din noong buhay pa ang daddy niya but KJ on the other hand wanted to become a lawyer, hindi naman siya pinipigilan ng mommy niya pero hindi rin naman ganun kamanhid si KJ para makitang kailangan din siya ng mommy niya sa kompanya kapag nagkataon. One of the things that I admire about KJ is the love he have with his family, lalo na nung nawala ang daddy niya. Siya ang madalas mag-alaga na ngayon sa mommy niya. Minsan ay sumasama nga ito sa Batangas kahit hindi sabihin ni tita kahit may klase pa. Despite na iba ang iniisip minsan sa ugaling mayroon sa kaniya, harsh, snob and masungit. He have a good heart kaya hindi niyo rin ako masisisi.
"Oh, akala ko nandito si Kith?" Luminga linga siya para hanapin si KJ.
"Nasa kwarto po naliligo, nalalagkitan ata kasi nagbasketball" tumango naman siya.
"Magpapalit lang ako and then we will eat if gutom na kayo" nagpaalam siya para pumunta sa taas.
"Bago ata na nandito siya ngayon ng wala ang mommy niya Mira" si manang habang nagpriprito ng isda.
"Nasa Batangas po kasi ang mommy niya wala po siyang kasamang magdinner kaya niyaya ko na po dito. Mabuti nga po pumayag" sagot ko.
"Naku, mabuti at nakikita kong madalas kayong mag-usap ngayon. Noon kasi ay kahit hindi mo naman sabihin ay nakikita namin kung paano ang relasyon ninyo" tipid akong ngumiti.
"Mira your phone is ringing" tawag ni KJ mula sa loob, nandito kasi ako ngayon sa dirty kitchen.
Pumasok ako ulit sa loob para kunin ang telepono ko mula sa kaniya. Bagong ligo na siya ngayon, basa ang buhok at nakawhite t-shirt. Nakaupo siya sa bar stool at nakalapag doon ang dalawang telepono. Isa ng kaniya st isa ng akin. Inabot niya ang telepono ko.
"Sorry naiwan ko pala sa taas" inabot ko ito.
Sa pagmamadali kong bumaba kanina ay nakaligtaan ko ng kunin ang phone ko.
"Bakit ba sorry ka ng sorry, do I look mad at you?" Umiling ako.
"Baka lang magalit ka kasi maingay" Nakakatakot na sa tuwing bumabait siya sa akin nandun yung baka bigla siyang magalit any moment.
Tinignan ko agad ang phone kong si Benedict ang tumatawag.
"Why is he always calling you, hindi ka naman niya girlfriend" pahabol pa niyang sabi.
"Hello Benedict?" Medyo lumayo ako kay KJ.
Sinundan naman niya ako dahil nararamdaman ko ang presensya at paninitig niya galing sa likuran ko.
"Bakit di niyo ko sinama sa lakad niyo kanina" nagtatampo na ba siya niyan?
Wala man lang hello, o hi ang bungad sa akin.
"Hello din sa'yo di ba Benedict" sigurado akong nakanguso na siya ngayon.
"At saka bakit ka namin isasama? Papagawa ka din bang gown?" Pagbibiro ko.
Naupo ako sa sofa, naupo din naman siya sa tabi ko. Bakit nga ba ulit niya ko sinundan dito? At bakit din siya umupo sa tabi ko? The last time I check ayaw na niya akong katabi.
Bumait na nga dina Mira, sulitin na lang.
"Alam mo ikaw nahahawa ka kay Heather ng pagiging pilospo" baka sa kaniya pa ako nahawa.
"Wow hah! Sa ating tatlo sino kayang madalas mang-asar?" Sabi ko pa.
Hindi siya nagsalita, kaya sumeryoso na ako baka mamaya ay tuluyan pa siyang magtampo.
"Sorry na, sasamahan na lang kita magpagawa ng suit mo. Okay na?" Pambawi ko.
"'Yan ang mga gusto ko sayo Vedano" para siyang babae minsan, pabago bago ng mood
"I'm hungry" rinig kong sabi ng katabi ko, medyo malakas pa yun kaya siguradong narinig ni Ben.
"Ano Mira?! Hoy nasaan 'yan bakit may boses lalaki?!" Over react ni Benedict.
"Para kang nanay ko minsan Benedict" sagot ko.
"Sino nga 'yun? Nasa labas pa kayo? Sama ako" pagmamaktol niya.
"Mamaya ka na nga tumawag, nandito lang ako sa bahay, busy ako Benedict bye" binaba ko na agad ang tawag bago pa siya magtanong at mangulit ulit.
Nagring ang cellphone ko, sasagutin ko dapat ulit dahil hindi ito titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot pero nakita ko nang bumababa si mommy sa hagdan kaya pinatay ko. Tumayo kami pareho ni KJ para salubungin si mommy.
"Naku, Kith mabuti na lang ay inalok ka ni Mira na dito kumain kung hindi ay kami talaga ang pupunta sa bahay niyo para kumain" humalik si KJ kay mommy sa pisngi.
"Thank you po sa dinner" ngumiti si mommy sa kaniya.
"Ibinilin ka sa akin ng mommy mo actually may sinabi si Kelly" naupo na kami sa hapag dahil natapos na pala maghain sila manang.
"Gusto ni Kelly na dito ka muna for a week dahil walang magaasikaso sa'yo she might stay there for a week, kakatawag niya lang" napahinto ako sa pagkuha ng kanin sa narinig.
Tinignan ko agad si KJ, nag-iisip siya hindi niya siguro alam ang sasabihin kay mommy. Ayaw pa naman niya na naiipit sa mga ganitong sitwasyon. Alam ko naman dahil hindi niya sinasabi pero nararamdaman ko. It's probably for showing respect kaya ganun.
"Kaya ko naman po tita sa bahay mayroon din naman po sila manang na mag-aasikaso sa akin" umiling agad si mommy.
"I insist, tama naman ang mommy mo. Dumito ka na lang muna para mapanatag iyang mommy mo" walang nagawa si KJ kundi tumango.
He will live with us for a week, never I imagine him here.
"Uuwi po muna ako ngayon para kumuha ng gamit bukas po ay pupunta din po ako dito" paalam niya nang uuwi na siya.
Nagpaalam kami sa kaniya, hinatid namin siya sa labas hanggang sa kotse niya.
"And you, let me see what you have in mind for your gown" binalingan niya ako nang papasok na kami sa school
Iyon ang ginawa namin ng gabing iyon, ipinakita ang idea na ibinigay ng tita ni Heather. She approve it all, maganda daw sa mata ang champagne at hindi masyadong bata tignan dahil sa mature na kulay nito.
Ikwinento ko din kay Heather ang pagtira ni KJ pansamantala sa amin. She looks more excited than me. Naeexcite daw siya para sa akin. Ako? Rather than excited, I am happy dahil makakasama ko siya kahit man lang bago kami lumipad papuntang abroad para sa surgery ko.
Umiling ako, I will not think of the surgery for now. Gusto kong sulitin na lang muna ang mga pagkakataon.
Kinaumagahan ay pinalinis agad ni mommy iyong guest room na pagtutulugan ni KJ although araw araw namang nililinis ay ipinaayos niya pa rin.
"Mommy" nandito kami ngayon sa garden ng bahay at naghihintay sa pagdating ni KJ.
"Hmmm?" Tinitgnan niya ako.
"Hindi niyo po ba triny ulit ni daddy na sundan ako?" Tanong ko.
I can see how she wanted to have a son like KJ o ng isa pang anak.
"Mira, iyong naramdaman namin sa'yo na takot na muntik ka nang mawala pa kahit noong kapapanganak mo pa lang ay enough na para sa amin" malungkot niyang sabi.
"At nagpapasalamat ako na nandito ka" hinaplos niya iyong kamay ko.
"Ay Kith nandyan ka na pala" napalingon kami ni mommy sa kadarating na si KJ.
Hindi namin narinig ang pagdating niya. Tumayo na kami para lapitan at batiin siya. Ang mga kasambahay na din namin ang kumuha ng gamit niya para iakyat sa kaniyang kwarto.
"If you need anything, huwag kang maghihiyang magsabi" tumango siya kay mommy.
"Mira, ituro mo na sa kaniya iyong kwarto niya"
"Po" napatingin ako kay mommy na tumango sa akin.
Nauna akong mag-lakad, sumunod din naman siya sa akin. Nasa tapat ng kwarto ko ang kwarto niya.
"Uh baka magalit ka na nasa tapat ng kwarto mo ang sa akin, si mommy ang namili" to my defense.
Ayaw ko ng magalit siya sa akin, okay na siya sa akin these days.
"I didn't say anything" sabi naman niya.
Pumasok siya sa kwarto niya, he didn't close the door kaya pumasok ako ng konti.
"Uh kung may kailangan ka sabihan mo lang ako or kung ayaw mo sa akin ay kina manang na lang" pinapanood ko siyang nagbubukas ng bagpack niya.
"Mira you don't have to feel sorry or what while I am here. Ako ang nakikitira, ako ang magaadjust" sabi niya, ibang iba sa laging sinasabi ng isang KJ.
"Sige" nahihiya kong sabi at saka lumabas.
Nang bumaba ako ay nadatnan ko ang isang Benedict na nakaupo sa living room namin na may dalang tatlong box ng pizza. Nang makita ako ay malaki ang naging ngisi niya. Anong ginagawa nito dito.
"Ginagawa mo dito?" Bungad ko na nagpasimangot sa kaniya.
"Hello din sa'yo Mira" He rolls his eyes on me.
"Kasama ko kasi si Heather na pupunta dito, nahuli lang siya magswiswimming daw dito" nakangiti na ulit siya ngayon.
"May sarili ka namang swimming pool, sigurado akong ikaw na naman nagplano" pang-aasar ko sa kaniya.
"At saka babawian ko pa kayong dalawa ni Heather hindi niyo ko sinama kahapon" may sama pa rin siya ng loob.
Ang atensyon naman niya ngayon ay sa may hagdan namin. Magsasalita pa sana ako pero hindi naman niya ako pinapansin kaya napatingin ako sa parteng tinitignan niya. Nakita ko si KJ na pababa ng hagdan namin.
"Bakit nandito 'yan" hindi nga pala niya alam.
"Wala 'yung mommy niya ngayon wala siyang kasama kaya dito na lang muna siya" sabi ko naman.
"Malaki na 'yan Mira" umiiling iling pa.
"Mommy ko kausapin mo Benedict, ako ba nagdesisyon?" Siniko ko pa siya.
"Gustong gusto mo naman" ngumiti ako sa kaniya.
"Tss, ipinagtanggol pa naman kita sa kaniya tas hanggang ngayon crush mo pa din" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Nasaan si tita?" Liningon ko si KJ na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa.
"Sumama ata kay manang maggrocery" sabi ko dahil madalas niyang gawin kapag sunday.
"Lalabas ka ba?" Tanong ko dahil hawak niya ang susi niya.
"Sana, pero hindi na lang pala" tumalikod na siya at bumalik sa itaas.
"Yabang" bulong bulong ni Benedict.
"Huwag ka ngang ganyan" sinimangutan ko siya.
"Oo na hindi na, hindi naman ako mananalo sa'yo" inilabas niya ang cellphone niya para tignan ang messages ni Heather.
Nang dumating si Heather ay dumiretso silang pool, ako naman ay pinipilit nilang magswimming pero dahil ang aga aga at ang lamig lamig ng tubig ay ayaw ko pa.
"Huwag nga kayong mapilit" natatawa kong sabi dahil hinihila nila iyong paa ko.
Nakaupo kasi ako sa gilid ng pool habang pinagmamasdan sila. Nakalubog ang dalawa kong paa sa tubig.
"Bahay mo ito tas hindi ka maliligo, nakakahiya na tuloy" sagot ni Heather.
"Mamaya nga saglit" sagot ko naman.
"Nasaan nga pala si Kith?" Tumabi siya sa akin.
"Nasa taas siguro" sagot ko.
I caught off guard kaya nahila ako ni Benedict sa pool. Basang basa ako at ang dalawa ay tawa lang ng tawa.
"Kapag talaga usapang Kith" natatawang sabi ni Heather.
Hinabol ko si Benedict kahit mahirap dahil nasa tubig pero nahawakan ko naman at pinagsasapak!
"Buti na lang nasa mesa iyong phone ko" sinapak ko pa ulit siya.
Tawa lang sila nang tawa, ako naman ay wala ng nagawa kundi ang magswimming kasama nila kahit medyo ang lamig nga ng tubig.
Nang mapagpasyahan umahon na at magsawa sa tubig, saka ko lang naalala na hindi ko pala dala ng tuwalya ko.
"Manang pakuha naman ng tuwalya ko sa taas" ang dalawa ay hinayaan ko ng magkanya-kanya sa bathroom dito sa labas, ako'y naghihintay ng tuwalya.
Someone drops my towel in my head, akala ko ay binibiro ako ni manang pero nang tingalahin kung sino ay nakita kong si KJ pala iyon.
"Uh" I don't even know what to say.
"You know you are swimming bakit hindi mo pa kinuha iyong tuwalya mo kanina" pagsusungit niya
"Hindi ko naman balak magswimming, tinulak ako nila Benedict" sagot ko.
Hindi na siya nagsalita at iniwan ako doon, dumiretso ako sa kwarto ko para maligo ulit at magpalit ng damit. Nadatnan ko sila sa baba na nakikipagkuwentuhan kay mommy while KJ is in the bar stool and drinking juice.
"Dito na kayo maglunch hah?" Tumayo na si mommy para punta sa kitchen.
"Ang sarap pala talaga dito sa bahay niyo Mira" naupo ako sa tabi ni Benedict.
"Tigilan mo 'ko Benedict, may sarili naman kayong pool" siniko ko siya.
"Tita puwede po bang paampon na rin" biro ni Benedict sa nanay kong naglalapag ng pagkain sa dining area.
Natawa lang si mommy sa kakulitan niya. My mom would love someone like them who visits the house every now and then.
"Nakakahiya kang kaibigan Benedict" dismayadong sabi ni Heather.
Hindi ko alam kung paanong hindi sila napapagod na makipagkulitan sa isa't isa. Minsan nakakawala ng energy pero sila ay hindi.
"Naku tita hindi ako sinama ng mga 'yan kahapon nung nagpagawa ng damit sa prom" pagsusumbong ni Benedict sa nanay ko.
"Sumbungero" bulong ko dito.
"I saw Mira's gown inspiration and I know the design will look good. Patingin din ako ng sa'yo Heather"
"Sige tita, ipapakita ko sa'yo, bukas po ay pupunta kami ready na daw iyong sketch ni tita puwede na pong makita" anunsyo niya.
"How about you Kith, do you have something to wear already?" Umiling si KJ.
"Wala pa tita, I'm waiting for the color of Mira's gown" muntik ko pang maibuga ang iniinom ko.
"Mira you should have told him your gown's color" baling sa akin ni mommy.
"Sinabi ko na po kahapon" napakurap kurap pa ako.
"Good, tama nga naman si Kith, his tie or bow should have a matching color with your gown or even just the accent of it" sabi pa niya.
"Balak ko pong sumama sa kaniya tita kung kukunin o ichecheck niya iyong design ng gown niya" bumaling ako kay KJ, hindi makapaniwalang sinasabi niya ito.
Sinipa pa ako sa ibaba ni Heather, hindi ko din alam Heather.
"I am expecting Heather will be your partner Benedict" nasamid si Benedict sa iniinom niyang tubig.
"Tita, may ibang partner si Benedict at saka ibubully lang ako niyan kapag siya kasama ko" inirapan pa niya si Benedict.
"Aba!! Akala mo ba gusto kitang kapartner" sige nagsisismula na naman sila.
"Alam niyo, hindi ako magtataka kung mamaya malalaman ko kay Mira na magkakatuluyan kayo" pati si mommy ay nakisama na sa biruan nila.
"Mommy, kung alam mo lang kung gaano sila magbangayan araw-araw" pinanlakihan ko ng mata si Benedict.
"Naku tita, hindi mangyayari iyon. Sinong may gusto ng girlfriend na mapanakit" nasapak niya tuloy ang katabi nito.
"Oh oh tignan mo na" harang sa kamay nito.
"Kumain na nga kayo" umiiling kong sabi.
Kukuha na sana ng putahe si KJ nang pigilan ko ito. May pagtataka sa mukha niyang nakatingin sa akin.
"May shrimp 'yan" mahina kong sabi.
Ibinalik naman kaagad niya iyong pasta at kumuha na lang nung isa pang nakahain na ulam.
"Ito na lang" bigay ko sa kaniya iyong kaldereta.
Hinayaan niya kong lagyan ng ulam iyong plato niya. The three of them are observing and watching us, nakakahiya tuloy.
"Thanks" mahina niyang sagot.
"Sinabi ko naman kay manang na huwag lagyan ng shrimp" ngumuso ako kay mommy.
"Hayaan mo sasabihin ko ulit" bulong ni mommy.
"Kain lang kayo hah? Huwag kayong mahihiya" nagsimula na lang ulit akong kumain.