13

3127 Words
Everybody is just excited for the prom. Hindi na namin namalayan ang ilang linggong nagdaan dahil ang tanging nasa isipan ng mga estudyanteng kagaya ko ay ang nalalapit na prom. Iwinaksi ko na lang muna ang iniisip ko sa araw na ito. I should enjoy, I need to enjoy this last moment in my life na kasama ko siya. Kasalukuyan na akong nag-aayos ngayon para sa prom. Hindi ako mapakali dahil mamaya ay susunduin ako ni KJ. Hindi ko nakita ang kaniyang suit ng naglast fitting siya, ganun din naman siya sa akin. Sigurado akong kahit ano ang suotin niya ay babagay pa rin sa kaniya. "Mommy, kinakabahan ako" ang bilis ng t***k ng puso ko. Fortunately it doesn't do harm, sometimes when I feel a lot of pressure or emotion, talagang naapektuhan ang puso ko. May hawak siyang gamot at tubig, kanina pa niya dapat ipapainom pero nilalagyan nila ng kolorete ang mukha ko kanina. "Here" bigay niya sa akin ng gamot ko. I do take a lot of medicine. I take 5 medicine per day. Hindi maganda ang lasa pero it helps me survive everyday. Dati ay tatlo lang pero ngayon ay dinagdagan ni doc, simula noong huli kong pagpunta sa hospital. I don't complain though, alam kong kapag nagreklamo ako ay masasaktan lang si mommy. "Are you excited?" Habang tinitignan niya ako sa salamin. My make up artist is now finishing my make up para makapagpalit na ako. Nakarobe pa lang ako ngayon at pinipicturan na rin ako ni mommy. "Sobra mommy, alam mo po na pangarap kong si KJ ang partner ko diba?" Tumango siya. "And I am so happy for you" ngumiti siya ng tipid. Sinabihan ako ng make up artist na magpalit na, ang buhok ko ang kulot ngayon at may headband na parang metal flower crown. Sinamahan ako ng make up artist para makapagbihis na. Tinignan ko muli iyong damit ko bago ako magpalit. It's really beautiful. Nang makita ang repleksyon sa salamin ay sobrang namangha ako sa kung gaano mas gumanda ang damit. It fits so well lalo na ang maliliit na daisies na nakalagay sa waist area ko. Nilagyan niya din ng kaunting daisies na accent sa may sleeves ko. "Ang ganda ganda mo Mira" puri sa akin ng make up artist ko. "Salamat po" ngiti ko sa kaniya. Umiiyak na si mommy ng lumabas ako, ayaw ko naman umiyak kaya lumapit ako sa kaniya. "Mommy, prom po ito hindi po kasal! Walang iyakan" pinunasan naman niya ang luha niya. Kumatok at sumilip sa loob si manang. "Nasa baba na po si Kith" tingin niya sa akin. My eyes widens and my heart starts to beats fast again. Kinabahan na naman ako. Nasa baba na siya at naghihintay na sa akin. "Let's go" Inakay niya na ako sa pababa. Nakita ko siyang nakatayo sa may malapit sa sofa namin. May hawak na flower bracelet. He is so handsome with his black velvet tuxedo. Napangiti ako nang makita ko ang necktie niyang kaparehong kapareho ng sa akin. He looks like a badboy in his hairstyle mukha siyang messy curls pero malinis pa rin tignan. Mas gumwapo tuloy siya and for the first time I saw him smile at me. He smile with his mom or with his friends but never with me. Lagi lang siyang nakakunot ang noo at galit na mukha pero ngayon ay kakaiba. He smiled at me, hindi ko alam pero tumigil ata ang mundo ko. Wala akong ibang nakikita kundi iyong ngiti niya sa akin. Will it be overacting if I said I want to cry right now? Lumapit siya sa akin at saka isinuot ang flower bracelet. It's a school tradition, well madalas naman sa ibang school ay may paganito. It's white and have a champagen ribbons all over it, gaya ng gown ko at ng necktie niya. "Sinabi ko na bang sobrang gwapo mo?" Hindi ko napigilang sabihin. He smirk, and now he can smirk at me huh? "You are beautiful too Mira, I mean it" tumingin siya sa mga mata ko. Nagkatitigan kami ng ilang saglit kung hindi lang sa pagubo ni mommy sa likod. "Picture muna bago umalis?" Inilabas ni mommy ang camera niya. Hinila ako ni KJ sa tabi niya. He puts his hand on my waist, ginawa na din niya ito noon pero bakit parang mas lalo lang akong namumula ngayon. Nagtake kami ng ilang shots bago napagdesisyonang pumunta na sa venue kung saan gaganapin ang prom namin. "Mag-iingat kayo" humalik kami pareho ni KJ kay mommy para magpaalam. Nang umaandar na kami ay napansin ko ang puting box sa harap. "Oh, binigay ni ma'am iyan kahapon, that's for the last program" kinuha ko ito para buksan. Two beautiful daisies. May tradition ang paaralan namin tuwing promenade. Mabibigyan ang ng isang bulaklak, depende sa anong klase ng bulaklak ang gusto mong kunin. At the end of the program, you can give it to anyone you like. Iba iba ang dahilan kung bakit bibigyan mo ng isang bulaklak ang isang tao, maybe because you love that person, you cherish the moments you have with that person or maybe you just admire that person. Walang boundaries ang pagbibigay nito, pwedeng ibigay sa kapwa babae o sa kapwa lalake, you can receive as many flowers as you can but you can only give one. "You also chose a daisy?" Hindi ako makapaniwala. He just shrug, hindi siya sumagot. Maybe he is not really into flowers at kung ano na lang ang nakita niya ay iyon na lang. Madaming mga estudyante ang nakatambay sa labas ng venue pag dating namin. 10 minutes na lang ay magsisimula na pero andito pa ang ibang estudyante. May nag-abang sa aming valet para sa sasakyan na drinve ni KJ. He is not driving his wrangler though, he is driving his mom's car. Lumabas siya at ibinigay ang susi sa valet, pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang lumabas ay nakita ko agad ang mga tingin ng mga kaschoolmate namin. Their faces looks like they are trying to figure out something. KJ offered his arms kaya isinakbit ko ang kamay ko sa kaniya. "Mira!" Maingay kaming sinalubing ni Heather nang nasa linya na kami papasok ng venue. Bago ka kasi pumasok, may photo op na mangyayari, a solo picture and with your partner. Pagkatapos ay isa iyon sa mga magiging souvenir ng prom. "Kadarating lang din namin" pinagmasdan ko si Heather. She is trully beautiful, malamang dahil ang nanay niya ay may lahi. She is wearing a pink tube long gown na may gem stones sa marte ng dibdib . Bumati din si Andrei, he is also wearing a bowtie that matches Heather's gown. "Si Benedict daw nasa loob na" lagi naman siyang maaga. "Ang ganda ganda mo Mira" puri sa akin ni Heather. "Syempre maganda ka din Heather" kinindatan ko pa siya. "Hi Kith" nilingon namin pareho si Grace na nakasuot ng black spaghetti gown. Tumango naman si KJ sa kaniya, si Heather naman ay ready nang dukutin ang mga mata niya sa kakatingin kay KJ. Umiwas lang ako ng tingin. When it's our turn, nauna ako dahil sa solo pagkatapos ay tumabi sa akin si KJ at iniwan na siya doon para sa solo. Pumasok ako at nakita ko agad si Benedict na nakikipagtawanan na sa mga kaibigan niya. I don't even know how to start with the venue. Para kang nanonood ng live action na fairytale at magical na palabas. It's full of greens na parang nasa forest ka, with fairy lights on the grasses and on the plants. May mga ilaw pa na nakalagay sa clear bottles and lamp shade. The dance floor is just majestic. "Ben" nilingon naman niya ako agad. Tumayo siya para lumapit sa akin. "Mag-isa ka?" Wala kasi ata siyang date. "Hindi ako mag-eenjoy ng may date Mira, sasayaw kita mamaya hah" kumindat siya sa akin. "Syempre oo" ngumiti ako sa kaniya. "Baka magalit 'yung crush mo" sinimangutan ko siya. "Bakit siya magagalit, hindi naman niya ako gusto" tumango siya. "May point ka naman" sinapak ko na dahil sa pagsang-ayon niya. Dumaing lang siya at sinundot ang tagiliran ko. Mas lalo ko tuloy siyang nasapak. "Mira" nilingon namin si KJ sa likuran. "Let's go to our table" hinila niya ang kamay ko palayo kay Benedict. We went to our table, katabi naman pala namin si Benedict at Heather kasama ni Andrei. Pang limahan ang table namin. Umupo ako sa may pangalan ko. Lahat ng table dito may pangalan namin para organize ang seating arrangment. "Where's Heather?" Nakasunod pala sa likuran si Benedict, naupo na siya sa tabi ko. Luminga ako para tignan si Heather sa pintuan kung papasok na siya. Sakto naman na nagtatawanan na silang dalawa ni Andrei na papunta sa amin. "There" turo ko pa. "Ano hanggang cotillon de amor lang partner mo?" Tinapik ni Heather ang balikat ni Benedict. "Ito na naman tayo" natatawang sagot ni Benedict. "Bakit kasi hindi ka na lang naghanap ng kadate" si Andrei ngayon. "May ibang date iyong gusto kong kapareha" he shrug. Talaga? May gusto siyang kadate? Nagtinginan kami ni Heather. We both look so shock and curious. "May gusto ka Benedict? Talaga? Sino?" Agad na tanong ni Heather "Why are you not telling us?" Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. "You both are too noisy for it" nakangisi niyang sabi "We are your friends" napahawak pa sa kaniyang dibdib si Heather. "I feel so offended" sabi pa niya. "You'll know when she knows it, hangga't hindi niya kayang makita iyong intensyon ko sa kaniya ay hindi ko sasabihin" ngumuso ako sa kaniya. "Bulag ka na din sa pagmamahal kung ganun" asar ko sa kaniya. "I know pakiramdam ko parehas na tayo" tipid siyang ngumiti. Napaawang na lamang ang bibig namin ni Heather. I can't believe he is saying this now. Nag-isip tuloy ako kung sino sa mga nakakausap niya araw-araw but it will only breakdown to the two of us ni Heather. Napatingin ako kay Heather, wait tama nga ako? Si Heather ang gusto niya? Dahil hindi puwedeng ako diba? Bakit siya magkakagusto sa akin? Nawala ang iniisip ko ng magsimula ang program. Of course mauuna sa amin ang cotillon, wala kaming choice kundi ang partner namin sa classroom ang maging first dance namin. Well, okay lang sa akin dahil si KJ naman ang partner ko sa cotillon Pinatawag kami para sa cotillon. We all lined up, kanina pa din hindi nagsasalita si KJ pero hindi rin naman ako nagugulat, hindi naman siya masalita na gaya ni Andrei at Benedict. The song is instrumental na familiar sa akin, siguro ay kinuha sa mga princess movies na napanood ko na noon. KJ held my hand to start the dance, nahihiya pa akong tanggapin na para bang hindi kami nagensayo. He puts his other hand on my waist and we start swaying and dancing slowly. We just look at each others eyes, nahihiya pa ako nung una pero kasi ang gandang tignan ng mga mata niya. "Is it okay with you kung ako ang magiging first at last dance mo?" Tinanong ko na lang para hindi kami mabored. May choreography naman ang sayaw namin pero dahil memoryado naman namin at hindi siya mahirap kaya nakakapag-usap kami. "People is expecting me to dance with you on my first and last dance anyway" sagot niya. "Pero sa'yo?" Nagbabakasakali. "It doesn't matter Mira, kung ako ang gusto mong maging una at huli mo ay gagawin ko. Ipinangako ko sa'yong magiging okay tayo hanggang maoperahan ka at iyon ang gagawin ko" deretso niyang sagot. Para tuloy may punyal na sumaksak sa dibdib ko. Ginising ako nito sa pag-aasam ng mga huling araw. Galing sa kaniya na may pinag-usapan kayo, na gagawin niya lang ito dahil sa usapan. Siguro naaawa na lang din siya sa akin. Yumuko ako at hindi na din nagsalita. It's a big day Mira Kael, kahit ngayon lang itapon mo muna ang mga iniisip mong masasakit. Just for the night, for this night. Pinaupo kami ulit nang matapos ang sayaw, they present a video presentation na ginawa ng student council. Pagkatapos nun ay nagsayawan pa ulit sila. Prom is all about dancing anyways. Naglahad si Benedict ng kamay sa akin, tinanggap ko na ito agad para makapagsayaw kami. Wala din naman si KJ sa tabi ko ngayon at nadoon siya sa mga kasama niyang classroom presidents. "Itutuloy mo pa rin ba ang pag-alis mo pagkatapos ng graduation Mira?" Pagsisimula niya. Hindi ko pa rin nasasabi pala. "Nakapagdesisyon na ako Ben, kung gagawin ko itong surgery na ito, I might as well forget him totally" tumango siya. "Pero mukhang ayos naman na kayo" hindi nga pala niya alam na may usapan nga kami. "It's complicated" sagot ko. "And he is about to kill me with his look Mira Kael" bulong nito sa akin. "Maybe because he hates you?" Natatawa kong sabi. Lilingonin ko sana ang sinasabi niyang si KJ ngunit hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para pigilan. "May ibibigay pala ako sa'yo" inilabas niya ang bulaklak niyang daisy din at ibinigay sa akin. Kumunot ang noo, why is he giving me this? "Why are you giving me this? Akala ko ba ay may babae kang nagugustuhan? At mamaya pa iyong event" pero ang totoo ay kinabahan ako ng kaunti "I don't think I can get an oppotunity like this later at saka huwag ka ng magtanong" pinitik niya iyong noo ko kaya napadaing ako. "And it's a daisy" masaya kong sabi. "Because you've been so obsess with daisies even before" tugon niya. Natapos ang kanya ay nagtungo na kami sa upuan namin. They announce that they are now serving our main course. Medyo natahimik ang buong hall dahil kumakain kaming lahat. Napansin ko ding may hipon ang pagkain ni KJ. Kaya agad kong kinuha ito at inilipat sa plato ko. Napatingin siya sa akin. "Shrimp" ipinakita ko iyon at saka sinubo. "Why are you always eating my shrimp gayong kahit ikaw naman ay ayaw kainin ang ganyan" inilingan niya ako. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Sa table namin si Heather lang ang maingay, nagkukuwento sa mga nangyayari sa dance floor kanina. She's ranting on how she hates the girls out there. "Sila naman ang papangit dahil sa makapal na make up Heather, hayaan mo na sinisira mo lang ang gabi mo" Benedict pats Heathers head at saka sumubo "Oo nga Heather, hayaan mo na sila" ngumiti ako sa kaniya. Kumalma naman siya at inubos na ang pagkain. Hindi ko naubos ang akin dahil sa dami ng inihanda nila. "Medicine Mira" paaalala ni KJ. Inilabas ko na naman agad ang dala kong naorganize ng gamot ko para sa gabing iyon at ininom. Inabutan niya ako ng tubig na siyang pinagpasalamat ko. Before our last dance, may isa pang sayaw. Nagulat kaming lahat ng pumunta sa table namin si Grace at hinarap si KJ. "Sayaw tayo Kith" tumingin sa akin si KJ. Hindi ko din naman alam kung anong sasabihin ko. Hinila niya si Kith patungong dance floor. "Kasing kapal ng mukha niya talaga iyong make up niya. Dapat di na siya nagmake-up" pangagalaiti ni Heather. "Hayaan mo na, hindi ko naman boyfriend si KJ" sabi ko na lang. I gave this idea up already. Tumayo ako para umalis sa hall, I want to think for a minute. Tutal ay ilang oras na lang ay aalis na ako. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Heather "Magbabanyo lang" sabi ko na lang. Ang totoo ay sa shore ako pupunta. Nasa malapit kami sa dagat kaya rinig na rinig ang along humahampas dito. Before going down to the shore, nakakita ako ng daisy. I pick one up, tinanggal ang heels at naupo na sa buhanginan. I started doing the daisy oracle just like what I always do before. "He loves me" "He loves me not" "He loves me" I pluck every petals in there while thinking and wishing a miracle to happen. Until I reach the last one, napangiti ako ng mapait. Of course. "He loves me not" Ito naman lagi ang sagot kapag humihiling ako ng milagro. Palaging hindi, palaging hindi puwede at palaging ayaw. It's true when they said that you cannot get everything that you want. It's not our choice to choose the things that we want. We can desire or admire things but sometimes we cannot have all of it. Kagaya ng pagmamahal at pagtanggap na gustong gusto ko kay KJ. Maybe it's not really meant to be. I decided to give him the daisy, hindi lang dahil gusto ko siya kundi para tanggapin na kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. It's my way of saying I am giving up and I will take care of my heart now. KJ doesn't know it yet, we never tell everyone that I am leaving, not with KJ kahit si Heather at Benedict. Ang alam ng lahat ay pagkatapos pa ako ng graduation aalis. Napakiusapan na din naman namin si tita Kelly na huwag sabihin sa iba. "There you are" binalingan ko si KJ na hapong hapo kakahanap sa akin. "I told you to tell me where you are going" naupo siya sa tabi ko. "Sinabi ko naman kay Heather na magbabanyo ako" sagot ko. "Is this the bathroom for you?" Pagsusungit niya. "Takot ka bang mawala ako?" I ask out of nowhere. He shrug, gaya ng hindi niya pagsagot madalas sa mga tanong ko. "I don't know why sa dami ng taong puwedeng dapuan ng sakit, bakit ako pa" nakatingin kami ngayon pareho sa dagat. "Why does this disease even existed" huminga ako ng malalim. "Pero alam mo, naisip ko maybe it's His way of saying that I can't get everthing that I want. I've been living my whole life having everything" mahina kong sabi. Inilabas ko iyong bulaklak na kanina ko pa tinatago. Iniabot ko sa kaniya. "Here" nagtaka siya pero tinanggap naman niya. "Pagkatapos ng gabing ito, susubukan kong kalimutan ka. I don't want to do the daisy oracle anymore" hindi siya nagsalita. Tumayo ako kaya tumayo din siya pero pinigilan ko. "Uuwi na ko, huwag mo akong ihahatid o susundan, nasa labas lang si manong inaantay ako" ang mga luha ko ngayon ay hinahayaan ko na lang tumulo. "Sana matandaan mo may isang Mira na gaya ko na nagmahal sa'yo" lumapit ako sa kaniya. Hindi siya gumalaw, I close my eyes, steps forward, closer to him and my lips met his. Dinampi ko ang labi ko aa kaniya. Isang maiksing dampi, kasing iksi ng panahon na na nakasam ko siya nang maayos. I hope hindi siya galit dahil ninakawan ko siya ng halik. Ngumiti ako sa kaniya sa huling pagkakataon pagkatapos at naglakad na palayo. Sinubukan niyang tawagin ang pangalan ko pero ayaw ko nang lumingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD