Hindi ko alam kung paano nakakapag-multi task iyong ibang tao. They can study and do what they like at the same time. Ako? Kailangan nakafocus lang ako sa isang bagay. If I need to study, I should only focus on studying and if I want to write, I should set up my mind to just write.
KJ can do three at the same time, he leads the room while being on top of the class and he is in the varsity team. Heather too is a multi-tasker. That's why I don't do class officers or club officers. I can't do all of that at once.
"Ang dami mong napublish na poems sa school paper natin pero hindi ka naman nagoofficer" sabi ng school paper adviser ng school.
"Gragraduate ka man lang ng hindi kita napipilit" natawa na lang ako.
"Hindi ko po kayang pagsabayin ang pagiging officer at pag-aaral sir, iyon din po ang dahilan kung bakit ayaw kong maging officer sa classroom" tumango naman siya.
"You really are the type of person who likes calm Mira, ayaw mo ng pressure" ayaw din kasi ng puso ko 'nun.
Nagpasa kasi ako ngayon ng huling entry ko for the last school paper this year bago grumaduate ng senior high. Tapos na lahat ng klase ngayong araw at ngayon lang hapon ako nagkatime magpasa.
Papunta na akong parking lot nang makatanggap ako ng mensahe mula kay kuya Dino, iyong driver namin.
Kuya Dino: kay Kith ka daw sasabay? Pinauwi na niya ako eh.
Me: bakit daw po?
Hindi naman sa ayaw ko pero syempre itatanong ko pa rin. Gustong gusto ko nga kapag lagi kaming sabay. I remember requesting na ipasabay ako lagi sa kanila ni KJ pero malabo dahil ibang direksyon ng bahay nila sa bahay namin.
Kuya Dino: sinabi lang ni ma'am Audrey, Mira.
Me: sige kuya salamat.
Huh? Teka bakit hindi ko alam ang mga nangyayari? Wala naman ata siyang nabanggit na magsasabay kami.
"Mira Kael" I heard his voice from behind kaya liningon ko agad.
"I've been looking for you saan ka ba pumupunta?" nagkukunot na naman ang noo niya.
"Sa school paper room, may pinasa lang" itatanong ko ba kung sasabay ako sa kaniya?
"Let's go, dadaan pa tayong boutique for your design and my suit" mabilisan niyang sabi.
Nagderetso na siya papuntang parking lot kung nasaan ang kotse niya. Sumunod ako sa kaniya sa likuran niya. Siya ang magdridrive?
"Sa susunod huwag kung saan saan ka pumunta" sermon niya sa akin.
"Sorry na, hindi ko naman alam na sasabay pala ako sa'yo" paumanhin ko.
"I told you sasabay ako sa'yo kapag pumunta ka para sa design ng gown mo" masungit niyang sabi.
Alam ko naman iyon kaya lang hindi ko naman din aakalain na tototohanin niya dahil mayroon si mommy. Lagi naman siyang ganun dati.
Nakarating din naman kami agad. Pumasok na kami dahil hapon na din at baka abutan kami ng gabi. Makulimlim pa naman at baka umulan.
"Mira, sabi ni Heather dadating ka" binati niya ako.
Hindi naman din siya nagulat na may kasama ako, sinabi din siguro ni Heather na baka kasama ko nga si KJ
"So I guess he will be your partner to the prom?" Nakipagkamayan siya kay KJ.
"You know, I don't like Heather's partner" pagbabahagi ng tita niya sa akin.
Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Andrei is kinda like that, mayabang ang dating but he is a nice person. Hindi kahit kailan matitipuhan ni Heather ang mga mayayabang at masyadong masungit.
"Mabait naman po si Andrei" sabi ko na lang on Heather's defense.
Pinaupo niya kami sa mga tables kung saan niya inaaccomodate iyong mga clients niya. Nagpakuha din siya ng juice sa kaniyang assistant para sa aming dalawa. Where do I even begin? Her assistant is looking at KJ na parang kakainin niya. Naiinis na ako na laging nakadikit si Grace kay KJ pero hindi naman ako makapagsalita dahil alam kong ipapahiya niya ako sa school. Ganun din naman dito, wala naman akong karapatan pero naiinis ako. Nagseselos ako, umaapaw ang puso ko sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko lalo na at naalala ko pa si Grace.
"This will be your design" inilapag niya ang disenyong ginawa niya para sa akin.
Just like what I wanted, a long champagne tulle ball gown. Balloon long sleeve off shoulder type at may mga daisy na accent sa gilid nito sa may waist side. It is so enchanting and magical. Hindi ko napigilang mapangiti at mainlove sa kung gaano ito kaganda.
"Do you like it?" Tanong ni tita.
"Sobra po, mas gumanda pa sa expectations ko" tumango naman siya satisfied sa sagot ko.
Tumingin siya kay KJ na ngayon ay tinignan lang din iyong gown ko.
"How about you, anong disenyo ang gusto mo? Do you have something in mind?" I doubt that.
"I just wanted something that will matches her gown that's all" napangiti ang designer.
Hindi pa rin ako makapaniwala na si KJ nga ang date ko sa prom. He rejected me that resulted to me being hospitalized and na lumala pa ang sakit. Sobrang saya ng puso ko pero syempre hindi rin maman ako umaasa dahil may usapan kami. Lagi ko iyong naiisip sa tuwing hindi niya ko sinusungitan o sa tuwing ganito siya sa akin. It's all temporary Mira Kael.
"How about a black velvet tuxedo and a champagne tie to match with her?" Tumango na agad si KJ halatang walang pakialam pa.
"Okay so, we will both get your measurements" tinawag niya ang assistant niya para sukatan kami.
"Dito na lang po tayo" inaalalayan niya ako pero ang tingin ay kay KJ.
Gusto ko siyang patidin but I am not the type who do violence na gaya ni Grace. Why do I even compare myself to her? Dahil ba nalalapitan niya si KJ at hindi ako? Pero nalalapitan ko naman na siya ngayon ah, mabait na din siya sa akin, pansamantala nga lang.
Ang assistant niya ang kumuha ng measurements ko samantalang ang tita ni Heather ang kay KJ. I'm glad it's that way, ayaw kong itong assistant niya ang kukuha ng kay KJ. Kanina pa kasi malagkit na tumitingin sa kaniya. She is probably in her early twenties. KJ doesn't seem to mind though. Naisagi pa niya sa balat ko iyong kuko niyang pagkahaba haba dahil kay KJ nakatingin.
"Awww" hindi ko napigilang mapadaing.
Napatingin naman si KJ at ang tita ni Heather.
"Huwag kasi kung saan saan tumitingin!" pagsusungit ko.
"Stop staring at him and do your job" bulong ko sa kaniya.
Napayuko siya, KJ raise his eyebrow surprised on how I talk. Nakakainis, ako nga hindi ko siya matignan ng ganun tas siya.
"Are you okay Mira?" Tanong ng tita ni Heather
"Okay lang po" sagot ko naman.
Inirapan ko iyong assitant niya. Napahiya ata siya dahil nahuli ko siya sa ginagawa niya. Nang matapos ay nagpaalam kami agad. Kanina pa nakatitig si KJ sa akin at hindi pa pinapaandar ang sasakyan.
"Bakit hindi pa tayo umaandar" pagsusungit ko.
Naiinis pa rin sa malagkit na titig nung assistant niya kay KJ.
"What's with your tone today?" Kunot ang kaniyang noo.
Hindi ko naman siya matignan at mas lalong hindi ko naman masabi sa kaniya ang nararamdaman ko.
"Nothing, let's just go home" sabi ko na lang.
"No, tell me" matigas niyang sabi.
"Are you jealous Mira Kael because clearly wala namang dapat ipagselos" seryoso niyang sabi.
Alam ko, wala naman akong karapatan.
"I know, I told you it's nothing" tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Huminga siya ng malalim.
"This happens with Grace too right?" Tanong niya.
Nagulat man dahil paano niya nalalaman ang tungkol kay Grace, ay hindi ako tumingin sa direksyon niya. Ayaw ko na siyang tignan baka galit na mukha niya lang makita ko. Hindi na ako nagsalita, I might ruin what we have again because of what I feel. It's just a one sided love anyway.
"Alam ng lahat na ikaw ang fiancee ko" sabi pa niya.
Nilingon ko na siya. He is not mad though, he is just staring at me waiting for an answer. Is that also an act?
"And they know you hate me KJ, that's fine" pagsusuko ko.
Bumuntong hininga ulit siya. Pang-ilan na ba niya 'yan? Sa wakas ay pinaandar na niya ang sasakyan niya. We are heading home ng biglang bumuhos ang ulan. Darating kasi ngayong gabi ang bagyo at dito pa tatama sa amin. They will probably suspend the class tomorrow lalo na at inannounce na malakas ang bagyong darating. Kumidlat pa at kumulog na nagpapapikit sa akin. I love rains and cold weather but not the thunder and lightning, I hate them. It's scary and noisy.
I woke up in the middle of the night feeling so thirsty, pakiramdam ko'y disyerto na iyong lalamunan ko. It's probably because of the aircon, hindi ko alam kung bakit nag-aircon pa ako gayong malamig naman dahil hindi tumitigil ang ulan kanina pa.
Bababa na sana ako para uminom ng tubig nang biglang kumulog at kumidlat. Napatakbo tuloy sa labas ng kwarto ko. Bababa ba ako? Huwag na lang ata? Pero kasi nauuhaw ako.
Wala akong nagawa kundi katukin ang nasa tapat kong kwarto. Napakagat na lang ako ng labi just thinking how he might be piss. Ilang katok pa ang ginawa ko bago niya buksan. He is only wearing his boxers kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ang hot niya?
"What? Mira it's midnight" inis niyang sabi.
Kumulog at kumidlat ulit kaya napapikit ako.
"Do you want to-" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya.
"Can you please accompany me in the kitchen, nauuhaw ako pero kasi may kulog at kidlat" mahina kong sabi.
Papasok na sana siya sa loob ng hawakan ko iyong kamay niya. Bahala na kung magalit siya pero natatakot talaga ako. Tatakbo na lang ulit ako sa kwarto ni mommy na nasa kabilang side pa ng palapag na ito kung magalit siya.
"I'll just wear something Mira" mahina niyang sabi.
Unti-unti ko namang binitiwan iyong kamay niya, he immidiately went inside and wear his sando. Nang nakalapit siya ulit sa akin ay hinawakan niya iyong kamay ko ay inakay papapunta sa kusina.
"Sit there" itinuro niya ang bar stool namin.
Sinunod ko naman. Pinanood ko siyang kumuha ng baso at saka nagsalin ng tubig mula sa pitcher na nasa lamesa. Inabot niya ito sa akin mula sa kabilang side. We are now facing each other.
"Are you calm now?" Mahinahon niyang sabi.
Tumango naman ako.
"Basta huwag ng kumidlat at kumulog" sabi ko.
"Do you always run when it happens?" Nakatitig lang siya sa akin.
"Depende, minsan naman naitutulog ko, that's the best thing. Minsan naman pag nagigising ako, I just stay in my room hugging the pillow pero pag hindi ko na kaya tumatakbo ako kay mommy" paliwanag ko.
"Next time bring a tumbler or your own pitcher upstairs before going to bed para hindi ka na bumaba at uminom" sabi pa niya.
Tumango ako, ininoman ulit ang baso dahil hindi kaya ang paninitig niya.
Alam niyang takot ako sa kulog at kidlat, nakita niya na akong natatakot noon nung nasa hospital ako at siya ang kasama ko. Ilang beses na niya akong nakikitang ganito, that's why it doesn't surprise him anymore. Not like now, hindi niya ko nilalapitan kapag nakikita niya akong takot , he will just told me to hug my favorite pillow and close my eyes until I fall asleep again. The pillow he gave me when I was a kid, hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin lalo na sa mga ganitong pagkakataon. It calms me and makes me sleep. Sa buong buhay ko, lagi talagang siyang parte. Simula sa kung paano ako pakalmahin, paano ako pasiyahin, hanggang sa kung paano ako umiyak. Lahat ay siya.
Humikab siya.
"Sorry, balik ka na sa taas kung inaantok ka na" tugon ko.
"And leave your here? Tapos ay tatakbo ka ulit sa kwarto ko kapag natakot ka? Mira I'll wait just take your time" sabi niya pa.
Binilisan ko na lang ang paginom ng tubig para makabalik na kami sa taas. Tumayo na ako at naglakad.
"Are you sure you will be fine?" Nang nasa tapat na kami ng kwarto.
Tumango ako, hindi sumagot.
"Open the door" me being so obedient ay sumunod naman.
Nauna na siyang pumasok sa kwarto ko. Hindi ko pa maintindihan kung bakit pero pumasok na lang din ako sa loob.
"Go to bed I'll stay here until you fall asleep" umupo siya sa couch ko.
"Hindi na KJ, okay na ako" nagsisimula na naman siyang mainis kaya pumunta na lang ako sa kama para mahiga.
"Sleep Mira, there will be no classes tomorrow anyway" Fortunately I did fall asleep.
Kinaumagahan, I woke up at wala na nga siya doon. Talagang umalis din siya nang makatulog ako. Umuulan pa rin ng magising ako and true to KJ's words wala ngang pasok.
"Breakfast anak" naabutan ko si mommy at KJ na naghahain sa dining area.
Napangiti ako habang tinitignan sila. If only KJ likes me, this scene will be so perfect. The two most important people in my life will be having breakfast together.
"Are you okay last night? Kith told me you were scared" pag-aalala ni mommy.
"Mabuti nga po meron si KJ" ngumiti ako kay KJ.
He just shrug at ipinagpatuloy ang paglalagay ng kubyertos sa lamesa.
"Siguradong may saturday class kami" I groan remembering how everytime na magsususpend ng klase ay may saturday class.
"For sure" sumang-ayon naman si KJ.
"What will you do today?" Tanong niya sa amin.
Tinignan ko lang si mommy at nag-isip. Puwede ding magsulat na lang pero naalala kong nandito si KJ, syempre lulubos lubosin ko na nandito siya. We can watch movies but he will find it boring. We can study pero na naman?!
Puwede kaya kapag maggustuhan na lang kami?! I pout on my own thoughts. Corny. Umiling ako, don't even think about things like that.
"Don't tell me magkukulong ka sa kwarto mo, KJ is here entertain him" baka piss him off mommy.
At saka 'yun din naman iniisip ko.
"Should we watch movies then?" Kasasabi lang na mabobored siya niyan.
"Okay" wala sa sarili niyang sabi.
Did he agree?! Whenever I ask him out for a movie date he will just be mad at me and tell me na "annoying ka na nga tapos mabobored pa ako".
Pagakatapos kumain ay iyon ang ginawa namin. We set up the entertainment area, si mommy ay ayun nasa office room na niya. She is always like that, she knows when I want to be with KJ at nahihiya ako kapag may ibang tao. We will watch "The Fabricated City" it's a korean movie. I wanted to watch a lovestory but since he will be mad kaya action and drama na lang pinili ko.
"When was the last time na nagpunta ka sa cinema?" Tanong ko.
"Shhh Mira I thought we are watching" magkatabi kami dito sa gitna sa pinakalikod.
Focus na focus siya sa pinapanood niya. May sampung upuan ang entertainment room namin. It's like a cinema type of chairs, may apat sa unahan at anim dito sa likuran. Syempre tumabi ako sa kaniya.
"I am just trying to have a conversation with you" bulong ko.
Hindi ko naman alam kung narinig niya ako pero nang tinignan niya ako ay nakumpirma kong narinig nga niya.
"Eh di sana sinabi mong mag-usap na lang tayo?" Tinaasan niya ako ng kilay.
I cross my arms at nagfocus na lang sa pinapanood. Ako pa yata ang maiinis, pero syempre hindi naman niya ako susuyuin. Huminga siya ng malalim.
"Fine, last year, happy?" Tumingin na ulit siya sa harap.
"Talaga? Sinong kasama mo?" Bakit pag ako ayaw niya.
"Si mommy, Mira" hindi ako tinignan.
"When was the last time you have a heart pain?" Seryoso niyang tanong, hindi naman din nakatingin sa akin.
Ayaw kong sagutin kasi ayaw ko din alalahanin pero sige na nga.
"Prom campaign" napapikit siya, matagal bago niya ulit dinilat ang mga ito.
"Did you regret it?" Tanong niya.
"Na magkagusto sa'yo and tanungin ka? Of course not, kahit mabubuhay ulit ako o kapag maibabalik ko iyong nakaraan gugustuhin pa rin kita" hindi ko na rin naiintindihan iyong pinapanood namin.
He look me in the eyes. Sinusubukan niya sigurong basahin ang nasa mga mata ko.
"Why do you like me Mira? I hurt you a lot of times and I will continue to hurt you" ngumiti ako ng mapait.
"Alam ko pero despite of what you are treating me nakikita ko iyong ibang side mo. Iyong KJ na minamahal ko. You would be mad at me and still care for me KJ. Kahit hindi mo aminin kahit dahil sinusunod mo lang ang mommy mo, natutuwa pa rin ako" he licks his lower lip.
"Magagalit ka sa akin at iiwanan pero babalikan mo pa rin naman para alagaan. Hindi mo ko iniiwan hangga't may kasama ako at higit sa lahat lagi kang totoo sa akin" iiyak na naman ako nito.
"Pero ang sakit sakit hindi para sa akin kundi para sa mommy ko kaya nagdesisyon akong kausapin ka na" yumuko ako, hindi napigilan ang luha.
"Live then Mira" sabi niya
Kumunot ang noo ko.
"Cure that heart of yours and forget about me in that way that you will never hurt yourself again at hindi na kita masasaktan pa. Hindi mo masasaktan ang mommy mo" ipinatong niya ang kamay niya sa dibdib ko kung saan ang puso ko.
"Kasi hindi mo naman din ako magugustuhan diba?" Tumango siya
"Tanggap ko na yun alam mo ba yun? Pero kasi gusto pa rin kita pero sige kakalimutan kita pagkatapos ng graduation KJ at pag balik ko, wala na akong nararamdaman sa'yo" pinilit kong ngumiti kahit umiiyak na ako.
Hinaplos niya ang mga pisngi ko, pinupunasan ang mga luha ko.
"Huwag kang mag-alala, sa susunod na magkikita tayo hindi na ako iiyak sa'yo kaya KJ pagtyagan mo lang ako hanggang graduation" tumango lang siya.
Tumayo ako para umalis na room na iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Mira" nakita kong umiiyak si mommy
"May donor ka na daw" mas lalo lang akong umiyak.