Hindi na napigilan ni mommy na puntahan si doc Val pagkatapos niyang kausapin ito sa telepono. Hindi na namin magawang sabihin kay KJ na pupunta kami doon, sinabi na lang namin kay manang na lalabas lang kami saglit at sabihin na lang kay KJ ma may bibilhin dahil siguradong magtatanong iyon.
Wala namang naging tanong sina manang. Si kuya Gino ang nagdrive dahil umiiyak pa si mommy hanggang ngayon. Nagtataka na din si kuya Gino na napapatingin dito sa amin pero hindi naman din siya nagtanong.
Mugto pa ang mata ko dahil sa pinag-usapan namin. Ngayon ay si mommy naman ang hindi mapakali at umiiyak.
Sinalubong kami agad ni doc Val nang malaman niyang pupunta kami. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya lalo na mg makita niyang umiiyak si mommy.
"Is it true doc Val?" Hindi makapaniwala si mommy.
"Of course tita" tumingin siya sa akin nang nakangiti.
"Oh thank God" iyon agad ang una niyang sinabi ng ipinaliwanag ni doc Val ang tungkol sa heart donor ko.
"It's a good news but that also means we need to leave as soon as possible" napatingin ako agad kay mommy.
Paano iyong prom ko, iyong exam ko at iyong graduation ko? Teka lang agad agad na ba? Biglang dumami agad ang nasa isip ko. Bigla akong natakot agad. Akala ko ba ay gusto kong lumayo. Akala ko ba ay disidido akong umalis pero bakit ngayon naman ay parang nagdadalawang isip pa ako kung talagang pagkatapos nga ng surgery ko ay mananatili na kami doon.
"Mommy" tumingin sa akin si mommy.
Nakita niya ang malaking tanong sa mukha ko. Nag-usap kami dati na kahit pagkatapos na lang nga graduation para naman masulit ko ang nalalabing oras at panahon na maari ko pang masakama si KJ o kahit nina Heather at Benedict pero ngayon ay biglaan pa.
"Hindi na ba puwedeng kahit hanggang graduation na lang doc?" Tanong ni mommy.
Si mommy na ang nagtanong, nakikita at napapansin ata ni mommy na nagdadalawang isip na ako ngayon.
"I don't think we can wait for that long Mira, we need to do this as soon as possible" huminga ako ng malalim.
Maging si doc Val ay nag-aaalala din sa ipinapakita kong mukha. Alam kong gustong gusto nila itong gawin para sa akin. Okay lang naman din pero ang biglaan at ang plano pang pananatili doon.
"Puwede po bang kahit hanggang pagkatapos ng prom lang" nag-isip ng kaunti si doc Val.
Hawak ni mommy ang kamay ko, umiiyak pa rin siya pero hindi na gaya ng kanina. Nagbabakasakali na baka kahit hanggang prom lang. Tutal naman ay malapit na ito.
"Okay, until prom but the night after your prom we need to go" nakahinga ako ng maluwag.
"Wala tayong sasayanging oras" sabi pa niya.
Tumango ako at niyakap si mommy. Nakikita ko kung gaano niya kagusto ito. Kinalma ko ang sarili ko, nag-isip at prinoseso ang lahat ng narinig ko. Para sa sarili mo Mira at para sa mommy mo. It's nothing big compared to what's waiting for you right?
Ipinaliwanag ni doc Val kung paano ito gagawin sa ibang bansa. Kung anong hospital ang makakasama nila para sa surgery, kung sinong team ang napili nila para sa surgery ko. Ipinaliwanag din ni doc ang mga dapat at hindi dapat gawin while preparing for it. Lahat ng iyon ay isinasaulo na marahil ngayon ni mommy para hindi niya makalimutan. She's so attentive, nakikita ko din kung gaano niya kagusto ito at kung gaano nabuhayan ang loob niya nang ipaalam sa kaniya ni doc Val ang lahat.
"I still have another good news" sabi pa ni doc.
Humigpit ang hawak ni mommy sa kamay ko. Hindi niya mapigilan ang tuwang nararamdaman niya. Maging ako man ay sobrang saya sa puso ng nalaman ko.
"It might be a 70-30 probability now, mas malaki na ang tyansa ng pagiging successful ng operation mo Mira" mas lalong naiyak si mommy.
"The worries that we had before has been solved now kaya wala ka na dapat pang ipag-alala Mira" pati ako ay naiiyak na din
"Mommy stop crying" inalo ko pa si mommy dahil hindi na talaga niya mapigilan ang pag-iyak
"Sorry I am just really happy Mira, sobra" niyakap niya ako ng mahigpit.
"Doc Val" nilingon ako ni doc.
"Puwede po bang huwag niyo munang sabihin kay Benedict ito?" Mahina kong sabi.
Kumunot ang noo niya, nagtataka sa sinabi ko pero gayon man ay tumango pa rin siya. Hindi niya sigurado kung bakit ayaw kong ipasabi pero ang nasa isip siguro niya ngayon ay ako na lang ang magsasabi sa kaniya.
Dahil sobrang umiiyak pa si mommy, napagdesisyonan naming huwag munang umuwi. Nang matapos ang appointment namin kay doc Val ay nagpaalam din kami.
We went to a nearby milktea house para kumalma. I ordered wintermelon and mom ordered coffee jelly.
"Mommy, can we not tell everyone that we are leaving?" Kunot noo si mommy sa tanong ko.
"Anak, magtatampo ang tita Kelly mo" himinga ako ng malalim.
"I mean, saka na natin sabihin kapag nandoon na tayo" sabi ko ulit.
"Why?" Tanong niya.
"It's just so hard to say goodbye mom, pakiramdam ko kapag ako mismo ang magpapaalam ay hindi ko kaya" tumango.
"Okay if that's what you want pero do you really want to stay there after the operation?"
"Buo na po iyong desisyon ko mommy, at least reset everything" hinawakan nito ang kamay ko.
"Don't you want to tell your friends you are going away?" Napaawang ang labi ko.
"It's easier this way mommy" tumango siya.
"Narinig mo ang sabi ng doctor hindi ba? Na huwag mong kakaligtaan ang mga gamot mo lalo na ngayon" ngumiti ako kay mommy.
Hindi nagtanong si KJ nang makauwi kami, alam naman ni mommy na ayaw kong sabihin sa kaniya, lalong lalo na siya.
After that week, of course KJ went home. Sa school nagsisimula na din kaming magpractice ng cotillon de amor. Ipinartner kami ng adviser for it. KJ is my partner, there is no doubt about it. Maging ang mga teachers namin ay hindi na din kami pinaghiwalay knowing our story.
"Are you sure you want to do this?" Kanina pa medyo naiinis si KJ dahil sinabi kong kaya ko namang sumayaw.
"KJ, hindi naman ito nakakapagod na sayaw" sabi ko.
"At saka ayaw kong ipareha ka sa iba. Kapag umayaw ako at nanood lang ay makikita kitang makakasayaw ang iba and that's the first dance. " mahina kong sabi.
"Then I'll just help out with the other presidents who will not dance Mira. Hindi na lang ako sasayaw kung iyan ang gusto mo" for the first time he suggested that.
Parang sa unang pagkakataon, nagsakripisyo siya para sa akin. Parang nararamdaman niya na mawawala ako kaya niya ginagawa ang mga ito pero syempre ayaw kong isipin iyon. Ayaw kong umasa na baka puwede pa. Ayaw kong magkaroon ng dahilan para bumalik pa ulit dito pagkatapos ay mahihirapang umahon kahit na alam ko naman na wala naman talagang pag-asa.
"Okay lang ako" huminga siya ng malalim.
Hindi naman nakakapagod ang sayaw namin. It's just a slow dance, swaying and holding with your partner.
I can do this, tinanong ko din kay doc Val at sinabi niyang okay lang. Pinakiusapan ko din siyang huwag sabihin kay Benedict ang tungkol sa pag-alis namin agad. Although baka malaman din kapag umalis ang kaniyang kapatid.
"Hold into your partners" sabi ng isang physical education teacher namin.
Lahat ng MAPEH teachers namin ang magtuturo ng sayaw namin. Tinuro niya kung paanong iikot at magpapalitan ng puwesto. Noong una ay naapapakan ko pa ang paa ni KJ pero sa unang pagkakataon ay hindi siya nagreklamo. Hinahayaan niya lang akong maging malapit sa kaniya.
Hindi ko nakikita ang sarili ko pero sigurado akong namumula ako lalo na at sobrang lapit namin sa isa't isa. His right hand is holding my left hand and the other one is holding my waist. Tinuturuan kami kung paano ang formation at steps na iiincorporate namin sa tugtog na napili ng student council para sa promenade namin.
"Bakit parang ang tamlay mo naman ata ngayon?" Tanong ni Heather.
"Talaga ba? Matamlay na 'yan? Kanina pa siya nakatingin sa crush niya" nang-aasar na naman si Benedict
"Oo, mukha kang may sakit! Okay ka lang ba?" Pag-wawalang bahala ni Heather kay Benedict.
"Are you tired? You want to go to the clinic?" Umiling ako.
"Okay lang nga ako" nakangiti kong sabi.
Ngumuso si Heather, si Benedict naman ay tinatantya ang aking kalagayan. Mukhang hindi pa rin sila kumbinsido na okay lang ako.
"Alam mo excited na ako agad sa graduation" napatigil ako sa paginom sa sinabi ni Heather.
Hindi na nga pala ako makakatungtong sa entablado para kunin ang diploma ko kapag nagtapos ako. Gusto ko din naman magsuot ng toga pero hindi ko magagawa dahil dito. Kahit ganun naman ay okay lang, I just need a little sacrifice for my heart.
Kinausap din ni mommy kahapon ang teacher namin para online na lang ipasa ang exam at requirements ko dahil sa surgery ko. Mukhang buong buo na plano para umalis. Sinabi na din niya ang plano namin sa mga kasama sa bahay. Hindi naman sila mawawalan ng trabaho, mananatili pa rin sila sa bahay para bantayan ito o kapag paminsan minsan ay uuwi si mommy. Sigurado kasing may mga pagkakataong kailangang umuwi ni mommy para sa negosyo at hindi ko siya pipigilan doon.
I will study there too, kagabi ay nagtingin na si mommy ng mga eskwelahan na puwede kong pagpilian para sa kolehiyo ko. She told me to get the course that I want and not the one na makakatulong sa kompanya. Saka ko na lang daw problemahin ang kompanya kapag hindi na niya kaya. Sa ngayon ay gusto niyong ituon ang lahat sa akin. She wanted me to be happy. Sana nga kaya kong maging masaya pagkatapos ng lahat ng ito.
Minsan, wala akong tiwala sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi ko kaya ang lahat. Siguro kasi dahil nabigyan ako ng limitasyon bata pa lang ako. Siguro kasi bata pa lang kahit nakukuha ang lahat ay may mga bagay pa rin na hinding hindi ko kailanman makukuha.
"Hay, I can't wait to go to college and start working" sumandal si Benedict sa hita ni Heather.
Iwinaksi naman agad ito ni Heather, akala ko ay magbabangayan ulit sila pero hinayaan lang siya ni Benedict. Nakatingin lang siya sa akin at pinagmamasdan ako.
"Saan ka nga ulit magcocollege Mira?" Tanong ni Benedict.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Napahinto ako para mag-isip. Wala akong kahit na anong planong mag-aral pa dito dahil nga plinano na namin na magstay sa abroad pagkatapos ng surgery.
"Syempre kasama ko siya Benedict, huwag kang umasang kayo ang magkasama" sinagot si ni Heather.
Nagpasalamat ako kay Heather sa sagot niya. I'm sure she will be sad if I will tell her na hindi na kami sabay magcocollege but I know she will understand. Kung may tao man na laging naiintindihan ako si mommy at Heather iyon. Kaya nagpapasalamat ako na kahit papano ay naging malapit kami noon at naging magkaibigan.
"Ikaw ba tinanong ko?" Si Benedict ngayon.
Hinayaan ko na lang silang mag-asaran. Natatawa na lang na hinahayaan sila. Isa ito sa mga mamimiss ko kapag malayo ako. I will probably meet a lot of people kapag nandoon na ako pero hindi mapapantayan nito ang mga pinagsamahan namin. They are one of the most genuine people that I met.
Pinagmasdan ko ngayon si KJ na nilalaro ang bolang hawak kanina ng isa naming kaklase. Nakikipag-usap siya sa kanila habang dinidribble ang bola. I can't believe I am leaving him after prom. Hindi ako makapaniwala na kakayanin ko siyang iwan. Kakayanin ko nga ba? I will miss his voice, lalo na kapag nagsusungit siya. I will miss his smile kahit hindi naman siya ngumingumiti para sa akin. I will miss everything about him.
"Tinitignan mo na naman siya" siniko ako ni Benedict.
"Ang gwapo niya kasi" pagbibiro ko.
"Sige gwapo na siya pero gusto ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Itinaas naman kaagad niya ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Sorry na agad Mira" ngumisi siya agad.
"Che, huwag mo ko kausapin" pero natatawa pa rin naman ako sa mga banat niya.
Pagod na pagod kami ng hapon. Hindi na din kasi normal ang schedule namin para sa mga susunod na araw. Teachers and other student councils ay magtutulungan para sa promenade at kaming mga estudyante ay busy sa pageensayo sa cotillon. Hindi din dapat kasali si KJ sa cotillon because they can't do the prepartions while practicing for the cotillon pero hindi ko alam kung bakit sumali siya. Well, he can multi-task at sobrang excellent niya pagdating sa mga bagay na ganiyan. Though I know he hates to dance.
Pagod na pagod kami pagkatapos ng buong maghapong ginawa. Pawis na pawis at kaming lahat mabuti nga at hindi naaamoy ang mga pawis namin sa classroom naming nakaaircondition or it's gonna be chaos.
Kaya ng hapon niya ay umuwi ako agad. Wala ata akong energy na gumawa pa ng ibang bagay lalo pa at hindi rin puwede sa akin ang magpagod talaga. Kapag alam kong pagod na ako at nagwawarning ang relo ko ay titigil na muna ako and KJ will take that chance to go to the meeting room for the preparation of our promenade.
Nang makauwi ako ay naabutan ko pa si tita Kelly at mommy na parang nagtatalo sa living room ng bahay namin. Nagulat ako kaya agad akong tumakbo na sinalubong naman ako ni manang sa may harap ng pintuan.
"Anong nangyayari manang?" Gulo kong tanong.
Siya naman ay nag-aalalang tumingin sa akin at kinuha ang bag ko. Ayaw niya sanang papasukin ako sa loob pero hindi naman niya ako napigilan.
"Nalaman niyang aalis kayo Mira" napakagat ako ng labi.
Pumasok ako agad, nang napansin ako ay tumigil silang dalawa pero hinarap niya ulit si mommy. Mag-aaway pa talaga sila dahil lang sa kagustuhan kong umalis. Hindi ko naman naisip na ganito pala ang kakalabasan nito. I worriedly look at both of them being frustrated.
Nag-aalala silang tumingin sa akin parang nagsisi pa na narinig ko silang nagsumbatan dito sa living room namin. Tinignan ko sila ng matagal. Napaawang ang bibig nang makitang mangingiyak ngiyak pa si tita Kelly.
"I can't believe you Audrey, kung hindi ko pa malalaman sa teacher ni Mira na nagrerequest kayo ng online examination ay hindi ko pa malalaman" alam ko naman na mahirap ito.
Napapikit ako agad.
"Tita, ako po kasi ang nagsabi" liningon niya ako.
Umupo siya sa sofa at nag-isip pa. I apologetically look at my mom. Ngumiti naman siya ng tipid. Tumango siya sa akin.
"Bakit Mira?" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
Namumugto ang mga luha niya ganun din sa akin at kay mommy. This is why I hate goodbyes, it's painful and sad pero minsan kailangan magpaalam para sa ikabubuti ng lahat. To let go of the things that are more painful.
"Ayaw ko pong malaman ni KJ" nang sabihin ko iyon ay tila naintindihan niya agad.
"Please po huwag niyo pong sabihin sa kaniya" huminga siya ng malalim at saka hinaplos ang buhok ko.
Ako ay naiiyak na din sa pagpapaliwanag. Bakit ba ang hirap hirap magpaalam. Ayaw ko naman umiyak ng sobra dahil baka mag-alala pa silang dalawa at umatake ang sakit ko. Iyan na ngayon ang parati kong iniiwasan. I just want to be okay until the surgery.
"Ayaw mo bang magpaalam sa kaniya? Alam mo naman na magtatanong siya diba?" Malumanay niyang tanong.
"Alam ko po iyon pero mas gusto ko po na malaman niya kapag nakalayo na ako" tumango siya.
Pinupunasan na niya ngayon ang mga pisngi kong umiiyak.
"Mag-aalala siya Mira, lalo na kapag nalaman niyang ooperahan ka doon at wala siya" ngumiti ako ng mapait.
The only reason why I don't want to tell him is because I want to forget him. Paano ko makakalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya kung alam kong nandoon siya at mag-aabang na matapos ang operasyon ko. Paano ko susubukang ingatan ang puso ko kung alam kong pagmulat ng mga mata ko at siya ang mauuna kong makita. Hindi ako makakaahon, hindi ko siya makakalimutan lalong mas lalo ko lang siyang mamahalin kapag nangyari iyon.
"Pasensya na po kung sinabi ko po kay mommy na huwag sabihin sainyo. Ayaw ko po kayong mag-alala" hinalikan niya ang buhok ko.
"Walang kaso anak. Normal lang na mag-alala ako sa'yo kasi anak na ang turing ko sa'yo at hindi ako papayag na hindi ka din gumaling tandaan mo 'yan"
"Pero hindi na ba kayo babalik dito pagkatapos?" Tumingin siya kay mommy pero mom just shrug at nakatingin sa akin.
Alam kong ako ang magdedesisyon nun, alam ko na sa ngayon ako ang masusunod at hindi ko alam ang isasagot ko.
"Hindi ko po masasabi tita pero gusto ko po munang manatili doon pagkatapos ng srurgery" hinawakan na niya ngayon ang kamay ko.
"Mamimiss kita alam mo ba iyon? Wala ng mangungulit sa akin, mahihirapan na akong ihandle si Kith nito" ngumuso ako.
"Hindi naman po siya nakikinig sa akin" pag-aamin ko.
"Kailan ang alis ninyo?" Si mommy na ngayon ang gusto niyang kausap.
Naupo si mommy sa upuang nasa tapat namin. Pinunasan na ni tita ang luha niya, ganun din ako at si mommy.
"The night after her prom" deretsong tugon ni mommy.
"Hindi na ba puwedeng ipagpaliban?" Pagbabakasakali ni tita
Umiling si mommy, malungkot niya akong binalingan. Gaya ko din siguro ay malungkot siyang aalis din.
"Hindi na puwedeng ipagpaliban pa" tumango si tita Kelly.
"Pero kahit nakakalungkot Mira, masayang masaya ako para sa'yo sana pag napagdesisyonan mo ulit na bumalik sa akin ka agad dumiretso hah" niyakap ako ni tita Kelly.
"Opo naman" niyakap ko din siya pabalik.
Kung ganito kahirap magpaalam kay tita Kelly, paano na lang kapag magpapaalam ako kay KJ diba?